You are on page 1of 10

Sangay ng mga Paaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Taguig at Pateros

TAGUIG INTEGRATED SCHOOL-JUNIOR HIGH SCHOOL


FILIPINO 9

Pangalan: _____________________ Baitang at Pangkat: ______________ Petsa:________

Pagsasanay bilang: ____


Paksa: Maikling Kuwento ng Singapore

I. Kasanayang Pampagkatuto

Code Kasanayang Pampagkatuto


F9PN-Ia-b-39 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa napakinggang akda
F9PB-Ia-b-39 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
F9PT-Ia-b-39 Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo o
konotatibong kahulugan
Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
F9PD-Ia-b-39 kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan
Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - Paksa - Mga tauhan - Pagkakasunod-sunod
F9PS-Ia-b-41 ng mga pangyayari - estilo sa pagsulat ng awtor - iba pa
F9PU-Ia-b-41 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda
F9WG-Ia-b-41 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pag-ugnay

II. Mga Gawain

A. Gawain 1
Ang denotatibo ng salita ay tumutukoy sa tiyak na kahulugang ikinakapit dito ito ang
karaniwang matatagpuan sa diksyunaryo.. Sa isang banda naman, ang konotatibo ay
dagdag o mas malalim na kahulugang patungkol sa salita.
Halimbawa:
a. Malapit ng bumigay ang haligi ng aming tahanan. (denotatibo)
b. Ang aking ama ang nagsisilbing haligi ng aming tahanan. (konotatibo)

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin kung denotatibo o konotatibo ang
kahulugang ikinakapit sa mga salitang may salungguhit.
_______________ 1. Ang edukasyon ang nagsisilbing susi sa kinabukasan ng bawat
kabataan.
_______________ 2. Sino sa inyo ang nakakita ng nawawalang susi ng sasakyan?
_______________ 3. Si Angel ay isang mayamang may puso para sa mga mamayang
nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
_______________ 4. Sintigas ng bato ang puso ng kanyang ama.
_______________ 5. Sakit sa puso ang ikinamatay ng pasyente sa Ward 8.
_______________ 6. Nakasisilaw na yaman ang laman ng baul ni Mang Juan.
_______________ 7. Ang yaman ng dagat ang patuloy na bumubuhay sa mga
mangingisda.
_______________ 8. Ingatan at paunlarin natin ang yaman ng kagubatan.
_______________ 9. Nawalan ng malay ang ina nang Makita ang grado ng anak.
_______________ 10. Huwag nawang madamay ang mga batang walang malay.
B. Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa 4 Pics 1 Word. Isulat sa kahon ang hinihinging
sagot.
1. 2.

C. Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento mula sa bansang Singapore na
pinamagatang Ang Ama. Sa pamamagitan ng Story Frame, pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari sa akdang binasa. Isulat ang bilang 1 hanggang 6 at ilagay sa patlang ang
maikling pagsasalaysay tungkol sa tagpong naganap sa larawan.

Ang Ama
Ni Catherine Lim
Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama. Ang takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y
inuuwi ng ama -malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,
para sa sarili lang niya ang iniuuwingpagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang
maubosniya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo satira ang mga bata na
kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina namabigyan ng kaniya-kaniyang
parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarapna pagkain, sa mga pinakamatanda at
malakas na bata lamang mapupunta anglahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, doseanyos,
at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, atnagagawang sila lang lagi
ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upangtiyaking may parte rin ang maliliit.
May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos,isang maliit na babae, otso anyos at isang
dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, aymaingay na naghahangad ng marapat niyang parte
sa mga pinag-aagawan. 2
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ngama
ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawangsupot na
puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain nahirap nilang
ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ngkaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi
ngpagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kunghindi
ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasapa rin sila,
at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matangtitingnan nila
kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kungumuuwi itong
pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa amaat umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.Madalas na
masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mgabata na humihikbi sa
mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mataniyon ay mamamaga, kaya
mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalakingbahay na katabi nila. Sa ibang mga
gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
pagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa
kanilang ama at sila'ymagtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otsoanyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sakaniyang mga
binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulitsiyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya aynakaupo sa
bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banigkasama ang ibang
mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya angpinakamatandang lalaki at
babae, na malakas siyang irereklamo sa ina napagagalitan naman siya sa pagod na
boses; pero sa gabing naroon ang ama,napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa
mesa, iniingatan nilang mabuti nahindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parangkudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw, atkung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at
hahampasin iyon nangbuong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang
ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahilnasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isangmahahabang
halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang batagayung binalaan
nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama aybumagsak sa nakangusong
mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kungsaan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay angibang mga bata sa inaasahang gulo.
Nahimasmasan ng ina ang bata sapamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayonmay
isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon nanakatatanda sa
sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong arawna nakaupong
nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilangnawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itonginilagay sa mga palad
ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol.

3
Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madalingnakarating sa
kaniyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noondi'y nagdesisyong
kunin siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mgaanak. Dala ng kagandahang-
loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakipang munting abuloy (na minabuti
nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalakimismo). Nang makita niya ang dati niyang
amo at marinig ang magaganda nitongsinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyakat kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupitna
inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyangdugo at
laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na
bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awakong Mui Mui! Kaawa-awa kong
anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -payat, maputla, at napakaliit - at ang
mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig samatipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilitsiyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y
lumayo na may luha sa mga mata atbubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at
iresponsable, pero tunay na mahalniya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo.Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot
niyasa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot namanito
agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa mandito ay
hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya nalumabas siya ng
bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanongnila. Sinundan nila ito
ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nilana uuwi itong dalang muli
ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supotna
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindimakapaniwala ang
mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mgatsokolate? Tumingin silang
mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ngbiskwit. Nagtaka ang mga bata kung
ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon
satindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay
kendi,'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malakingbahay
na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat atpagngisi sa
pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo atnanghula ang mga
bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inipsilang lumabas ito ng
kaniyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.Hindi
dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mgakamay sa pinag-
iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at mulinglumabas ng bahay. Hindi
matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila nasana, nagbulingan ang dalawang
pinakamatanda nang matiyak na hindi silamaririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya
pupunta." Nagpumilit na sumamaang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo
sa ama. Sa karaniwangpagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa
bahay, perongayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod


nakaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-
dahanginilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak,
walangmaiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
4
Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang
mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang
mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak angama. Naiwan sa katawan ang
basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kaninapang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malakingbahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo
sila tulad sa isangpiging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.

A. B.
C.

D. E.
F.

Ang Maikling Kuwento ay isang maikling Salaysay ng isang mahaagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan, karaniwang hango sa mga pangyayari sa tunay na buhay,
sumasaklaw sa maikling panahon, at nag-iiwan ng iisang kakintalan o impresyon lamang.
Narito ang ilan sa mga elementong sangkap ng maikling kuwento:
A. Tagpuan- tumutukoy sa panahon at pook na ginaganapan ng kuwento.
B. Tauhan- mayroong mabuting tauhan na siyang bida o protagonista; at ang kabaligtaran
niya, ang kontrabida o antagonista.
C. Tema o paksang diwa- ito ang pangunahing kaisipan ng kuwento. Sumasagot sa 5
tanong na “Ano ang nais ipabatid ng sumulat nito?”
D. Himig- tumutukoy sa damdamin ng mga usapan o ng mismong kuwento.
E. Estilo- ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento.
F. Banghay- Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
1) Simula- paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan o suliranin na haharapin ng
pangunahing tauhan.
2) Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
3) Tunggalian- bahaging kababasahan ng pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa
mga suliraning kakaharapin.
4) Kasukdulan- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang pnaglalaban.
5) Kakalasan- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento
mula sa maigting na mga pangyayari sa kasukdulan.
6) Wakas- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring Masaya,
malungkot, pagkatalo, pagkapanalo o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na
open-ended.

Gawain 4
Panuto: Punan ang kahon ng mga hinihinging elementong sangkap at banghay ng mga
pangyayari mula sa maikling kuwentong “Ang Ama”.

TAGPUAN TAUHAN TEMA

BANGHAY ESTILO HIMIG

SIMULA SAGLIT NA KASIGLAHAN TUNGGALIAN

WAKAS KAKALASAN KASUKDULAN

6
Gawain 5
Panuto: Ilarawan ang iyong ama gamit ang Pagkakakilanlan ng Karakter. Subukan
mong sagutin nang matapat ang mga tanong kaugnay sa kanya. Maaari ding ilarawan
ang tiyo, lolo, amain o kahit na sinong lalaking nag-aaruga sa iyo o kinikilalang ama
kung hindi mo man kapiling ang iyong tunay na ama.

1. Paano mag-isip ang iyong ama 2. Paano niya ipinadarama sa iyo


kapag nagbibigay siya ng ang pagmamahal bilang
solusyon sa isang problemang kanyang anak?
pampamilya?
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________

4. Paano niya ginagabayan ang


buong pamilya tungo sa
3. Ano-ano ang kanyang mga
isang mas maunlad na
ginagawa upang mas
pamumuhay?
maging maayos ang inyong
pagsasama bilang mag- ___________________________
anak? ___________________________
______________________
___________________________
A. Gawain 2
___________________________

Paggamit ng mga Kataga/Pahayag na may Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari

Karaniwang ginagamitan ng mga kataga/pahayag na una, pangalawa, pangatlong


pangyayari, nagsimula ang kuwento, sumunod, kasunod, bilang wakas ng kuwento at iba
pa. Isang kasanayan sa pagbasa ang pagsunod-sunod ng mga pangyayari.
Nakatutulong ang mga kataga/pahayag sa maayos na pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari upang masundan nang maayos ang kuwento, Malaking tulong din ito upang
maunawaan ang mga pangyayari sapagkat may ugnayan ang mga ito.
Naging gabay ang nasabing kataga/pahayag kung anong bahagi na ng kuwento
ang isinasalaysay.

7
URI NG PANGATNIG HALIMBAWA
1. Panapos- Pangatnig na nagsasaad na malapit • Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam
nang matapos ang pagsasalita o ang nais kong promosyon ssa trabaho.
ipahiwatig ng pangungusap. • Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
• Sa di-kawasa, ang sa pagpapatalsik kay
Ombudsman Gutierrez ay tinapos na ng
Kamara.
• Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang
paghuhusga.

2. Pananhi- Nagsasaad ng kadahilanan o katwiran  Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa


para sa natapos na kilos. kasisigaw.
 Sanhi ng init ng panahon kaya siya nilagnat.
 Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang
ulan.
 Nahilo si Anna, mangyari ay ikot siya nang
ikot.
3. Pamukod- Ginagamit sa pagbubukod o • Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal
pagtatangi. ay wala akong tutol.
• Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung
si Roger man ang piliing lider natin.
• Walang diperensya sa akin maging si Jose ang
magwagi sa paligsahan.
• Ni Sermunan o saktan
4. Paninsay- Pangatnig kung saan sinasalungat ng • Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit
naunang parte ng pangungusap ang ikalawang (kahit na) maraming naninira sa kanya.
bahagi nito. • Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman
tindera lang sa palengke.
• Mayaman nga si Donya Agida ngunit
matapobre naman.
5. Panubali- Nagsasaad ito ng pag-aatubili o pag- • Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi
aalinlangan. umuwi nang maaga ang Tatay.
• Sasayaw ako kung await ka.
• Kapag umulan, hindi makapupunta rito si
Boyet.
• Hindi tayo makahuhuli ng maraming isda
sakaling lumitaw ang buwan.
6. Panimbang- Pangatnig na gamit kung naghahayag • Nagpiknik sa bukid sina Wena at Gasi.
ng karagdagang impormasyon at kaisipan. • Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
• Anupa’t pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral
para makaahon sa kahirapan.
• Nagtanim siya ng upo at saka patola.
7. Pamanggit- Pangatnig na gumagaya o nagsasabi • Siya raw ang hari ng sablay.
lamang ng iba. • Sa ganang akin, mali ang paniniwala mo.
• Di umano, mahusay umawit si Blanca.
• Masisipag daw ang mga taga- Ilokos.
8. Panulad- Gumagaya o tumutulad ng mga • Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.
pangyayari, kilos o gawa. • Kung sino ang unang tumakbo, siyang
mananalo.
• Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring 8
biyaya sa iyo.
GAWAIN 6
Panuto: Bilugan ang mga pangatnig na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa patlang
kung anong uri ng pangatnig ang mga salitang binilugan.
______________ 1. Siya raw ang hari ng sablay.
______________ 2. Dumalo ang mga kamag-anak ni Rina pati ang kanyang malalapit
na kaibigan upang makisaya sa kanyang kaarawan.
______________ 3. Kahit malakas ang ulan, hindi pa rin hindi pa rin lumikas ang mga
taong nakatira malapit sa estero.
______________ 4. Matalino at mahusay si Mark ngunit maingay at magulo naman siya
sa klase.
______________ 5. Nakapagtapos pa rin ng pagdodoktor si Kris bagama’t nahirapan
ang kanyang magulang sa paghahanap ng pagkukunan ng matrikula.
______________ 6. Sa wakas, naunawaan ko rin ang paksa namin sa matematika.
______________ 7. Kung sino ang nangangailangan, sila ang bigyan mo.
______________ 8. Nakikita niya di umano ang mga mangyayari sa hinaharap.
______________ 9. Maganda ang kanyang mukha ngunit siya ay suplada.
______________ 10. Nagluto siya ng laing at saka pritong isda.

Gawain 7
Panuto: Sa pamamagitan ng FOR (Formulate Rules), bumuo ng mga tuntunin kung
paano dapat pagalagaan ng isang kabataang Asyano ang likas na yaman na
nagdudulot ng maunlad at masaganang kabuhayan. Gawing pabilang ang bubuoing
mga tuntunin.

FOR (Formulate Rules)

1- ____________________________________________________________
2- ____________________________________________________________
3- ____________________________________________________________
4- ____________________________________________________________
5- ____________________________________________________________

III. Pamantayan sa pagbibigay ng Marka at Puna ng Guro

Tala/ Puna ng Guro

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________

9
Iniwasto ni:

EVELYN S. ARELLANO
Guro sa Filipino Petsa:____________________

IV. Sanggunian (APA Format)

10

You might also like