You are on page 1of 45

Yunit 4

Panginoon ang Sandigan sa Paggawa ng Kabutihan


Aralin 1: Magtiwala Tayo sa Diyos
Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Natutukoy ang mga damdaming ipinahihiwatig sa tekstong binasa
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nauunawaan na may mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat
na kahulugan
Pagsulat
Nakasusulat ng angkop na caption ng mga larawan
Nakapagbabahagi ng kaugnay na pangungusap sa kuwentong isinusulat
ng klase
Pag-unawa sa Binasa
Naipaliliwanag sa sariling pananalita ang mga natutuhan sa akdang binasa
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naiguguhit ang mensahe/kaisipan ng tekstong pinakinggan
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang salita
pangungusap
Pagbabaybay
Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap
Komposisyon
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay, o
larawan

UNANG ARAW
Layunin
Natutukoy ang mga damdaming ipinahihiwatig sa tekstong binasa
Nauunawaan na may mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat
sa kahulugan
Naipaliliwanag sa sariling pananalita ang mga natutuhan sa akdang binasa
Paksang-Aralin
Magkasalungat at Magkasingkahulugang mga Salita
Kagamitan
larawan ng iba’t ibang damdamin, batang tumutulong sa matanda
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin”, pahina 378 ng LM.
Tukoy-Alam
Gumuhit ng isang mukha at ipakita dito ang nararamdaman.

140
Bakit ganito ang iyong pakiramdam?
Paglalahad
Nakasaksi ka na ba ng isang aksidente?
Ano ang naramdaman sa pangyayaring ito?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Ipabasa nang malakas ang pangkat ng mga salita mula sa komiks strip.
Pag-aralan ang mga salitang magkakasing kahulugan at magkasalungat ang
kahulugan.
Magkasingkahulugan Magkasalungat na kahulugan
Panginoon-Diyos natutuwa-nalulungkot
banggaan-aksidente natatakot-mahinahon
dasal-dalangin matalino-mangmang
nasawi-namatay
Basahin ang usapan sa LM, pahina 379. .
Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 379.
Tungkol saan ang usapan?
Ano ang suliranin sa usapan?
Ano-anong damdamin ang nasa usapan?
Ano ang ginawa ng mag-ama sa kuwento?
Tama ba ang ginawa nila?
Ipasalaysay muli ang usapang binasa.
Bakit kailangang magtiwala at magpasalamat sa Panginoon?
Ipagawa ang “Pahalagahan Natin”, pahina 379 ng LM.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang“Gawin Natin”, sa pahina 379 at Sanayin Natin”, pahina 380
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa pahina 381 ng LM.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, pahina 381 ng LM.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Naiguguhit ang mensahe/kaisipan ng tekstong binasa
Natutukoy ang mga salitang may maling baybay sa isang pangungusap
Paksang Aralin
Pagbibigay ng Kaisipan ng Tekstong Binasa
Tukoy-Alam
Ipabasa ang ilang mga pangungusap na may mga salitang may maling
baybay.
Ipatukoy sa mga bata ang mga mali sa bawat pangungusap.
Ipatama ang mga ito.
Paglalahad
Nakaranas ka na ban a tumulong ka kapwa?
Sa paanong paraan? Pag-usapan ito sa klase.

141
Ano ang pakiramdam mo pagkatapos mong tumulong sa kapwa?
Pagpapayaman ng Talasalitaan
A. Basahin at pag-aralan ang mga salitang magkasingkahulugan mula sa
binasa.
matutuhan malaman, maintindihan,maunawaan
pag-ibig pagmamahal, pag-irog
lingapin alagaan, kalingain, asikasuhin
kaalit kaaway, kagalit, kaibayo, kalaban
naghihikahos naghihirap, nagdarahop
B. Mula sa mga salitang magkakasingkahulugan sa itaas, ibigay ang mga
salitang kasalungat nito at gamitin sa sariling pangungusap.
matutuhan lingapin
naghihikahos kagalit
pag-ibig
Ipabasa ang teksto sa “Basahin Natin.”
Talakayin ang binasa sa pamamagitan ng “Sagutin Natin.”
Ano ang kaisipang nais ipabatid ng teksto? Iguhit ang sagot.
Ano-anong salita sa teksto ang mali ang pagkakabaybay?
Paano ito iwawasto?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, pahina 383.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, pahina 383.
Pasagutan ang “Sanayin Natin”, sa LM pahina 383.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa pahina 384 ng LM.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, pahina 384 ng LM.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ng
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng malaking letra sa isang salita o
pangungusap
Nakasusulat ng angkop na caption sa mga larawan
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pang-ukol na ng
Kagamitan
larawan na nagpapakita ng pagtulong sa kapwa
Tukoy-Alam
Magpakita ng ilang mga larawan ng pagtulong sa kapwa.
Pag-usapan ito.
Pabigyan ito ng caption. (Ipaliwanag kung ano ang caption)

142
Paglalahad
Ano ang gagawin mo kung walang dalang pagkain ang isa sa iyong
kaklase?
Basahin muli ang kuwentong binasa nang nagdaang araw.
Papiliin ng isang pangungusap ang mga mag-aaral buhat sa binasang teksto.
Ipabasa ito sa mga bata.
Paano ito isinulat?
Kailan ginamit ang malaking letra?
Bigyang pansin ang mga pariralang pinagdugtong ng ng.
Paano natin maipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 385.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “GawinNatin”, sa LM pahina 385.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM pahina 386 ng LM.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol na ng?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, pahina 386 ng LM.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” pahina 387.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap tungkol sa isang bagay, o
larawan
Paksang-Aralin
Pagbuo ng Payak na Pangungusap
Kagamitan
larawan ng magkapatid na nagtutulungan
Tukoy-Alam
Paglalarawan ng mga bata ng kanilang sariling gamit.
Paglalahad
Hatiin ang klase sa ilang pangkat.
Bigyan ang bawat pangkat ng isang puzzle upang buuin.
Pagpapakita ng natapos na gawain.
Paano ito nabuo nang mabilis?
Ipabasa muli ang kuwentong binasa nang nagdaang araw.
Tungkol saan ang binasang teksto?
Pumili ng isang pangunngusap.
Ipabasa ito sa mga bata.
Paano ito sinimulan? Tinapos?
Magpakita pa ng ilang mga larawan. Hayaang magbigay ang mga bata ng
pangungusap tungkol dito.
Kunin ang reaksyon ang mga bata sa:
Ang mabuting bata ay kayamanan ng mga magulang.
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM pahina 388.

143
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 388.
Pasagutan ang “Sanayin Natin sa LM, pahina 388.
Paglalahat
Ano ang payak na pangungusap?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 389.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 389 at “Sulatin Natin” sa
pahina 389

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan
Nakasusunod nang maayos sa mga panuto
Panimulang Gawain Gawain
Ipaliwanag ang mga panuto para sa pagsusulit.
Ipahanda ang mga kagamitang gagamitin.

A. Ibigay ang angkop na pang-ukol.


1. Huwag tayong laging kumain _____ taba ng karne upang makaiwas
sa sakit.
2. Inanod ____ tubig-baha ang aming mga kagamitan.
3. Pagtitipid _____ kuryente ay dapat nating ugaliin.
4. Sanayin din natin na kumain _____ mga sariwang gulay.
5. Ang magandang ugali _____ tao ay isang kayamanan.
B. Lagayan ng tsek (√) ang pahayag na angkop sa larawan.

________ maputi at mabangong mga bulaklak


6. ________ nalalantang mga bulaklak
________ panregalong bulaklak

7.
________ nagkakaisa at masayang pamilya
________ nag-aaway-away na pamilya
________ madasaling pamilya

8. ________ lumang aklat


________ manipis na aklat
________ makakapal na aklat

144
C. Basahin ang teksto at piliin ang kaisipan nito.

Matalinong bata si Nelia, pero sa panlalamang sa kapwa niya


ginagamit ang talinong taglay. Pinagalitan siya ng kaniyang guro at
magulang dahil sa hindi maganda niyang ginagawa.
Sadyang matigas ang ulo ni Nelia. Hindi niya sinusunod ang
mga payo sa kanya, kaya marami ang nagagalit sa kanya. Walang
nagmamahal kay Nelia.
Isang gabi, nanaginip siya na siya raw ay nakakulong sa isang
nag-aapoy na lugar dahil sa kaniyang masamang gawain. Nagising si
Nelia at ipinangako niya sa sarili na magbabago na siya.

____ Maglinis palagi ng ating kapaligiran.


____ Gamitin sa tama ang katalinuhan.
____ Igalang ang mga magulang.
____ Magdasal sa tuwi-tuwina.
____ Laging makiisa sa paggawa ng mabuti.
D. Isulat sa loob ng speech balloon ang natutunan mo sa binsang teksto.

E. Isulat ang = kung ang mga salitang magkatapat ay magkasingkahulugan


at x kung magkasalungat.
_____ 11. masinop-burara
_____ 12. masigla-malungkot
_____ 13. maganda-marikit
_____ 14. mabuti-masama
_____ 15. mahal-iniibig
F. Sipiin ang liham ni Connie para sa kaniyang Tita Beth. Isulat nang wasto
ang mga makikitang pagkakamali dio.
mawhal kung Teta bibeth,
Komosta ka na Tita? Mabute namam kami dito sa
Filipinas sa tulong ng dios. Sna nsa mabote kang
kalagayan tita. Sana omuwe k na mula sa amerika.
Namimis ka na naming.
Gnamamahal,
conie

145
G. Sumulat ng caption para sa bawat larawan.

Aralin 2 :Paggalang sa Diyos at Kapwa


Lingguhang Layunin
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni at nina
Pag-unawa sa Binasa
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa kuwento
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nasasabi ang simula, gitna, at wakas ng kuwento
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nakaklasipika ang mga karaniwang salita sa mga konseptwal na kategorya
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Nauunawaan ang kaibahan ng kathang-isip at hindi kathang-isip na teksto
Pagbabaybay
Nakasusulat ng mga dinaglat na mga salita
Wikang Binibigkas
Nakapagpapahayag ng sariling ideya/kaisipan/damdamin
Komposisyon
Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan upang maipahayag ang sariling
damdamin at ideya

UNANG ARAW
Layunin
Nakaklasipika ang mga karaniwang salita sa mga konseptuwal na kategorya
Nasasabi ang katangian ng mga tauhan sa kuwento
Nasasabi ang simula, gitna, at wakas ng kuwentong binasa
Paksang Aralin
Pagkaklasipika ng mga Karaniwang Salita sa mga Konseptuwal na Kategorya
Kagamitan
larawan ng mga pangkat etniko
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” , sa LM, pahina 390.
Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang kuwentong nabasa o
napakinggan sa tulong ng talaan.

146
Pamagat
Tagpuan
Mga Tauhan
Simula ng Kuwento
Katapusan ng
Kuwento
Paglalahad
Ipakita ang larawan ng mga pangkat-etniko sa bansa.
Paghambingin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagsasabi ng katangian ng
bawat isa.
Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM,pahina 390.
Ipagawa ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 392.
Ano ang pamagat ng kuwento?
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat tauhan.
Paghambingin ang mga tauhan sa kuwento.
Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?
Ano ang simula ng kuwento? Katapusan?
Ano ang suliranin ng kuwento? Solusyon sa problema?
Ipabasa ang mga salita mula sa kuwento.
guro baluga Aeta usapan
bata paaralan Janet laruan
nanlalait niyakap mag-aaral kapwa
bayan hintuturo titser barangay
Ipapangkat ang mga ito. Pabigyang katwiran ang ginawang pagpapangkat.
Alin-alin ang ngalan ng tao? Bagay? Lugar?
Ano ang maaaring itawag natin sa bawat pangkat?
Paano natin maipakikita ang pagmamahal at paggalang sa kapwa?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 392.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 393.
Psagutan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 393.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 394.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 394.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Napaghahambing ang mga tauhan sa kuwento
Nauunawaan ang kaibahan ng kathang-isip at hindi kathang-isip na teksto
Paksang Aralin
Katha at di-Kathang Isip na Teksto

147
Tukoy-Alam
Ipatala sa mga bata ang mga napakinggan at nabasang kuwento.
Alin-alin sa mga ito ang tunay na nangyayari sa buhay at alin ang hindi?
Paglalahad
Ano ang alaga mong hayop?
Paano mo ito alagaan?
Pagbabahagi ng sariling karanasan tungkol sa alagang hayop.
Basahin ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 395.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 396.
Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
Ilarawan ang bawat tauhan.
Ihambing ang tauhan sa kapwa tauhan sa kuwento.
Makatotohanan ba ang kuwento?
Paano mo nasabi?
Kailan sinasabing kathang-isip at hindi kathang-isip ang isang kuwento?
Paano mo maipakikita ang paggalang sa kapwa mo?
Basahin ang“Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 397.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 397.
Pasagutan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 398.
Paglalahat
Ano ang pagkakaiba ng kathang-isip at di-kathang isip na teksto?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 398.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 398.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ni at nina
Nakapagpapahayag ng sariling ideya/kaisipan/damdamin nang may wastong
tono at diin
Paksang Aralin
Gamit ng ni at nina
Paglalahad
Hayaang ilarawan ng mga bata ang kanilang mga naging guro.
Ipabasang muli ang “Titser Gosoy”.
Pasagutan ang “Sagutin Natin.”
Ipabasa sa mga bata ang sumusunod na pangungusap.
Tinulungan ni Elsa ang matanda sa pagtawid sa kalsada.
Kasama nina Inay at Itay si Kuya Rommel sa paglilinis ng baradong
kanal.
Ayokong pagtakpan ang pagsisinungaling ni Belle.
Ang pananalig ni Kristo ay tinularan nina San Pablo, San Juan, San
Marcos, at San Mateo.
Ang pag-iibigan nina Mel at Joey ay hinangaan ni Kim.

148
Kailan ginagamit ang ni? Nina?
Paano mo ipakikita ang paggalang sa ibang tao?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 399.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, pahina 399 sa LM
Pasagutan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 400.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang ni at nina?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 401.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, pahina 401 sa LM.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakasusulat ng mga dinaglat na mga salita
Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan upang maipahayag ang sariling
damdamin at ideya.
Paksang Aralin
Pagsulat ng Dinaglat na Salita
Tukoy-Alam
Ipabasa ang mga salitang dinaglat na nakasulat sa flashcards.
Paglalahad
Nakatanggap ka na ba ng isang liham?
Ano ang nilalaman nito?
Ano ang naramdaman mo nang makatanggap nito?
Ano ang ginawa mo matapos itong mabasa?
Ipabasa ang “Basahin Natin.”
Pagsagot sa “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 403.
Pag-usapan ang liham na nabasa.
Ano ang nilalaman nito?
Ano-ano ang bahagi nito?
Bakit gumawa ng liham si Loradel?
Kung ikaw si Lucy paano mo ito sasagutin?
Hayaang gumawa ng liham ang mga bata.
Ipabasa ang mga pinaikling salita o mga dinaglat na salita sa liham.
Paano isinusulat ang mga dinaglat na salita?
Paano mo ipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang bahaging “Gawin Natin”, sa LM, pahina 403.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 404.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 404.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang bahaging “Linangin Natin” sa LM, pahina 405.

149
IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Pagtataya
A. Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina ang mga pangungusap.
1. Hiningi ______ Tita Lorna ang aming mga lumang laruan.
2. Pagsunod sa utos ng mga magulang ang ipinangangaral _____ Titser
Ivy at Titser Boyet.
3. “Maging makakalikasan tayo,” ang sabi _____ Padre Burgos.
4. Tinanggap na ______ Ate at Kuya ang kanilang pabuya.
5. Pinaghahandaan ______ Mayor Del de Guzman ang pagbabago at
pagpapaunlad sa kanyang bayan.
B. Daglatin ang mga sumusunod na salita:
6. Lunes 11. Ginang
7. Disyembre 12. Pangulo
8. Oktubre 13. Kongresista
9. Mister 14. Kagawad
10. Ginoo 15. Binibini
C. Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ang masayang pamilya ay kahanga-hanga. Ibinibigay ng mga magulang


ang pangangailangan ng mga anak. Ang mga anak naman ay gumagalang sa
kanilang mga magulang. Sinusunod nila ang utos ng kanilang ama’t ina. Ang
mabuti at masayang pamilya ay sandigan ng isang matatag na pamayanan.
Nangunguna ang mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak.
Ang pagdisiplina ay bahagi ng kanilang pagmamahal sa mga anak. Pinalalaki nila
ang mga bata na may takot at pagmamahal sa Diyos.
16. Anong klaseng pamilya ang kahanga-hanga?
a. masaya b. matalino c. matapang
17. Ang mga anak ay ________ sa kanilang mga magulang.
a. sumusuway b. nagmamaktol c. gumagalang
18. Pinalalaki ng magulang ang mga anak na may takot at pagmamahal sa
______.
a. Diyos b. kapwa c. magulang
19. Alin ang nagpapakita ng pagmamahal ng mga magulang sa mga
anak?
a. pagpapalayaw b. pagpalo c. pagdisiplina
20. Kapag ang isang pamilya ay masaya at mabuting pamilya, alin sa
sumusunod ang ibubunga nito sa bayan?
a. Maghihirap ang bayan
b. Magiging matatag ang bayan
c. Ikahihiya ang bayan
D. Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 405.

150
Aralin 3: Karapatan Mo, Igagalang Ko

Lingguhang Layunin
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nauunawaan ang gamit ng salita sa pangungusap
Pag-unawa sa Binasa
Nakapaghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upang
matugunan ang mga tanong
Wikang Binibigkas
Naisasalaysay muli ang tekstong pinakinggan
Kamalayang Ponolohiya
Natutukoy ang mga paraan sa pagbuo ng bagong salita
Pag-unawa sa Pinakinggan
Naibibigay ang paksa ng tekstong pang-impormasyong napakinggan
Gramatika
Nagagamit ang pang-ukol na kay at kina
Pagsulat
Nakasusulat ng mga pangungusap na nagsasalaysay
Nasisipi ang salita /maikling pangungusap mula sa huwaran
Komposisyon
Nakapagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay na
isinulat sa klase
Pagbabaybay
Naisusulat ang mga salita nang may wastong baybay

UNANG ARAW
Layunin
Nauunawaan ang gamit ng salita sa pangungusap
Nakapaghahanap ng mga impormasyon sa teksto na kailangan upang
matugunan ang mga tanong
Naisasalaysay na muli ang tekstong napakinggan
Paksang Aralin
Gamit ng Salita sa Pangungusap
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin”, sa LM, pahina 406
Tukoy-Alam
Magpaguhit ng isang bagay na nais iregalo sa sariling ina o sa mga kapatid o
kaibigan.
Ipakita ang natapos na gawain at sabihin kung para kanino ang iginuhit.
Paglalahad
Pag-usapan ang mga napapanood o napapakinggang patalastas ng mga
bata.
Bakit mo ito nagustuhan?
Ano ang mensahe nito?

151
Ipabasa ang “Basahin Natin”, sa LM, pahina 407.
Ipagawa ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 408.
Tungkol saan ang binasang teksto?
Hayaang isalaysay muli ng mga bata ang binasang teksto.
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pangungusap?
Paano ipakikita ang paggalang sa karapatan ng ibang tao?
Pag - usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 408.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 409.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 409.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, pahina 409 sa LM.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangn Natin”, sa LM, pahina 410.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Natutukoy ang mga paraan ng pagbuo ng mga bagong salita
Nakikilala at nabibigyan ng kahulugan ang mga hindi pamilyar na salita
Naibibigay ang paksa ng tekstong pang-impormasyong napakinggan
Paksang Aralin
Pagkilala at Pagbuo ng mga Bagong Salita
Kagamitan
larawan ng dating Pangulo Corazon C. Aquino
Tukoy-Alam
Bigyan ang mga bata ng flashcard na may nakasulat na pantig.
Humanap ng kapareha o mga kasama upang makabuo ng isang salita.
Pagbasa ng mga nabuong salita.
Paglalahad
Ipakita ang larawan at pag-usapan ang nalalaman tungkol sa dating
Pangulong Corazon Aquino.
Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM pahina 410.
Ano-ano ang salitang ginamit sa teksto ang hindi mo maunawaan?
Linangin ang bawat salitang ibinigay ng mga bata.
Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Pumili ng isang salita mula sa mga ibinigay ng mga bata.
Ipabasa ito.
Pantigin ang salitang ito.
Ano-ano ang pantig na bumubuo dito?
Paano naman nabubuo ang isang pantig?
Paano ipakikita ang paggalang sa kababaihan?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 412.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 412.

152
Gawin ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 413.
Paglalahat
Paano nabubuo ang isang salita?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 414.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 414.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na kay at kina
Nakasusulat ng pangungusap na nagsasalaysay
Paksang-Aralin
Pang-ukol na kay at kina
Tukoy-Alam
Magpakita ng ilang mga gamit na pambabae at gamit na panlalaki.
Ipatukoy sa mga bata kung para kanino ang bawat isa.
Paglalahad
Hayaang mamasyal ng ilang saglit ang mga bata sa labas ng silid-aralan.
Pagbalik sa klase, pag-usapan ang mga nasaksihan sa labas.
Pag-usapan kung alin ang nais na isulat sa pisara.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng mga pangungusap upang makumpleto
ang isang talata tungkol sa pangyayaring nasaksihan sa labas ng silid-aralan.
Ipabasa ang “Karapatan ay Igalang” sa "Basahin Natin” sa LM pahina 407.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”,sa LM pahina 415.
Ipabasa ang mga pangungusap na may kay at kina.
Kailan ginagamit ang kay? Ang kina?
Paano natin pahahalagahan ang ating mga karapatan?
Sagutin ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 415.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM pahina 415.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM pahina 416.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang kay? Ang kina?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM pahina 416.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina 417.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakapagbabahagi ng mga kaugnay na pangungusap sa talambuhay na
isinusulat ng klase
Nakasusulat ng mga salita na may wastong baybay
Paksang Aralin
Pagsulat ng Maikling Talambuhay
Kagamitan

153
Individual Information Form
Tukoy-Alam
Hayaang punan ng mga bata ang Individual Information Form.
(Ito ay isang form na gagawin ng guro upang makuha ang mga impormasyon
tungkol sa bawat mag-aaral tulad ng kaarawan, tirahan, pangalan ng mga
magulang at iba pa).
Paglalahad
Hayaang magbahagi ang bawat bata ng nalalaman nila tungkol sa dating
Pangulong Aquino.
Pagbasa ng maikling talambuhay ni dating Pangulong Corazon C. Aquino.
Sagutan ang “Sagutin Natin,”
Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo tungkol sa dating
Pangulong Aquino?
Isalaysay muli sa sariling pangungusap ang buhay ni Pang. Aquino.
Ano ang talambuhay?
Bakit sumusulat ng isang talambuhay?
Hayaang iwasto ng mga bata ang mga salitang ipakikita na may maling
baybay. (Gumamit ng show me board para dito)
Paano natin mapahahalagahan ang ating buhay?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 418.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 418.
Gawin nang pangkatan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 419.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 419.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 420.
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa sariling talambuhay.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga tanong
Nasisipi ang salita /maikling pangungusap mula sa huwaran.
Panimulang Gawain
Ihanda ang mga bata sa gawain.
Ipaliwanag ang mga panuto sa pagsusulit.
Pagtataya
A. Punan ng wastong pang-ukol na kay at kina ang mga patlang upang
mabuo ang ang mga pangungusap sa mga talata.

154
Nagtungo kami 1. ___ Aldrin. Naabutan namin siya na
nagpapakain ng mga alagang manok sa kanilang bakuran. Pagkatapos
magpakain ay masaya niyang iniabot 2. ___ Mang Pilo ang mga itlog ng
manok. Natuwa namang idinaan ito ni Mang Pilo 3. ____Aling Nene at
Lora na abala sa pagbubukod ng mga itlog ayon sa laki at liit nito para
ibenta.
Iniabot ko 4. ____Aldrin ang aming pasalubong na puto. Masaya
niya itong kinain at ibinahagi rin niya ito 5. ____ Mang Pilo, Aling Nene at
Lora. May inihanda rin pala silang nilagang itlog na pinagsaluhan namin.

B. Isulat sa patlang ang letra ng impormasyon sa ibaba na sasagot sa


sumusunod na tanong
_____6. Kailan ka ipinanganak?
_____ 7. Sino-sino ang mga kapatid mo?
_____ 8. Saan ka nag-aaral?
_____ 9. Maaari bang sabihin mo kung sino ang iyong mga magulang?
_____10. Ilan kayong magkakapatid?

a. Tatlo kaming magkakapatid.


b. Ang mga magulang ko ay sina Mario Nicolas at Viring Nicolas.
c. Ako ay kasalukuyang nag-aaral sa San Mateo Elementary School.
d. Ang mga kapatid ko ay sina King Cortes at Noriel Cortes.
e. Ako ay ipinanganak noong ika-5 ng Nobyembre 2005.

C. Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.


Ang dating Pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita
Cory. Siya ay asawa ng dating senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya dahil sa naganap na EDSA
Revolution noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na si
Ferdinand E. Marcos. Ang kanyang naisagawa ay nagpakita na siya ay
may sapat na kakayahan at karapatan na dapat igalang. Siya ay kinilalang
“Ina ng kalayaan” sa bansa. Siya ang ina ng ating kasalukuyang pangulo
na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
11. Ang asawa ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ay si ________.
12. Si Tita Cory ay ina ng ating kasalukuyang Pangulo ng bansa na si_____.
13. Nakilala si Tita Cory nang maganap ang Edsa Revolution noong _____.
14. Kinilalang diktador si ___________ dahil sa kaniyang pamamahala.
15. Si ____________ ay kinilalang ina ng kalayaan.
16. Ano ang paksa ng binasang talata?
a. ang ina ng ating Pangulo
b. Corazon C. Aquino, ulirang babae
c. ang Edsa Revolution

155
17. Alin sa sumusunod na salita mula sa talata ang ginamit bilang
pangngalan?
a. paggawa b. kinilala c. diktador
18. Alin sa sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitang
kalayaan?
a. akala b. bayaan c. laya
19. “Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad.” Alin sa pangungusap ang
pangngalan?
a. ina b. katulad c. pagmamahal
20. Alin ang pangungusap na nagsasalaysay?
a. Kumulog, kumidlat, at maya-maya ay umulan na nang malakas.
b. Kumain ka na ba?
c. Naku! Mahuhuli na naman tayo.
B. Pagsulat
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM,pahina 420.

Aralin 4: Maging Huwaran sa Paningin ng Diyos

Lingguhang Layunin
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at
nagkakaroon ng panibagong kahulugan
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang, at matapos mapakinggan
ang teksto
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayari
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na ayon sa
Wikang Binibigkas
Nakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawain
Komposisyon
Nakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sariling
ideya, kaalaman, karanasan, at damdamin
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa mga pangungusap
Pagsulat
Naisusulat nang wasto ang mga salitang/pangungusap na ididikta

UNANG ARAW
Layunin
Nakikilala ang dalawang salita na maaaring maging tambalang salita at
nagkakaroon ng panibagong kahulugan

156
Nakapagbibigay ng sariling hinuha, bago, habang, at matapos mapakinggan
ang teksto
Nakapagpapaliwanag ng mga dahilan ng isang pangyayari
Paksang-Aralin
Tambalang Salita
Paunang Pagtataya
PAsagutan ang “Subukin Natin”sa LM, pahina 421.
Tukoy-Alam
Bigyan ang bawat bata ng isang flashcard na may nakasulat na salita.
Hayaang humanap ng kapareha upang makabuo ng isang bagong salita.
Iulat sa klase ang nabuong salita ang sabihin ang kahulugan nito.
Paglalahad
Ipakita ang iba’t ibang kasuotan. Sabihin kung saang lugar o okasyon dapat
isuot ang bawat isa.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
Basahin at pag-aralan ang sumusunod na salita at kahulugan nito. Gamitin sa
sariling pangungusap. Maaari din naman na gamitin ang mga ito sa
pangungusap upang higit na maunawaan ng mga bata ang kahulugan ng
bawat isa.
Angkop-tama
malaswa-hindi angkop, ‘di tama
modo-ugali
bahaghari-hudyat ng pagtigil ng ulan(rainbow)
bato-balani-metal na dumidikit sa metal(magnet)
alkalde-mayor
ordinansa-batas
disente-maayos
Ipakilala ang kuwento sa pagsasabi ng pamagat nito. Tungkol kaya saan ang
kuwento?
Pagbasa ng “Manamit nang Angkop” sa “Basahin Natin” sa LM, p. 422.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina424.
Ano ang nangyari sa kuwento?
Bakit nagbago ang babae sa kuwento?
Ipabasa ang mga tambalang salita mula sa kuwentong binasa.
Ano-anong salita ang bumubuo sa bawat isa?
Linangin ang kahulugan ng bawat salita.
Nagbago ba ang kahulugan ng mga salita nang mabuo ang isang tambalang
salita?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM, pahina424.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahina424 ay “Sanayin Natin”sa LM,
pahina 425.
Paglalahat
Ano ang tambalang salita?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 426 .

157
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa “Linangin Natin”sa LM , pahina 426

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nakapagbibigay ng panuto sa paggawa ng isang proyekto o gawain
Paksang-Aralin
Pagbibigay ng Panuto
Tukoy-Alam
Sama-samang paggawa ng bangkang papel.
Ipakita kung paano ito gawin upang masundan ng mga bata.
Ipakita ang natapos na bangkang papel.
Hayaang ibigay ng mga bata ang mga panuto kung paano gawin ang isang
bangkang papel.
Paglalahad
Ipakita sa mga kaklase ang isang album o portfolio na sariling gawa.
Sabihin kung paano ito ginawa.
Ipabasa ang “ Basahin Natin.”
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM , pahina 429.
Ano-ano ang hakbang na isinagawa upang makabuo sina Cheska ng isang
portfolio?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin” sa LM , pahina429.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM , pahina429.
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM , pahina430.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 430.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM , pahina 430.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ng pang-ukol na ayon sa
Napapangkat ang mga salita ayon sa kayarian nito ( payak at tambalan)
Paksang-Aralin
Wastong Gamit ng Ayon sa at Ayon kay
Tukoy-Alam
Magbigay ng ilang mga pangaral na napakinggan at sabihin din kung kanino
ito napakinggan.
Paglalahad
Ano-ano ang dapat nating gawin upang maging mabuting bata?
Basahin ang “Basahin Natin.”
Sagutan ang “Sagutin Natin” sa LM , pahina 431.
Ipabasa ang ilang mga pahayag mula sa binasang teksto.

158
Ano ang napapansin ninyo sa bawat pahayag?
Bakit gumamit ng ayon sa? Ayon kay?
Ipabasa ang ilang mga payak at tambalang salita mula sa tekstong binasa.
Ipapangkat ang mga salita.
Bigyang – katwiran ang ginawang pagpapangkat.
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM , pahina 431.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa“Gawin Natin” sa LM , pahina431.
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 432.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang ayon sa at ayon kay?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 433.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM , pahina 433 .

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa mga pangungusap
Nakagagamit ng angkop na salita at bantas upang maipahayag ang sariling
ideya, kaalaman, karanasan, at damdamin
Paksang-Aralin
Paggamit ng Malaki at Maliit na Letra at mga Bantas
Tukoy-Alam
Magdikta ng ilang mga pangungusap. Tingnan kung tama ang pagkakasulat
ng mga bata.
Ipasulat ang mga pangungusap sa pisara.
Paglalahad
Ipabasa muli ang “Basahin Natin.”
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 434.
Magbigay ng mga pangungusap tungkol sa natutunan sa binsang teksto.
Isulat ang mga ibibigay ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Paano isinulat ang pangungusap?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM pahina 434.
Pasagutan ang “Sanayin Natin”sa LM , pahina 435.
Paglalahat
Paano isinusulat ang pangungusap?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM , pahina 435.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina.

159
IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang tanong
Naisusulat nang wastong mga salitang/pangungusap na ididikta
Panimulang Gawain
Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit.
Ipaliwanag ang mga panuto.
Gawaing Pagtataya
A. Punan ng ayon kay o ayon sa ang mga pangungusap.
1. “Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo”, _____ PAG-ASA.
2. _____ Titser Mina, ang mga batang mahilig kumain ng gulay ay hindi
sakitin.
3. _____ Pastor Noli, dapat tayong magdasal bago matulog sa gabi at
pagkagising sa umaga.
4. “Lagi tayong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng mga bagay,” _____
Padre Gomez.
5. _____ mga siyentipiko, ating mararanasan ang “global warming” sa
panahong ito.
B. Salungguhitan ang payak na salita at ikahon ang tambalang salita.
6. tanaw 9. balik-tanaw 12. kupas
7. mata 10. masakit 13. matamis
8. kapit-tuko 11. bughaw 14. takip-silim
C. Lagyan ng tamang bantas ang bawat pangungusap.
15. Aray_ dumugo ang sugat ko__
16. Yehey__Dumating na si itay___
17. Ang Diyos ay dakila sa lahat
18. Hugis parisukat ba ang mesa
19. Sandali__ Titingnan ko kung dumating na siya__
D. Sipiin ang maikling talata at isulat ng tama ang mga makikitang mali
ang pagkakasulat.
malapit na naman ang bakasyon. pupunta kami sa bulacan.
Matutuwa sina lolo inggo at lola marina. Pasasalubungan namin sila ng
hamburger. Ibibili namin sila ng bagong damit.
Pagkagaling namin sa Bulacan ay babalik kami ng maynila at
isasama namin sina lolo at lola. Ipapasyal namin sila sa luneta park at
manila Ocean Park.

Aralin 5 : Ang Umiibig sa Kapwa ay Umiibig sa Diyos

Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/ binasa

160
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman
ang kahulugan
Pag-unawa sa Binasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Kaalaman sa Aklat at Limbag
Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kina
Komposisyon
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan
Nakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resources
Pagsulat
Nagagamit nang angkop sa salita/bantas upang maipahayag ang sariling
ideya,karanasan,kaalaman o damdamin.

UNANG ARAW
Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong narinig/binasa
Nagtatanong tungkol sa mga hindi kilalang salita upang malaman ang
kahulugan
PaksangAralin
Pagkilala sa mga Di Pamilyar na mga Salita
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” sa LM, pahina 437.
Tukoy-Alam
Magpakita ng isang larawan sa mga bata.
Pagawain ang mga bata ng Bilog ng mga Tanong. Pasulatin ang mga bata ng
mga tanong na kayang sagutin ng ipinakitang larawan.Isulat ang mga tanong
ng pa – spiral.
Paglalahad
Nakaranas ka na bang tumulong sa kapwa?
Ano ang naidulot nito sa iyo?
Ipabasa ang “Basahin Natin.”
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 438.
Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan sa binasang teksto?
Ano ang kahulugan ng bawat isa?
Paano mo nalaman ang kahulugan?
Pumili ng ilang mga salita sa binasang teksto.
Ipalaro ang “Pinoy Henyo” gamit ang mga napiling salita upang
makapagtanong ang mga bata tungkol sa salitang ito at masabi sa huli ang
kahulugan nito.
Talakayin ang “Pahalagahan Natin.”

161
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM, pahinam 439.
Pasagutan ang “Sanayin Natin” ,sa LM, pahina 439
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 440.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” , sa LM, pahina 440

IKALAWANG ARAW
Layunin
Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
Natutukoy kung paano nagsisimula at nagtatapos ang isang pangungusap
Paksang-Aralin
Ang Simula at Katapusan ng Pangungusap
Kagamitan
larawan ng iba’t ibang pook sambahan
Tukoy-Alam
Hayaang magbahagi ang mga bata ng nabasang kuwento o balita sa harap
ng klase.
Ano ang pakiramdam mob ago/habang/matapos magbahagi sa harap ng
klase?
Paglalahad
Anong relihiyon mo?
Magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa impormasyong ito.
Isulat sa talaan ang makakalap na impormasyon. (Dagdagan pa ito)
Relihiyon Lalaki Babae Kabuuan
Katoliko
Protestante
Iglesia
Islam
Magtanong tungkol sa talaang natapos.
Basahin ang “Basahin Natin.”
Pag-usapan ito sa pamamagitan ng “Sagutin Natin.”
Tungkol saan ang binasa?
Pansinin ang mga pangungusap sa tekstong binasa?
Paano ito nagsimula? Nagtapos?
Paano mo pasasalamatan ang May Likha ?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM,pahina 442.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang
- “Gawin Natin”, sa LM,pahina 442
- “Sanayin Natin”, sa LM,pahina 442
Paglalahat
Paano nagsisimula ang isang pangungusap? Paano ito nagtatapos?

162
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM,pahina 442 .
Karagdagang Pagsaasanay
Ipagawa ang “LinanginNatin”, sa LM,pahina 443.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na para sa/para kay/kina
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Nakagagamit nang wasto ng mga print at electronic resources
Paksang-Aralin
Paggamit ng Pang-ukol na para sa/para kay/kina
Tukoy-Alam
Punan ng tamang parirala ang pangungusap:
“Ang pagtuturo ng guro ay ________ sa mga kabatang pag-asa ng
bayan”.
Bakit ganito ang iyong sagot?
Paglalahad
Pagmasdan ang kapaligiran.
Ano-ano ang napansin ninyo sa paligid?
Ano ang pakiramdam mo kung malinis/marumi ang iyong paligid?
Basahin ang “Eco-savers para sa Kalikasan”.
Pasagutan ang “Sagutin Natin.”
Pumili at ipabasa ang ilang mga pangungusap mula sa teksto na may para
sa/para kay/para kina.
Kailan ginagamit ang para sa/para kay/para kina?
Hayaang gamitin ito ng mga bata upang makita kung talagang naunawaan
nila ang wastong paggamit ng mga pariralang ito.
Ipakita at ipatukoy ang ngalan ng iba’t ibang print at electronic resources na
makikita sa silid-aklatan.
Saan ginagamit ang bawat isa?
Paano gamitin ang bawat isa?
Bakit kailangan nating pangalagaan an gating kapaligiran?
Ano ang tinatawag na global warming?
Gabayan ang mga bata sa paggamit ng print at electronic resources para
malaman ng mga bata ang kasagutan dito?
Basahin ang “Pahalagahan Natin”,sa LM,pahina 444.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa pahina 444at “Sanayin Natin”, pahina 445.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-ukol na para sa/para kay/para kina?
Ipabasa ang“Tandaan Natin”,sa LM,pahina 446.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM,pahina 446

163
IKAAPAT NA ARAW
Nakasusunod sa mga tuntunin sa paggamit ng silid-aklatan
Nakasusulat ng mga pangungusap sa kabit-kabit na paraan na may
tamang laki at layo sa isa’t isa
Paksang-Aralin
Paggamit ng Silid-Aklatan
Tukoy-Alam
Pagbabahaginan ng karanasan tungkol sa paggamit ng silid-aklatan.
Paglalahad
Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan.
Obserbahan sila kung paano sila gumamit ng mga gamit dito at kung ano-ano
ang mga gawi nila sa loob ng silid.
Talakayin ang mga naobserbahang gawi at asal ng mga bata sa loob ng silid-
aklatan.
Ipabasa ang” Mga tuntunin sa paggamit ng Silid-Aklatan”sa “Basahin Natin”
sa LM,pahina447.
Pasagutan ang“Sagutin Natin”sa LM,pahina 447.
Ano-ano ang makikita sa loob ng silid?
Magpakita ng isang aklat at pag-usapan ito batay sa pamagat, larawan sa
pabalat.
Ipakilala rin ang may-akda at ang tagaguhit nito. Sabihin din ang gawain ng
mga taong ito.
Hayaang sumulat ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa larawan at
pabalat ng aklat na ipinakita.
Hayaang itama ng mga bata ang pagkakasulat nila ng pangungusap sa
tulong ng mga tanong na:
Gumamit ba ako ng malaking letra sa umpisa ng pangungusap?
Paano ko isinulat ang tanging ngalan ng aklat/tao?
Gumamit ba ako ng wastong bantas sa pagtatapos ng pangungusap?
Naisulat ko ba ng wasto ang mga letra?
May sapat bang layo ang pagkakasulat ko ng mga salita?
Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ko ng mga letra?
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang“Gawin Natin” , sa LM,pahina 448.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM,pahina 448.
Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan?
Pag-usapan ang “Tandaan Natin”, sa LM,pahina 448.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM,pahina 449.

164
IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Ihanda ang mga bata sa pagsusulit.
Ipaliwanag ang mga panuto.
Pagtataya
A. Sumulat sa kabit-kabit na paraan ng isang payak na pangungusap
tungkol sa bawat larawan.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

B. Punan ng tamang pang-ukol na para sa o para


kay o para kina ang mga patlang sa loob ng talata.

Kayamanan ng Magulang
Ang mabubuting bata ay kayamanan 7. _____ kanilang mga
magulang. Ipinagmamalaki sila ng kanilang mga nanay at tatay dahil
nakalilikha sila ng mabubuting halimbawa 8. ____ kapwa at9. _____
bayan.
Dapat ibigay ang tamang disiplina 10. ___ kabataan na magiging
pag-asa ng bayan. 11. ___mga magulang, huwag kayong magsasawang
gabayan ang inyong mga anak at dalhin ang mga ito sa tamang landas.
B. Basahing mabuti upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang
letra ng napiling sagot.
Isang lalaking pulubi ang biglang lumapit kay Tiya Viring habang
ito ay abala sa pamimili ng sariwang gulay sa palengke.
“Ale, palimos po,” ang sabi ng isang gusgusing pulubi ngunit
matipuno ang pangangatawan.
Tinitigan ito ni Tiya Viring. Nagdadalawang isip siyang bigyan ito
ng pera dahil sa laki ng kaniyang katawan. Tatalikuran na sana ni Tiya
Viring ang pulubi nang bigla niyang naalala na dapat samantalahin ang
paggawa ng bagay na mabuti sa kapwa. Sa pag-ibig sa kapuwa ay
naiibig din natin ang Diyos.

165
“O, ayan ang limang piso. Sa susunod mama, magtrabaho ka kasi malaki
naman ang iyong katawan. Huwag kang aasa sa pagpapalimos.
Magtrabaho ka,” paliwanag ni Tiya Viring.
“Pasensiya na po, sisikapin ko po sa susunod. Galing lang po ako ng
probinsiya at napadpad dito sa lungsod. Ninakaw po ang lahat ng aking pera
at gamit kaya ako nagkaganito,” paliwanag ng pulubi.
“O, siya. Magsikap ka. Sa susunod, mag-iingat ka na,” pagwawakas
ni Tiya Viring sabay dagdag ng sampung piso sa iniabot sa pulubi.
Lihim na nagsaya ang kalooban ni Tiya Viring dahil nakatulong siya sa
kapwa sa maliit na paraan.

12. Ano ang ginagawa ni Tiya Viring nang lapitan siya ng pulubi?
a. Kumakain sa karinderya.
b. Nag-aabang ng jeep.
c. Namimili ng gulay.
13. Magkano ang ibinigay ni Tiya Viring sa pulubi?
a. Limang piso c. Labinlimang piso
b. Sampung piso
14. Sa anong bilang ng talata makikita ang pagbabago ng isipan ni Tiya
Viring?
a. 1 b. 2 c. 3
15. Ano ang dahilan ng pulubi at siya ay nagpapalimos?
a. Nanakawan siya ng mga gamit at pera.
b. Miyembro siya ng isang sindikato.
c. Wala siyang trabaho.
16. Nangako ba ang pulubi na magbabago?
a. Oo b. Hindi c. Walang sinabi
17. Bakit lihim na natuwa si Tiya Viring?
a. Nabili niya lahat ng inilista niya.
b. Makakauwi siya nang maaga.
c. Nakagawa siya ng bagay na mabuti sa kapwa.
18. Kung ikaw si Tiya Viring, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?
Bakit?
19. Kung ikaw ang nanakawan, mamamalimoska rin ba? Bakit?
20. Sumulat ng sariling pamagat sa binasang talata.
Pagsulat
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM,pahina 449.

166
Aralin 6: Ang Diyos ay Pasalamatan
Lingguhang Layunin
Pag-unawa sa Binasa
Nakikilahok sa mga malikhaing pagtugon sa kuwento
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong binasa
Pag-unawa sa Pinakinggan
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento
Pag-unlad ng Bokabularyo
Nauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidad
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-ankop na ng
Komposisyon
Nakabubuo ng mga payak na pangungusap batay sa napakinggang kuwento

UNANG ARAW
Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong Nakapagbibigay ng
sariling wakas sa napakinggang kuwento
PaksangAralin
Pagbibigay ng Wakas sa Kuwento
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin”, sa LM, pahina 450.
Tukoy-Alam
Ipakuwento sa mga bata ang paghahanda nilang ginagawa araw-araw para
sa pagpasok sa paaralan.
Isulat ang mga pangungusap na sasabihin ng mga bata.
Ipabasa ang mga ito.
Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?
Ano kaya ang angkop na pamagat para sa natapos na maikling kuwento?
Pabigyang-katwiran ang ibinigay sa pamagat.
Paglalahad
Ano-ano ang ginagawa mo kung wala ang mga magulang mo sa bahay?
Ipabasa ang kuwento sa “Basahin Natin.”
Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 452.
Gawin ang Kadenang Kuwento.
Itanong : Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?
Isulat ang unang pangungusap na sasabihin ng bata. Hayaang sundan ito ng
pangungusap ng iba pang bata. Tapusin ang kadena sa ganitong paraan.
Ipasalaysay muli ang napakinggang kuwento sa pamamagitan ng Kadenang
Kuwento.
Kung ikaw ang magbibigay ng wakas sa kuwento, ano ang nais mo?
Pabigyang katwiran ang sagot ng mga bata.
Pag-usapan:
“Iwasang mabagabag. Laging magtiwala at magpasalamat

167
sa Diyos na dakila”.
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, pahina 453.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin”, na makikita sa LM, pahina 454.
Ipagawa ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 454.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”na makikita sa LM, pahina 455 .
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM pahina 455.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nauunawaan na ang wika ay may iba’t ibang antas ng pormalidad
Paksang-Aralin
Iba’t Ibang Antas ng Wika
Tukoy-Alam
Alamin ang nalalaman ng mga bata sa jejemon.
Ipagamit ito sa usapan.
Paglalahad
Hayaang magbahagi ang mga bata ng karanasan nila na masaya ang
kanilang buong pamilya.
Ipabasa ang “Basahin Natin.”
Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 456.
Tukuyin ang mga pormal at hindi pormal na salita sa akda.
Pag-usapan ang kahulugan ng bawat salita na tinukoy bilang pormal at di-
pormal na salita.
Kailan ginagamit ang pormal at di-pormal na mga salita?
Ipaliwanag ang antas ng pormalidad ng wika na nakapokus lamang sa
pampanitikan, karaniwan, panlalawigan, at balbal.
Pag-usapan ang“Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 456.
Kasanayanag Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 456 .
Pasagutan ang“Sanayin Natin”, sa LM, pahina 457.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahinang “Tandaan Natin” sa LM, pahina 457.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 458.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na ng
Paksang Aralin
Paggamit ng Pang-angkop na ng

168
Kagamitan
larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng gulay
at manggang hilaw
Tukoy-Alam
Basahin ang at tukuyin ang pang-angkop na ginamit.
1. Umiyak ang batang iyakin.
2. Kumikinang ang gintong plato.
Paglalahad
Ipakita ang larawan ng malalaking hipon, mapupulang mansanas, berdeng
gulay at manggang hilaw.
Pag-usapan ang bawat isa at ipatukoy sa mga bata ang nais nilang kainin.
Bigyang-katwiran ang ginawang pagpili.
Pagbasa ng “Basahin Natin,” sa pahina 459.
Pagsagot sa bahaging “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 459.
Ipabasa ang ilang mga pangungusap mula sa binasang kuwento.
(Piliin ang mga pangungusap na may pang-ukol na ng.)
Kailan ginamit ang ng?
Paano ito ginamit sa pangungusap?
Paano natin pahahalagahan ang ating mga magulang?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 459 .
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 459 .
Pasagutan ang “Sanayin Natin”, sa LM, pahina 461.
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-angkop na ng?
Basahin ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 461.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”,sa LM, pahina 462.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakasusulat ng isang payak na pangungusap batay sa napakinggang
kuwento
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Payak na Pangungusap
Tukoy-Alam
Iguhit ang paborito mong pagkain.
Sumulat ng isang pangungusap tungkol dito.
Pagbabahagi ng natapos na gawain.
Paglalahad
Nakaranas ka na bang saktan o samaan ng pakiramdam?
Ano ang dahilan at nakaranas ka nito?
Paano ka gumaling?
Pagbasa ng “Basahin Natin”, sa LM, pahina 462.
Pumili ng isang payak na pangungusap mula sa binasang teksto.

169
Paano ito isinulat?
Ano ang simuno nito? Panag-uri?
Ilan ang simuno nito? Panag-uri ?
Ilan ang kaisipan o ideya ng pangungusap na ito?
Gawin din ang pagsusuring ito sa iba pang pangungusap.
Ano ang mangyayari kung kumakain tayo nang wasto at tama sa oras?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”, sa LM, pahina 463 .
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM, pahina 464 .
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM pahina 464.
Paglalahat
Ano ang payak na pangungusap?
Ipabasa ang “Tandaan Natin”, sa LM, pahina 465.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM, pahina 465 .
Matapos nito, ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina 465.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nakikiisa sa malikhaing pagtugon sa binasang akda
Paksang Aralin
Pagtugon sa Binasang Akda
Gawain
Ipabasa nang tahimik ang “Sumakit ang Tiyan ni Niknok”
Ipangkat ang klase.
Ipaalaala ang mga tuntunin na dapat tandaan sa paghahanda ng isang
pagtatanghal.
Paghahanda ng bawat pangkat.
Pagtatanghal.
Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.
Rubric sa pagsasadula
5 - Pinakamagaling na pagsasadula
4 - Magaling na pagsasadula
3 - Katamtamang galing ng pagsasadula
2 - Hindi magaling na pagsasadula
1 - Hindi nakapagsadula

170
Aralin 7: Purihin Natin ang Diyos

Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nasasabi ang mensahe ng larawan o pangyayaring nasaksihan
Pag-unalad sa Bokabularyo
Naiintidihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba ay
magkasalungat
Pag-unawa sa binasa
Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na na
Pagsusulat
Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat
Komposisyon
Nakabubuo ng talata tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan

UNANG ARAW
Layunin
Nasasabi ang mensahe ng larawan o pangyayaring nasaksihan
Naiintindihan na ang ibang salita ay magkasingkahulugan at ang iba ay
magkasalungat
Paksang Aralin
Mga Salitang Magkasingkahulugan at Magkasalungat
Kagamitan
larawan ng mga biktima ng kalamidad
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin” makikita sa LM , pahina 466.
Tukoy-Alam
Ipakita at pag-usapan ang larawan ng lugar at mga biktima ng kalamidad.
Ano-ano ang damdamin na ipinakikita ng larawan?
Ihambing ang damdamin bago dumating ang kalamidad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga kasalungat ng mga damdaming ipinakikita ng larawan.
Paglalahad
Ano-ano ang ginagawa mo at ng iyong pamilya upang magpasalamat sa
Dakilang Lumikha?
Ipabasa ang “ Ang Paglikha” sa “Basahin Natin” sa LM, p. 467.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM. , pahina 468.
Ano ang mensahe ng binasang teksto?
Ipakita ang ilang mga larawan buhat sa binasang akda.
Ano ang sinasabi ng bawat larawan?
Magpanood ng ilang mga video clip (kung mayroon). Sabihin ang kaisipan ng
napanood na video.

171
(Maghanda ng mga pares ng mga salitang magkasalungat at
magkasingkahulugan).
Ipabasa ang mga pares ng salita.
Linangin ang bawat salita.
Alin-aling pares ang magkasalungat ang kahulugan? Magkasingkahulugan?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin,” p.
Paano mo mapapasalamatan ang Dakilang Lumikha?
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM , pahina 469.
Pasagutan ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 469.
Paglalahat
Kailan magkasalungat/magkasingkahulugan ang mga salita?
Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM, sa pahina 470.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 470.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Natutukoy ang mga sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang teksto
Paksang-Aralin
Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Tukoy-Alam
Pagdugtungin ang mga magkakaugnay na mga pahayag.
Hanay A Hanay B
1. Makatatapos ako ng pag-aaral a. kung maaga akong
magigising
2. Hindi ako mahuhuli sa pagpasok b . kung mag-eehersisyo ako
palagi
3. Lalakas ang katawan ko c. kung mag-aaral akong
mabuti
Paglalahad
Ano-ano ang regalo sa iyo ng Dakilang Lumikha?
Paano mo ito pangalagaan?
Basahing muli “Ang Paglikha” sa“Basahin Natin”sa LM, pahina 467.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 472.
Bakit naisipan ng Dakilang Lumikha na gumawa ng mga bagay na nasa ating
kapaligiran?
Ano ang naging bunga ng pagkakalikha Niya ng mga bagay sa ating
kapaligiran?
Bait dapat Siyang pasalamatan?
Ano ang responsibilidad ng mga tao sa mga nilikha ng Apo?
Ano ang mangyayari kung hindi natin ito pangangalagaan?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM , pahina 472.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, sa pahina 472 .

172
Ipagawa ang “Sanayin Natin”sa LM, pahina 473
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM. pahina 473.
Karagdagang Gawain
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM,pahina 474.
Isulat ang S kung sanhi at B kung bunga ang may salungguhit sa
pangungusap.
1.Marami ang isda sa karagatan dahil hindi nagpapaputok ng dinamita
ang mga mangingisda.
2.Pinuputol ang mga puno sa kagubatan kaya nagkakaroon ng baha.
3.Malago ang mga gulay dahil dinidiligan ito araw-araw.
4.Mabait ang Panginoon kasi lumikha siya ng mga bagay sa mundo?
5.Gumawa nang gumawa ang Diyos kaya sa ikapitong araw siya ay
nagpahinga.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na na
Paksang Aralin
Paggamit ng Pang-angkop na na
Tukoy-Alam
Pumili ng isang makikita sa loob ng silid-aralan.
Ipalarawan ang bawat isa .
Paglalahad
Ano-ano ang ginagawa ninyo upang papurihan ang Dakilang Lumikha?
Ipapantomina ang kasagutan.
Ipasulat sa mga bata ang mga nakita nilang paraan ng pagpupuri.
Unang pagbasa ng guro sa tula sa “Basahin Natin”sa LM, pahina 474.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, sa pahina 475.
Ikalawang pagbasa ng tula. (Basahin ito nang wasto at may tamang
ekpresyon , diin at bilis).
Ikatlong pagbasa ng tula (mga bata). Isagawa ang echoing kung
kinakailangan.
Pansinin ang mga linya ng tula na may mga guhit. Ipabasa ang mga ito.
Ano ang napansin sa mga binasang linya?
Kailan ginagamit ang na?
Bakit ito ginagamit?
Hayaang magbigay ang mga bata ng mga pariralang may pang-angkop na na
at ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.
Paano mo maipakikita ang pagpupuri sa Dakilang Lumikha?
Ipabasa ang “Pahalagahan Natin”, sa LM pahina 475.

173
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 475 at ang “Sanayin Natin” sa
LM sa pahina 476
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-angkop na na?
Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM , pahina 477.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, pahina 477.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng malaki at maliit na letra at mga
bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat
Paksang Aralin
Pagsulat ng mga Salitang Dinaglat
Tukoy-Alam
Ipasulat ang ididiktang salita nang padaglat.
Ipasulat sa pisara ang mga salitang dinaglat.
Paglalahad
Pagkilala sa mga katulong sa pamayanan sa pamamagitan ng mga larawan.
(Halimbawa: doktor, kapitan, at iba pa).
Ano ang tawag natin sa kanila?
Alin sa mga ito ang nais mong maging?
Ipabasa ang kuwentong “Mga Hulog ng Langit” sa “Basahin Natin” sa LM,
pahina 478.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM , pahina 480.
Sino-sino ang hulog ng langit na binanggit sa kuwento?
Bakit sila tinawag na hulog ng langit?
Paano isinusulat nang padaglat ang katawagan sa kanila?
Sino ang hulog ng langit sa iyo?
Paano mo siya pinahahalagahan?
Basahin ang “Pahalagahan Natin” sa LM , pahina 480.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang
- “Gawin Natin” sa LM , pahina 481.
- “Sanayin Natin” sa LM , pahina 481
Paglalahat
Paano isinisulat ang salitang dinaglat?
Basahin ang “Tandaan Natin”sa LM ”, pahina 482.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, sa pahina 482.

174
IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga tanong na inihanda
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Ihanda ang mga bata sa gagawing pagsusulit.
Ipaliwanag ang mga panuto.
A. Bilugan ang kasing kahulugan ng mga salita:
1. luntian - asul, berde, pula
2. nagwagi - nanalo, nawala, nasabi
3. masigla - masaya, maaliw, malungkot
4. nilikha - ginawa, ninais, ginusto
5. huwaran - halimbawa, gawain, sulatin
B. Isulat sa patlang ang S kung sanhi at B kung bunga ang may
salungguhit sa pangungusap.
pangun
6. Ayaw kunin ni Mark ang laruan dahil hindi iyon kanya.
7. Nahihiya si Roxanne kasi siya ang may pinakamababang marka.
8. Malakas ang ulan kasi may bagyo
9. Nag-aral
aral ng mabuti si Renz Kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.
10. Pinili ang gawa ni Marthel kasi maganda ang kanyang iginuhit.
C. Daglatin ang salitang may salungguhit.
11. Si Senador Baybay ang siyang nanguna sa pagpupulong.
pagpupulong
12. Ang matapat na barangay tanod ay binigyang parangal ni Kapitan
Lorenzo.
13. Sa pangunguna ni Pangulong Derla, ang mga magulang ay
nagtulong
nagtulong-tulong sa paglilinis ng paaralan.
14. Si Kongressman Tolentino ay kasama sa namahagi ng tulong sa
mga nasalanta ng bagyo.
15. SI Doktor Rey ay isang magaling na manggagamot.
D. Sumulat ng isang pangungusap na magsasabi ng mensahe ng
larawan.

16 17 18

175
19 20

Pagsulat
ulatin Natin”
Ipagawa ang “Sulatin Natin sa LM, pahina 482.

Aralin 8 : Pag-ibig
Pag ibig ng Diyos sa Tao at Bayan

Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nakapaglalahad ng impormasyong natutuhan sa napakinggang teksto
Komposisyon
Nakabubuo ng talata tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan
Gramatika
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop
pang na g
Pagsulat
Nakasusulat ng isang talata nang may wastong gamit ng malaki at maliit na
letra at bantas

UNANG ARAW
Layunin
Nakapaglalahad ng impormasyong natutunan
natutu mula sa napakinggang
kinggang teksto
Paksang Aralin
Paglalahad ng Impormasyon
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin
Subukin Natin”
Natin sa LM, pahina 483.
Tukoy-Alam
Basahan ang mga bata ng isang maikling talata. (Siguraduhin na hindi pa ito
nababasa sa kanila o hindi pa nila nababasa o napakinggan).
Pag-usapan
usapan ang mga detalye mula sa kuwento na natatandaan ng mga bata.
Paglalahad
Ipaawit “Magtanim ay Di Biro.”
Pag-usapan
usapan ang ginagawa ng isang magsasaka upang magkaroon ang mga
tao ng pagkain.
Basahin ang kuwento sa “Basahin Natin" sa a LM, sa pahina 483.
483
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa “Sagutin
Sagutin Natin”
Natin sa
LM, sa pahina 484.

176
Ano-ano ang mga impormasyon na natutunan mo sa nabasang teksto?
Paano mo ito natandaan?
Ano-ano ang dapat gawin upang matandaan ang mga ideya o impormasyon
mula sa binasa o napakinggang teksto?
Magparinig muli ng isang teksto. Tingnan kung ano ang gagawin nila upang
maitala ang mga impormasyon mula sa napakinggang teksto.
Paano mo pahahalagahan ang mga biyayang kaloob ng Dakilang Lumikha?
Basahin ang “Pahalagahan Natin.”
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, pahina 485 at ang “Sanayin Natin”
sa LM,sa pahina 485.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, sa pahina 486.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, sa pahina 486
Kasunduan
Makinig ng balita sa radyo o sa telebisyon. Itala ang mga impormasyong
nakuha.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Nakabubuo ng isang talata sa isang pangyayaring nasaksihan
Paksang Aralin
Pagsulat ng Talata
Kagamitan
larawan ng telepono, cellphone, internet, at mga kauri nito
Tukoy-Alam
Ipangkat ang klase. Hayaang pag-usapan ang isang pangyayaring
nasaksihan.
Isulat nang pangkatan ang napagkasunduang pangyayari na ibabahagi sa
buong klase.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Paglalahad
Ipakita at pag-usapan ang gamit na nasa larawan (cellphone, telepono, radyo
at internet).
Ipabasa ang diary sa “Basahin Natin” sa LM, pahina 487.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 488.
Basahin ang isang talata mula sa binsang akda.
Paano ito isinulat?
Balikan ang talatang ginawa sa pagsisimula ng klase, paano ito
maisasaayos?
Pagsasaayos muli ng bawat pangkat ng ginawang talata.
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin.”

177
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, sa pahina 489.
Pasagutan ang “Sanayin Natin”sa LM, pahina 489.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Ipabasa ang “Tandaan Natin” sa LM, sa pahina 489.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, sa pahina 489.

IKATLONG ARAW
Layunin
Nagagamit nang wasto ang pang-angkop na g
Paksang Aralin
Paggamit ng Pang-angkop na g
Tukoy- alam
Ipakita ang mga larawan at palagyan ng ngalan.
larawan ng larawan ng
tahanang palikurang
maka-Diyos malinis

Paglalahad
Pag-usapan ang ideya ng mga bata tungkol sa salitang tag-ulan.
Basahin ang sanaysay na “Nasaan ang Biyaya ng Tag-ulan” sa “Basahin
Natin” sa LM, sa pahina 490.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, sa pahina 491.
Ipabasa ang mga pariralang may salungguhit.
Ano ang napansin sa bawat parirala?
Kailan ginagamit ang g at ng bilang pang-angkop?
Hayaang magbigay ang mga bata ng parirala na may pang-angkop na g.
Ipagamit ang mga ito sa pangunngusap.
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin” sa LM, sa pahina 491
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM, sa pahina 491.
Pasagutana ng “Sanayin Natin” sa LM, sa pahina 492
Paglalahat
Kailan ginagamit ang pang-angkop na g?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM, sa pahina 492.
Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang “Linangin Natin” sa LM, sa pahina 492.

178
IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Nakasusulat ng isang talata nang may wastong gamit ng malaki at maliit na
letra at bantas
Paksang-Aralin
Pagsulat ng Talata
Tukoy-Alam
Ipabigkas ang “Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas.”
Ano ang sinasabi sa panunumpa?
Sino-sino ang dapat nating mahalin?
Paglalahad
Paano mo ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang
at sa ibang tao?
Gaano ninyo kamahal ang inyong ina? Ang inyong bayan?
Basahin ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 493.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM , pahina 494 .
Pag-usapan sa klase ang mga larawan sa kuwento.
Ano ang mensahe ng bawat larawan?
Hayaang sumulat ang mga bata ng isang talata na may 3 – 5 pangungusap
tungkol sa mensahe ng binasang teksto.
Pagbabahagi ng sinulat.
Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng talata sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga tanong:
- Inumpisahan ko ba ang mga pangungusap sa malalaking letra?
- Paano ko tinapos ang mga pangungusap sa aking talata?
- Isinulat ko ba nang maayos ang mga pangngalang pantangi na ginamit
ko?
- Tama ba ang pagkakabaybay ko sa mga salitang aking ginamit?
- May sapat bang layo ang mga salita?
- Pantay-pantay ba ang laki ng mga letra na aking ginamit?
- Iisa ba ang kaisipan ng aking talata?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin” sa LM, sa pahina 494.
Kasanayang Pagpapayaman
Pasagutan ang “Gawin Natin” sa LM, sa pahina 495.
Ipagawa ang “Sanayin Natin” sa LM, pahina 495.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin.”
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM, sa pahina 496

179
IKALIMANG ARAW
Layunin:
Nakaguguhit ng ibat ibang larawan tungkol sa mga biyaya ng Diyos sa tao at
bayan
Nakasusulat ng isang talata
Paksang Aralin
Pagsulat ng Talaan
Panimulang Gawain
Ipapikit ang mga mata ng mga bata. Isipin ang mga biyaya ng Dakilang
Lumikha sa tao at sa bayan.
Ipaguhit ang mga nakita.
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa iginuhit.
Pagsulat
Ipagawa ang “Sulatin Natin” sa LM, pahina.

Aralin 9: Buhay at Kalikasan ay Pahalagahan

Lingguhang Layunin
Wikang Binibigkas
Nakamumungkahi ng solusyon sa isang suliranin na napanood/pinakinggan
Pagkilala sa mga Salita
Nababasa ang mga pinaikling salita o contractions
Pag-unawa sa Binasa
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kuwento
Estratehiya sa Pag-aaral
Natutukoy at nagagamit ang mga print at electronic resources sa silid-aklatan
Pagbabaybay
Naisusulat ang mga salita na may wastong baybay
Gramatika
Natutukoy ang paksa/simuno at panaguri sa pangungusap
Komposisyon
Naisusulat nang wasto ang mga pangungusap na idinikta
Pagsusulat
Nakasusulat ng isang liham pangkaibigan upang maipahayag ang sariling
damdamin at ideya

UNANG ARAW
Layunin
Nakapagmumungkahi ng solusyon sa isang suliranin na napanood o
napakinggan
Nababasa ang pinaikling salita/contractions
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa kuwento

180
Paksang Aralin
Mga Pinaikling Salita o Contractions
Paunang Pagtataya
Pasagutan ang “Subukin Natin”sa LM , pahina 497 .
Tukoy-Alam
Ano-ano ang nakikita ninyong hindi maganda o kaaya-aya sa ating paaralan?
Gumawa ng isang liham para sa punongguro upang maipahayag ito at
magbigay ng isang solusyon na naiisip.
Paglalahad
Ano-ano ang malulungkot na pangyayari sa pagsalubong ng Bagong Taon?
Paano kaya ito maiiwasan?
Ipabasa ang “Pangalawang Buhay nina Otoy at Tinay” sa “Basahin Natin”
sa LM, pahina 498.
Pasagutan ang “Sagutin Natin” sa LM, pahina 499.
Ano ang suliraning sa kuwento?
Paano kaya ito malulutas?
Ano kaya ang naging wakas ng kuwento?
Isulat sa pisara ang mga salitang pinaikli o contractions mula sa teskto.
Ano ang napansin sa mga salitang ito?
Paano ito pinaikli?
Bakit ito pinaikli?
Paano mo pahahalagahan ang buhay na bigay ng Diyos?
Gawin ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 500.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin” sa LM pahina 500.
Pasagutan ang “Sanayin Natin”sa LM , pahina 501.
Paglalahat
Ano ang kontraksiyon?
Basahin at pag-aralan ang “Tandaan Natin”sa LM , pahina 502.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin” sa LM , pahina 502.

IKALAWANG ARAW
Layunin
Naipahahayag ang sariling ideya o damdamin sa maayos at angkop na
paraan
Nakapagsasabi ng dahilan ng pagpili ng aklat
Paksang-Aralin
Pagpapahayag ng Sariling Ideya
Tukoy-Alam
Hayaang ipahayag ng mga bata ang kanilang damdamin.
Bigyang-halaga ang ginawang pagpapahayag ng mga bata.
Paglalahad
Iguhit ang mga ideya tungkol sa naidudulot ng pagbaha.
181
Pag-usapan ang sariling karanasan ng mga bata na may kaugnayan sa
pagbaha.
Paano kaya maiiwasan ang pagbaha?
Ipabasa ang “Basahin Natin”sa LM , pahina 503.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”sa LM, pahina 504.
Hayaang magbahagi ang mga bata ng kani-kanilang natutunan sa tekstong
binasa.
Pagbabahagi ng mga mungkahing solusyon sa problema na nakita sa
nabasang teksto.
Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan.
Hayaang pumili ang bawat isa ng babasahin. Bigyang-dahilan ang ginawang
pagpili ng aklat.
Paano natin mapapalawak ang kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa
kapaligiran?
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM , pahina 505.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM , pahina 505 at “Sanayin Natin”, sa
LM , pahina 505.
Paglalahat
Ano ang natutunan sa aralin?
Pag-aralan ang “Tandaan Natin”, sa LM , pahina 505.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”, sa LM , pahina 506.

IKATLONG ARAW
Layunin
Natutukoy ang paksa/simuno at panaguri sa pangungusap
Natutukoy at nagagamit ang mga print at electronic resources sa silid-aklatan
Paksang-Aralin
Simuno at Panag-uri
Kagamitan
larawan ng computer, cellphone
Tukoy-Alam
Ipakita ang larawan ng computer, cellphone at iba pang makabagong
kagamitan.
Magpasulat ng isang pangungusap tungkol sa mga bagay na ito.
Tukuyin ang simuno at panag-uri sa bawat pangungusap.
Paglalahad
Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan.
Ano-ano ang makikita dito?
Pagtuunan ng pansin ang electronic resources na makikita dito.
Saan ginagamit ang bawat isa?
Ipabasa ang “Basahin Natin”sa LM pahina 506.
Pasagutan ang “Sagutin Natin”, sa LM, pahina 508.
Pumili ng isang pangungusap mula sa tesktong binasa.

182
Tukuyin ang simuno at panag-uri nito.
Gawin ito sa iba pang pangungusap na mapipili ng bata.
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin”sa LM , pahina 508.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”, sa LM pahina 509 at “Sanayin Natin”sa LM ,
pahina 510.
Paglalahat
Ano ang simuno?Panag-uri?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 510.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM , pahina 510.

IKAAPAT NA ARAW
Layunin
Naisusulat ang mga salita na may wastong baybay
Paksang Aralin
Pagsulat ng May Wastong Baybay
Tukoy-Alam
Magdikta ng ilang pangungusap sa mga bata.
Ipasulat sa pisara ang mga idiniktang pangungusap.
Paglalahad
Ipatala sa mga bata ang mga salitang natutunan sa mga natapos na aralin at
asignatura.
Hayaang sabihin ng mga bata ang kahulugan nito.
Ipabasa ang “Basahin Natin” sa LM, pahina 511.
Muling magdikta ng mga mga salita/parirala/pangungusap mula sa binasang
teksto.
Pagtatama ng mga bata sa isinulat mula sa pagdikta ng guro.
Pag-usapan ang “Pahalagahan Natin” sa LM, pahina 512.
Kasanayang Pagpapayaman
Ipagawa ang “Gawin Natin”sa LM , pahina 512 at “Sanayin Natin”sa LM ,
pahina 512.
Paglalahat
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Basahin ang “Tandaan Natin” sa LM pahina 513.
Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang “Linangin Natin”sa LM , pahina 513.

IKALIMANG ARAW
Layunin
Nasasagot nang wasto ang mga inihandang katanungan
Nakasusunod nang wasto sa mga panuto
Panimulang Gawain
Ihanda ang mga bata sa pagsusulit.
Ipaliwanag ang mga panuto.

183

You might also like