You are on page 1of 8

3

FILIPINO
Ikalawang Markahan-Modyul 6:
Pagkilala ng Tugma at Pagtukoy
ng mga Salitang Magkakatugma

May Akda: Ludina D. Purisima

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin:


Aralin – Pagkilala ng Tugma at Pagtukoy ng mga
Salitang Magkakatugma
Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang
maisagawa mo ang mga sumusunod:
A. Nakikilala ang tugma
B. Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

Subukin
Magkaroon muna tayo ng paunang pagtataya
bago ka magpatuloy sa aralin. Basahing mabuti ang
maikling tula at piliin ang mga salitang magkapareho
ang tunog sa hulihan.

Salitang Magkatugma
Ni Inee Martinez

Ang kilay at kamay


Salitang magkatugma
Tulad ng tuhod at likod
Huling tunog ay pareho

Sumayaw at sumigaw
Kumembot at umikot
Huling pantig ay iisa
Tugma ang tawag sa kanila

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Pagkilala ng Tugma
Aralin
at Pagtukoy ng mga Salitang
Magkakatugma
Sa araling ito ay matututuhan mo ang pagkilala ng
tugma at pagtukoy ng mga salitang magkatugma.

Balikan

Balik-aralan mo ang tungkol sa ating aralin. Ano ang


mga salita na maari mong gamitin habang ikaw ay
nagpapaliwanag nang may paggalang? Magbigay ng
halimbawa.

Tuklasin

A. Panimula:
Pagmasdan ang larawan. Ano kaya ang pinag-uusapan
ng mag-aaral? Naranasan mo na rin bang lumahok sa
pangkatang gawain?

_______________________________________________

_______________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
B. Pagbasa:

Basahin mo ang tula at pagkatapos ay sagutan ang


ilang mga tanong tungkol dito sa hiwalay na papel.

Mahusay na Gawa
Ni Inee A. Martinez

Pangkatang gawain ay isagawa


Pagtutulungan at pag-unawa
Pakikiisa at pagiging aktibo
Talento’y ipakita mo, batang bibo!

Pagkakaroon ng isang diwa


Susi sa mahusay na gawa
Papuri ang matatamo
Mula sa kaklase at guro

Pag-unawa sa Binasa:

1. Tungkol saan ang binasang tula?


2. Ano-ano ang mga dapat gawin upang maging
matagumpay ang isang pangkatang gawain?
3. Ano ang iyong nararamdaman kapag nakatapos
kayo ng isang pangkatang gawain? Bakit?
4. Bakit kaya kailangang makilahok at makiisa kapag
may pangkatang gawain?
5. Ano-ano ang mga salitang magkakatugma?

Suriin
Ang tugma ay katangian ng tula na nasa anyong
patula ngunit may mababaw na pakahulugan. Kadalasan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
ang huling salita ng bawat taludtod ay magkatugma. Ang
huling pantig ng bawat salita ay magkatunog.

Halimbawa:
isagawa- pag-unawa aktibo-bibo
diwa-gawa

Bilugan ang salitang katugma ng bawat bilang.

1. pangkat - bigkas hudyat altar


2. bigkas - sundin kislap lakas
3. sandok - tuktok doktor tangol
4. pagkain - ekis takas angkin
5. ingay - langoy buhay ina

Isaisip
Ang tugma ay katangian ng panitikan na dapat
malaman ng isang batang katulad mo.

Mababaw na
Kahulugan
Magkakapare-
Anyong hong tunog sa
patula bawat dulo ng
taludtod

City of Good Character


Tugma
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Isagawa
Ilapat mo sa tunay na buhay ang iyong natutuhan
sa aralin. Sumulat ng limang salitang may kaugnayan sa
pagkakaibigan. Lagyan mo rin ito ng salitang katugma
niya.

Salitang May Kaugnayan Katugmang Salita


sa Pagkakaibigan
kasama lima
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Tayahin

Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, sukatin


natin ang iyong kakayahan. Lagyan ng masayang mukha
( ) ang patlang kung ang pares ng salita ay magkatugma.
Malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.

________1. tatay-nanay
________2. kusinero- dito
________3. lupain-simbahan
________4. mababa-mahaba

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
6 DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
SUBUKIN
1. kamay-kilay
2. tuhod-likod
3. sumayaw-sumigaw
4. kumembot-umikot
BALIKAN
Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
PAG-UNAWA SA BINASA
1. Ang aming binasa ay tungkol sa pangkatang gawain
2. Pagtutulungan, pakikiisa, pagiging aktibo at pagkakaroon ng isang
diwa.
3. Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
5. isagawa- pag-unawa aktibo-bibo
diwa-gawa
PAGYAMANIN
Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral
1. hudyat 4.angkin
2. lakas 5. buhay
3. angkin
ISAGAWA
Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
TAYAHIN
1. 😊 4. 😊
2. ☹ 5. 😊
3. ☹
KARAGDAGANG GAWAIN
Maaing mag-iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Susi ng Pagwawasto
at ilista mo ang salitang magkakatugma mula rito.
Para sa karagdagang kasanayan, sumipi ng isang tula
Karagdagang Gawain
________5. ulan-daan
Sanggunian

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ludina D. Purisima


Editor: Inee A. Martinez
Tagasuri Panloob : Remia L. Ricabar, PSDS
Zenaida S. Munar, PSDS
Tagasuri- Panlabas: Fe S. Quisil (PNU)

Tagapamahala:

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7

You might also like