You are on page 1of 10

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 6:
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Gamit ang mga Angkop na Pang-ugnay

May-akda: Leonor F. Alonzo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin 1 – Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayri Gamit ang mga Angkop
na Pang-ugnay

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang mga pang-ugnay; at
B. napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda gamit ng
mga angkop na pang-ugnay

Subukin
Bago ka magpatuloy,isagawa mo muna ang paunang pagsubok. Piliin sa
loob ng panaklonng pag -ugnay na gagamitin upang mabuo ang diwa ng bawat
pahayag

1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa kanilang pamilya,


(kaya, sa lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito
haharapin.

2. (Dapawat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakakaraos sa buhay, hindi pa


rin maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.

3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang


magpatuloy sa buhay.

4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito)


hindi na niya alintana ang mga darating pa.

5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon,
kaya) mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa
kaniyang pamilya.
Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
1 Gamit ang mga Angkop na Pang-ugnay

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari gamit ang mga angkop na pang-ugnay. Malilinang ito kung matapat
mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Magbalik-aral tungkol sa mga pangyayari sa kuwentong Anim na Sabado ng
Beyblade. Magbigay ng mga kaalaman hinggil dito sa paraang dugtungang
pagkukuwento.

Tuklasin
A. Panimula

Batay sa bahagi ng kuwentong iyong binasa, bumuo ng ilang pahayag na


pumapaksa rito. Gamit ang mga pang -ugnay sa loob ng kahon, bumuo ng isang
pagsasalaysay sa tamang pagakakasunod-sunod ng kuwento. Isulat sa papel ang
gawaing ito.Ano ang kapakinabangan ng mga pang-ugnay sa loob ng kahon sa
isang pahayag?

Subalit ngunit
datapwat
samantala saka kaya
dahil sa sa lahat ng ito
kung gayon sa wakas

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pagbasa

Handa ka na ba? Basahin at pag-aralan ang usapan ng tatlong magkakaibigan.


Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay dito.

Ang pagkakaroon Ang kanilang kabataan


ng isang mataas ang siyang yugto nila
at matibay na kung saan hinahasa nila
edukasyon ay ang kanilang mga
isang saligan kaisipan at damdamin sa
upang mabago mga bagay na kailangan
ang takbo ng nila sa kanilang
isang lipunan. pagtanda

C. Pag-unawa sa Pagbasa

1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng magkakaibigan?


2. Bakit mahalaga ang edukasyon?
3. Naging malinaw ba sa iyo ang mga pangungusap na kanilang pinahayag?
4. Pansinin mo ang mga salita may salungguhit, ano ang gamit nito sa isang
pangungusap?

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman tungkol sa kuwentong


makabanghay at pag-uugnay-ugnay ng mga pangyayari gamit ang transitional
devices. Higit na mauunawaan ito sa pamamagitan ng paggawa ng komiks o
pagbabalita tungkol sa inyong pamayanan o barangay. Pumili ng isang gawain na
naayon sa iyong interes o kakayahan.

A. Ikaw ay isang illustrator at naatasan ka ng isang manunulat na gumuhit ng


mga larawan batay sa kaniyang kuwento. Ang pangyayaring iguguhit ay
mula sa akdang tinalakay noong nakaraang aralin. Ito ay isang paraan
upang higit na maunawaan at mahikayat ang mga mambabasa na
tangkilikin ang kuwento.

B. Mag-ulat o magbalita ka tungkol sa kaganapan sa inyong pamayanan o


barangay na humuharap ngayon sa suliraning pangkabuhayan at
pangkalusugan. Iulat ito nang maayos na na mayroon tamang
pagkakasunod-sunod ng mga paglalahad

Pamantayan sa Pagmamarka
A. Kalidad ng larawan/pagbabalita 10 Puntos
B. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari gamit ang 10 Puntos
pang-ugnay na mga salita
C. Pagkamasining 5 Puntos
Kabuoan 25 Puntos

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Tandaan na mahalaga ang paggamit ng pang-ugnay upang maging maayos
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o paglalahad sa isinusulat. Tingnan
ang halimbawa sa ibaba na karaniwang ginagamitan ng pangatnig at transitional
devices.

Paggamit Nang maayos na Filipino sa Pagsulat ng Kuwento na May


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Wika ang daluyan ng komunikasyon. Ito ang isa sa nagagampanan ng wikang


Filipino para sa tao. Likas sa tao ang magkuwento ng kaniyang karanasan, narinig,
nabasa, nakita, at napanood. Malaki tulong ang wikang Filipino sa pagkakataong
ito.

Paano gagamitin ang wikang Filipino sa pagsulat ng isang kuwento na may


pagakakasunod-sunod ng mga pangyayari? Una, isaalang-alang ang antas ng wika
gagamitin dahil pasulat ang gawain. Ikalawa, isaalang-alang ang nilalaman ng
isinusulat. Ikatlo, bigyang-pokus ang mekaniks sa pagsulat lalo sa wastong baybay,
tamang bantas, indesiyon, gamit ng malalaki at maliliit na letra at higit sa lahat,
ang wastong gamit ng mga salita.

Suriin ang mga pahayag na nakahilig na nagpapakita na may pagkakasunod-


sunod ng mga pangyayari.

Isagawa
Ilapat mo sa tunay na buhay ang natutuhan sa aralin. Sumulat ng isang
komposisyon na isasaalang-alang ang proseso o pagkakadunod-sunod ng
pangyayari sa paglikha ng isang pasalaysay ang gamit ang pag -ugnay. Pumili ng
isa sa sumusunod na paksa sa ibaba:

1. Isang mahalagang desisyon


2. Mahalagang pagbabago sa sarili
3. Larawan mo noong ikaw ay dalawa o tatlong gulang pa lamang

Suriin ang isinulat na sariling salaysay na naaayon sa rubrics sa ibaba,


isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Puntos
1.May maayos at organisasyon ang isinulat na pangsasalaysay: 5
gamit ang mga pang-ugnay na salita.
2. Magkakaugnay at may pagkakasunod-sunod ang mga 5
pangyayari.
3.ang paksang napili ay angkop sa nilalaman ng pagsasalaysay 5

Kabuoan 15

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Naunawaan mo na ang ating aralin, oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Punan ng tamang pag-ugnay ang mga patlang upang maging maayos
ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa loob ng talata.

Ang Ama
Takot ang mga anak (1) _________ takot din ang ina. Tuwing dumadating ang kanilang ama
na lasing. Nag-aalala sila sa lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo. Naghihirap ang
kanilang pamilya (2) ____________ masamang bisyo ng ama.
Kapag umuuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati (3) ______mas lasing kaysa dati, may
pagkakakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila’y si Mui Mui , sakitin na kapag
hinihika ito, madalas kainisan ng ama at nasasaktan, hanggang isang araw nga , ang kamao ng ama
ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata hanggang ito ay bumagsak. Lumipas ng ilang araw si
Mui Mui ay namatay.
Umiyak nang umiyak ang ama (4) _______________ hindi na ito makikita ni Mui Mui (5)
___________ naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak (6) __________ naniniwala silang tanda na ito ng
kaniyang pagbabago.
Napagtanto ng ama na ang masamang bisyo ay hindi maganda ang idinudulot sa tao. Ikaw
(7) _________ ang iyong mga anak ang magdurusa kung ipagpapatuloy mo ang ganitong gawain.
(8) __________ kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
Walang kasalanang di mapapatawad ng Diyos (9) ____________ ang nagkasala ay
nagsisisi. At ang pagluha ng ama (10)__________ ang pahingi ng tawad ay palatandaan ng
pagsisisi nito.

Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang journal tungkol sa paraan upang mapanatiling buo at
matagumpay sa buhay. Gamitin ang mga pag-ugnay at transitional devices sa
pagkakasunod-sunod ng pahayag o pangyayari. Gamitin ang pamantayan sa
bahagi ng ISAGAWA ng modyul na ito.

Alam kong paraan Iba pang paraang alam ng


upang mapanatiling aking kapamilya/kamag-
buo at matagumpay aral upang mapanaatiling
ang pamilya buo at matagumpay ang
pamilya

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

10. saka 5. subalit


9. kung 4. ngunit
8. sa wakas 3. at
7. o 2. dahil sa
6. kaya 1. Pablihasa
B. Sagot sa “Tayahin”
kung gayon 5.
sa lahat ng ito 4.
saw akas 3.
Dapawat 2.
kaya 1.
Sagot sa “Subukin” A.

Sanggunian

Peralta, Romulo et al., 9 Panitikang Asyano (Modyul ng mag-aaral sa Filipino)


Bulan, Helen G. et al., Ang PITAK 9 (BOLYUM 2 BLG 1)
JDJs e-Lerning Channel Knowedege Channel Foundation
Julian, Del Rosario, Lontoc et al., 9 Pinagyaman PLUMA

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Leonor F. Alonzo (Guro, CISSL)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Lawrence Dimailig (MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like