You are on page 1of 17

Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5
Pampamilyang Komunikasyon
Patatagin!

May-Akda: LORENA A. MERILLES


Tagaguhit: MARY JANE B. ROLDAN

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong na palawakin ang iyong
kaalaman tungkol sa Pampamilyang Komunikasyon, Patatatagin!

Ang mga salitang ginamit dito ay angkop para sa iyong pagkatuto. Matapos
mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na iyong maipamamalas ang mga
sumusunod na kompetensi:

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o
kawalan ng bukas na komunikasyon;

2. Nabibigyang-puna ang uri ng komunikasyon na umiiral sa isang pamilyang


nakasama, naobserbahan o napanood;
Sa araling ito ating alamin ang kahalagahan ng pagtukoy at pag-unawa sa uri
ng komunikasyon o ugnayan mayroon ang iyong pamilya maging ang ibang pamilya
sa iyong komunidad.
Kung handa ka na, tara na, umpisahan na natin!

Subukin

Kumusta ka? Alam kong marami kang gustong matutunan mula sa modyul
na ito. Pero bago yan, sagutin mo muna ang ilang katanungan sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang hugis kung


ang pangungusap ay tumutukoy sa diyalogo at hugis kung ang tinutukoy ng
pangungusap ay monologo.

________1. Si Alice ay nakagalitan ng kanyang tatay dahil sa hindi inaasahang


pangyayari ay nabasag niya ang paborito nitong tasa na pangkape. Ni hindi man
lang nito binigyan ng pagkakataong makapagbigay ng paliwanag ang kanyang
anak.
________2. Dahil sa pang-kalusugang sitwasyon ng buong bansa na dala ng Covid
19 ay natigil nang matagal sa kanilang bahay ang asawang nagtatrabaho sa
malayong lugar. Napansin niyang naging mas malumanay ang boses at bukas
ang tainga nito sa pakikinig sa kanilang mga anak.
________3. Ang nakatatandang kapatid ni Cardo ay natanggal sa kompanya na
kanyang pinapasukan. Dahil ditto, naging mainitin at magagalitin siya sa kanilang
magkakapatid. Minsan ay tinawag siya nito na, “hoy, palamunin, kunin mo yung
t-shirt ko sa aking aparador.”

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
________4. “Ganun ba talaga yun, pag bata ka pa bawal magsalita kasi wala kang
galang, papaano kung nasa maayos naman ang paraan ng aking pakikipag-usap
sa aking magulang subalit ayun, yun po Titser Malou ayaw pa rin nila akong
pasalitain,may mali nga ba talaga ako Titser?...tanong ni Armand sa Guidance
counselor ng kanilang paaralan.
_________5. Ipinaalam ni Franz sa kanyang nanay na may nakaaway siya sa
paaralan. Agad namang agad inaksyunan ng nanay ang impormasyon sa
pamamagitan ng pagdalaw sa paaralan at pagkausap sa guro upang alamin ang
sinabi ng kanyang anak.

_________6. Malimit biruin ng kanyang mga kapatid si Emily, minsan napagsabihan


siya ng kanyang kuya na kailangan niyang baguhin ang kanyang pag-uugali upang
makasabay sa kanilang magkakapatid. Subalit ipinaliwanag niya na sadyang likas
sa kanya ang pagiging tahimik at sinabi niya na iwasan ang pagbibiro sa kanya ng
mga ito.

_________7. Ang magkapatid na Shella at Joan ay malimit mag-away. Sa dalas ng


kanilang pag-aaway ay wala man lang sa magkapatid ang nais magpakumbaba.

________ 8. Tuwang-tuwa si Aling Cory sa kanyang bunsong anak dahil sa pagiging


maalalahanin nito sa kanyang mga kapatid. Minsan narinig niyang sabi nito sa
kanyang panganay na kapatid na, “Ate, kapag lalabas ka ng bahay huwag mong
kalilimutang magdala ng alcohol at magsuot ng face mask mahirap na kasi patuloy
ang pagtaas ng bilang ng kaso ng may Covid 19.

________9. Dahil sa patuloy na pag-iral ng general community quarantine sa lugar


nila Leroy dala ng Covid 19 napansin ng kanyang nanay ang pagiging matamlay at
malungkutin nito. Hinayaan niya ito dahil natural lang sa isang kabataan na
magpakita ng ganitong klase ng emosyon o damdamin dahil nabawasan ang oras
ng pakikihalubilo nito sa kanyang mga kaibigan.

_______10. Hirap na hirap ang tsuper na si Ronald na pagkasyahin ang maliit na


kinikita niya sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Napansin ng kanyang maybahay na si Mila ang pagkabalisa ni Ronald kaya nag-
usap sila. Nahihiya man si Ronald sa huli ay pinayagan din ni Ronald na
tumanggap ang asawa ng tahiing face-mask para pandagdag sa gastusin araw-
araw.

Aralin
Pampamilyang
1 Komunikasyon, Patatagin!
Alam mo ba na dahil kasapi ka ng pamilya kaya’t parating isaisip ang halaga
ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, kapayapaan at pagmamahalan.

Ang pamilya natin ang una nating nakilala at nakasama. Ang ating mga
magulang ang ating naging unang guro, mula sa kanilang mga salita at kilos ay
naipapasa sa atin ang mga kaalaman at kasanayan na ibinabahagi nila. Kung kaya’t

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
napakahalagang daan ang epektibong komunikasyon upang matamo ang
kapayapaan sa loob ng ating pamilya.

Balikan
Kumusta ang pag-aaral mo sa nakaraang modyul? Naalala mo pa ba ang paulit-
ulit na sabi ng iyong magulang na “Anak, mag-aral kang mabuti ha!” .....Ah, masakit
na ba sa tenga dahil pulit-ulit? Subalit sa pamamagitan ng walang sawang pagpa-
paalala sa iyo ng iyong magulang ay doon nag-uumpisang kumintal sa iyong isipan
at tumimo sa iyong damdamin ang kahalagahan ng edukasyon. Inaasahan ko na
baon mo ang pagpapahalagang ito sa iyong puso dahil kakailanganin mo ang mga
ito sa pag-aaral ng modyul. Sige nga, subukan natin kung may naalala ka sa mga
aralin.

Isulat sa bawat bubble ang mga sagot sa tanong: Ano ang naalala mong
natutunan mula sa iyong mga magulang na may kinalaman sa edukasyon o pag-
aaral, mabuti at tamang pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

Ang Aking Naalala sa Naituro ng Aking Magulang


1. Edukasyon
2. Tama at Mabuting Pagpapasiya
3. Pananampalataya

Ang aking naramdaman


Ang aking narinig
dala ng
tungkol sa
#3 ___________________
#1____________________
__

Ang aking nakitang dulot ng

#2_______________________

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
Upang mas maintindihan mo ang aralin sa modyul na ito, iyong sagutan ang
K-W-L Chart sa ibaba.

Gamit ang K-W-L Chart sagutin ang mga tanong sa ibaba.

K-nowledge W-ant L-earn


Ano ang alam mo tungkol Ano ang nais mong Ano ang epekto ng
sa ugnayan o malaman sa paraan ng maayos na ugnayan o
komunikasyon ng ugnayan o komunikasyon komunikasyon sa
Pamilyang Pilipino? ng pamilya? Pamilya?

Ating alamin ang kahulugan at pagkakaiba ng diyalogo sa monologo na


nasa Venn dayagram. Pag-aralan mo itong mabuti upang maging mabisa ang
pagtugon mo sa komunikasyon sa loob ng iyong pamilya.

k
o
m
diyalogo - ugnayan u monologo- ugnayang
n hindi tinitingnan
na may lubos na angkapwa bilang tao
pagbubukas ng i
k
kundi isang daan
sarili at tiwala sa upang makamit ang
isa't isa a
nais
s
y
o
n

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Nais kong alalahanin at balikan mo ang iyong mga naging karanasan sa
sarili mong pamilya maging ang iyong naging obserbasyon sa iba tungkol sa paraan
ng pagpapatatag at pagpapabuti ng komunikasyon. Ibahagi ito sa paraang pasulat
sa loob ng speech balloon sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A.

B.

C.

Suriin

Ano nga ba ang komunikasyon?


Ito ay anumang senyales o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kaniyang iniisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses,
katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.

Ang komunikasyon sa pamilya ay paraan kung papaano nagpapalitan ng


pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito tandaan mo
na hindi lang pagsasalita ang mahalagang bahagi ng komunikasyon, mahalaga rin
ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang pang-unawa sa kaniyang mga sinasabi.

Kaya’t, sa pamamagitan ng komunikasyon naipapahayag ng mga kasapi ng


pamilya ang kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang
pagmamalasakit sa isa’t isa. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay daan upang
maipahayag ng bawat kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon, gayon
din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isa sa mabuting karanasan sa pakikipag-ugnayan sa ating pamilya ay
naisisiwalat mo ng buong puso ang iyong saloobin at pinakikinggan at inuunawa ito
ng bawat kasapi ng iyong pamilya. Kaya nga kung minsan ay sumasama ang ating
loob kung hindi napapakinggan ng maayos ang nilalaman ng ating isipan at
damdamin.

Ayon kay Dr. Manuel Dy (2010), “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao.”
Totoo nga na nakikipag-isa ang tao sa lipunan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
kanyang sarili. At nabibigyang linaw ang pagbabahaging ito sa pamamagitan ng
kanyang pakikipagtalastasan at kung anong uri ng ugnayan meron siya sa kanyang
kapwa.

Matapos mong basahin ang nilalaman ng maikling paliwanag tungkol sa


komunikasyon, isunod mong tunghayan ang maikling kuwento hango sa tunay na
karanasan sa sarili niyang pamilya ng isang mag-aaral na itago natin sa pangalang
Bella.

Si Bella at ang Kanyang Bagahe


ni Lorena A. Merilles

Ang mag-asawang Senyang at Pablo ay may anak na magandang dalagita na


nagngangalang Bella. Mahal na mahal ng mag-asawa si Bella dahil ito ang nag-iisang
bunga ng kanilang pagmamahalan. Lumaki ito sa layaw ng kanyang ama na syang
ikinabahala ng kanyang inang si Senyang.
Isang hapon, habang nasa hapag kainan ang mag-anak ay napansin ng amang si Pablo
ang pagiging tahimik ni Bella, na dati rati namang ito ay masayahin at hindi maubusan ng
kuwento tuwing sila ay nasa hapag kainan.
Tinanong si Bella ng kanyang ama kung ano ang problema. Hindi sinagot ni Bella ang
tanong ng kanyang ama. Sinundan ito ng tanong ng kanyang ina, subalit nanatiling tahimik
ang dalagita. Dahil sa pananatiling tahimik ni Bella ay napasigaw na ang kanyang ama ng
“Ano ba! Kanina ka pa namin tinatanong ng nanay mo bakit di ka umiimik, ano ba ang
problema mo!”, nabigla si Bella at lalong naumid ang dila na hindi makapagsalita.
Sa puntong ito, mahinahong kinausap ng ina ang dalagita, “anak, kung ano man ang
bumabagabag sa iyo ay naririto kami ng iyong ama. Pagpasensyahan mo na ang iyong tatay
dahil sa pag-aalala saiyo ay nasigawan ka niya.”
Sa mahinahong boses ng nanay ay dahang-dahang nagkuwento si Bella ng isang mabigat
na problema na dala ng isa sa kanyang mga manliligaw. Habang nagkukuwento si Bella ay
humupa naman ang damdamin ng kanyang tatay at pinag-usapan ng mag-anak ang
problemang nabanggit.
Habang patapos na sila sa kanilang kinakain, ay humingi ng pasensya ang tatay na si
Pablo sa nagawa nitong pagsigaw sa kanyang anak.

Marahil hindi ito ang unang pagkakataon na nakabasa ka ng tulad sa kuwento


ni Bella.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isulat ang iyong sagot sa dayagram na nasa ibaba ng mga tanong. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang tinutukoy na ‘bagahe ni Bella’?


2. Anong karanasan ukol sa komunikasyon o ugnayan ang naranasan
ni Bella?
3. Paano hinarap ng mag-anak, ang nasabing suliranin? Ipaliwanag.
4. Kung hindi nakialam ang nanay ni Bella sa usapin, ano sa tingin mo
ang kalalabasan ng pag-uusap ng mag-anak? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
5. Isulat mo ang mga aral sa iyong natutunan mula sa maikling
kuwento.

Ang Aking Sagot

A. Mula sa maikling kuwentong binasa, alamin o bigyang pansin kung anong


uri ng komunikasyon o ugnayan ang namagitan sa pagsisiwalat ng problema
ni Bella sa kanyang mga magulang? Kung monologo ang iyong sagot, bakit?
At kung diyalogo naman ang iyong sagot ipaliwanag. Isulat ang iyong sagot
sa loob ng kahon na nasa ibaba.

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin
Suriin ang mga sitwasyon na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa
makabagong panahon.
Balikan mo ang iyong naging sagot sa speech balloon sa bahagi ng Tuklasin.
Nais kong isulat mo sa bawat kahon sa ibaba sa bahaging sitwasyon A, B at C
ang naging karanasan mo sa loob ng iyong pamilya o naobserbahan sa ibang pamilya
kung papaano mapapabuti o mapapatatag ang inyong komunikasyon. Sa ilalim ng
bawat sitwasyon, sagutan ang tatlong katanungan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Sitwasyon A :

Ano ang karaniwang uri ng komunikasyon sa ganitong sitwasyon sa


pamilya?
_______________________________________________________

Ano ang karaniwang kalagayan ng ugnayan ng mga kasapi ng


pamilya sa loob ng ganitong sitwasyon?
_______________________________________________________

Ano ang dapat gawin ng bawat kasapi ng pamilya upang mapabuti


ang ugnayan sa isat isa?
_______________________________________________________

Sitwasyon B:

Ano ang karaniwang uri ng komunikasyon sa ganitong sitwasyon sa


pamilya?
_______________________________________________________

Ano ang karaniwang kalagayan ng ugnayan ng mga kasapi ng


pamilya sa loob ng ganitong sitwasyon?
_______________________________________________________

Ano ang dapat gawin ng bawat kasapi ng pamilya upang mapabuti


ang ugnayan sa isat isa?
_______________________________________________________

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sitwasyon C:

Ano ang karaniwang uri ng komunikasyon sa ganitong sitwasyon sa


pamilya?
_______________________________________________________

Ano ang karaniwang kalagayan ng ugnayan ng mga kasapi ng


pamilya sa loob ng ganitong sitwasyon?
_______________________________________________________

Ano ang dapat gawin ng bawat kasapi ng pamilya upang mapabuti


ang ugnayan sa isat isa?
_______________________________________________________

Isaisip

Pagmasdan mong mabuti ang puzzle. Hanapin ang mga salitang


natalakay sa aralin, kulayan at bigyang kahulugan ang mga ito.

1. komunikasyon- ________________________________________________
2. mensahe - ____________________________________________________
3. diyalogo - ____________________________________________________
4. monologo - ___________________________________________________
5. ugnayan -_____________________________________________________

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tandaan natin!

Sa pamamagitan ng maayos
na komunikasyon nagagawa
ng mga kasapi ng pamilya na
malutas ang anumang
suliranin o problemang
kinakaharap nito.

Isagawa

Hangad ko na marami kang natutunan sa araling ito. Lubhang napakahalaga


sa isang mag-aaral na ang kanyang natutunan ay maisabuhay batay sa tama at
mabuting pagpapasiya.
Subukin mong isabuhay ang mga natutunan mong kaalaman mula sa aralin,
ang pagpapalalim at pagpapatatag ng ugnayan o komunikasyon sa pamilya sa
pamamagitan ng pagsagot sa isang kontrata. Ito ang iyong kontrata para sa iyong
pamilya.

Ako, si ____________________________ay nagtatalaga ng aking sarili at nangangakong


magbabahagi para sa mabisang ugnayan o komunikasyon sa aming pamilya sa pamamagitan
ng:

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________
Kasihan nawa ako ng Panginoon.

________________________ _____________________
Iyong Lagda Petsa

Mga Saksi:

__________________________ ______________________
Lagda Petsa

__________________________ ______________________
Lagda Petsa

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at bilugan ang titik
ng pinakatamang sagot.
1. Ang bukas at tapat na komunikasyon ay:
A. nagbubunga ng hindi magandang ugnayan dahil sa hindi
pagkakaintindihan.
B. daan upang maipahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang pagkakaiba ng
pananaw gayon din ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isa’t isa.
C. daan upang masunod ang nais ng pinakamagaling na kasapi ng pamilya.
D. walang kinalaman sa pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya at ng mga
kasapi nito.

2. Tinutukoy nito ang anumang senyales o simbolo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kaniyang iniisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika,
kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa.
A. Pamilya C. mensahe
B. Komunikasyon D. tsanel

3. Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng komunikasyon na tinitingnan ang kapwa


ng may lubos na pagbubukas ng sarili at may tiwala sa isa’t isa.
A. Sagabal C. diyalogo
B. Monologo D. komunikasyon

4. Ito ay tumutukoy sa uri ng komunikasyong hindi tinitingnan ang kapwa


bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais ng isang taong
nakikipag-ugnayan.
A. Sagabal C. diyalogo
B. Monologo D. komunikasyon

5. Ayon sa kanya, “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao. Hindi posible ang
mabuhay sa lipunan kung walang salita o wika”.
A. Papa Juan Paulo II C. Martin Buber
B. Dr. Manuel Dy D. Leandro C. Villanueva

6. Mula sa maikling kuwentong “Si Bella at ang Kanyang Bagahe” nasigawan si


Bella ng kanyang ama, tama ba o mali ang nagawa ng ama ni Bella? Ano sa
iyong palagay?
A. Tama, dahil kailangang matakot ito sa kanya upang magsabi ng
katotohanan.
B. Tama, dahil siya ang magulang at marapat na masunod kung ano ang
kanyang kagustuhan.
C. Mali, dahil nagdulot ito ng takot kay Bella na nagbigay ng dahilan upang
hindi siya makapagsalita.
D. Mali, dahil bilang isang magulang ay nararapat na sayo nagsisimula ang
birtud ng pagiging mahinahon sa gitna ng krisis na pinagdadaanan ng
pamilya.

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7. Si Fiel ay palaging tutok sa kanyang celphone kung kaya’t wala na siyang
nagagawa sa loob ng kanilang bahay. Madalas siyang pagalitan at sabihan
ng masasakit na salita ng kanyang nanay. Ang sitwasyon ni Fiel at ng
kanyang nanay ay tumutukoy sa ugnayang: _________________
A. Tsanel C. mensahe
B. Diyalogo D. monologo

8. Minsan ay bumisita si Emma sa kanyang kaibigang si Bing, nadatnan niyang


nakikipag-argumento ang kanyang kaibigan sa nanay nito. Sa sitwasyong ito
ay napansin niyang wala na sa tamang lugar ang kanyang kaibigan. Ano ang
dapat gawin ni Emma?

A. Umalis at huwag nang magpaalam, tutal hindi naman siya nakita ng mga
ito
B. Sigawan niya ang kanyang kaibigan at sabihing somusobra na ito
C. Hayaan lang na matapos ang pakikipag-argumento nito sa ina dahil
kaibigan niya ito.
D. Kunin ang pansin ng kanyang kaibigan, at sikaping makausap ito ng
personal upang mapangaralan ito ng tamang pakikipag-usap sa
magulang.

9. Napadaan si Carl sa bahay ng kanyang crush, tuwang-tuwa siya at hindi niya


napansin ang kaibigan niyang tumatawag sa kanya. Ang pakiramdam niya
ay katabi niya ang kanyang crush habang naglalakad. Ito ay tumutukoy sa
ugnayang: ______________________
A. tsanel
B. mensahe
C. diyalogo
D. monologo

10. Dahil sa nalalapit niyang kaarawan, kinausap ni Henry ang kanyang ina sa
plano niyang gimmick sa bahay ng kanyang mga barkada. Sinabi niyang siya
ang sasagot sa lahat ng gastusin dito. Nabahala ang nanay nito, nakiusap ito
na huwag gawin ang okasyon sa ibang bahay dahil ito ay pampamilya. Subalit
nakikipagmatigasan si Henry na naka-pangako na siya sa kanyang mga
kaibigan at ayaw niya itong masira. Ito ay tumutukoy sa ugnayang:
____________________
A. tsanel
B. mensahe
C. diyalogo
D. monologo

City of Good Character 13


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Saludo ako para sa iyo, binabati kita! Napagtagumpayan mo ang pag-aaral sa
modyul na ito. Ngayon ay may karagdagan kang gawain upang lalong mapagtibay
ang iyong mga napag-aralan. Tara, gawin mo na!
1. Sa gawaing ito ay kalahok ang lahat ng mga kasama sa loob ng inyong
tahanan.

2. Magplano ng isang munting salu-salo sa loob ng inyong bahay.

3. Ang nasabing salu-salo ay ang normal o regular na ginagawa ninyo tuwing


kayo ay naghahanda ng pagkain sa hapag kainan. Hindi kinakailangang ang
gumastos ng malaki dahil ang mahalaga dito lahat ng kasapi ng iyong pamilya
ay magkakasamang kakain sa isang hapag kainan.

4. Tulungan ang magulang/legal guardian sa paghahanda ng nasabing salu-


salo.

5. Habang kayo ay nasa pagpa-plano at nasa aktuwal ng salu-salo, ano-ano ang


mga usaping lumabas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Sa mga usaping ito, suriin kung may kinalaman ito sa iyong pamilya. Kung
meron, anong halaga nito sa inyo. At kung wala, bakit ito lumabas sa inyong
usapin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7. Matapos ang salu-salo ng pamilya, ano ang iyong naging obserbasyon sa


pakikipag-usap sa bawat isa, sa magulang, kapatid at iba pang kasama?
Naging bukas at tapat ba ang bawat isa sa kanilang mga sinabi?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8. Nagamit ba ang ugnayang monologo at diyalogo sa inyong usapan?


Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9. Kumuha ng tig-isang larawan mula sa pagpa-plano at habang nasa hapag-
kainan.

10. Ang nasabing mga larawan ay ididikit sa photo album na nasa ibaba at lagyan
ng #hashtag na ayon sa iyong nararamdaman at okasyon.

Halimbawa: #masayangpamilyamagkasalo

Para sa mga mag-aaral na may magagamit na internet sa bahay, maaring ilagay


ang nasabing mga larawan sa iyong Facebook account. Hingin ang pahintulot ng
magulang o legal guardian sa bagay na ito.

Sanggunian
Bognot, R. et. al. 1st Edition. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Learners Module
8. 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines
1600. Vibal Publishing House, Inc.

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorena A. Merilles (Guro, Marikina High School)


Mga Tagasuri: Eunice P. Songcayauoun (Guro, Marikina High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva
(Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like