You are on page 1of 28

1

MTB-MLE
Unang Markahan-Modyul 1:
Pagsasabi Tungkol sa Sarili
at Personal na Karanasan

May-Akda: Fe B. Sugabo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kumusta ka? Ikaw ay mag-aaral sa tulong ng modyul
na ito at ng iyong magulang.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

 Aralin 1 – Pagsasabi ng Impormasyon Tungkol sa Sarili


 Aralin 2 - Pagsasabi ng Miyembro ng Pamilya,
Kaibigan at mga Paborito
 Aralin 3 – Pagsasabi ng Masasayang Karanasan at
Pangarap sa Buhay

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang


magagawa mo ang sumusunod:

A. naipakikilala ang sarili gamit ang mga angkop na


pahayag;
B. nasasabi ang sariling pangalan, apelyido at palayaw,
baitang at pangkat na kinabibilangan;
C.nasasabi ang mga miyembro ng pamilya at mga
kaibigan;
D. nasasabi ang paboritong pagkain, laruan kulay at
programa sa telebisyon;
E. nakapagsasabi ng masasayang karanasan; at
F. nakapagsasabi ng pangarap sa buhay
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Bago ka magpatuloy sa aralin, subukin mong sagutin
ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pangalan mo?


___________________________________________________
2. Ilang taon ka na?
___________________________________________________
3. Ano ang palayaw mo?
___________________________________________________
4. Saan ka nag-aaral?
___________________________________________________
5. Anong baitang at pangkat ang iyong kinabibilangan?
___________________________________________________

Aralin Pagsasabi ng Impormasyon


1 Tungkol sa Sarili

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsasabi ng


impormasyon tungkol sa iyong sarili. Upang ito ay
matupad, kailangan mong magawa nang matapat ang
mga gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Bago ka magpatuloy sa aralin, sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
1. Paano kayo gumawa ng family tree noong kayo ay
nasa kindergarten?
2. Sino-sino sa pamilya ninyo ang inilalagay mo sa family
tree?
3. Sa family tree, kasama ba ang kaibigan mo?
4. Sino ang tumulong sa’yo para mabuo ang family tree?
5. Kasama ka ba sa family tree?

A. Panimula
Pagmasdan ang larawan. Sagutin ang mga
tanong sa susunod na pahina.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
1. Ano ang nasa larawan?
2. Saan kaya sila pupunta?
3. Ano ang kanilang dala-dala?
4. Ano ang kanilang suot?
5. Bakit sila pupunta sa paaralan?

B. Pagbasa

Sa gabay ng magulang, basahin ang maikling


kuwento.

UNANG PAGPASOK SA PAARALAN


ni Fe B. Sugabo

Unang araw ng pasukan, si Danilo ay masaya


habang dala-dala ang kaniyang kagamitan
papunta ng paaralan. Sinimulan ng guro ang klase
sa pagpapakilala ng kaniyang sarili. Sinabi ng guro,
“Ako si Gng. Fe Sugabo, limampu’t anim na taong
gulang. Nakatira sa Batasan Hills, Quezon City.
Tawagin ninyo akong titser Fe.
Pagkatapos, isa-isang tinawag ng guro
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
ang mga bata upang ipakilala ang kanilang sarili sa
unahan at isa na dito si Danilo.
Magandang umaga po sa inyong lahat! Ako po
si Danilo. Anim na taong gulang, nakatira sa Nangka.
Puwede ninyo akong tawaging Dan.

C.Pag-unawa sa binasa

1. Sino ang papasok ng paaralan?


2. Ano-ano ang kaniyang dala papunta ng paaralan?
3. Pang-ilang araw na siyang pumapasok sa
paaralan?
4. Sino ang unang nagpakilala?
5. Ano ang totoong pangalan ni Dan?

Batay sa binasa, narito ang mga dapat tandaan sa


pagpapakilala ng iyong sarili:

1. Buong pangalan at apelyido


2. Edad at kapanganakan
3. Palayaw
4. Tirahan
5. Baitang at pangkat na kinabibilangan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Mahalaga ang tamang impormasyon na ito tungkol
sa iyong sarili. Nagagamit ito sa ibat’ibang bagay tulad
sa ID at pagpapalista sa paaralan.

Kumuha ng isang malinis na papel. Buuin ang mga


pangungusap gamit ang iyong impormasyon.

Ako si _____________________, _____ na taong gulang


at ipinanganak noong ______________________. Ako ay
nakatira sa ___________________________. Ako ay nasa
_______________ baitang at pangkat ______. Ang
palayaw ko ay _______________.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Naipakikilala ang sarili sa tulong ng pagsagot sa mga
tanong na:
1. Ano ang pangalan mo?
2. ilang taon ka na?
3. Ano ang palayaw mo?
4. Saan ka natira?
5. Anong baitang at pangkat ang kinabibilangan mo
sa paaralan?

Ngayon naman ay subukan mong gawin ang


bahaging ito. Pumili lamang ng isa.

A. Sa tulong ng miyembro ng pamilya, i-video ang sarili


habang nagpapakilala. Ipasa ito sa iyong guro.

B. Sa gabay ng magulang, basahin ang maikling


diyalogo at sagutan sa hiwalay na papel ang mga
tanong.

Isang hapon, dumating ang ninang mo


City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
na may kasamang bata na kasing edad mo.

Femmy: Magandang hapon po ninang! Sino po ang


kasama ninyo?

Ninang: Magandang hapon din Femmy! Ito ang aking


anak na si Marlin.

Femmy: Hi Marlin! Ako si Femmy, 6 na taong gulang. Ang


palayaw ko ay Fem. Nag-aaral ako sa Nangka
Elementary School. Ikaw, ilang taon ka na?

Marlin: Ako si Marlin, 6 na taong gulang. Nag-aaral ako sa


H. Bautista Elementary School. Tawagin mo ako sa
palayaw na Lin.

Femmy: Masaya akong nakilala kita.

Marlin: Ako din.

Sagutin ang mga tanong:


Isulat ang mga sagot sa patlang.
__________ 1. Sino ang mga batang nag-uusap?
__________ 2. Ilang taon na sina Femmy at Marlin?
__________ 3. Saan nag-aaral sina Femmy at Marlin?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Ngayong alam mo na ang aralin, oras na para
sukatin ang iyong natutuhan.

A. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap.


Isulat ang T sa patlang kung ang pangungusap ay tama,
M kung mali.
_____ 1. Mahalaga ba na may pangalan ang bawat tao?
_____ 2. Bilang isang bata, dapat alam mo ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa sarili.
_____ 3. Ang pangalan ay maaring ipahiram sa ibang
bata.
_____ 4. Bawat isa ay may sariling palayaw.
_____ 5. Gumamit ng ibang lugar na tirahan.

B. Ipagpalagay na binigyan ka na ng ID mula sa


paaralan. Punan ang ID ng tamang impormasyon tungkol
sa iyong sarili.
Pangalan at apelyido: __________________________________
Edad at kapanganakan: _______________________________
Palayaw:___________________
Baitang at pangkat: ___________________________________
Tirahan:
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
_______________________________________________

Karagdagang Gawain

Magaling! Nakatutuwa ang iyong ginawa. Para


lalong lumawak ang iyong kakayahan, isaulo ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong sarili.
Gumawa ng name tag na may disenyo. Ilagay ang iyong
pangalan, apelyido, palayaw, baitang at pangkat.

Mahusay! Natutuwa ako sa ipinakita mong galing sa


pag-aaral. Binabati kita! Hanggang sa susunod na pag-
aaral.

Susi ng Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Sanggunian

https://www.google.com/search?q=boy+student+clipart&tbm=isch&h
l=en&safe=active&tbs=sur:fc&chips=q:boy+student+clipart,g_1:elementary:ft
-KGo-
8k0c%3D&safe=active&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjv97T6zJTrAhUSNKYKH
b8ZA5oQ4lYoA3oECAEQHA&biw=1349&bih=657#imgrc=fIAfVCKJh1vHBM

https://www.google.com/search?q=boy+student+clipart&tbm=isch&h
l=en&safe=active&tbs=sur:fc&chips=q:boy+student+clipart,g_1:elementary:ft
-KGo-
8k0c%3D&safe=active&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjv97T6zJTrAhUSNKYKH
b8ZA5oQ4lYoA3oECAEQHA&biw=1349&bih=657#imgrc=aP_iMc7uvgP7IM

Ibigay ang mga hinihinging impormasyon sa ibaba.

1. Ano ang pangalan ng tatay mo?


2. Ano ang pangalan ng nanay mo?
3. Sino-sino ang bumubuo sa inyong pamilya?
4. Ano ang pangalan ng kaibigan mo?
5. Ano-ano ang mga paborito mong pagkain?
6. Ano ang paborito mong kulay?
7. Ano ang paborito mong laruan?
8. Ano ang paborito mong programa sa telebisyon?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Aralin Pagsasabi ng Miyembro ng Pamilya,
2 Kaibigan at mga Paborito

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsasabi ng


miyembro ng iyong pamilya, kaibigan at mga paborito.
Matututuhan mo ito kung magagawa mo nang matapat
ang mga gawain.

May ipinakilala sa iyong bagong kaibigan ang iyong


kaklase. Paano mo ipakikilala ang iyong sarili?
Gamitin ang mga sumusunod na gabay:
1. Pangalan at Apelyido
2. Palayaw
3. Edad at kapanganakan
4. Baitang at Pangkat

A. Panimula

Pagmasdan ang larawan sa susunod na pahina at


pagkaraan ay basahin ang maikling akda nang may
pag-unawa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Ang Masayang Pamilya
ni Fe B. Sugabo
Si Mang Dante at Aling Marta ay may dalawang
anak, ito ay sina Waldo at Nilda. Si Waldo ay matulungin
dahil tinutulungan niya ang kaniyang tatay sa mga
gawain. Mahilig siya sa paglalaro ng basketbol. Si Nilda
naman ay masipag na bata. Paborito niya ang laruang
manika.

Masaya ang kanilang pamilya. Madalas, nanonood


din sila ng paborito nilang programa sa telebisyon.

Tuwing linggo, sila ay sama-samang nagsisimba


upang magpasalamat sa mga biyaya na kanilang
tinatanggap.

Sagutan ang mga tanong:


1. Ano ang paboritong laro ni Waldo?
2. Ano ang paboritong laruan ni Nilda?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
3. Ano ang masasabi mo sa pamilya ni Mang Dante at
Aling Marta?
4. Bakit mo nasabi na masaya ang pamilya nina Mang
Dante at Aling Marta?
5. Paano nagpapasalamat ang kanilang pamilya sa
Panginoon?

B. Pagbasa
Ngayon naman ay basahin mo ang isa pang
kuwento nang may pangunawa sa tulong ng iyong
magulang. Pagkaraan ay sagutin ang mga tanong.

“Ang Aking Pamilya”


ni Gng. Fe B. Sugabo

Maaga pa, naghanda na ang mag-anak ng mga


dadalhin sa dagat.
“Rina, nasaan ang mga dadalhin mo?”.
“Nandito na po sa bag nanay.”
“Nanay, magdala po tayo ng pritong manok,” sabi
ni Gilbert.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
“Mawawala ba naman ang mga paborito ninyong
pagkain?” tugon ni nanay habang naghahanda.
“Si kuya dala-dala talaga ang bola!” sabi ni Rina.
“Bakit, ikaw nga dala mo rin ang manika mo,” sagot
ni Gilbert.
“Basta ako magdadala ng paborito naming
manggang manibalang,” sabi naman ni nanay.
“Uuwi po tayo nang maaga nanay kasi manonood
kami ni tatay ng basketbol,” wika ni Gilbert.

C. Pag-unawa sa binasa
1. Anong oras pumunta sa dagat ang pamilya?
2. Ilan ang anak na binanggit sa kuwento?
3. Ano ang paborito nilang ulam?
4. Ano ang paboritong prutas ni nanay at tatay?
5. Bakit maaga silang uuwi?

Sa pagpapakilala ng sarili ay mahaga din na


maipakilala ang mga kasapi o miyembro ng pamilya.
Ang iba ay maaaring may tatay, nanay at mga kapatid.
Ikaw, sino-sino ang miyembro o kasapi ng iyong pamilya?
Maaari mong sabihin ang mga pangalan nila.
Hindi kumpleto ang pagpapakilala kung hindi mo
masasabi ang mga paborito o kinahihiligan mong

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
pagkain, kulay, damit, laruan, programa sa telebisyon at
iba pa.
Siyempre, kailangan mo ring ipakilala at sabihin ang
pangalan ng iyong mga kaibigan.

A. Iguhit sa loob ng kahon ang limang (5) paboritong


bagay.

B. Isulat sa ibaba ang mga pangalan ng kasapi sa


inyong pamilya.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

C. Sino-sino ang iyong mga kaibigan?


___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16
Bahagi ng pagpapakilala sa sarili ay ang
pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Sino-sino ang miyembro o kasapi ng inyong
pamilya? Ano-ano ang mga pangalan nila?
2. Ano ang paborito mong kulay, damit, pagkain at
laruan?
3. Ano ang paborito mong pinanonood sa telebisyon?
4. Sino-sino ang iyong mga kaibigan?

Ngayon naman ay gawin mo ang bahaging ito.


Ipagpalagay na ikaw ay kasali sa isang palaro sa
telebisyon. Bago magsimula ang palaro ay kailangan
mong sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang pangalan mo? Ilang taon ka na?
2. Ano ang pangalan ng nanay at tatay mo?
3. Ilan kayong magkakapatid? Ano-ano ang
pangalan nila?
4. Sino-sino ang iyong mga kaibigan?
5. Ano-ano ang paborito mong pagkain?
6. Ano-ano ang paborito mong laruan?
7. Ano ang madalas mong pinanonood sa telebisyon?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 17
Ngayong nahasa ka na sa aralin, oras na para
sukatin ang iyong natutuhan. Sa gabay ng magulang o
kasama sa bahay, ipakilala ang iyong sarili, pamilya,
kaibigan, at mga kinahihiligan.

Impormasyon Kasapi ng Pamilya


tungkol sa Sarili at mga Kaibigan Mga Hilig o Paborito

Karagdagang Gawain

Magaling! Nakatutuwa ang iyong mga ginawa.


Upang lalong gumaling ang iyong kakayahan, iguhit at
kulayan sa iyong kuwaderno ang miyembro ng iyong
pamilya at mga kaibigan. Gumuhit din ng limang
paboritong bagay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 18
Mahusay! Natutuwa ako sa ipinakita mong galing sa
pag-aaral. Binabati kita! Hanggang sa susunod na pag-
aaral!

Susi ng Pagwawasto

Sa gabay ng magulang, basahin at isulat sa patlang


kung KARANASAN o PANGARAP.

_______________ 1.Pagkalipas ng dalawampung taon ako

ay guro na rin.

_______________ 2.Nakarating na ako sa Bayan ng

Marikina.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 19
_______________ 3.Nakita ko na ang Bulkang Mayon, ang

pinakamagandang bulkan sa Pilipinas.

_______________ 4.Alam mo, muntik na akong madulas

nang umakyat kami sa burol na malapit

sa Chocolate Hills.

_______________ 5. Nais kong maging isang basketbolista

pagdating ng araw.

Aralin Pagsasabi ang Masasayang


3 Karanasan at Pangarap sa Buhay

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsasabi ng


masasayang karanasan at mga pangarap sa buhay.
Upang ito ay magawa, kailangan mong gawin nang
matapat ang mga gawain.

Balik-aralan ang nakaraang aralin. Sa gabay ng


magulang, sagutan ang mga tanong.

1. Sino-sino ang kasapi ng inyong pamilya?

2. Sino-sino ang iyong mga kaibigan?

3. Ano-ano ang paborito mong pagkain at laruan?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 20
A. Panimula
Pagmasdan ang larawan at pagkaraan ay
sagutin nang pasalita ang mga tanong sa ibaba.

Mga Tanong:

Ano ang ginagawa ng mga bata?

Saan kaya sila pumunta?

Sino ang kasama nila?

B. Pagbasa

Ngayong handa ka na, simulan na ang


pagbabasa ng kuwento sa sususnod na pahina
nang may pang-unawa. Gagabayan ka ng iyong
magulang.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 21
Piknik sa Rizal Park
ni Fe B. Sugabo

Noong Sabado ay pumunta kami sa Rizal Park.


Kasama ko si tatay, nanay at mga kapatid ko.
Habang papunta pa lang, ang saya ko na talaga.
Sa wakas makakarating na rin ako at makikita ko na
ang Rizal Park. Inikot namin ang buong lugar. Nakita
ko ang monumento kung paano binaril si doktor Jose
Rizal.
May tren at kalesa na maaaring sakyan para
libutin ang lugar. Marami din ang mabibiling souvenir
o pampasalubong. Kumain din kami sa loob ng
hardin na may mga mesa. Ang sarap ng
pakiramdam. Bago umuwi, bumili si tatay ng sorbetes.
Sana sa susunod makapunta naman kami sa
ibang lugar. Mula ngayon mas nabuo ang pangarap
ko. Sisikapin kong makatapos ng pag-aaral upang
mapuntahan ko ang iba’t ibang magagandang
tanawin sa Pilipinas. Pagsasalaysay ni Carmela.

C.Pag-unawa sa binasa

Sagutan ang mga tanong sa gabay ng magulang.


__________ 1. Ano ang pangarap ni Carmela?
__________ 2. Paano niya ito matutupad?
__________ 3. Sino ang nagkukuwento ng mga
pangyayari?
__________ 4. Saan sila nagpunta?
__________ 5. Sino ang sumulat ng kuwento?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 22
Bawat bata ay may kani-kaniyang karanasan at
pangarap sa buhay.

Pangarap - ito ay isang bagay o pangyayari na gusto


mong mangyari sa iyo sa darating na panahon tulad ng
maging isang guro, doktor, manlalaro at iba pa.

Karanasan - ito ay mga pangyayari sa buhay na


maaaring sinadya o di sinasadya na mangyari tulad ng
paglalaro, pamamasayal, pagbibiyahe at iba pa.

Sa tulong ng magulang, gawin ang sumusunod na


gawain.

A. Lagyan ng tsek (/) kung karanasan mo ito noong


kinder at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Umiyak sa unang araw ng pagpasok sa silid


aralan.

_____ 2. Nahirapang isulat ang buong pangalan.

_____ 3. Umawit nang may aksiyon.

_____ 4. Uwian na pero hindi pala bitbit ang kaniyang bag.

_____ 5. Nakaipon ako ng maraming istar mula kay Maam.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 23
B. Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba.

1. Ang masasaya kong karanasan ay :


________________________________________________________

________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ang mga pangarap ko sa buhay ay :


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Ang masasayang karanasan ay magandang alaala


ng pagkabata. Nagiging bahagi ito ng ating buhay at
maiuugnay sa pag-aaral.
Mabuti sa isang bata ang magkaroon ng mga
pangarap sa buhay. Upang matupad ang pangarap sa
buhay dapat magkaroon ng inspirasyon, mag-aral nang
mabuti at palaging magdasal sa Panginoon.

Ngayon naman ay gawin mo ang bahaging ito. Sa


gabay ng magulang, basahin ang maikling kuwento at
sagutin ang mga tanong.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 24
Pangarap na Karangalan
ni Fe B. Sugabo
Maganda ang naging karanasan mo noong ikaw ay
nasa kinder. Marami kang natutuhan at iyo itong
ipinagmamalaki. Masaya ka sapagkat nakuha mo ang
ikatlong karangalan.
“Titser ako kaya ang makakakuha ng unang
karangalan sa unang baitang?”
“Oo naman, basta mag-aral ka pang mabuti,” ang
masayang tugon ng guro.

Sagutan ang tanong:


1. Ano ang naramdaman ng bata sa kaniyang naging
karanasan sa kinder?
2. Ano ang gustong mangyari ng bata, ngayong siya ay
nasa unang baitang na?
3. Ano-anong karanasan mo ang may kaugnayan sa
binasa?
4. Upang matupad mo ang iyong mga pangarap, ano
ang iyong dapat gawin?

Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na


para sukatin ang iyong natutuhan. Sumulat ng tatlong
pangungusap tungkol sa iyong karanasan sa kinder at
iguhit ang iyong pangarap sa isang hiwalay na papel.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 25
Magaling! Nagagalak ako sa iyong natutuhan. Para
lalong lumawak ang iyong kakayahan, sa tulong ng iyong
magulang, sumulat ng 3 hanggang 5 pangungusap
tungkol sa iyong mga karanasan at pangarap sa buhay.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

Mahusay! Natutuwa ako sa ipinakita mong galing sa


pag-aaral. Binabati kita! Hanggang sa susunod na pag-
aaral.

Sanggunian
https://www.google.com/search?q=kids+playing+clipart+in+the+park&tbm=isch&ve
d=2ahUKEwij9Pvyo5XrAhVRBaYKHbH3BWsQ2-
cCegQIABAA&oq=kids+playing+clipart+in+the+park&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCABQvl5Yjn1
gm4EBaABwAHgAgAGkAogBiA2SAQUzLjcuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclie
nt=img&ei=uqwzX6OvF9GKmAWx75fYBg&bih=657&biw=1349&tbs=sur%3Afc&hl=en&hl=en#i
mgrc=Tb0Y8u8dVVPuAM

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 26
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Fe B. Sugabo (Guro, NES)


Mga Editor: Anafe Abaring (Guro, SNES)
Maryrose Adorio (Guro, KMES)
Zenaida C. Munar (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, MTB-MLE)
Tagsuri Panlabas:
Tagaguhit: Ivy Danille G. Pinca (Guro, MES)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like