You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 1

I. Layunin
Sa pagtapos ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang:
1. Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan,
paaralan, at iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.
2. Napapahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili

II.Nilalaman
Paksa: Ang aking Sarili
Sanggunian: Araling Panlipunan Curriculum Guide pah. 6
Teacher’s Guide pp. 3-4 Activity Sheets pp. 3-5
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
Araling panlipunan Teachers guide q12 pp 2-6
Iba pang kagamitan: mga larawan mula sa google,videoclips sa youtube,
III. Pamamaraan

GAWAING-GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Pagsisimula ng Aralin

Pagmasdan ang larawan at tukuyin kung ano ang


ginagawa ng batang babae at lalake.

Sa tingin niyo, Ano kaya ang ginagawa ng batang


Nagsasalamin sila maam.
babae at lalake?
tinitignan nila ang kanilang sarili sa salamin.
Tama! Sa larawang iyon, naranasan niyo na bang
Opo maam.
pagmasdan ang inyong sarili sa salamin at
nagsimulang itanong ang inyong pagkatao?

Kung ganun, Alam niyo naba ang pangalan


(Sinabi ang kanilang pangalan)
niyo? Kilala niyo ba ang inyong sarili?
Opo maam.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Suriin sa bawat larawan kung ang tinutukoy ba ay


tungkol sa pangalan,kaarawan,edad o tirahan.
magpapakita ako ng larawan galing sa inyong
module.

Ang tinutukoy nila dito ay Pangalan maam.

Ano ang tinutukoy sa larawang ito?

Ang tinutukoy po nila ay kaarawan.

Tumpak! Ano naman ang tinutukoy dito?

Ang inilalarawan po nila ay edad.

Tama! Ano naman ang inilalarawan dito?


Ang pinag-uusapan nila ay tungkol po sa tirahan.

Tama! At ang panghuli, tungkol saan naman ito?

Tumpak kayong lahat! Ang inyong mga sagot ay


tungkol lamang sa batayang impormasyon tungkol
sa ating sarili at ang ating pagkilanlan.
C. Paguugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pangkat


na may apat na kasapi. Hikayatin silang isadula ang
mga babasahin mong sitwasyon:
a. Unang araw ng klase, kailangan ninyong
ipakilala ang inyong sarili sa inyong mga kamag-
aral
b. Hindi sinasadyang napahiwalay ka sa iyong
nanay sa palengke. Sa kabutihang palad, nakita mo
ang nanay ng iyong kaklase.
Nagmagandang loob siyang ihatid ka sa inyong
bahay ngunit hindi niya alam kung saan ka nakatira.
Tinanong niya sa iyo kung saan
matatagpuan ang inyong bahay.
c. Nakita mo ang iyong lola na matagal mo nang
hindi nakakasama. Tinanong niya kung ilang taon
ka na.
d. Naglalagay ng dekorasyon sa inyong silid-aralan
ang guro ninyo. Sinabi niyang ilalagay niya sa isang
bahagi ng silid ang talaan ng 4 kaarawan ng mga
mag-aaral. Sabihin sa guro ninyo kung kailan ang
inyong kaarawan.

Bigyan nang sapat na oras ang bawat pangkat


upang maghanda at magensayo.

Naintindihan niyo ba ang gagawin ninyong gawain? Opo maam, naintindihan po namin at handa na po
Handa naba kayong isadula ito? kami.

Kung handa na kayo ay simulant na natin Opo maam


Matapos ang pagsasadula, itanong sa mga mag-
aaral ang mga
sumusunod:
a. Ano ang naramdaman ninyo matapos ibahagi sa
inyong mga kaklase ang inihanda ninyong dula? Masaya po guro!
b. Naranasan niyo na ba sa inyong sariling buhay
ang sitwasyong inyong ipinakita sa dula? Opo maam! (Magbabahagi ang mga piling mag-aaral
ng kanilang karanasan)
D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan

Papuntahin ang mga bata sa harapan at dapat


masagot ang mga sumusunod:
a. Pangalan (Isa-isang pupunta ang mga mag-aaral sa harap upang
b. Edad ipakilala ang kanilang sarili gaya ng nabanggit na mga
c. Kaarawan sumusunod)
d. Tirahan
e. Paboritong Kulay
f. Paboritong pagkain
g. Gustong trabaho paglaki

E. Pagtatalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan 2 -Ma'am, mahalaga ang mga impormasyong ito para
maipakilala namin ang aming sarili.
Mga bata kayo ba ay masaya noong ipinakilala niyo
ang inyong sarili? Ano ang inyong pakiramdam? - Para sa akin Ma’am, ito ay ang simpleng paraan
upang makilala natin nang lubos ang ating sarili at
Isa isa kayong sasagot at malalaman natin kung may mailahad natin ito sa ating kapwa.
natutunan ba kayo habang gumagawa ng mga
aktibidad ukol sa ating paksa na pagkilala sa sarili. - Ang aking natutunan po Ma’am ay mahalagang
malaman natin ang mga detalye ng bawat isa upang
makilala natin ang ating mga nakakasalamuha.

-Ang naintindihan ko po ay mahalagang malaman ang


detalye ng bawat isa upang sa ganun makilala natin
ang mga ito at hindi maguluhan. At kung ang isang tao
ay walang pangngalan hindi mo ito matutukoy o
makikilala kaya importanteng malaman ang detalye
ng isa't-isa.

F. Paglinang sa Kabisaan (Bumuo ng eksena ang mga mag-aaral at ipinakita


nila ito sa harap ng klase)
*Matagal tayong di nagkita mga bata dahil sa
pandemya kaya ngayon ay inyong ipakilala ang
inyong sarili sa inyong kamag-aral.

G. Paglalahat ng Aralin
Ano ang kahalagahan ng pagpapakilala ng sarili sa Mahalaga ito upang makilala natin ang isa’t-isa upang
ibang tao? tayo’y maging komportable sa pakikipag-usap.

-Mahalaga po ito upang magkaroon ng tiwala ang


ibang tao sayo.

- Ito isang paraan ito upang tayo ay magkaroon ng


kaibigan

- Sa pamamagitan nito, nalalaman ng ibang tao kung


sino tayo. Dahil dito madali na lamang sa kanila na
pakitunguhan tayo sa lahat ng bagay at magplano ng
mga bagay na kasama sila.

Bakit nga ba mahalagang kilalanin natin ang sarili


at ang ibang tao?
Mahalagang kilalanin natin ang ating sarili at ibang tao
dahil dito nalalaman natin ang mga batayang
impormasyon at ating itong magagamit sa
pakikipagkaibigan at pakikisalamuha sa ibang tao.

Ito rin ay para malaman natin kung ano at paano ito


iingatan lalo sa ating ugali at para makaiwas tayo sa
kahit anong ikasasama sa ating buhay.
IV. Pagtataya ng Aralin

Bibigyan ko kayo lahat ng isang malinis na papel at


gumawa kayo ng NAME TAG kung saan isusulat
niyo ang inyong pangalan.

Basahin ang rubriks para kayo ay magkaroon ng


gabay sa paggawa ng inyong name tag.

Rubriks:

5- Malinis ang pagkakagawa, nababasa ng mabuti


ang mga letra ng pangalan

3- Hindi gaano mabasa ang pagkakagawa sa mga


letra ng pangalan

1- Hindi malinis at hindi naisulat ng husto ang


pangalan

Handa naba kayong gawin ito?

(Tulungan ang mga mag-aaral sa paglagay ng tali.


Ipasuot ito tuwing oras ng klase.)
V. Karagdagang Gawain para sa Takdang
Aralin o Remediation

Para sa inyong takdang aralin, gumuhit ng isang


bagay na sumisimbolo sa iyong pagkakakilanlan at
ipaliwanag ito kung bakit ito ang iyong pinili. Ilagay
ang inyong output sa inyong kwaderno.

Jinnie faith B. Pacis


Cassandra Purugganan
Rocelyn Mabborang
Wency Siguid
Gregoria gallibu
Mark Kevin Arrelano
Regielyn Addun
Judelyn Cabalza
Carla Zamora
Exal Libar
Joyce Catulin
Harmyn Keam Baggay

You might also like