You are on page 1of 8

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 3
(Linggo 5.1)
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 3: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng
Pamilya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Liezel A. Bautista


Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

Sa modyul na ito matututunan mo ang ibat-ibang karanasan sa pamilya na


nagpapakita ng komunikasyon o ang kawalan nito. Sa pamilya mo unang natutunan ang
mga salita na ginagamit mo ngayon sa pakikipagkomunikasyon. Mahalagang matuklasan
mo na sa isang pamilya mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon. Ang kawalan nito ay
maaaring magbubunga ng pagkakawatak-watak ng isang pamilya.

II. LAYUNIN

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang nakasama,


naobserbahan o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng bukas na
komunikasyon.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

A. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng PK kung ito ay nagpapakita
ng pagkakaroon ng komunikasyon at KK kung nagpapakita ng kawalan ng
komunikasyon. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Umiiyak ang nakababata mong kapatid dahil nagugutom na ito, tinatawag niya ang
inyong Nanay subalit abala rin ito dahil naglalaba. Ikaw naman ay abala sa paglalaro ng
mobile legend kaya hindi mo rin pinapansin ang umiiyak mong kapatid.

_____2. Ang inyong tatay ay nasa ibang bansa nagtatrabaho, sa tuwing natatapos na ang
kaniyang trabaho ay tumatawag agad siya sa inyo sa pamamagitan ng video calling at
kinukumusta niya agad kayo at ganun din naman kayo sa kanya. Kahit nasa malayo siya ay
ramdam niyo pa rin na parang kasama niyo ito dahil ara-araw ay mayroon kayong
komunikasyon.

_____3. Si Maria ay maagang nakipagboyfriend kahit na mahigpit na bilin ng mga magulang


niya na huwag munang makipagrelasyon. Isang araw ay nalaman nila ito dahil may
nakapagsabi sa kanila subalit itinanggi pa rin niya ito at nagsinungaling pa sa kanyang mga
magulang.

_____4. Nawawala ang pera ng inyong nanay na gagamitin sana nito pambayad ng
kuryente. Tinanong niya kayo isa-isa ngunit itinanggi niyo pa rin ito. Lingid sa kaalaman ng
nanay mo na ikaw ang kumuha nito dahil ginamit mong pambili ng bagong damit na gusto
mo. Napalo ang iba mong kapatid pero hindi ka pa rin umamin sa nanay mo.

1
_____5. Sa tuwing kayo ay kakain sa hapag-kainan ay masaya kayong nagkukwentuhan ng
mga magulang mo. Sinasabi mo sa kanila ang mga ninanais mo at pinakikinggan mo rin
kung ano ang sinasabi nila saiyo kaya naging maganda maging ang relasyon ng iyong
pamilya sa isa’t-isa.

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain:
Panuto: Pagsusuri sa sitwasyon. Punan ang hinihingi sa bawat kahon.
Mga Sitwasyon Maaring mangyari Maaring mangyari kung
kung palaging may walang komunikasyon
komunikasyon sa sa pamilya
pamilya
1. Mga magulang na parehong
nagtatrabaho sa ibang bansa at
iniiwan ang anak sa lolo/lola o sa
iba pang kapamilya
2. Pag-aaral ng mga anak sa
malalayong lugar.
3. Problema ng anak sa paaralan.

4.Relasyon ng magulang sa anak.

5. Relasyon ng mag-asawa.,

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang maaring mangyari sa pamilya kung palaging may komunikasyon sa isa’t-
isa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang maaring mangyari sa pamilya kung walang komunikasyon?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng komunikasyon sa bawat pamilya? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2
V. PAGPAPALALIM

Ang komunikasyon ay anumang senyales o simbolo na ginagamit ng tao upang


ipahayag ang kanyang iniisip at pinapahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono ng
boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang
mga paraan kung paano magpapalitan ng pasalita at di-pasalitang impormasyon sa pagitan
ng mga kasapi nito. Isang mahalagang kasanayan sa komunikasyon ang kakayahang
magbigay tuon sa iniisip at sa nadarama ng kapuwa. Tulad nga ng nasabi na, hindi lamang
pagsasalita ang mahalagang bahagi ng komunikasyon, mahalaga rin ang pakikinig sa
sinasabi ng ibang kausap at ang pag-unawa sa kanyang mga hinidi sinsabi.
Sa pamamagitan ng komunikasyon naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang
kanilang mga pangangailangan, ninanais, at ang kanilang pagmamalasakit sa isa’t-isa. Sa
paraang ito ay madaling malutas ang mga suliraning dumarating sa pamilya. Hindi
nakapagtataka na ang kawalan nito sa pamilya ay nagiging sanhi ng hindi magandang
ugnayan sa mga kasapi nito. Ang hindi maayos na pakikipagkomunikasyon ay maaring
maging sanhi ng pagtatalo sa pamilya, kakulangan sa kakayahang malutas ang suliranin,
paglalayo ng loob sa isa’t-isa, at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.
Narito ang ilang mga sanhi, dahilan o hadlang sa pakikipagkomunikasyon sa pagitan
ng mag-asawa na binanggit ni Leandro C. Villanueva (2003). Ang mga ito ay maaaring totoo
rin sa ating pakikipagkomunikasyon sa kapuwa.
1. Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang
pagbabakod ng sarili- hindi ito mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva (2003), mahirap
umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at
damdamin o tumatanggap ng saloobin ng kapuwa. Mayroong mga taong pinipili ang
manahimik kaysa sa magsalita ng masakit sa kapuwa. Subalit dahil sa kaniyang
pananahimik nagkakaroon naman ng pagtatampo o hindi mabuting saloobin ang taong hindi
niya kinakausap. Sinasabi na karamihan sa kalalakihan ay ganito. Matipid sa pananalita
samantalang karamihan sa kababaihan ay ipinapahayag ang kanilang damdamin.
2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay
magkaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kung tinitingnan ng isa na higit siyang
tama o higit siyang magaling, maaaring hindi sila magkaunawaan lalo na kung
nararamdaman ng taong kausap na siya ay minamaliit o hinahamak.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. Mayroong mga taong tila namimili ng kausap. Kapag
pakiramdam nila, wala sila sa kondisyon sa pakikipag-usap, hindi sila kumikibo. May mga
taong umiiwas na makipag-usap lalo na kung pakiramdam nila ay wala sa katuwiran ang
kausap.
4. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin. Iniisip minsan ng tao
na magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaring sabihin kaya mananahimik na lamang
siya o kaya’y magsisinungaling sa kapuwa.
Mga Tanong:

1. Ano ang komunikasyon? Bakit mahalaga ito sa pamilya?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
2. Ano ang maaaring maging sanhi o hadlang sa mabuting komunikasyon sa pamilya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI- PAGSASAPUSO

Sumulat ng isang pagninilay tungkol sa mga sitwasyon sa sariling pamilya na


nagpapakita ng pagkakaroon ng komunikasyon o ng kawalan nito. Maari ding isulat ang
iyong pagninilay o repleksyon bilang blog sa iyong social media account tulad ng facebook o
twitter upang maibahagi sa iyong mga kaibigan ang iyong naging karanasan. Kung walang
social media account maaari ding isulat ito sa iyong journal notebook at ibahagi sa iyong
sariling pamilya.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

Sa tulong ng iyong mga magulang gumawa ng isang pagpaplano para sa inyong


“Family Day”. Sa gawaing ito dapat maipapakita ang isang sitwasyon na pagkakaroon ng
komunikasyon sa lahat ng kasapi ng pamilya. Maaaring gawin ang pagdiriwang ng Family
Day sa sariling tahanan.
Narito ang balangkas ng gawain para sa Family Day:
Layunin ng Gawain:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Petsa: _________________________________
Oras ng Pagsisimula: ___________________
Mga Mungkahing gawain para sa pagdiriwang ng Family day:
 Pagdarasal ng pamilya bago magsimula ng pagdiriwang.
 Mensahe ng magulang/anak sa kanyang pamilya
 Kuwentuhan
 Panonood ng Palabas na may kabuluhan
 Paglalaro ng buong pamilya
Oras ng pagtatapos: ______________________.

4
Ano ang iyong reyalisasyon sa ginawang Family Day?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

VIII. PAGTATAYA

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ay bunga ng
pagkakaroon ng komunikasyon o bunga ng kawalan ng komunikasyon. Isulat ang
sagot sa patlang.
_______________1. Pagkakawatak-watak ng pamilya.
_______________2. Pag-aaral nang mabuti.
_______________3. Pag-aaway ng mag-asawa
_______________4. Pagsuway ng mga anak sa Magulang.
_______________5. Pakikipag-away sa kapatid
_______________6. Pagsunod ng mga anak sa magulang
_______________7. Paghihiwalay ng Mag-asawa
_______________8. Maagang pag-aasawa ng mga anak.
_______________9. Pagrerebelde ng mga anak.
_______________10. Pagpapabaya ng mga magulang sa mga anak.

IX. KASUNDUAN

Magsaliksik ng iba’t-ibang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamilya.

5
Mga Sanggunian:

Aklat sa Edukasyons sa Pagpapakatao


Modyul 3: Ang kahalagahan ng komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
Pahina 53-73

https://www. Slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-edukasyon saPagpapakatao-


learner module

DLP in EsP -8
Modyul 3: Ang kahalagahan ng komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya

DLP Quarter 1
Https:/bit.ly/2VJIAgn

You might also like