You are on page 1of 10

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1-Modyul 2
(Linggo 4.1)
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya, at
Paghubog ng Pananampalataya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Teresita Jra M. Mahilum


Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA

Isa kang regalo para sa iyong pamilya, hindi mo maipaliliwanag ang kanilang saya
nang ikaw ay lumabas mula sa sinapupunan ng iyong ina. Hindi ka pa nga nila nasisilayan,
labis-labis na ang kanilang tuwa, lalo na nang marinig nila ang una mong pag-iyak. Hudyat
na ikaw ay dumating na at nabuksan na ang napakagandang regalo mula sa Diyos. Ngunit
sa paglipas ng panahon, nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa inyong pagitan.
Lumilitaw ang mga pagkakaiba sa pananaw at paniniwala sa pagitan mo at ng mga kasapi
ng iyong pamilya. Minsan sa tindi ng sama ng loob dahil sa paulit-ulit nilang pagpapaalala sa
iyo ay naiisip mong “Ang dami namang iba, bakit sila pa!”

Sa modyul na ito ay masasagot mo ang katanungan na ito. Maipapaliwanag mo kung


bakit sila ang pinili ng Diyos para sa iyo. Mauunawaan mo rin na bukod sa paglalang, may
pananagutan ang iyong mga magulang saiyo na dapat nilang tuparin. Ito ay ang misyon na
ibinigay sa kanila ng Diyos simula nang tumugon sila sa tawag ng Diyos na magmahal. Ang
arugain, igalang at mahalin ang kanilang mga anak kasabay ng paglaban nila sa mga
hamon at banta sa pagtupad sa mga misyon na ito.

Bukod sa ilang mga misyon na ito, ano-ano nga ba ang pinakamahahalagang misyon
na dapat tuparin ng iyong mga magulang?

II. LAYUNIN

Naipaliliwanag na bukod sa paglalang, may pananagutan ang magulang na bigyan


ng edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasiya at hubugin ang
pananampalataya nila. Ang karapatan at tungkulin na mabigyan ng edukasyon ang bukod-
tangi at pinakamahalagang gampanin ng magulang.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Balik-aral:

Bilang isang kabataan, paano mo bibigyan ng inspirasyon o lakas ang ilang pamilya
sa ating bansa na kasalukuyang nahihirapan at natatakot sa kinakaharap na hamon ng
Pandemic na Covid 19? Ipost ang iyong payo sa iyong social media account tulad ng
facebook o twitter. Kung wala naman ay isulat ito sa iyong kuwaderno sa EsP 8 at ipabasa
sa iyong mga magulang.

Gawain:

Panuto:

1. Kunin ang mga larawan na nakalap mula sa internet o mga ginupit mula sa mga
lumang magasin na maaaring magsimbolo sa tatlong mahahalagang misyon ng
pamilya: Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at paghubog ng
pananampalataya.

1
2. Idikit ang bawat larawan sa isang long bond paper at sa likod nito ay isulat kung bakit
mahalagang matupad ng iyong pamilya ang bawat misyon na ito.

3. Pumili ng isa sa mga larawan na sa tingin mo ay pinakamahalaga sa tatlong misyon ng


pamilya mo para sa iyo.

4. Pagkatapos ay hati-hatiin ang larawang ito sa limang piraso na parang puzzle.

5. Isulat sa likod ng bawat piraso ng puzzle ang mga dahilan mo kung bakit sa tingin mo
ang misyon na iyong napili ang pinakamahalagang matupad ng pamilya mo para sa iyo.

May inihandang halimbawa sa ibaba:

6. Idikit ang mga puzzle sa plastic cover upang mabasa maging ang mga nakasulat sa likod.

7. Ipabasa ito sa mga magulang at papirmahan.

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Gawain: Pagsusuri ng awitin


Panuto:
Basahin at unawain ang bawat leriko ng awiting ang pamagat ay “Pamilyang
Pilipino/Jollibee Family Values Awards Theme Song na inawit ni Ms. Sarah Geronimo at
sinulat at binigyang himig ni Trina Belamide.

Maari mo itong pakinggan o panoorin sa youtube. https://youtu.be/hTyfCPmfwM

2
Sagutin ang mga sumusunod
Pamilyang Pilipino na tanong:
By: Sarah Geronimo
1. Tungkol saan ang awiting ito?
__________________________
I. __________________________
Ang bawat kasapi ng ating pamilya
2. Ano-ano ang mga katangian
Silang mabubuting mga halimbawa
ng pamilyang Pilipino na sinasabi
Na mga tao na dapat tularan ngayon. sa awitin?
___________________________
___________________________
II.
Mga Pilipinong mapagkalinga 3. Ayon sa awiting ito, paano
maga Masipag at Mapagbigay sa kapwa nagagawa ng bawat isa ang
Sa bawat oras at pagkakataon
kani-kanilang mga misyon o tungkulin?
Ipaliwanag.
__________________________
Koro: __________________________
Kung ikaw at ako at lahat tayo
4. Ano ang mangyayari kung
ang Ay maging ganito, bawat isa ay nagtutulungan at
Sama – samang ibabangon nagkakaisa sa paggawa ng
Ang bayan nating ito. kanilang mga misyon?
_________________________
_________________________
At maipagmamalaki sa buong mundo
Sa puso’t diwa ng pamilyang Pilipino 5. Alin sa leriko ng awitin ang
nakakuha ng iyong pansin at
Oooohh… umantig sa iyong puso?
Ipaliwanag.
(Ulitin ang Koro) _________________________
_________________________

Sama – samang ibabangon ang bayan


nating….
Bayan na ---ting ito….

V. PAGPAPALALIM

Sa nagdaang aralin ay naunawaan mo na bahagi ng pagtugon ng iyong mga


magulang sa tawag ng Diyos na magmahal ay ang pagpapakasal. Bunga nito ay ang
pagkakaroon ng mga anak na siyang patunay ng kanilang pagmamahalan. Mula rito ay
makabubuo sila ng isang pamilya- isang pamilyang tungkulin nilang alagaan at mahalin.
Tungkulin na hindi puwedeng talikuran o ipasa sa iba.
Ang pamilya mo ang ginamit na instrumento ng Diyos para sa pagkamit mo ng iyong
ganap na pagkatao. Nakatakda silang tumupad sa isang mahalagang misyon upang
makamit ito.

Mga misyon na maisasagawa sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang sarili para


sa paglilingkod, pagtanggap, at pag-aalaga sa kanilang mga anak. Ang tungkulin ng mga
magulang sa kanilang mga anak ay hindi nagtatapos sa pagbibigay sa kanila ng makakain,
maiinom, maisusuot at matitirahan o paghahanda sa kanila para sa buhay at paggabay sa

3
kanila upang makamit nila ang tunay na tunguhin ng tao –ang kaniyang kaligayahan at
ganap na pagkatao.

May tatlong pinakamahahalaga sa mga misyon ng iyong pamilya para sa iyo. Ang
pampito sa mga dahilan kung bakit likas na institusyon ang ating pamilya. Ito ay ang
pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa paggawa ng pagpapasya at paghubog sa
pananampalataya ng mga anak.

Pagbibigay ng Edukasyon

Dahil ang mga magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng
buhay ang kanilang mga anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng
edukasyon ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at
pangunahing karapatan.

Ang mga magulang ang itinuturing na pangunahing guro ng mga anak sa tahanan
dahil kasabay ng pagbibigay edukasyon sa mga bata ay ang tungkulin nilang turuan ng tama
ang mga ito. Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang handa ang mga anak na
harapin ang anomang hamon na dala nito.

Pangunahin sa dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ay ang wastong


paggamit ng kalayaan sa mga material na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na
mamuhay nang simple upang maisapuso nila na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at
hindi sa kung ano ang mayroon siya bilang tao. Maaring isipin na simpleng bagay lang ito
ngunit ito ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng pagtanggap,
pagmamahal at katarungan.

Samantala, mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit sa pagtuturo sa


pamamagitan ng pagpapakita ng magandang halimbawa. Ito ang pundasyon ng
impluwensiya. Ang mga magulang ang kauna-unahang modelo ng kanilang mga anak.

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging


matagumpay, masaya at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa kaunlaran
ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay
bigyan siya ng laya na magpasiya sa kaniyang sarili.

Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang bata sa mas mabibigat na


suliranin. May mga pagkakataong nakagagawa sila ng hindi maingat at makasariling
pagpapasiya at hindi isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin sa magiging epekto
nito. Ito ay dahil hindi pa sapat ang kaniyang karanasan at kakayahang bumuo ng sariling
pananaw.

Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng isang bata hanggang sa kaniyang pagtanda


ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao siya sa hinaharap at kung anong landas ang
kaniyang tatahakin. Dahil dito mahalagang magabayan siya sa paggawa ng tamang
pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumagawa ng mali at pagsisihan ang mga ito.
Pagsisisi na bunga ng maling pagpili.

Laging tandaan na ang pagkakaroon ng kakayahan sa mabuting pagpapasiya ng


isang anak ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng mga magulang sa

4
kanila mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay resulta ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga
bata ng kalayaan na gumawa ng pagpapasiya na ginagabayan sa maingat na paghusga.

Dahil dito, ang lahat ng misyon mahirap man o imposible, ay maaaring maging
posible kung lahat ay isasagawa nang may pagmamahal at malalim na pananampalataya.
Huwag nating hahayaan na masira ang pamilyang binuo dahil sa pagmamahal. Kailangang
kumilos ang lahat para ito ay ingatan at ipaglaban.

Mga Tanong:

1. Bakit mahalagang gampanan ng mga magulang ang pagbibigay ng edukasyon sa


kanilang mga anak?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa


paggawa ng mabuting papapasya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bilang kabataan, paano mo matutulungan ang iyong mga magulang sa pagtupad ng


kanilang mga tungkulin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Maari mong panuorin ang videoclip nito sa youtube: EsP 8 Modyul 2: Ang
Misyon sa pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Paggawa ng Mabuting
Pagpapasiya at paghubog ng Pananampalataya/ https://youtu.be/52UgSftOiA4

5
VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, sumulat ng mahalagang konsepto
na nahinuha mo mula sa modyul na ito.

Ang mahalagang konsepto na nahinuha ko mula sa modyul na ito at ang maaari kong gawin
upang mailapat ang aking pagkatuto ay:

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

VII. PAGSASABUHAY

1. Sa tulong ng iyong mga magulang, mangolekta ng sariling larawan ng iyong pamilya na


sa iyong palagay ay nagpapakita ng kanilang pagsasakatuparan sa mahalagang misyon
para sa iyo: Ang pagbibigay edukasyon, paggabay sa paggawa ng pagpapasiya at
paghubog ng iyong pananampalataya.

2. Gamit ang mga larawang ito, gumawa ng isang maikli at makabuluhang videoclip na may
background music ng awiting “Pamilyang Pilipino” ni Sarah Geronimo.

3. Sa videoclip na ito ay mahalagang mabigyang-diin ang panghihikayat sa maraming


pamilyang Pilipino na gawin ang kanilang misyon sa kanilang pamilya lalo na sa panahon na
ito na kung saan nahaharap tayo sa hamon ng pandemic na Covid 19.

6
4. Matapos magawa ang videoclip, ipakita ito sa guro o kaya naman ay I-upload ito sa social
media tulad ng facebook o youtube upang makita ng maraming tao.

VIII. PAGTATAYA

Tayahin ang Iyong Pag – unawa:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ng maikli at malinaw.

1. Bukod sa paglalang, pag-aaruga at pagmamahal, ano-ano ang tatlong


pinakamahalagang misyon o gampanin ng iyong pamilya para sa iyo? Ipaliwanag
ang bawat isa.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang mabigyan ka ng mabuting edukasyon ng iyong pamilya? Paano


ka nila mabibigyan ng edukasyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak sa mabuting pagpapasiya?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng mga kasapi nito?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

IX. KASUNDUAN

Bilang isang kabataan, gumawa ng isa o dalawang makabuluhang bagay na maari


mong gawin para sa iyong pamilya at lipunan upang masuklian mo ang kabutihan ng iyong
mga magulang. Halimbawa ay: pagtulong sa iyong kapatid sa paggawa ng kanyang takdang
aralin o patuturo sa kapuwa ng kung ano ang tama o mali.

Maaring magpakuha ng larawan bilang patunay sa ginagawa at papirmahan ito sa


magulang.

7
Mga Sanggunian:

Pamilyang Pilipino
https://youtu.be/hTyfCPmfwM

Videoclip/Powerpoint Presentation
Module 2 EsP 8
https://youtu.be/52UgSftOiA4

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga II


Modyul 1: Pamilya… Katuwang.. Kaisa
http://bit,ly?2ybxiY1

EsP – 8 – Learning Module


Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 29 – 52.
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-eduksayon-sa-pagpapakatao-
learner-module

DLP – EsP - 8
Quarter 1
Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon
Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya at
Paghubog sa Pananampalataya, pahina 22 - 38.
https://bit.ly/2VJIAgm

You might also like