You are on page 1of 16

Filipino 4

Filipino – Ikaapat na Baitang


Unang Markahan – Modyul 9: Pagbasa ng Maikling Tula nang may Tamang Bilis,
Diin, Ekspresyon at Intonasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn G. Astillero
Editor: Catherene S. Acabado
Tagasuri: Bernalin B. Hernandez
Tagaguhit:
Tagalapat: Rebecca A. Mores
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 4
Unang Markahan
Modyul 9 para sa Sariling Pagkatuto
Pagbasa ng Maikling Tula nang may Tamang
Bilis, Diin, Ekspresyon at Intonasyon
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Baitang Apat Modyul ukol sa


Pagbasa ng Maikling Tula nang may Tamang Bilis, Diin, Ekspresyon at Intonasyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito,
inaasahan na ang mag-aaral ay :

Nakababasa ng maikling tula nang may tamang bilis, diin,


ekspresyon at intonasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin at unawain ang tula. Isulat sa patlang ang


letra ng tamang sagot.

Ang Pamilya Ko
Ang pamilya'y mahalaga
Sila ay nag-aalaga
Pagmamahal ay ang bunga
Maaasahan talaga

Sila'y di nakasasawa
Ang dulot nila ay tuwa
Sila'y nagbibigay tawa
Sila'y may magandang diwa

______ 1. Tungkol saan ang iyong binasang tula ?


A. Pagkakaisa ng pamilya
B. Pag-aaruga ng pamilya
C. Kahalagahan ng pamilya
D. Pagmamahal ng Pamilya
______ 2. Anong uring pampanitikan ang binasa mo?
A. Tula B. Alamat C. Pabula D. Maikling kuwento

______ 3. Ilang saknong mayroon ito?


A. Isa B. apat C. anim D. dalawa

______ 4. Magkasintunog ba ang bawat salita sa dulo ng taludtod?


A. Oo B. Hindi C. Marahil D. Ewan

_______5. Sa paanong paraan binabasa ang isang tula?


A. Ito binabasa na pakanta
B. Ito ay binabasa na pakuwento
C. Ito ay binabasa na mahina lamang
D. Ito ay binabasa nang may tamang diin, bilis,
ekspresyon at intonasyon

BALIK-ARAL

PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungasap /


parirala ay nagpapahayag ng mga dapat isaalang-alang sa
pagkuha ng impormasyon ukol sa susulating kuwento tungkol
sa natatanging tao sa pamayanan at MALI kung hindi.
__________1. May ginawang kapaki-pakinabang sa kanyang
komunidad
__________2. May natatanging katangian na dapat tularan.
__________3. Kilalang-kilala dahil sa kanyang mayayamang
angkan o pinagmulan.
__________4. Pamilyar sa personal na impormasyon ng natatanging
tao
__________5.Tagapangasiwa ng isang kilalang kompanya sa pama-
yanan.
ARALIN

Ano ang nakikita mo sa larawan?

Ang nasa larawan ay pamilya. Ito ay may kinalaman sa tula


na babasahin mo sa araw na ito.

Bilang gabay sa pagbasa, sundan ang mga pananda sa


ibaba.
pahilis na linya ( / ) - bahagyang may antala
diin- tuldok ( . ) - bigkas na malumanay at mabilis
( HA.pon ) - malumanay at may diin sa unang
pantig.
(ha.PON ) - bigkas mabilis at may diin sa
ikalawang pantig

Halaga ng Pamilya
ni Arjohn V. Gime

PA.milya’y /DA.pat ala.gaan


Sila’y /a.ting san.digan
Sa HI.rap /at kalung.kutan
BA.wat kasa.pi’y /ma.aasahan
Mu.LA pag.kaba.ta /hang.gang pag.tan.da
Di nagsasa.wa/ sa pagkali.nga
Ipinun.lang pag-aaru.ga
A.ning bin.HI /ng PA.milya’y masa.gana

PA.milyang pinag.mulan ay a.ting BU.hay


A.ma, i.na, a.nak,/ laging magkaagapay
Ug.na.yang ma.tatag /na wa.lang ka.pan.tay
Sa.ma-sa.ma sa pag-abot/ ha.ngad na tagum.pay.

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang pamagat ng tula?_____________________________
2. Bakit dapat alagaan ang pamilya?_____________________
3. Ano ang ibig sabihin nang “Ang pamilya ay sandigan”?
_______________________________________________________
4. Bakit matatag ang ugnayan ng isang pamilya?
_______________________________________________________
5. Paano mo binasa ang tula?____________________________
6. Ilang saknong ang bumubuo nito?_____________________
7. Ilan ang taludtod sa bawat saknong?___________________
8. Mahirap ang _____ natin ngayon. ______________________
Aling salita ang tinutukoy sa pangungusap?
A. BUhay B. buHAY C. buhay D. wala
9.Ano-anong mga salitang magkatugma ang makikita sa
dulo ng bawat taludtod?_________________________________
10. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbabasa ng tula?
______________________________________________________
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Basahin nang may tamang bilis, diin, ekspresyon, at
intonasyon ang tulang, “Pamilyang Pilipino.” Sagutin ang mga
katanungan at isulat ang sagot sa patlang.

Pamilyang Pilipino
ni Arjohn V. Gime

PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaran


Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama, sa lungkot o ligaya.

Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay


Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhay
Kanyang payo at aral, gabay sa buhay.

AMAng haligi, di nagsasawang umintidi


Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagal na katawan,
Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran.

Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan


Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.
1. Ano-anong salitang magkakatugma ang ginamit sa
tula?
__________________________________________________________
2. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?
__________________________________________________________
3. Ilang taludtod mayroon sa bawat saknong?
__________________________________________________________
4. Bakit huwaran ang Pamilyang Pilipino? (Ipaliwanag ang
inyong sagot).
__________________________________________________________
5. Anong mahalagang aral ang nais iparating ng tulang
binasa? (Ipaliwanag ang inyong sagot).
_________________________________________________________

Pagsasanay Bilang 2
PANUTO: Isulat sa patlang ang T kung tama at M kung mali
ang sumusunod na impormasyon.

_____ 1. Ang tula ay isang anyong pampanitikan na binubuo


ng mga tugma, saknong at taludtod.

_____ 2. Tugma ang magkasintunog na salita sa dulo ng bawat


taludtod.

_____ 3. Ang saknong ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng


bawat taludtod ng isang tula.

_____ 4. Ang bilis ng pagbigkas ng tula ay naaayon sa nilala-


man at paksa nito.

_____ 5. Sa maayos na pagbabasa ng tula ay napupukaw ang


interes at damdamin ng tagapakinig.
Pagsasanay Bilang 3
PANUTO: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.

Ang Tunay na Nagmamahal


Awitan ng apat na anak kaysigla,
Sina Rey, Bobot, Nonoy, at si Doris pa,
“Maligayang bati sa inyo, O Ina,
Araw ng pagsilang nawa ay masaya.”

Sabay takbo si Rey at nakipaglaro,


Sa buong maghapon hanggang sa nahapo,
Si Bobot at Nonoy, tinukso’t pinalo,
Ligaya sa tahana’y dagling naglaho.

Si Doris tumulong sa handa ni Inay.


Tagapagdulot siya, ang ngiti ay panay,
Naghugas ng pinggan, naglinis ng bahay,
Sino ang sa ina’y may pagmamahal na tunay?

1. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?


A. 3 B. 4 C. 5 D. 2

2. Ilan ang taludtod sa bawat saknong?


A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

3. Ang ____ ata ng mga bata ngayon.


Aling salita ang tinutukoy sa pangungusap.
A. SAya B. saYA C. saya D. Wala
4. Sino ang tunay na nagmamahal sa kanilang ina? Bakit?
A. Si Rey dahil siya ay maghapong nakipaglaro sa
kanyang mga kaibigan.
B. Ang apat na magkakapatid dahil binati nila ang
kanilang ina sa kanyang kaarawan
C. Si Doris dahil buong- puso siyang tumulong sa mga
gawaing bahay.
D. Lahat nang nabanggit ay tama.

5. Paano naipadarama ang tunay na pagmamahal sa ina?


A. Sa pamamagitan ng isang awitin.
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo.
C. Sa pamamagitan ng maghapong pakikipaglaro sa mga
kapatid.
D. Sa pamamagitan ng pagiging responsableng kasapi ng
pamilya.

PAGLALAHAT

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbigkas ng isang tula?


Isulat ang sagot sa organizer na ito.

Pagbigkas
ng Tula
PAGPAPAHALAGA

Bilang isang bata, paano mo mapahahalagahan ang


iyong pamilya?

PANUTO: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang


isinaasaad sa pangungusap ay tungkol sa pagpapahalaga sa
pamilya at ekis ( x ) kung hindi.
_____ 1. Tinutulungan ang mga magulang sa mga gawaing-
bahay.
_____ 2. Hindi iniintindi ang utos ni ate dahil nag-uumpisa na
ang paboritong palabas sa telebisyon.
_____ 3. Palaging nakikinig sa payo ng magulang.
_____ 4. Maghapong nakikipaglaro sa mga kaibigan.
_____ 5. Hindi nagrereklamo kung inuutusan ng nanay na
bantayan ang nakababatang kapatid.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Gamitin ang rubrics na ito bilang gabay sa gagawin


mong pagbasa ng tula. Lagyan ng tsek ang patlang na
naglalarawan ng iyong kahusayan sa pagbigkas nito.

Mga Kailangan Katamtaman Mahusay Napaka-


Pamantayan pang husay
Paghusayin
1 2 3 4
Malinaw ang
pagkabigkas
ng salita.
Naiangkop ang
lakas at hina
ng boses sa
mensahe ng
tula.
Nabigyan ng
angkop na
diin, bilis,
ekspresyon,
galaw ng
buong katawan
ang diwa ng
tula.
Kawili-wili at
nakahikayat sa
mga
tagapakinig
ang pagbigkas.
Ang Tunay na Nagmamahal
Awitan ng apat na anak kaysigla,
Sina Rey, Bobot, Nonoy, at si Doris pa,
“Maligayang bati sa inyo, O Ina,
Araw ng pagsilang nawa ay masaya.”

Sabay takbo si Rey at nakipaglaro,


Sa buong maghapon hanggang sa nahapo,
Si Bobot at Nonoy, tinukso’t pinalo,
Ligaya sa tahana’y dagling naglaho.

Si Doris tumulong sa handa ni Inay.


Tagapagdulot siya, ang ngiti ay panay,
Naghugas ng pinggan, naglinis ng bahay,
Sino ang sa ina’y may pagmamahal na tunay?
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Balik-aral Pagsasanay 1


1. C 1. TAMA 1.nakaagapay-nakaalalay
2. A 2. TAMA umiintindi – nag-aatubili
3. D 3. MALI katawan - paglinkuran
4. A 4. TAMA bayan-kamalayan
5. D 5. MALI 2. 4
3. 4
Pagsasanay 2 Pagsasanay 3 4.Magkakaiba ang sagot ng
1.T 1. A mga mag-aaral
2.T 2. B 5.Magkakaiba ang sagot ng
3.M 3. B mga mag-aaral
4.T 4. C
5.T 5. D Panapaos na Pagsusulit
Pagpapagalaga Rubric
1. / 3. / 5. /
2. X 4. X

Sanggunian
Rosalina Ibe-Chua,Et.Al, Mga May-akda,,Alab ng Wikang Filipino 4 p.252,
INNOVATIVE EDUCATIONAL MATERIALS, INC., Manila, 2004

Victoria S. Roxas, Et.Al, Mga May-akda, Mga Babasahing Filipino 4 pp.63-64,


PHOENIX PUBLISHING HOUSE, Quezon City, 1995

Eden Dreo-Lozande, Et.Al, May-akda, Wika at Buhay 5 p.28, ICI MINISTRIES, INC.,
Pasig City, 2013

Kagawaran ng Edukasyon,Republika ng Pilipinas, Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa


sa Filipino 4 pp.11-13, DEPARTMENT OF EDUCATION-INSTRUCTIONAL
MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT (DepEd-IMCS) 5th Floor Mabini Bldg. DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City, Unang Edisyon 2015

https://ph.lovepik.com/image-611785790/a-family-of-three-spring-sunrise-tour-
hand-painted-illustration.html

https://www.slideshare.net/ElaineEstacio2/tungkulin-ng-bawat-miyembro-ng-
pamilya
https://ph.lovepik.com/image-611785790/a-family-of-three-spring-sunrise-tour-
hand-painted-illustration.html

You might also like