You are on page 1of 11

8

Edukasyon sa
Pagpapakata
o
Kwarter 1-Modyul 4
(Linggo 8.2)
Ang Papel na Panlipunan at
Pampolitikal ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Markahan- Modyul 4: Ang Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng Pamilya

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-ari (sipi) sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa orihinal na may akda ng mga ito.

Walang anomang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Antonio A. Aplacador


Jr Editor: Jenith D. Canada
Tagasuri: Gloria E. Fontelar
Tagaguhit: Rizka Viktoria E. Fontelar
Tagalapat: Cynthia M. Bandol
I.PANIMULA
Magandang araw. Iyong nahinuha sa nakaraang aralin na may pananagutan ang
pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa
kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at
institusyong panlipunan (papel na pampolitikal). Ipagpapatuloy muli sa aralin na ito ang mga
pangwakas na konsepto na dapat mong matutuhan.

II. LAYUNIN
Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng
pamilya.

III. PAUNANG PAGTATAYA/PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Balik-aral : Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

May kakayahan ba ang iyong pamilya na gumanap sa panlipunan at pampolitikal na


papel ninyo? Paano ka at ang iyong pamilya makatutulong sa pagbuo ng isang mapagmahal
na pamayanan? Isulat ang mga kasagutan sa espasyong nakalaan.

IV. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN, PAG-UNAWA

Panuto: Tingnan natin kung batid mo ang ilan sa mga alituntunin o patakaran sa iyong
komunidad. Kilalanin ang sumusunod na palatandaan at simbolo. Isulat kung paano
nalalabag ito at ano ang maaaring bunga ng paglabag dito. Isulat ang iyong kasagutan sa
mga puwang na nakalaan.

1.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?

1
Bunga ng paglabag:

2.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?

Bunga ng paglabag:

3.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?

Bunga ng paglabag:

4.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?

Bunga ng paglabag:

5.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?


Bunga ng paglabag:

6.
Tawag sa Alituntunin:

Paano ito nalalabag?

Bunga ng paglabag:

V. PAGPAPALALIM

Basahin at unawain ang sanaysay. Pagkatapos ay sugutin ang kasunod na mga tanong.

Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay ang mga


pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng tahanan. May mga pamilyang
naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa bahay-ampunan tuwing sasapit ang
panahon ng kapaskuhan, upang pansamantalang tumira sa kanila. Namimigay din sila ng
mga regalo dito o maging sa mga batang-lansangan. May anak na sa halip na maghanda
para sa kaniyang kaarawan ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na ibahagi na lamang
sa bahay-ampunan ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa. Mayroon ding gustong
idaos ang kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling ng mga batang lansangan.

Hindi na rin bago sa mga Pilipino ang pagbabayanihan. Isa ito sa ipinagmamalaki
nating pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ito sa lahat ng aspekto ng ating pamumuhay.
Sa isang magkapitbahay ay hindi na bago ang pagbibigayan ng ulam lalo’t may okasyon,
ang pagbibilin sa mga anak sa kapitbahay kung walang magbabantay ditong kapamilya, at
ang pagpapahiram at panghihiram dito ng gamit.

Isa rin sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap lalo
na sa mga panauhin. Inihahain natin ang
pinakamasarap na pagkain para sa kanila, ang Ang pagtuturo at pagsasabuhay
pinakamainam na higaan ang ating pinatutulugan, at
ng simpleng uri ng pamumuhay
ang pinakamaganda nating gamit ay inilalabas
lamang kapag may panauhin. Ngunit may mas sa loob ng pamilya ay mahalaga
malalim na antas ng pagtanggap ng mga panauhin. sa pagpapanatili ng likas na
Magagawa kaya nating maghain ng masasarap na yaman ng daigdig.
pagkain, patulugan ang pinakamainam nating
higaan, at ipagamit ang pinakamaganda nating gamit
sa mga palaboy sa lansangan? Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating
ugaliin ay ang pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga nangangailangan.
Dapat isaalang-alang ang paggalang sa dignidad ng kapuwa sa anomang uri ng
pamumuhay mayroon ang pamilya. Ang labis na kayamanan ay nakaeeskandalo kung ito
ay walang pakundangang ipinangangalandakan sa harap ng mga taong minsan sa isang
araw lamang kumakain. Ang walang habas na pag-aaksaya, pamumuhay sa labis na
karangyaan at luho ay paglabag sa tuntunin ng moralidad. Kaya nga mahalaga ang
pagtuturo at pagsasabuhay ng simpleng uri ng pamumuhay sa loob ng pamilya. Ayon nga
kay Esteban (1989), ang pinakamalaking hadlang sa paglago ng tao at ng sangkatauhan ay
ang labis na kahirapan ng isang bahagi ng lipunan at ang nakaeeskandalong karangyaan sa
kabilang bahagi nito. Ang hindi pagkakapantay-pantay na ito ay isang paglabag sa
katarungang panlipunan. Tungkulin ng pamilya na sikaping maging pantay ang turing sa
lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay.

Tandaan lagi na pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para
sa lahat ng Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin, tubig, at lupa.
Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lahat ng mga nilikha
ng Diyos sa mundo. Kaya nga ang pagkakaroon ng legal na karapatan sa pagmamay-ari ng
alinman sa mga elementong ito ay dapat na may kalakip na paalala, na ang mga ito ay
kaloob ng Diyos at hindi likha ng tao.

Samakatuwid, ang mga nagmamay-ari o tagapamahala ng lupain ay nararapat na


isaisip ang kabutihan ng lahat ng tao sa paggamit nito. Ang hangin at tubig sa ating
himpapawid at mga karagatan ay hindi dapat na abusuhin ng iilang tao, o maging ng mga
industriya o korporasyon na karaniwang pag-aari ng iilang mayayamang pamilya, bagkus
dapat na gamitin para sa kabutihan ng lahat ng tao sa mundo. Kaya nga walang karapatan
ang mga industriya na dumihan ang hangin ng maruming usok na galing sa kanilang mga
pagawaan at dumihan ang mga ilog at dagat ng polusyong nakalalason sa tubig na
pumapatay sa mga nabubuhay dito.

Tungkulin ng pamilya na pangalagaan ang kalikasan bilang likas na tagapamahala


ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang
mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and Green Program na
nagtataguyod ng mga proyektong tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng mga
nabubulok at di nabubulok na basura, ang 3Rs (reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga
kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba.

Mga Tanong:

1. Ano ang bayanihan?

2. Paano maipapakita ng pamilya ang mas malalim na antas ng pagtanggap ng


mga panauhin?

3. Paano maaaring mapangalagaan ng pamilya ang kalikasan?


VI- PAGSASAPUSO

Gawain 1: Natutuhan sa modyul

Panuto: Gamit ang S-W-O-T Analysis, suriin ang kakayahan ng sariling pamilya sa
pagsasagawa ng mga gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ninyo.
Sundan ang halimbawa:

Kalakasan (Strength) Kahinaan Pagkakataon Banta (Threat)


(Weakness) (Opportunity)

Halimbawa:

Masipag ang bawat Mahiyain kami. Hindi Maaaring tumulong Walang magawang
kasapi ng aming kami sanay na sa Relief-Giving ng tulong sa kapitbahay
pamilya. Hindi kami makihalubilo sa mga baranggay sa aming dahil nauunahan ng
nagdadalawang isip mayayaman o mga mga kapitbahay na pagkamahiyain.
na tumulong sa mga may kapangyarihan lubhang apektado sa
humihingi ng tulong sa aming baranggay. nakaraang sakuna.
sa abot ng aming
makakaya

Ikaw Naman:
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _
_ _ _ _

Gawain 2: Natuklasan sa sarili kaugnay ng paksa sa modyul

Panuto: Sagutin ang katanungan.

Anong mahalagang reyalisasyon ang iyong napag-isipan tungkol sa


pagsasagawa ng isang gawaing angkop sa panlipunan at pampolitikal na papel ng
pamilya?

5
VII. PAGSASABUHAY
Panuto: Gumawa ng kabutihan sa kapitbahay. Kunan ito ng larawan at
isubmit sa guro. Magsulat ng bahagya patungkol sa larawan. Kung walang larawan,
gumawa ng maiksing ulat ng pagtulong sa kapitbahay at palagdaan (noted signature)
ito sa kaniya. Maaaring gawing batayan ng tutulungan ang ginawang pagsasabuhay
sa nakaraang modyul. Gawin ito sa space sa ibaba.

Ang kahon na ito para sa larawan ay optional lamang.

Ulat ng pagtulong:
VIII. PAGTATAYA
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano-anong mga gawaing nagpapakita ng
pagganap sa mga papel na panlipunan at pampolitikal ang maaaring gawin mo at ng
iyong pamilya? Magtala ng isang gawaing nagpapakita ng papel na panlipunan at isang
nagpapakita ng pampolitikal na papel ng pamilya. Sundan ang halimbawa sa ibaba.

a. Papel Panlipunan. Pansamantala naming patutuluyin sa


aming bahay ang mga kapitbahay naming naapektuhan ng
pagbaha.

tikal. Susulat kami sa aming Kongresista o kinatawan na magsagawa ng proyekto na maglilinis at magpapahukay ng sapa sa aming bara

a. Papel Panlipunan.

b. Papel Pampolitikal.

a. Papel Panlipunan.

b. Papel Pampolitikal.

7
a. Papel Panlipunan.

b. Papel Pampolitikal.

IX. KASUNDUAN

Maghanda para sa isang mahabang pagsusulit na kinapapalooban ng mga tinalakay


sa Modyul 4.
Mga Sanggunian

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 1


https://www.123rf.com/photo_42103184_stock-vector-no-smoking-symbol-vector-icons.html

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 2


https://www.clipart.email/download/991913.html

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 3


https://www.123rf.com/stockphoto/no_parking.html?sti=llhgwab1fpu76mbl6i|&mediapopup=9
0752803

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 4


https://www.inkace.com/face-mask-required-iso-symbol/

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 5


https://www.shutterstock.com/image-vector/forbidden-throw-garbage-we-can-not-531345031

Paglinang ng kaalaman, kakayahan, pag-unawa: Larawan 6


https://www.bigstockphoto.com/image-348357865/stock-vector-cellphone-not-allowed-sign-
vector-turn-off-mobile-phones-perfect-for-backgrounds%2C-backdrop%2C-sticke
Pagtataya: Larawan 4
https://www.aa.com.tr/en/latest-on-coronavirus-outbreak/worldwide-covid-19-testing-ratio-
per-country-million/1800124

You might also like