You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO

Pamagat ng Gawain: Para Sa’yo ang Kabutihang Ito!

Kasanayang Pampagkatuto: 1.3-1.4 Code: EsP9PL-Ib-1.3- EsP9PL-Ib-1.4

Panuto: Isusulat ang lahat ng mga sagot sa iyong sagutang papel.

SIMULAN NATIN

PANIMULA

Sabi nila masarap “maging bata” na kung saan ang iyong tanging ginagawa
lamang ay maglaro, kumain at matulog. Ngunit habang lumilipas ang panahon,
maraming mga pagbabagong dumarating sa ating buhay hindi lamang pisikal na
aspeto. Mas nauunawaan mo na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili.

Unti-unting namumulat ang iyong mga mata sa lipunang iyong ginagalawan,


lumalabas ang iyong pagtingin na tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating
lipunan. Makatutulong ang araling ito upang magkaroon ka ng malinaw at mabuting
pagtingin at aksyon sa pagbuo ng isang lipunan na kaakibat ang kabutihang panlahat.
Halika, samahan mo akong tuklasin ito.

Layunin
1. Nauunawaan ang tunay na kahulugan ng lipunan at komunidad
2. Nahihinuha ang mga elemento, mga hadlang at kondisyon sa pagkamit
ng kabutihang panlahat
3. Nakagagawa ng isang poster na nagpapakita ng tunay na layunin at
mahalagang sangkap ng kabutihang panlahat

Kasanayang Pampagkatuto

1.3 Napangangatwiranan na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at


mapanatili ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ng moral na pagpapahalaga ay mga puwersang magpapatatag sa
lipunan.

1.4 Naisasagawa ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan


o sector sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at
pangkapayapaan.
1
ALALAHANIN NATIN

Panuto: Pumili ng isang larawan at alamin kung anong sangkap ng matiwasay na


lipunan ang tinutukoy nito. Ipaliwanag at isulat sa sagutang papel kung paano ito
makakatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

UNAWAIN NATIN
Ngayon ay natukoy na natin ang mga mahahalagang sangkap ng
matiwasay na lipunan at nalaman din natin kung paano ito makakatulong
sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ngayon naman ay pumili ng tatlong
larawang nagpapakita ng mga mahahalagang elemento ng kabutihang
panlahat. Isulat ang letra at iyong napiling sitwasyon.

Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang iyong napiling sitwasyon sa


pagkamit ng kabutihang panlahat? Ilagay sa sagutang papel ang iyong paliwanag.

2
GAWIN NATIN

Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel


Cabangon na
may pamagat na, “Ako’y isang mabuting Pilipino”. Sagutin ang mga
katanungan.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang mensaheng nais iparating ng awitin?
2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito? Ipaliwanag.
3. Bilang isang mag-aaral, nailalapat mo ba sa iyong pang-araw-araw na buhay
ang mensaheng nais iparating ng awitin tungo sa pagkamit ng kabutihang
panlahat? Magbigay ng isang halimbawa.
4. Makatutulong ba ang mensahe ng awiting ito sa pagkamit ng tunay na layunin
ng lipunan? Ipaliwanag. 3
SURIIN NATIN
Nakakalungkot isipin na kahit marami ang tunay na nakauunawa sa
kapakinanabangan at kahalagahan ng pagtamo ng kabutihang panlahat ay marami
pa rin sa atin ang hindi tuluyang nakikisangkot. Kung ikaw ang nasa sitwasyon,
paano mo maiiwasan ang mga hadlang na ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
Unang sitwasyon

Matatagpuan sa liblib na lugar ang baryo Liliw na kung saan nakatira si


Ernesto. Dahil sa malayo ito sa siyudad hindi sapat at madalas na nagiging
problema nila ang malinis na tubig na maiinom at magagamit sa pang-araw-araw
na gawain lalo na sa panahon ng tagtuyot. Si Ernesto ay kilala sa kanilang baryo
na maaksaya sa paggamit ng tubig. Hinahayaan niyang umaapaw ang tubig sa
kanilang mga batya at balde sa pagligo. Maging sa paglalaba ay kumukunsumo ito
ng malaki sa tubig. Pinagkibit balikat lamang ni Ernesto ang mga puna sa kanya sa
paniniwalang siya naman ang nagbabayad ng tubig. Dahil dito wala siyang pakialam
kung nag-aaksaya man siya ng tubig. Tama ba ang paniniwalang ito ni Ernesto?
Kung ikaw si Ernesto, ano ang maari mong gawin upang makatulong sa iyong
baryo?

Ikalawang sitwasyon

Ngayong panahon ng pandemya dulot ng COVID-19, inilagay ang barangay


Liwayway, kung saan nakatira si Beth, sa lockdown upang maiwasan ang pagkalat
ng nasabing virus. Dahil dito marami sa kanyang kababayan ang pansamantalang
natigil sa pagtatrabaho na nagdulot ng kahirapan sa kanilang buhay. Mapalad naman
ang pamilya ni Beth na sumasahod pa rin ang kaniyang mga magulang dahil sa
tinatawag na “work from home”. Masasabing nakaluluwag pa rin sila sa panahon ng
pandemya. Isang araw, dumating ang ayuda na naglalaman ng mga delata at bigas
galing sa barangay. Kinuha ito ni Beth sa paniniwalang mayaman man o mahirap ay
karapatan nilang mabigyan ng ayuda galing sa barangay.

Tama ba ang paniniwalang ito ni Beth? Kung ikaw si Beth, ano ang iyong
gagawin upang makamit natin ang kabutihang panlahat?

4
TAYAIN NATIN

Basahin at unawain ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat


ang TAMA kung ito ay makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat at
MALI, kung hindi. Ilagay ang iyong sarili sa tauhang nabanggit. Ano ang
nararapat mong gawin upang ito ay iwasto?

1. Ipinatupad ng ating butihing Mayor Olivarez ang lockdown sa siyudad ng


Parañaque upang protektahan niya ang kanyang mga kababayan laban sa
kumakalat na virus dulot ng COVID-19. Binigyan niya rin ang mga ito ng tulong
pinansyal at relief goods lalo na ang mga nawalan ng trabaho dahil sa
lockdown.

2. Nakikibahagi si Lea sa mga gawain sa kanilang barangay. Kadalasan siya ay


boluntaryong naglilinis ng mga kalye sa kanilang barangay. Marami ang
nagtatanong kung bakit niya ito ginagawa at kung mayroon ba siyang
nakukuhang sahod mula rito. Masaya itong ginawa ni Lea kahit na walang
sahod dahil sa paniniwalang kahit sa maliit na paraan kailangang may mai-
ambag siya para sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

3. Malaki ang naitutulong ng pagsusuot ng mask at pag-obserba sa social


distancing upang labanan ang sakit na dulot ng COVID-19. Kaya naman
minarapat ng ating gobyerno na ipatupad ang mga alituntuning tulad nito.
Ngunit si Mateo ay hindi sumusunod rito. Hindi siya nagsusuot ng mask kapag
siya ay lumalabas at madalas silang magkakadikit ng kaniyang mga katropa
habang nagkukwentuhan sa labas ng kanilang bahay.

4. Si Madam Cortez ay may malaking restaurant na mabenta sa mga tao ang mga
pagkain. Ngunit dahil sa pandemyang nararanasan ay pansamantala itong
nagsara. Bilang pagtanaw na utang na loob, ipinagamit ni Madam Cortez ang
kanyang restaurant bilang pansamantalang tirahan ng mga taong walang
permanenteng matutuluyan. Nagbigay din siya ng mga relief goods at mga
personal na gamit tulad ng sipilyo, sabon at mga tisyu sa mga taong nanatili
rito.

5. Madalas na hindi nakilalahok si Lito sa mga pagpupulong ng kanilang barangay


sa kadahilanang wala naman siyang mapapala sa pagpupulong na iyon.
Naniniwala siyang puro salita lamang at wala naman talaga kongkretong
nagagawa ang nasabing pagpupulong sa ikauunlad ng kanilang barangay.

5
BUUIN NATIIN

Marami sa mga mag-aaral ngayon ang hindi aktibong nakikilahok sa


pagpapanatili at pagkamit ng tanging layunin ng lipunan, ang Kabutihang Panlahat. .
Gamit ang mga natutunan mo sa araling ito, gumawa ng isang poster na nagpapakita
ng tunay na layunin at mahalagang sangkap ng kabutihang panlahat. Maari kang
humingi ng tulong sa iyong kapamilya sa paggawa ng nasabing poster. Ito ay maaring
maging daan sa isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor sa
pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan. Kayo ay
magbibigay ng kamalayan sa kapwa ninyo tungkol sa pagkamit at pagpapanatili ng
kabutihang panlahat sa ating lipunan. Maari mong isabit sa inyong tahanan ang
nasabing poster. Ang nagawang poster ay bibigyan ng grado ayon sa inihanda rubrics
ng inyong guro sa ibaba.

Rubriks:
Ang output na iyong magagawa ay pupuntusan alinsunod sa krayterya na ito:
20% - orihinalidad
15% - linaw at pagkamalikhain
15%- kaangkupan ng mensahe sa kasalukuyan

You might also like