You are on page 1of 4

Asignatura HOMEROOM GUIDANCE Baitang LIMA

W4 Markahan IKA-APAT NA MARKAHAN Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Pagpapahalaga sa Kapwa at Komunidad, Ipapakita Ko!
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Value how the needs of others and community are addressed
KASANAYANG PAMPAGKATUTO HGIPS-IVc-8
(MELCs) Nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa at sa komunidad

III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagyamanin ang kakayahang ibahagiang sarili upang makatugon sa
mga pamantayan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin ang iyong mahalagang papel o gampanin upang makatulong sa
pagtugon sa pangangailangan ng kapwa at ng komunidad.
Ngayon naman para sa linggong ito, inaasahang iyong mabatid ang kahalagahan ng pagtugon sa
pangangailangan ng kapwa at ng komunidad. Sa araling ito ay iyong matutunan kung paano maipapakita ang
pagpapahalaga sa iyong kapaw at saiyong komunidad na kinabibilangan.
Bakit nga ba mahalagang tumulong sa pangangailangn ng kapwa at komunidad? Simulan natin sa pagtukoy
ng maari mong gawin upang matugunan ang pangangailangan ng iba at ng komunidad at pagbibigay ng
dahilan o rason sa ginawa mong aksyon.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Sa gitna ng kahirapan at pangangailangan, ang dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng ating
makakaya. Nilalang tayo ng Diyos na may kamay at paa, hindi lamang upang magamit sa pansarilng kabutihan
kundi pati narin sa pagtulong sa ating kapwa at komunidad na matugunan ang kanilang pangangailangan.
Halina’t basahin at talakayin ang kwento.

Pagsulong at Pag-unlad ng Kapwa at Komunidad, Bunga ng Ating Pagiging Responsable at Bukas-palad


Isang simpleng pamilya ang naninirahan sa Barangay
Makawayan. Payak man ang kanilang pamumuhay ngunit hindi
kinaliligtaan ng mag-asawang Jose at Lourdes na turuan ng
mabuting pag-uugali at pagiging responsible ang kanilang apat
na anak na sina Joana, Joy, Jolly, at Jessa.
Tanging pangangalakal ang hanapbuhay ng mag-asawa.
Ganon pa man, sinisikap nilang mapag-aral ang kanilang mga
anak na lahat ay nasa elementarya pa lamang. Batid ng
magkakapatid ang hirap at pagpupursigi ng kanilang mga
magulang upang matustusan ang kanilang mga
pangangailangan. Kaya naman, sinisikap din nilang makatulong
sa kanilang mga magulang sa abot ng kanilang makakaya.
Tuwing uwian pagkagalling sa eskuwela, pinupulot nila ang mga plastic bottles at lata na nakakalat sa tabi
ng kalsada. Kapag may nakikita silang mga bao o plastik na may nakaimbak na tubig ito’y agad nilang itinataob
upang itapon ang lamang tubig. Natutunan kasi nila mula sa kanilang guro na ito ay maaaring pamugaran ng
mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
Isang araw, habang nangangalakal ang mag-asawa ay may lumapit sa kanila na isang matandang
gusgusin. Humingi ito ng kaunting baryang pambili ng makakain. Hirap man sila kumita ng pera ay hindi sila nag
dalawang-isip na magbigay ng kaunting tulong. Lingid sa kanilang kaalaman na ang matandang iyon ay isang
milyonaryo na nagpapanggap lamang na pulubi. Dahil sa kabutihang loob na ipinakita ng mag-asawa upang
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

matugunan ang pangangailangan ng kapwa kahit sa simpleng paraan ay namangha ang matanda.
Isang araw, Linggo ng umaga, habang pauwi ang buong pamilya mula sa simbahan ay narinig nila ang
balitang nagkaroon ng dengue outbreak sa ilang karatig barangay. Ito ay dahil sa maruming kapaligiran at
maruming tubig na naka-imbak sa mga basurang plastik at lata. Ngunit sa kanilang lugar ay wala pang
naitatalang positibo sa sakit. Marahil ay nakatulong ang ginagawa ng magkakapatid kung kaya’t naiwasan ang
pagkakaroon ng dengue outbreak sa kanilang lugar.
Habang sila ay papalapit sa kanilang bahay, nakita nila na maraming tao ang nagtitipon-tipon malapit sa
kanilang bakuran. Nang makarating na sila ay laking gulat ng mag-asawa nang nakita nila ang matandang
kanilang tinulungan. Lumabas ito mula sa isang magarang sasakyan. Dala nito ang napakaraming mga regalo
para sa kanila at para sa kanilang mga kapitbahay.
Bukod dito, pinangakuan din ang mag-asawa na bibigyan ng scholarship ang apat nilang anak hanggang
sa makapagtapos ang mga ito sa kolehiyo. Sinabi rin ng mayamang matanda na dahil sa ipinakitang kabutihan
nilang mag-asawa ay nahikayat rin siya tumulong sa kapwa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang mabuting naidulot sa komunidad ng ginawa ng apat na magkakapatid?
2. Anong magandang katangian mayroon ang mag-asawa?
3. Paano ito nakatulong sa kanila at sa kapwa?
4. Mahalaga bang matutunan ng bawat isa ang pagtugon sa pangangailangan ng kapwa at komunidad
na walang hinihinging kapalit? Bakit?

Ang pagtulong sa kapwa ay hindi nalilimitahan sa pagkakaloob ng mga materyal na bagay tulad ng bahay
na matitirhan, pagkain, damit, o kaya naman ay pera. Maaari din maipadama ang pagdamay sa pamamagitan
ng pagboboluntaryo sa mga proyektong pangkomunidad o di kaya’y paglapit sa kinauukulan.

Maipapakita natin ang pagpapahalaga natin sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at


pagpapadama na ikaw ay sa oras na kailanganin ka nila. Hindi lamang sa ganitong paraan kundi maging bahagi
ka nila sa anumang layunin nan ais nilang makamit. Pagdating sa pagpapahalaga sa komunidad, nararapat
mong ipakita na sa iyong murang edad ay sumusunod ka sa anomang batas na kanilang ipinapatupad.
Nararapat na ipakita mo na ang kabataang tulad mo ang papalit na henerasyon na magpapatuloy ng pag-
unlad ng ating lipunan.

Ang pag-unlad ng kapwa ay pag-unlad ng komunidad at ng bansa. Kaya dapat ugaliin natin ang
pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng iba at ng ating komunidad na walang hinihinging kapalit.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawaing Pampagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng poster. Sa unang kahon ay iguhit ang isang aksyon na nagpapakita
na ikaw bilang bahagi ng lipunan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa iyong kapwa at sa ikalawang kahon
naman ay ang pagpapahalaga mo sa iyong komunidad na kinabibilangan. Gawing gabay ang pamantayan
sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na papel.

PAGPAPAHALAGA SA KAPWA PAGPAPAHALAGA SA KOMUNIDAD


IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pamantayan 10 9 8 Iskor
Lubos na nagpamalas ng Hindi gaanong naging
Naging malikhain sa
pagkamalikhain sa malikhain sa
PAGKAMALIKHAIN pagpapahayag ng
pagpapahayag ng pagpapahayag ng
nararapat gawin
nararapat gawin nararapat gawin
Angkop na angkop ang Hindi gaanong angkop
KAANGKUPAN SA Angkop ang poster sa
poster sa sitwasyong ang poster sa sitwasyong
SITWASYON sitwasyong nakalahad
nakalahad nakalahad
May kakulangan at hindi Hindi malinaw at walang
Buo at malinaw ang
gaanong malinaw ang kaugnayan ang kaisipang
ORGANISASYON kaisipang ipinahayag sa
kaisipang ipinahayag sa ipinahayag sa iginuhit na
iginuhit na poster
iginuhit na poster poster
KABUUAN

Gawaing Pampagkatuto Bilang 2: Iguhit ang hugis puso sa ikalawang hanay kung naisagawa mo na ang mga
sumusunod na gawain bilang pagtulong sa kapwa, at hugis bituin naman kung gagawin mo pa lamang ito
balang-araw. Sa ikatlong hanay naman ay isulat ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa o gagawin pa
lamang.

Paraan ng Pagtulong sa Kapwa / Dahilan


1. Pagbibigay ng pagkain sa kamag-aral na walang baon at nagugutom.
2. Pagbibigay ng kaunting barya o pagkain sa pulubing namamalimos.
3. Pagbibigay ng donasyon (damit, pera, o pagkain) sa mga nasalanta ng
trahedya, sakuna, at pandemya.
4. Boluntaryong pagtulong at pakikiisa sa mga gawaing pangkomunidad
upang matugunan ang pangangailangan ng mga taong nagangailang
sa inyong lugar.
5. Ipinapanalangin ang kapwang nangangailangan ng tulong.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 15 minuto)

Gawaing Pampagkatuto Bilang 3. Sa loob ng kahon, bumuo ng sariling islogan tungkol sa mabuting naidudulot
ng pagtulong at pagtugon sa pangangailangan ng kapwa at ng komunidad na walang hinihinging kapalit.

Rubriks
BATAYAN 10 9 8 7
Hindi gaanong
Ang mensahe ay Medyo magulo ang Walang mensaheng
PAKSA naipakita ang
mabisang naipakita mensahe naipakita
mensahe
Di-maganda at
Napakaganda at Maganda at malinaw Manda at ngunit di-
Malabo ang
PAGKAMALIKHAIN napakalinaw ng ang pagkasulat ng gaanong malinaw ang
pagkakasulat ng
pagkasulat ng islogan islogan pagkasulat ng islogan
islogan
May malaking Di-gaanong may Kaunti lamang ang
Walang kaugnayang
KAUGNAYAN kaugnayang sa paksa kaugnayang sa paksa kaugnayang ng
sa paksa ang islogan.
ang islogan. ang islogan. islogan sa paksa
Malinis na malinis ang Malinis ang Di-gaanong malinis Marumi ang
KALINISAN
pagkakabuo pagkakabuo ang pagkakabuo pagkakabuo
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 10 mins)

• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans .

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3

VI. SANGGUNIAN PIVOT 4A Budget of Work for Homeroom Guidance Program. n.p., n.d.

MELC (Most Essential Learning Task Matrix) K to12 for Homeroom Guidance Program.
n.p. n.d.
Inihanda ni: JOLOURDES L. ALEJO Sinuri nina: RAIDIZ P. NATAYA
GRACE P. DEMISANA
JOSIEL JOULIE L. PUNONGBAYAN

MYRASOL D. BELTRAN
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN, PhD
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like