Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin ang sitwasyong
nakasulat sa ibaba. Bumuo ng pasya sa pamamagitan ng
paglalagay ng sagot sa bawat hakbang. Balikan ang pagtalakay sa pahina 9 para sa karagdagang gabay. Gawin ito sa iyong sagutang papel Sitwasyon: Nagkaroon ka ng maraming isipin at suliranin kaya stressed ka sa dami ng gawain sa iba’t ibang asignatura. Nais mong makatapos ng pag-aaral ngunit nakikita mo na ang paghinto ang magiging solusyon upang hindi na mahirapan pa. 1. Layunin o nais na resulta: - Makapag aral at makapag tapos ng pag aaral.Ngunit nahihirapan ako sa aking mga signatutra at dumagdag pa ang problemang meron ako kaya napapag isip ko na huminto muna at ayusin muna ang lahat. 2. Mga impormasyong nakalap:
- May nakapag sabi sa akin na kapag ako'y
nakapagtapos ng pagaaral maganda ang magiging kinabukasan na makukuha matutupad daw ang pangarap ko. Kung hindi ako makakapag tapos ay baka hindi ko matupad ito lahat,ang mga pangarap ko . 3 .Posibleng Maging bunga ng bawat pagpipilian
- Kapag ipinagpatuloy ko ang-pag aaral ko ay mabibigyan ko
ng magandang kinabukasan ang aking pamilya matutulungan ko sila at matutupad ko ang aking mga pangarap maahon sila sa kahirapan at mabibigyan ng magandang buhay. Kung hindi naman ay mananatili ako sa aking kinalakihan na gusto ko iahon hindi ko matutupad ang pangarap ko hindi ko mabiibigyan ng maayos na kinabukasan ang pamilya ko at magiging pamilya ko. 4. Napiling Pasya at dahilan ng pagpasya
- Nakapag-pasya na ako at,ang pasya ko ay ang magpatuloy
parin ng pag aaral kahit mahirap ay kakayanin ko dahil alam ko na walang madali sa lahat ng bagay at alam ko din na may maganda itong maidudulot. 5.. Pagninilay sa nabuong pasya kung tama o mali:
-para sa akin ay tama ang pasya ko na ipag-patuloy ang
aking pag aaral dahil walang bagay na madali . Sa problemang makakaharap masusukat ang tatag at pagsisikap ng isang tao, at alam ko din may magandang bunga ang lahat ng ito.