You are on page 1of 2

Potol Elementary School (109258)

SUMMATIVE TEST
Pangalan: _______________________________________ Iskor: ______________
Pangkat: ________________________ Petsa: _____________

Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ikalawang Lagumang Pagsusulit - Unang Markahan

I. Basahin at intindihing Mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

__________1. Ito ay ang mga impormasyon na taglay ng isang tao. Nakukuha ito sa pamamagitan ng pag-aaral o pagkakaroon ng
karanasan.
a. kawilihan b. pagsusuri c. kaalaman d. kasipagan
__________2. Alin sa mga sumusunod ang higit na makatutulong sayo upang madagdagan ang iyong karunungan sa iba’t ibang
bagay?
a. paglalaro b. pagbabasa c. papipinta d. pagsasayaw
__________3. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaari mong gawin upang mas higit na matuto at magkaroon ng mga
kaalaman, MALIBAN sa isa.
a. maglaan ng tiyak at sapat na oras sa pag-aaral
b. magkaroon ng kawilihang magbasa at gawin ang mga gawain
c. isangtabi muna ang pag-aaral at unahin ang paglalaro kasama ang mga kaibigan
d. maging matiyaga sa mga aralin kahit na nahihirapan
__________4. Bakit sinasabing “ang kaalaman ay kapangyarihan”? Piliin ang pinakatamang kasagutan.
a. sapagkat kung mayroon ka nito, huhusay ka sa pagsasayaw.
b. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging mabilis ka sa pagbabasa.
c. sapagkat kung mayroon ka nito, magiging maganda ang iyong kinabukasan.
d. sapagkat kung mayroon ka nito, maraming bagay kang matututunan.
__________5. Ito ay ang katuwang ng tiyaga.
a. pagbabasa b. tuwa c. bilis d. sipag
__________6. Ano ang kailangan mong gawin upang matupad ang iyong pangarap?
a. magdasal at hintayin na lamang na magkatotoo ito.
b. umasa sa mga taong tutupad sa iyong pangarap.
c. mag-aral ng mabuti na may sipag at tiyaga.
d. wala sa mga nabanggit.
__________7. Ano ang mabuting naidudulot ng pagkakaroon ng positibong pag-iisip?
a. hindi sumusuko sa mga problemang kinahaharap.
b. nawawalan ng pag-asa.
c. mabilis malungkot at magalit sa mga sitwasyon.
d. lahat ng nabanggit.
__________8. Ano ang iyong gagawin kung mayroon kang hindi maintindihan sa iyong mga aralin?
a. hahayaan na lamang ito at hindi na aaralin.
b. hihingi ng tulong sa pamilya o mga kaibigan na unawain ang aralin.
c. sasagutan na lamang ito ng hindi iniintindi.
d. pasasagutan na lamang ito sa nanay at tatay.
__________9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng positibong kaisipan?
a. Iniiwasan ni John na tumulong sa mga gawaing bahay dahil alam niyang mapapagod siya dito.
b. Umiiyak si Antonio tuwing sinasabihan siya ng nanay niya na magsanay sa pagbabasa.
c. Iniiwan ni Kimberly ang kanyang aralin sa tuwing nahihirapan siyan intindihin ito.
d. Humahanap ng iba pang source si Lanie upang intindihin ang mga aralin na siya ay nahihirapan.
__________10. Ito ay ang katangian na humanap ng iba pang solusyon sa mga problema.
a. maparaan b. masunurin c. masipag d. mabait

II. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay napapahayag ng kawilihan at positibong
kaisipan sa pag-aaral at MALI naman kung hindi.

__________11. Nakikinig ako sa aking guro habang nagtatala.


__________12. Hindi ko ginagawa at sinasagutan ang mga mahihirap na aralin sa aking modyul.
__________13. Ginagawa ko ang aking proyekto upang matapos ito sa takdang-araw.
__________14. Kumokopya na lamang ako sa internet para ipasa bilan aking proyekto.
__________15. Humuhingi ako ng dagdag na paliwanag sa aking guro kapag hindi ko maintindihan ang aralin.
__________16. Malakas akong magpatugtog ng musika habang gumagawa ng takdang-aralin.
__________17. Tinutulungan ko ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral.
__________18. Humahanap ako ng iba pang pagkukunan ng impormasyon sa tuwing ako ay nalilito sa aking aralin.
__________19. Hinahayaan ko na lang na mababa ang makuhang kong marka kaysa paghirapan ko ang aking pag-aaral.
Potol Elementary School (109258)
SUMMATIVE TEST
__________20. Nagbabasa aat nagbabalik-aral ako nang maraming ulit bago ang pagsusulit.

You might also like