You are on page 1of 2

CALAOCAN ELEMENTARY SCHOOL

Name: _____________________________________________ Score: _________________


Grade/Section: ______________________________________ Date: __________________

ACTIVITY SHEETS IN EsP 6 Quarter 1 – Module 2:


Nag-iisip Ako Bago Gumawa

Gawain 1
Buuin ang bawat pangungusap sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang _________________.


a. panlahat c. para sa mga lider
b. pang marami d. para sa hindi miyembro ng pangkat

2. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa ____________________.


a. hindi paggawa sa napagkasunduan
b. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
c. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa isang miyembro ng
pangkat
d. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi sang-ayon ang iba pang
miyembro ng pangkat

3. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat _______________________.


a. sinusunod ang sariling kagustuhan
b. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
c. hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
d. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maaapektuhan ng pasya

4. Tumutukoy sa _______________ ang mapanuring pag-iisip.


a. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
b. pagtatanong sa guro ng kanyang opinion
c. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
d. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng pasya

5. Sa pagbuo ng pasya, kailangan mong __________________.


a. magkaroon ng patunay
b. ipilit ang iyong opinion
c. hingin lang ang opinion ng mga kaibigan
d. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na susuporta sa iyong personal na pananaw

Gawain 2

Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin ang sagot sa kahon.

Ang mapanuring __________________ ay nangangailangan ng kaalaman sa


_________________, pagtitimbang ng maaaring g____________________ at p___________________ ng
pinakamabuti bago bumuo ng isang p___________________.

sitwasyon pagpili pag-iisip gawin pasiya


Gawain 3

Panuto: Sa iyong kuwaderno isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng
naaayong hakbang sa pagpasya at MALI kung hindi.

__________1. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa
Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.

__________2. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis na bagay para
madaling pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang inyong
pangkat.

__________3. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa


ka sa napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa kalooban ay tinanggap mo rin
ang iyong pagkalider.

__________4. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama
laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan nito.

__________5. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot


sa katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan lamang.

__________6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan,


tumanggi ka at nanood ng sine.

__________7. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng
Pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na
magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon.

__________8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum.


Nakarating ka na roon, subalit sumama ka pa rin.

__________9. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama
dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.

__________10.Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang
pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na
mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila

Mga Puna, Obserbasyon o Komento tungkol sa ginawang pag-aaral ng anak.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

You might also like