You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan: Iskor:_____________________
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng naaayong
hakbang sa pagpasya at MALI kung hindi.

______MALI________ 1. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na


sasama sa Clean up drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
______TAMA________ 2. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis
na bagay para madaling pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang
inyong pangkat.
______TAMA________ 3. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na
makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa
kalooban ay tinanggap mo rin ang iyong pagkalider.
_______MALI_______ 4. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na
nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan
nito.
_____MALI_________ 5. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay
nangongopya ng sagot sa katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan
lamang.
_______MALI_______ 6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na
napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
_____MALI_________ 7. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-
aral siya ng Pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na
magtatrabaho sa America dahil mas malaki ang sweldo doon.
______TAMA________ 8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna
Ecocentrum. Nakarating ka na roon, subalit sumama ka pa rin.
______MALI________ 9. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall.
Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
______MALI________ 10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa
barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni
Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
______TAMA________ 11. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring
makaapekto sa iyong sarili.
_____TAMA_________ 12. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
_______TAMA_______ 13. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
______TAMA________ 14. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
______MALI________ 15. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging nakabubuti sa
akin.
______TAMA________ 16. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti
sa lahat upang walang matapakan/masaktan o mapinsala.
______TAMA________ 17. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
______TAMA________18. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.
______MALI________ 19. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan.
_______TAMA_______ 20. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa
pagpapasya.
______TAMA________ 21. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa
kinabibilangang relihiyon.
______TAMA________ 22. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o
resulta ng isang gagawing desisyon o bibitawang pasya.
______MALI________ 23. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.
______TAMA________ 24. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling
pagpapasya.
_______MALI_______ 25. Sumang-ayon ka sa pasya ng nakararami kahit hindi mo pa nasusuri ang
mga ito.
______TAMA________ 26. Sa pagpapasya, tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting
solusyon at pag-aralan ang maaaring kalalabasan nito.
______TAMA________ 27. Kailangan mong magdesisyon ng may gabay ng Diyos.
______MALI________ 28. Kung hindi naging mabuti ang bunga ng iyong pagdedesisyon sisihin mo
ang ibang tao.
_______TAMA_______ 29. Ang mabuti at mapanuring pagpapasya ay maaaring humantong sa
magagandang bunga.
________MALI______ 30. Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may
makapal na usok malapit sa inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa
inyo. Nabigla siya at hinimatay dahil sa nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay na nagpa-
fogging lamang pala sa inyong Barangay.
_______TAMA_______ 31. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa
mong kaklase sa iyo dahil sa palagi mong pagkuha ng matataas na marka. Hindi ka naniwala sa
kaniya dahil wala kang basihan nito.
_______MALI_______ 32. Nakita mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan
kung sino ang nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang
pamilya. Nagkataon na kilala mo ang matanda at malapit lamang ang tirahan nila sa inyo kaya
pinuntahan mo agad ang kaniyang pamilya at ipinaalam ang kinaroronan ng matanda.
________MALI______ 33. May pagpupulong ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng
marami na sasama sa Clean Up Drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
_______TAMA_______ 34. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala
ng matulis na bagay para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.
_______TAMA_______ 35. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na
makatutulong sa paaralan. Isa ka sa napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na
tinangap ang iyong pagkalider.

______MALI________ 36. May nabasa kang isang pribadong mensahe mula sa isang kaibigan na
nagsasabi ng masama laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.
______MALI________ 37. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay
nangongopya ng sagot sa katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.
______MALI________ 38. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na
napagkasunduan, tumanggi ka at nanood ng sine.
______MALI________ 39. May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa
Barangay Hall. Hindi ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
_______TAMA_______ 40. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna
Ecocentrum. Nakarating kana roon, subalit sumama ka pa rin.
______MALI________ 41. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-
aral siya ng pamahalaan. Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doctor nagdesisyon siya na
magtatrabaho sa Amerika dahil mas malaki ang suweldo roon.
______MALI________42. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa
barkada. Lagi siyang pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni
Luisa na mag-asawa kahit walang trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.

Republic of the Philippines


Department of Education
Tandag City SpEd Center
Tandag City

SUMMATIVE TEST 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan:_ Harvey Dave G.Estose Iskor:_____________________

I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


______A________1. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong
paaralan at ang kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
______B________2. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at
mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
______C________3. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian
na kaaya-aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
______A________4. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng
isang maayos at matatag na pamilya? A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na
nagsasama nang matiwasay at payapa. B. Pagpadami ng mga anak. C. Balewalain ang karapatan ng bawat
kasapi pamilya. D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.
_______B_______5. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at samasama ring
nananalangin sa araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi
_______B_______6. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyon ng iba. Alin sa
sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”
______D________7. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?
A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
______A________8. Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng
mobile legend ay nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ang
gagawin mo ay…
A. Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.
B. Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.
C. Hahayaan ang kapatid.
D. Pagagalitan ang kapatid.

You might also like