You are on page 1of 1

Agusan National High School

VALUES EDUCATION DEPARTMENT


Butuan City

Edukasyon sa Pagpapakatao -9

Pangalan:_______________________________ Pangkat:______________Petsa:__________
Guro: __________________________________ Marka: ____________________

KABUTIHANG PANLAHAT: Susi sa Pagkakaisa sa Pamilya, Paaralan, Pamayanan at Lipunan


L.A.S. No. 1.2

Panimula: Sa araling ito masusuri mo ang mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa


kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.

Layunin: 1.2 Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat


sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. ( EsP9PL-Ia-1.2)

Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng pagsasaalang- alang sa
kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan at lipunan. Iguhit ang kung ang pahayag ay
nagpapakita ng kabutihang panlahat sa pamilya, sa paaralan at sa lipunan.

Iguhit ang kung ang pahayag ay hindi nagpapakita ng kabutihang panlahat sa pamilya,
sa paaralan at sa lipunan. Isulat ang sagot sa inilaang na patlang.

__________1. Dahil sa pandemya, ang pamahalaan ay naglaan ng pundo para ibigay sa mga pamilyang
mas naapektuhan. Inilista ni Kapitan Juan ang kaniyang asawa at mga anak na
makatanggap ng tulong.
__________2. Ang iyong guro ang palaging nagpapaalala na dapat palaging malinis ang silid - aralan
kahit hindi mo iskedyul ay kusa kang naglilinis.
__________3. Nakita mo ang pagtatapon ng basura ng kapitbahay mo sa ilog. Ginaya mo sila dahil halos
lahat ay nagtatapon din sa ilog.
__________4. Ang iyong ama ay natanggal sa trabaho at nagkasakit ang iyong kapatid. Sa kabila ng
pangangailangan ng iyong magulang hindi mo ibinigay ang iyong naipon.
__________5. Nasunugan ang isang barangay na malapit sa inyong lugar. Marami kang damit na hindi
na ginagamit sa halip na itambak, naisip mong ibahagi ito sa mga tao na nasunugan.
__________6. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Reyna at pinili niya ito dahil para sa kanya
nakakaanggat naman sila sa buhay at hindi na niya kailangan pang makapagtapos at aasa
na lang siya ng sustento mula sa kanyang magulang.
__________7. May sakit ang ina ni Maria ngunit wala siyang sapat na salapi upang mapaoperahan ito.
Dahil sa labis na pangangailangan ay ginastos nya ang pondo ng kooperatiba nang walang
paalam sa mga kasapi nito.
__________8. Malapit na ang pagsusulit. Lumapit sa iyo ang iyong kaibigan upang magpatulong sa pagre-
review kaya tuwing hapon ay nag-aaral kayo pagkatapos ng klase.
__________9. May paupahan bahay si Dahlia ngunit dahil sa lockdown hindi nakapagbayad ang
nangungupahan. Minabuti ni Dahlia na huwag ng singilin ang nangungupahan dahil
lockdown.
_________10. Si Jose ay tumawid kahit red light pa habang siya ay papuntang trabaho. Para sa kanya ay
ayos lamang ito dahil walang traffic aid at malapit na siyang mahuli sa kanyang trabaho.

You might also like