You are on page 1of 4

SUMMATIVE TEST

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang
1. Nakapagsusuri nang mabuti sa mga EsP6PKP- 32% 16 1-14, 43-44
bagay na may kinalaman sa sarili at Ia-i– 37
pangyayari
2. Nakasasang-ayon sa pasya ng EsP6PKP- 36% 18 15-29 ,45-47
nakararami kung nakabubuti ito Ia-i– 37
3. Nakagagamit ng impormasyon ( EsP6PKP- 32% 16 30-42, 48-50
wasto / tamang impormasyon) Ia-i– 37
Kabuuan 100 50 1 – 50

SUMMATIVE TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6
Pangalan:____________________________________________Iskor:_____________________
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangyayari o sitwasyon ay nagsasaad ng naaayong hakbang sa pagpasya
at MALI kung hindi.

______________ 1. May meeting ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean up
drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
______________ 2. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng inyong lider na magdala ng matulis na bagay para madaling
pumutok ang lobo sa magiging laro ninyo sa paaralan upang manalo ang inyong pangkat.
______________ 3. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa
napili ng nakararami na maging lider. Bagama’t labag sa kalooban ay tinanggap mo rin ang iyong pagkalider.
______________ 4. May nabasa kang isang private message mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama laban sa
iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam kung ano ang pinagmulan nito.
______________ 5. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa
katabi niya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulag-bulagan lamang.
______________ 6. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan,
tumanggi ka at nanood ng sine.
______________ 7. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng Pamahalaan.
Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doktor, nagdesisyon siya na magtatrabaho sa America dahil mas malaki
ang sweldo doon.
______________ 8. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating
ka na roon, subalit sumama ka pa rin.
______________ 9. May usapan kayong dadalo sa pulong ng “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi ka sumama
dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
______________ 10. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang
pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa kahit walang
trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.
______________ 11. Kaakibat ng pagbuo ng pasya ang responsibilidad na maaaring makaapekto sa iyong sarili.
______________ 12. Mahirap ang pagbuo ng isang pasya.
______________ 13. Dapat isaalang-alang ang kapakanan ng iba sa pagbuo ng pasya.
______________ 14. Nararapat na suriing mabuti ang sitwasyon bago bumuo ng pasya.
______________ 15. Padalos-dalos na pagpapasya ng nakararami ay laging nakabubuti sa akin.
______________ 16. Ang pagbibigay ng pasya o paggawa ng desisyon ay dapat makabubuti sa lahat upang walang
matapakan/masaktan o mapinsala.
______________ 17. Ang desisyon ay dapat ayon sa ating konsensya.
______________18. Sinusuri at pinag-iisipan muna ang bawat pasya na ginagawa o ibibigay.
______________ 19. Tanggapin agad ang pasya ng iba nang walang pagaalinlangan.
______________ 20. Kumonsulta sa mga nakakatanda upang mas matulungan ka sa pagpapasya.
______________ 21. Dapat ang desisyong gagawin ay ayon sa pananampalataya, o sa kinabibilangang relihiyon.
______________ 22. Pag-isipan at suriing mabuti ang maaaring kahinatnan o maging bunga o resulta ng isang
gagawing desisyon o bibitawang pasya.
______________ 23. Ipagwalang bahala ang mga ibinibigay na desisyong tulong ng iba.
______________ 24. Pag-aralan lahat ang posibleng desisyon bago gumawa ng huling pagpapasya.
______________ 25. Sumang-ayon ka sa pasya ng nakararami kahit hindi mo pa nasusuri ang mga ito.
______________ 26. Sa pagpapasya, tukuyin mula sa mga pagpipilian ang pinakamabuting solusyon at pag-aralan
ang maaaring kalalabasan nito.
______________ 27. Kailangan mong magdesisyon ng may gabay ng Diyos.
______________ 28. Kung hindi naging mabuti ang bunga ng iyong pagdedesisyon sisihin mo ang ibang tao.
______________ 29. Ang mabuti at mapanuring pagpapasya ay maaaring humantong sa magagandang bunga.
______________ 30. Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may makapal na usok malapit sa
inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa inyo. Nabigla siya at hinimatay dahil sa
nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay na nagpa-fogging lamang pala sa inyong Barangay.
______________ 31. Nakatanggap ka ng mensahe mula sa kaibigan mo na naiinis ang isa mong kaklase sa iyo dahil
sa palagi mong pagkuha ng matataas na marka. Hindi ka naniwala sa kaniya dahil wala kang basihan nito.
______________ 32. Nakita mo sa iyong facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang
nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang pamilya. Nagkataon na kilala
mo ang matanda at malapit lamang ang tirahan nila sa inyo kaya pinuntahan mo agad ang kaniyang pamilya at
ipinaalam ang kinaroronan ng matanda.
______________ 33. May pagpupulong ang inyong samahan sa EsP at napagpasyahan ng marami na sasama sa Clean
Up Drive ng paaralan. Hindi ka sumama dahil tinatamad ka.
______________ 34. Hindi ka sumunod sa iminungkahi ng iyong lider sa pangkat na magdala ng matulis na bagay
para madaling pumutok ang lobo sa inyong laro sa paaralan.
______________ 35. Napagpasyahan ng SPG na maglunsad ng isang proyekto na makatutulong sa paaralan. Isa ka sa
napili ng nakararami na maging lider. Labag sa kalooban mo na tinangap ang iyong pagkalider.
______________ 36. May nabasa kang isang pribadong mensahe mula sa isang kaibigan na nagsasabi ng masama
laban sa iyo. Nagalit ka kaagad kahit hindi mo alam ano ang pinagmulan nito.
______________ 37. Napansin mo na ang iyong kaibigan na nakaupo sa harapan mo ay nangongopya ng sagot sa
katabi nya ngunit ito ay binalewala mo at ikaw ay nagbulagbulagan lamang.
______________ 38. Nagkasundo kayong magkaibigan na magsaliksik sa aklatan. Sa araw na napagkasunduan,
tumanggi ka at nanood ng sine.
______________ 39. May usapan kayong dadalo sa pulong ng kampanyang “No to Drugs” sa Barangay Hall. Hindi
ka sumama dahil natapat ito sa sinusubaybayan mong Telenovela.
______________ 40. Ang buong klase ay nagkasundong magsagawa ng pag-aaral sa Laguna Ecocentrum. Nakarating
kana roon, subalit sumama ka pa rin.
______________ 41. Galing sa mahirap na pamilya si Nicholas. Matalino siya kaya pinapag-aral siya ng pamahalaan.
Nang makatapos bilang iskolar sa pagiging doctor nagdesisyon siya na magtatrabaho sa Amerika dahil mas malaki
ang suweldo roon.
______________42. Si Luisa ay isang dalagang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa barkada. Lagi siyang
pinagsasabihan at pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Gusto na lang ni Luisa na mag-asawa kahit walang
trabaho ang lalaki para lang siya makaalis sa kanila.

II. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


______________43. Pumapangalawa ka sa klase ninyo sa mathematics. Mayroong paligsahan sa inyong paaralan at ang
kasali sa contest ay absent. Ikaw ang napiling ihalili. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali sa paligsahan.
B. Hindi ka sasali sa paligsahan.
C. Sasabihin mo sa titser na iba na lang ang isali sa paligsahan.
D. Sasabihin sa titser mo na hintayin na lang pumasok ang iyong kaklase na lumiban.
______________44. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok kayo sa araw na iyon at mahigpit na
ipinagbabawal ng iyong magulang ang maligo sa ilog. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasama kang maligo sa ilog.
B. Hindi ka sasamang maligo sa ilog.
C. Sasama ka ngunit hindi maliligo.
D. Uuwi ka muna ng bahay at magpapaalam sa iyong mga magulang.
______________45. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-aya
bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?
A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.
B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.
______________46. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at
matatag na pamilya? A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at
payapa. B. Pagpadami ng mga anak. C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya. D. Pagbibigay ng luho sa mga
anak.
______________47. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at samasama ring nananalangin sa
araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?
A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.
B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi
______________48. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa ipinyon ng iba. Alin sa sumusunod ang
nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?
A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”
______________49. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?
A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
______________50. Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng mobile legend ay
nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ang gagawin mo ay…
A. Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.
B. Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.
C. Hahayaan ang kapatid.
D. Pagagalitan ang kapatid.

You might also like