You are on page 1of 2

2nd Summative Test

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV
PANGALAN: ______________________________________________________ ISKOR: ___________
I. Pumili ng pangalan na iyong hihingan ng tulong sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa
patlang.(2points)

doktor pulis kapitan magulang guro

_____________1. Isa sa iyong mga kapitbahay ang nawalan ng trabaho. Wala silang ibang
mapagkukunan ng pagkain sa araw-araw. Kanino ka maaaring humingi ng tulong upang kahit papaano ay
maitawid nila ang kanilang pang-araw-araw na pagkain?
_____________2. Napansin mo na lumalabas tuwing gabi ang ilang kalalakihan sa inyong barangay. Hindi
nila sinusunod ang curfew na ipinapatupad ng alkalde o mayor. Sinabi mo ito sa iyong ama isang araw.
Sino ang maaaring lapitan ng iyong ama upang matigil ang kanilang ginagawa?
_____________3. Dahil sa pagpapaliban ng klase, nagkaroon ng programa ang Kagawaran ng Edukasyon
na online learning. May mga bagay kang hindi naiintindihan tungkol sa mga gawaing nakapaloob dito.
Kanino ka hihingi ng tulong?
_____________4. Ang iyong ama ay nahihirapang huminga at nagkaroon ng tuyong ubo. Nawalan din siya
ng ganang kumain kung kaya’t napansin mong naghihina na siya. Sino ang nararapat na hingan mo ng
tulong?
_____________5. Ang iyong bunsong kapatid ay umiiyak dahil ayaw mo siyang payagang maglaro sa
labas. Isa sa mga bawal gawin ay ang lumabas ng bahay at walang suot na face mask. Kahit anong
paliwanag mo sa kanya ay hindi siya nakikinig. Kanino ka hihingi ng tulong upang tumigil siya sa pag-iyak?

II. Gumuhit ng araw ( )sa patlang bago ang bilang sa mga sitwasyon na nakatutulong sa
tamang pagsusuri at ulap ( )kung hindi.
________1. Pinapanood ko ang lahat ng programa kasama ang aking paboritong artista.
________2. Hinahanap ko muna ang gabay sa panonood ng MTRCB bago ko panoorin ang isang
programa sa telebisyon.
________3. Bumibili kami ng dyaryo kung ito ay ligtas na basahin ng mga bata.
________4. Si nanay ang pumipili ng mga programang maaari naming panoorin sa telebisyon.
________5. Minsan nagtatanong ako sa aming kapitbahay ng mga impormasyon tungkol sa narinig ko sa
radyo.
________6. Binabasa ko lahat ng mga babasahin na may magagandang larawan.
________7. Naniniwala ako sa lahat ng impormasyong ibinibigay ng idolo kong artista.
________8. Tinatangkilik ko lahat ng mga pelikula ng paborito kong artista.
________9. Sinusuri ko muna ang kredibilidad ng balitang aking narinig bago ko ito paniwalaan.
________10. Ibinabahagi ko sa aking mga kaklase ang anumang balita sa radyo na may kabuluhan at
katotohanan.

Inihanda ni:
Bb. JOLINA G. NACPIL ______________________________
Guro sa ESP Lagda ng magulang/tagapag-alaga
2ND SUMMATIVE TEST
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN IV
PANGALAN: ______________________________________________________ ISKOR: ___________
I. Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng pagsunod o pagsagawa ng mga gawaing bahay
na nakatakda sa bawat kasapi ng pamilya.

II. Isulat sa patlang kung ang mga pagkain ay nabibilang sa GO, GROW, o GLOW Foods.
_________1. Tinapay
_________2. Sitaw
_________3. Kamote
_________4. Karne ng isda
_________ 5. Karne ng manok
_________6. Itlog
_________7. Biskwit
_________8. Gatas
_________9. Kalabasa
_________10. Talong

Inihanda ni:
Bb. JOLINA G. NACPIL ______________________________
Guro sa EPP Lagda ng magulang/tagapag-alaga

You might also like