You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III - Central Luzon
BACOLOR SOUTH DISTRICT
Schools Division of Pampanga
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Bacolor, Pampanga

Weekly Learning Plan


Quarter 4th Grade Level IV
Week 3 Learning Area FILIPINO
MELCs Nagagamit sa panayam ang iba’t ibang uri ng pangungusap. (F4WG-IVd-h-13.4)

DAY OBJECTIVE/S TOPIC CLASSROOM-BASED ACTIVITIES HOME-BASED ACTIVITIES


nagagamit sa Paggamit ng Iba’t ibang Gabayan ang mga mag-aaral upang
pakikipagtalastasan ang Uri ng Pangungusap sa magawa ang mga gawain sa Filipino SLM.
mga uri ng Panayam
pangungusap. Ipagawa ang mga sumusunod:

a. Balik Aral
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa
1 ibaba. Ibigay ang kahulugan ng salitang
may salungguhit. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

b. Panoorin ang video lesson:


https://www.youtube.com/watch?
v=V2MmiKTj5JU

2 natutukoy ang iba’t Paggamit ng Iba’t ibang Panimulang gawain ng klase: Gabayan ang mga mag-aaral upang
ibang uri ng Uri ng Pangungusap sa o Panalangin magawa ang mga gawain sa Filipino SLM.
pangungusap na Panayam o National Anthem
ginamit sa isang o Attendance/Health Check Ipagawa ang mga sumusunod:
panayam; o Kamustahan/Energizer
a. Basahin:
a. Balik Aral Pagtalakay sa Paksa (pahina 6)
b. Pinatnubayang Pagsasanay 1
Basahin at unawaing mabuti ang bawat (pahina 11)
pahayag. Tukuyin ang uri ng pangungusap Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
at gamitin ang sumusunod na titik: PS maikling panayam.
(Pasalaysay), PU (Pautos), PT (Patanong)
o PD (Padamdam). Isulat sa patlang bago
ang bilang ang iyong sagot. c. Pinatnubayang Pagsasanay 2
__________1. Mahaba ang pila ng dyip (pahina 13)
tuwing umaga. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
__________2. Dadaan po ba tayo sa isang panayam at sagutin ang mga tanong
palengke? sa ibaba.
__________3. Huwag kayong maingay
kapag nasa silid aklatan.
__________4. Yehey, bakasyon na
naman!
__________5. Sumakay kami ngeroplano.

b. Paghahabi sa layunin ng aralin

Basahin at unawaing mabuti ang panayam

Clean-up Drive sa Barangay San Isidro

Abby: Magandang umaga po, Sir Joel


Mendoza. Ako po si Abby Gonzales.
Salamat po at nagpaunlak kayo sa
aking imbitasyon na kayo ay
makapanayam.

Sir Joel: Magandang umaga din sa iyo,


Abby. Salamat din sa iyong imbitasyon.

Abby: Nabalitaan ko po ang naganap na


Clean-up Drive sa ating barangay kahapon
at kayo po ang siyang namuno sa
programang ito. Paano po ninyo hinikayat
ang mga mamamayan sa paglilinis sa
kapaligiran ng ating barangay?

Sir Joel: Bukod sa libreng pagkain at maliit


na tulong pinansyal mula sa ating mga
katuwang na pribadong organisasyon,
mayroon akong isinasagawang seminar
kung ano ang mabuting naidudulot ng
maayos at malinis na kapaligiran sa kanila
at sa kanilang pamilya. Natutuhan nila
kung paano maiiwasan ang mga sakit na
puwedeng makuha sa maruming paligid
tulad ng dengue. Sa pamamagitan ng
paglilinis ng mga bakuran at kanal
masusugpo ang sakit na ito.

Abby: Puwede po bang sumama ang


katulad kong bata pa sa ganitong
programa?

Sir Joel: Alam mo Abby, kahit bata ka pa


ay puwede kang makatulong sa paglilinis
ng kapaligiran. Sa simpleng pagwawalis
ng inyong bakuran at paglalagay ng mga
basura sa tamang lagayan ay malaking
tulong na ito. Ngunit kung nais mong
makilahok sa aming programa ay puwede
kang sumali. Walang pinipili ang Clean-up
Drive bata man o matanda basta tulong-
tulong tayo para sa ating barangay.

Abby: Naku! Napakagandang balita po


iyan. Ngayon pa lamang ay sasabihan ko
na aking mga kaibigan na kami ay lalahok
sa programang ito.

Sir Joel: Tamang-tama! Mayroong


gaganapin na clean-up drive sa Sabado.

Abby: Maaari ko po bang malaman kung


anong oras sa Sabado?

Sir Joel: Magsisimula ito ng 7:00 ng


umaga.

Abby: Tiyak po na kami ay dadalo.


Hanggang dito na lamang po. Ako ay aalis
na. Maraming salamat po sa inyong oras.

Sir Joel: Walang anuman, Abby. Salamat


din. Sabihin mo kaagad sa akin kung ilan
kayong makadadalo.

Abby: Sige po, sir! Ngayon pa lang ay


magpapaalam na ako sa aking ina.

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin

Hanapin sa panayam ang apat na uri ng


pangungusap.

Gawain:
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap
sa bawat bilang. Isulat ang PS kung ang
pangungusap ay Pasalaysay, PT kung
Patanong, PU kung Pautos at PD kung
padamdam.
_____1. Ang pagwawalis ng bakuran at
paglalagay ng basura sa tamang lagayan
ay malaking tulong.
_____2. Naku! Napakagandang balitang
iyan.
_____3. Sabihin mo kaagad sa akin kung
ilan kayong makadadalo.
_____4. Natutuhan nila kung paano
maiiwasan ang dengue.
_____5. Puwede po bang sumama ang
katulad kong bata pa sa programa?

3 nasusuri ang iba’t ibang Paggamit ng Iba’t ibang Panimulang gawain ng klase: Gabayan ang mga mag-aaral upang
uri ng pangungusap na Uri ng Pangungusap sa o Panalangin magawa ang mga gawain sa Filipino SLM.
ginamit sa panayam; Panayam o National Anthem
o Attendance/Health Check Ipagawa ang mga sumusunod:
o Kamustahan/Energizer
a. Pang-isahang Pagsasanay (pahina
15)
d. Pagtalakay ng bagong konsepto at Panuto: Basahin ang maikling panayam sa
paglalahad ng bagong kasanayan ibaba.
Talakayin:
b. Pagsusulit (pahina 17)
Magagamit mo ang iba’t ibang uri ng Panuto: Sumulat ng isang maikling
pangungusap sa pagsulat ng mga tanong panayam sa iyong magulang o
ng tagapanayam at sagot ng tagapagdaloy. Gamitin ang iba’t ibang uri
kinakapanayam. ng pangungusap. Gawin ito sa sagutang
papel.
Tandaan na ang panayam ay may tatlong
bahagi:

1. Panimula o Pambungad – sa bahaging


ito, binabati ng tagapanayam ang
kinakapanayam. Ipinakikilala ang sarili at
inilalahad ang layunin ng panayam.

2. Katawan – ang tagapanayam ay


nagbibigay ng katanungan sa
kinakapanayam. Nakasulat dito ang bawat
tanong at kasagutan ng paksang pinag-
uusapan sa panayam.

3. Pangwakas – dito nakalahad ang


pangwakas na pahayag ng tagapanayam
at kinapanayam.

e. Paglinang sa kabihasnan

Gawain:
Panuto: Suriin ang bawat pangungusap at
isulat kung pasalaysay, pautos,
padamdam o patanong ang isinasaad nito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_________1. “Ano ang inyong
nararamdaman sa inyong muling
pagkapanalo bilang konsehal”?
_________2. Magandang umaga po sa
inyo.
_________3. Tutulong ako hangga’t
mayroong nangangailangan ng aking
serbisyo.
_________4. Napakagandang pakinggan
ng mga iyan, mayor!
_________5. Ano ang iyong plano at
hakbang bilang konsehal?
4 nakasusulat ng isang Paggamit ng Iba’t ibang Panimulang gawain ng klase: Gabayan ang mga mag-aaral upang
panayam gamit ang Uri ng Pangungusap sa o Panalangin magawa ang mga gawain sa Filipino SLM.
iba’t ibang uri Panayam o National Anthem
ng pangungusap. o Attendance/Health Check Ipagawa ang mga sumusunod:
o Kamustahan/Energizer
a. Pangwakas (pahina 18)
f. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay Panuto: Isulat sa sagutang papel ang
Gawain: angkop na salita sa bawat
Sumulat ng isang maikling panayam sa patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
iyong magulang o tagapagdaloy. Gamitin Piliin ang sagot sa loob
ang iba’t ibang uri ng pangungusap. ng kahon.
Gawin ito sa sagutang papel.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na


paksa:
1. Pagtulong sa nasalanta ng bagyo
2. Pag-iwas sa sakit na dengue
3. Paglilinis ng kapaligiran

g. Paglalahat ng aralin
Anu-ano ang mga natutunan mo sa buong
lingo?

h. Pagtataya ng aralin
Gulayan sa Aming Paaralan

Isa ang Paaralang Elementarya ng


Nagbunga ang lumahok sa taonang
paligsahan ng Gulayan sa Paaralan. Si G.
Hernan Bermudez ang naatasan na
mangasiwa ng proyektong ito.

Aries: Magandang umaga po, sir. Ako po


si Aries Robles mula Grade 6-Rizal.

G. Bermudez: Magandang umaga sa iyo,


Aries. Mukhang napaaga ang iyong
pagpasok. Ano ang iyong sadya?
Aries: Naparito po ako dahil ako ang
naatasan ng aming grupo upang
magtanong sa inyo tungkol sa wastong
pagtatanim ng gulay. Puwede ko po ba
kayong maistorbo?

G. Bermudez: Naku, Aries. Oo naman.


Halika.

Aries: Ano po ang unang hakbang sa


pagtatanim ng mga gulay?

G. Bermudez: Alamin mo muna ang lugar


na gagawin mong hardin o taniman.
Titignan mo ang lupa nito kung angkop ba
sa pagtatanim ng halaman o gulay.
Puwede ka ring kumuha ng matabang
lupang maaari mong itambak sa gagawin
mong hardin.

Panuto: Punan ang grapikong pantulong


sa ibaba na nagpapakita ng iba’t ibang uri
ng pangungusap sa pambungad,
katawan at pagwawakas ng binasang
panayam sa itaas. Gawin ito sa sagutang
papel.

Prepared by:

Jolina G. Nacpil
Teacher I Checked by:

Nelia C. Infante
Principal II

You might also like