You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III - Central Luzon
BACOLOR SOUTH DISTRICT
Schools Division of Pampanga
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL
San Isidro, Bacolor, Pampanga

Weekly Learning Plan


Quarter 4th Grade Level IV
Week 3 Learning Area EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (E.S.P)
MELCs Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga materyal na bagay1. Hayop: (EsP4PD- IVd–11) 2. Halaman : (EsP4PD-
IVe-g–12)

DAY OBJECTIVE/S TOPIC HOME-BASED ACTIVITIES


2 Ipasagot ang mga sumusunod sa ESP SLM:
1. natutukoy ang mga Disiplina at Pangangalaga sa
pamamaraan kung paano Kapaligiran a. BalikAral (pahina 4)
mapahahalagahan ang mga Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng
hayop at halaman bilang likha puso kung tama ang pinahihiwatig sa pangungusap at hugis kidlat
ng Diyos; naman kung mali.

2. naisabubuhay ang b. Basahin ang tula at sagutin ang mga sumusunod na


pangangalaga at pagmamahal katanungan (pahina 5)
3 sa mga likha ng Diyos; at a. Gawain 2 (pahina 6)
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na listahan ng mga hayop.
3. naipakikita ang Alamin kung sila ay mga hayop na nanganganib ng mawala sa
pagmamalasakit at ating bansa. Ilista sa kabilang bahagi ng kolum ng mga hayop na sa
pangangalaga sa mga hayop at palagay mo ay kabilang sa mga malapit ng maubos. Isulat ang mga
halaman na makikita sa gawain upang maipakita ang pagkalinga sa mga hayop.
kapaligiran.
b. Gawain 3: Pagbutihin Mo! (pahina 7)
Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap. Tayahin ang
sarili kung gaano mo ipinapakita ang paggalang sa mga nilikha ng
Diyos. Isulat ang M - Madalas, P - Paminsan-minsan at H - Hindi sa
iyong sagutang papel.
4 c. Panoorin ang video lesson:
https://www.youtube.com/watch?v=CJDuoLMuAPw

d. Gawain 5: Pangako Ko! (pahina 8)


Panuto: Bilang isang bata, bumuo ng isang pangako tungkol sa
pangangalaga sa mga hayop (endangered man o hindi), at
halaman na nilikha ng Diyos. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
DAY OBJECTIVE/S TOPIC CLASSROOM-BASED ACTIVITIES
5 Panimulang gawain ng klase:
1. natutukoy ang mga Mga Likha ng Diyos Ating o Panalangin
pamamaraan kung paano Pahalagahan at Mahalin! o Pambansang Awit
mapahahalagahan ang mga o Attendance
hayop at halaman bilang likha o Health Check
ng Diyos; o Kamustahan/Energizer
2. naisabubuhay ang a. Balik Aral
pangangalaga at pagmamahal Sabihin kung ang mga sumusunod na pahayag ay tama o mali.
sa mga likha ng Diyos; at
1. Igalang at mahalin ang mga kapatid nating mga katutubo.
3. naipakikita ang 2. Tama lang na awayin natin ang mga taong hindi natin gusto.
pagmamalasakit at 3. Nagsasabi ng mga masasakit na salita sa kapuwa tao.
pangangalaga sa mga hayop at 4. Tumulong ng bukal sa loob at walang pag-aalinlangan sa mga
halaman nasalanta ng bagyo.
na makikita sa kapaligiran. 5. Humihingi ng paumanhin sa kapuwang nasabihan ng mga
masasakit nasalita.

b. Paghahabi sa layunin ng aralin


Basahin ang tula.

Pagmamahal sa Lahat ng mga Likha

Materyal man o buhay


Ang Diyos man o ang tao ang may gawa,
Nararapat lamang na magparamdam ng pagmamahal
pag-iingat ay ipakita sa lahat.
Mga hayop, maliit o malaki
Kilala man o hindi,
Tulad ng tao, itrato sila ng tama
Dahil lahat sila ay may pakiramdam din.
Mga halaman, gulay, prutas, o namumulaklak
Ay dapat alagaan at mahalin,
Sapagkat sariwang hangin ay makakamtan
Kung ang paligid ay napapalibutan ng luntian.
Ang lahat ng likha ay mahalin at pangalagaan
Upang ito’y hindi bawiin at makita pa sa hinaharap,
Pagpapakita ng pagmamalasakit ay isabuhay
Sapagkat ang minsan ng nawala ay hindi na maibabalik.

c. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Talakayin:

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang ibig ipahiwatig ng tula?
2. Bakit kailangan nating magpakita ng pagmamahal at paggalang
sa lahat ng mga nilikha ng Diyos?
3. Paano natin dapat tratuhin ang mga hayop at halaman? Bakit?
4. Ano ang maaaring mangyari sa mga likhang biyaya sa atin kung
hindi natin sila mapangangalagaan?
5. Kung ikaw ay isang lider ng inyong pamayanan, paano mo
mapasusunod ang mga mamamayan para sa pangangalaga ng
mga nilikha ng Diyos gaya ng mga hayop at halaman?

d. Paglinang sa kabihasnan

Pagkatapos mong nabasa ang tula sa itaas at sagutan ang mga


gabay na tanong, iyong malalaman sa bahagi ng araling ito ang
mga likha ng Diyos tulad ng hayop at halaman. Matutukoy mo ang
mga pamamaraan kung paano alagaan at mahalin ang mga nilikha
ng Diyos tulad ng mga halaman at hayop.

e. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Basahin ang mga sumusunod na kasabihan at suriin kung paano


mo ito maisabubuhay bilang isang mag-aaral.

A. “Mga hayop ay alagaan, gayun din ang mga halaman, para sa


magandang kinabukasan”

B. “ Mga ligaw at endangered na hayop ating mahalain at


pagmalasakitan, upang hindi tayo mawalan”

f. Paglalahat ng aralin
Lahat ng may buhay ay dapat alagaan at ingatan. Pahalagahan ang
mga biyaya ng Diyos. Ang mga hayop ay hindi dapat
pinagmamalupitan. Ang mga endangered animals naman ay dapat
na ibinibigay sa tamang tagapangalaga at tagapangasiwa ng mga
ito.

Samantala, ang pagtatanim sa kapaligiran ay nararapat ugaliin ng


mga tao upang lalong lumago at maging luntian ang ating
kalikasan. Sa pagmamahal sa mga likha, makikita ang ugali ng
isang tao. Kung paano mo tratuhin ang mga hayop at halaman ay
siya ring magsisilbing repleksiyon ng iyong pag-uugali. Kung ikaw
ay mapag-kalinga sa lahat ng mga likha, tiyak na maraming biyaya
ang iyong matatanggap at kaginhawaan sa buhay.

g. Pagtataya ng aralin

Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa sagutang papel


ang T kung ang pangungusap ay naglalarawan ng pagmamalasakit
sa mga Likha ng Diyos at M kung hindi.
________ 1. Sinasaktan ang anumang makitang hayop sa paligid.
________ 2. Dinidiligan ang mga tuyong halaman upang hindi sila
mamatay.
________ 3. Pagtatanim sa likod ng bahay ng mga namumungang
halaman o gulay upang gumanda ito at may maani.
________ 4. Pinapakain at inaalagaang mabuti ang mga ligaw na
hayop.
________ 5. Ginagawang bag at sapatos ang balat ng buwaya.

Prepared by:
Checked by:

Jolina G. Nacpil
Teacher I Nelia C. Infante
Principal II

You might also like