You are on page 1of 6

School Guadalupe Elementary School Grade 3

Level
Teacher ARIAN P. DE GUZMAN Section Grapes
Teacher I Time
Teaching Date
CHECKED BY

CHERRY ANN M. PACULDAS Quarter 4th QUARTER


Teacher-in-Charge
DAILY
LESSON PLAN
ESP
I. I. OBJECTIVES
A. Content Standards Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa
Diyos, paggalang sa sariling paniniwala at paniniwala sa iba
hinggil sa Diyos, pagkakaroon ng pag-asa at pagmamahal bilang
isang nilikha
B.Performance Standards 1. Naisabubuhay ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa
Diyos
2. Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang
nilikha kaakibat ang pag-asa
C.Learning Competencies / Naipamamalas ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at
Objectives Write the LC code for kaniyang mga biyaya sa pamamagitan ng:
each - pagmamalasakit at pangangalaga sa kalikasan
EsP3PD- IVc-i– 9
II.
II. CONTENT Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko
III. III. LEARNING RESOURCES
A. A. Reference
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Material pages 266-276
3. Textbook pages
4. Additional Materials from
Learning Resource (LR) portal
2. B. Other Learning Resources larawan ng mga bagay sa kalikasan, mga larawan ng mga kalunos-
lunos na tanawing bunga ng maling paggamit o pag-abuso sa
kalikasan, bidyo tungkol s kalikasan, graphic organizer, sagutang
papel, powerpoint presentation, projector
IV. IV. PROCEDURES
A.Reviewing previous lesson or Tumalon kung ginagawa ang sumusunod na gawain, manatiling
presenting the new lesson kumembot kung hindi.
1. Karamihan ng mga kaklase ni Edwin ay nagkopyahan sa
kanilang takdang-aralin sapagkat mahirap ito. Gayunpaman, hindi
nangopya si Edwin sa mga kaklase. Pinagsumikapan niyang
sagutin ito.
2. Napansin mong maraming kalat sa paligid. Napagkasunduan ng
inyong klase na gumawa ng bukas na liham para sa lahat ng mag-
aaral upang bigyan sila ng babala sa mga masamang idudulot ng
pagkakalat sa kapaligiran.
3. Narinig mong pinag-uusapan ng iyong mga kaklase ang bagong
lipat na si Eman. Natatawa sila dahil siya ay may punto sa
pagsasalita at di-gaanong marunong magsalita ng Tagalog. Alam
mong mali ang kanilang ginagawa ngunit tumahimik ka lamang.
4. Hindi sinasadyang dumulas sa iyong kamay ang hawak mong
baso at nabasag ito. Pagdating ng inyong Nanay, agad mo itong
sinabi at humingi ka ng tawad.
5. Nakita mong pinatid ng isang malaking bata ang kaklase mong
malabo ang mga mata. Agad mong tinulungan ang iyong kaklase.
Sinamahan mo siya sa inyong guro upang sabihin ang nangyari.
B. Establishing a purpose for the Laro:
lesson Buuin ang larawan na nasa puzzle.
Tanong: Ano ang nasa mga larawan?
Ang kalikasan ay biyaya o regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin
itong pangalagaan. Ano ang iyong mararamdaman kung ang
regalong ibinigay mo ay hindi pinahalagahan o iningatan ng
pinagbigyan mo?
Paano mo pinangangalagaan ang mga biyayang kaloob ng ating
Diyos?
C. Presenting examples/instances of Powerpoint presentation.
the new lesson Tukuyin kung anong suliraning pangkapaligiran ang ipinakikita ng
bawat larawan.

Pagbaha

deforestation
Pagkamatay ng mga isda

Basura sa mga ilog at dagat


D.Discussing new concepts and Sagutin ang sumusunod na tanong:
practicing new skills #1  Tungkol saan ang mga larawan?
 Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong
kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang iyong magagawa upang mapangalagaan ang ating
kalikasan?
E.Discussing new concepts and Panoorin ang bidyo tungkol sa pangangalaga sa kalikasan.
practicing new skills #2 Tanong: Paano natin pangangalagaan ang kalikasan?

F.Developing mastery Pangkatang Gawain


(Leads to Formative Assessment 3) 1. Bubunot ng isang suliraning pangkalikasan.
( 2. Pag-usapan ito ayon sa sanhi at bunga.
3. Magmungkahi ng mga paraan ng paglutas sa suliranin.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
 Tungkol saan ang suliraning pangkalikasan?
 Ano-ano ang mga sanhi ng mga suliraning ito?
 Ano ang maaring mangyari kung magpapatuloy ang ganitong
kalagayan ng ating kapaligiran?
 Ano ang inyong magagawa upang mapangalagaan ang ating
kalikasan?
Iulat ang inyong sagot gamit ang graphic organizer.
G.Finding practical applications of Pangkatang Gawain
concepts and skills in daily living Bawat mag-aaral ay maaaring pumunta sa stasyon na nais nila. Ang
(Application/Valuing) pangalan ng bawat isastyon ay paraan kung paano nila ipapakita
ang pangangalaga at pag-iingat sa kalikasan.
Pangkat 1: Tula
Pangkat 2: Awit
Pangkat 3: Pagguhit
H.Making generalizations and Ano ang inyong gagawin upang maipakita ang pangangalaga at
abstractions about the lesson pag-iingat sa kalikasan?

I.Evaluating learning Suriin ang iyong sarili.


Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamalasakit sa mga biyayang
bigay ng Diyos?
Sagutan ang tseklis nang tapat. Lagyan ng tsek ang kolum na
tumutugma sa iyong sagot gamit ang sumusunod na batayan.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
3 – Palagi kong ginagawa
2 – Paminsan-minsan kong ginagawa
1 – Bihira kong ginagawa
Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa 3 2 1
Kalikasan
1. Kung kumain ako ng kendi at wala akong
makitang basurahan sa paligid, itinatago ko muna
ang balat nito sa aking bag. Hindi ko basta
itinatapon ang pinagbalatan nito kahit saan.
2. Kapag nagpunta kami sa dagat o saan mang
pook-pasyalan, iniipon ko ang aking kalat sa
isang lalagyan at itinatapon sa basurahan. Hindi
ako nagkakalat.
3. Kung may makita akong aso o pusa o anomang
hayop sa paligid, hinahayaan ko lamang sila.
Hindi ko sila binabato o sinasaktan.
4. Kung ang aming pangkat ang nakatakdang
maglinis ng silid-aralan, buong sipag at kagalakan
kong ginagampanan ang aking tungkulin.
5. Pinaaalalahan ko ang aking kapatid, kaklase, at
kaibigan na itapon ang kanilang basura sa tamang
lalagyan.
J.Additional activities Ano ang iyong dapat gawin para sa sumusunod na sitwasyon?
Isulat ang inyong sagot sa kuwaderno.
1. Pagkamatay ng mga isda sa karagatan
2. Luntiang paligid
3. Matinding pagbaha dulot ng bagyong Yolanda
4. Patuloy na pagdami ng basura na ikinakalat ng mga tao
5. Kaunting puno sa kapaligiran
V. V.REMARKS

VI. VI.REFLECTION

A. A. No. of learner who earned 80% _________ of Learners who earned 80% above

B. B. No. of learner who scored below _________ of Learners who require additional activities for
80% ( needs remediation) remediation

C. C. Did the remedial lessons work? _________Yes _________ No

No. of learners who have caught up _________ of Learners who caught up the lesson
with the lesson
D. D. No of learner who continue to _________ of Learners who continue to require remediation
require remediation

E. E. Which of my teaching strategies


work well? Why?
F. F. What difficulties did I encounter
which my principal /supervisor can
help me solve?
G. G. What innovation or localized
materials did I use/discover which I
wish to share w/other teacher?

You might also like