You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
H.N. Cahilsot Central Elementary School
Calumpang, General Santos

BANGHAY-ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN
2– WEEK 4

I. Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mag- aaral ay inaasahang:


 natutukoy ang mga tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran;
 nakagagawa ng poster o drawing tungkol sa tungkulin na dapat
gampanan sa pangangalaga kapaligiran; at
 naipapaliwanag ang kahalagahan ng tungkulin na dapat gampanan sa
kapaligiran
II. Nilalaman
Naipamamalas ang kahalagahan ng mabuting paglilingkod ng mga namumuno
A. Pamantayang Pangnilalaman: sa pagsulong ng mga pangunahing hanapbuhay at pagtugon sa
pangangailangan ng mga kasapi ng sariling komunidad
Nakapagpapahayag ng pagpapahalaga sa pagsulong ng mabuting paglilingkod
B. Pamantayan sa Pagganap: ng mga namumuno sa komunidad tungo sa pagtugon sa pangangailangan ng
mga kasapi ng sariling komunidad
Naipaliliwanag ang pansariling tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran.
C. Pamantayan sa Pagkatuto

D. Paksa Kapaligiran Aking Pangangalagaan


E. Sanggunian ARALIN PANLIPUNAN MELCS
F. Kagamitan PowerPoint Presentation, Laptop, Papel

I. Tinatayang Oras 50 minuto


III. PAMAMARAAN
A.1
A. Balik-aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong aralin
1. Panalangin
2. Kamustahan
3. Pagtatakda/Pagpapaalala sa Mga Panuntunan sa Silid-aralan.
4. Energizer
5. Pag-tsek sa atendans
6. Pag-tsek ng takdang-aralin
B. Rebyu
Naalala niyo pa ba ang ating itinalakay noong nakaraan? Tungkol saan ito?

a) Motivation.
“Apat na litrato, Isang Salita”
Panuto: Hulaan ang salitang tinutukoy ng apat na larawan. Ang mag-
aaral na unang makagagawa ng aksyon ns ituturo ng guro ay bibigyan
ng pagkakataon na manghula.

B. Paghahabi sa layunin ng Gabay na tanong:


aralin 1. Anu-ano ang mga salitang inyong nahulaan ng tama?
2. Tungkol saan ang mga litrato?

b) Pagkatapos ng aralin, ang mag- aaral ay inaasahang:


 natutukoy ang mga tungkulin sa pangangalaga ng kapaligiran;
 nakagagawa ng poster o drawing tungkol sa tungkulin na dapat
gampanan sa pangangalaga kapaligiran; at
 naipapaliwanag ang kahalagahan ng tungkulin na dapat gampanan sa
kapaligiran

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa ‘"DORA THE EXPLORER: SAMA ALL"


bagong aralin Panuto: Ang tatlong kaibigan ni Dora ay nasa kanikanilang mga barko.
Tulungan natin silang makarating sa daungan at makasama si Dora sa
pamamagitan ng pagpili ng larawan na nagpapakita ng pangangalaga sa
kapaligiran.

Gabay na katanungan:
1. Ano ang inyong napansin sa mga larawan?
2. Bakit mahalagang pangalagaan ang kapaligiran?
3. Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang kapaligiran?
Ang lahat ng ating nakikita sa ating paligid ay ibinigay sa atin na dapat ingatan. Kaya
D. Pagtatalakay sa bagong konsepto upang manatili ang kagandahan at kalinisan nito kailangan nating kumilos. Bawat tao
at paglalahad ng bagong kasanayan ay may tungkulin na dapat gawin upang mapangalagaan ang ating kapaligiran.
#1

Ilan sa mga tungkulin na dapat nating gawin ay ang mga sumusunod:

1.Maglinis ng kapaligiran
E. Pagtatalakay sa bagong konsepto
2.Magtapon ng basura sa tamang lalagyan
at paglalahad ng bagong kasanayan
3. Magtanim ng mga puno at halaman
#2
4. Pagrerecycle ng mga hindi nabubulok na basura
5. Gamitin nang wasto ang tubig at huwag mag-aksaya

“Lights, Camera, Action!”


Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang grupo. Ang bawat grupo ay
magtatalaga ng limang studyante na magsislbing kumakatawan sa grupo. Ang limang
studyante ay naatasang maisakilos ang mga nakatalang aksyon na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa kapaligiran.
Unang Pangkat
F. Paglinang sa Kabihasan
1. Maglinis sa silid aralan
2. Magtapon ng basura sa tamang lalagyan.
Ikalawang Pangkat
1. Magtanim ng puno
2. Magwalis sa bakuran

G. Paglalapat ng aralin sa pang- araw “Tungkulin Mo, Iguhit Mo!


araw na buhay Panuto: Ang mga mag-aaral ay inaatasang gumuhit ng mga pansariling tungkulin sa
pangangalaga ng kapaligiran.

Puntos
1 Ang drawing ay hindi nagpapakita ng pansariling
tungkulin ng mag-aaral sa pagpapangalaga ng
kapaligiran.
3 Ang drawing ay hindi gaanong nagpapakita ng
pansariling tungkulin ng mag-aaral sa pagpapangalaga
ng kapaligiran. Hindi gaanong makulay at malinis ang
pagkakagawa.
5 Ang drawing ay nagpapakita ng pansariling tungkulin
ng mag-aaral sa pagpapangalaga ng kapaligiran.
Makulay at malinis ang pagkakagawa.
H. Paglalahat ng Aralin Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na sagutin ang mga katanungan:

a. Sinu-sino ang may tungkulin na pangalagaan ang kapaligiran?


b. Anu-ano ang mga iba’t- ibang tungkulin natin sa pagpapangalaga sa
kapaligiran?
c. Bilang mag-aaral, paano mo mapapangalagaan ang kapaligiran?
I. Pagtataya ng Aralin PANUTO: Gumuhit ng bilog sa sagutang papel. Kulayan ang bilog ng berde kung ang
pahayag ay nangangalaga sa kapaligiran at pula naman kung hindi.

___1. Si nanay ay nagsunog ng mga basura.


___2. Tinapon ng bata ang bote ng kanyang inumin sa basurahan.
___3. Si Maya ay nagtanim ng bagong puno.
___4. Gumamit ng lambat na may malalaking butas si Mang Gardo sa pangingisda.
___5. Naglinis ng kapaligiran ang mga bata

Prepared By:

Belle Chardin C. Bacea


Teacher Intern

You might also like