You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

I. LAYUNIN: Napapahalagahan ang lahat ng mga likha ng Diyos na may buhay (halimbawa: pangangalaga ng
kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno’t halaman)
A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng
paggalang, pagtanggap at pagmamahal sa mga likha.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at
pagmamahal sa mga likha
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto: Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na bagay
Pangangalaga sa halaman gaya ng: Paglalagay ng mga lupa sa paso
EsP4PD-IVe-g-12
II. NILALAMAN:

Paksa: Aralin 6: Pangangalaga sa Kapaligiran, Tanda ng Paggalang sa Diyos na Lumikha


Kagamitan: tsart, larawan, manila paper, pentel pen,
Sanggunian: ESP4 TG p. 319-197, LM p. 319-326
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Diyos, Pag-asa

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

1. Pagsasanay
Inang Kalkasan, Clean Up Day, Clean & Green, balanseng paligid, Dakilang Lumikha, Programa,
kapaligiran
2. Pagganyak
Saihin: Ayon sa matatanda, ang pagsagip sa Inang Kalikasan ay nangangahulugang pagsagip sa
buhay.
Tanong: Ano kaya ang ibig ipahiwatig nito? Ano ang masasabi nyo tungkol ditto?

B. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad
Pagpapakita ng larawan: Ipapili ang mga nararapat. Paano natin maisakatuparan ang mga
larawang ito?

C. Pagsasagawa ng Gawain

1. Pangkatang Gawain

Pangkat 1:

Sumulat ng isang Slogan na nagtataguyod ng programang “Clean and Green” sa iyong


pamayanan. Ipaliwanag ito. Magkuwento kung paano ito isinasagawa.
Pangkat 2:
Buuin ang larawan. Bakit mahalaga ang mga tanim sa kapaligiran? Magtala ng 5 na
naidudulot nito.
Pangkat 3:
Pagmasdan ang larawan: Paano ninyo ito maisasalba? Ano-ano ang inyong dapat gawin?
Itala ang mga ito.
Pangkat 4:
Magpakita ng dula-dulaan tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran.

2. Pagtatalakay

Itanong: Mahalaga ba ang pagtatanim ng halaman?


Ano-ano ang kabutihang dulot ng halaman?
Bakit natin pinahahalagahan ang ating kapaligiran?
Pagpapakita ng isang video tungkol sa kapaligiran

3. Paglalahat

Ano –ano ang mga natutunan ninyo sa aralin?


Paano ninyo maipapakita ang inyong pagmamahal sa kapaligiran?

4. Paglalapat

Paano ka makakatulong sa Clean Up Day ng inyong paaralan/


Komunidad?

5. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung tama ang gawi at ekis (x) kung mali.
______1. Wasakin ang kalikasan
_______2. Diligan ang mga halaman
_______3. Makiisa sa mga projekto ng komunidad
_______4. Ang mga halaman ay salot sa kapaligiran
_______5. Tumulong sa pagpapaganda ng kapaligiran

6. Takdang Aralin
Gumuhit ng inyong pinangarap na kapaligiran. Ilagay ito sa isang kupon bond.

Inihanda ni:

Genebee N. Sarmiento
Student Teacher

Gloria B. Espinar
Coordinating Teacher

You might also like