You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

I. Layunin

A. Matuklasan ang kahalagahan ng mga halaman


B. Naitatanghal ang sariling kaisipan tungkol sa pangangalaga sa mga halaman
C. Magkaroon ng interes sa pangangalaga ng halaman
II. Paksang Aralin

Tatalakayin: Halaman sa kapaligiran , Presensiya ng Pagmamahal ng Maykapal


Sanggunian: Edukasyon sa pagpapakatao, Halaman sa kapaligiran pp. 308-318
Materyales: Sagutang papel, White Board Marker, at Media Presentation

III. Pamaraan A. Pangunahing Ginagawa

a. Panalangin

b. Pagbati

c. Pagbilang ng pumasok

d. Paghikayat

Action Song- One Little Finger

B. Pagganyak

Sa kasalukuyang panahon, ang pagkakaroon ng luntiang kapaligiran ay tila


imahinasyon na lamang . Nanininwala ka ba sa pahayag na ito?

Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o


punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na mga puno’t
halaman. Naipapakita ang pagmamahal sa Poong maykapal kung pinhahalagahan at
inaalagaan ang mg halaman.

C. . Paglalahad

Basahin at unwain ang kuwento.


Tayo na sa Halamanan

Nag-uusap ang magkaibigang Teejay at Maan. “ Tayo na sa halaman. Tingnan


natin ang tanim, “ wika ni Teejay. “Dadalhin ko ang pandilig , “ wika ni Maan. “ Huwag
mo nang dalhin iyan dahil umulan naman kagabi,” sabi ni Teejay. “Sige, magdadala na
lang ako ng kalaykay.” “Dadalhin ko naman ang asarol.” Nang nasa halamanan na sina
Teejay at Maan, ganito ang kanilang usapan

“Tingnan mo ang mga halaman, Maan. Marami na silang bulaklak ngayon. “

“Kay ganda nga nilang pagmasdan. Bakit kaya may bulaklak na ang mga
halaman?” tanong ni maan. “Dinilig kasi ng ulan ang mga halaman. Gusto ng halaman
ang ulan pati narin ang araw. "Tiningnan naman ni Teejay at Maan ang mga tanim
nilang gulay.

“Malaki narin ang ating mga tanim na gulay, namumunga na ang mga ito.” Wika
ni Teejay. Nakita na ni Maan ang mga damong nakapaligid sa gulay.“ Ating linisin ang
halaman. Maraming damo sa mga gulay May mga Uod pa ang mga petsay . Marami na
rin ang nakakalat na bato.” Wika ni Maan. Kinuha nilang dalawa ang asarol at kalaykay.
Inalis nila ang damo at bato. Inalisan din nila ng uod ang mga mga gulay. Masama sa
tanim ang mga ito. Kanilang binungkal ang lupa ng mga tanim upang lalong tumaba ito.

“Malinis na ang halaman. Wala na ang kanilang kaaway .” wika ni Maan.


Pagkatapos ay umalis na ang magkaibigang Teejay at Maan. Ano kaya ang
pakiramdam ng dalawa sa pag-aalaga ng mga halaman?

D. Pagtalakay

1. Ano ang ginawa ng magkaibigang Teejay at Maan sa halaman?

2. Ano-ano ang pangangailangan ng mga halaman ayon sa magkaibigan?

3. Paano nila naipakita ang pangangalaga sa mga halaman?

4. Bilang batang mag-aaral, sa paanong paraan mo inaalagaan ang mga


halaman ? Isa-isahin ang mga gawaing isasakatuparan.

E. Paglalahat

Gawain 1
Itala ang mga maari mong gawin upang makatulong ka sa pagpapalago

at pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga halaman Gawin ito a iyong

kuwaderno.

Ang aking Kalendaryo ng Pangangalaga sa Halaman

Araw Mungkahing Gawain Upang Mapalago at


Maparami ang mga halaman

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkoles

Huwebes

Biyernes

Sabado

F. Paglalapat

Isulat sa loob ng puso ang nararamdamn mo sa sumusunod na sitwasyon.


Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Sa mga malulusog at namumungang gulayan sa aming bakuran,

ang aking naramdaman ay….


Dahil dito_______________________________________

2. Sa mga natutuyo at namamatay na mga halaman, ang aking

naramdaman ay….

Dahil dito_______________________________

3. Sa pagkawala ng mga puno sa kabundukan na naging dahilan ng

kawalan ng tirahan ng mga hayop, ang aking naramdaman ay…

Dahil dito ______________________________________

4. Sa pagtatanim sa isang lugar upang mapalitan ang mga pinutol at

mga namatay na mga puno’t halaman, ang aking naramdaman

ay…

Dahil dito____________________________________

5. Sa malalago at mabubungang puno na nagbibigay-sigla sa ating


buhay at nagbibigay ng ating mga pangangailangan, ang aking

naramdaman ay…..

Dahil dito__________________________________________
IV. Pagtataya

Iguhit ang punongkahoy kung ang pangungusap ay nagpapakita ng


pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga halaman sa kapaligiran at ekis (x) kung
hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Paglahok sa proyektong”Plant a Tree a day” sa komunidad.

2. Pagtanim ng gulay sa likod ng bahay.

3. Paglalagay ng kawayang bakod sa mga bagong tanim na puno at halaman.

4. Pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman.

5. Pagsasawalang-bahala sa mga hayop na kumkain ng bagong tanim na halaman

You might also like