You are on page 1of 7

DETALYADONG BANGHAY ARALIN

SA SCIENCE 3
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng halaman at ang tungkulin ng mga ito.
b. Nasasabi ang iba’t ibang bahagi ng mga halaman at ang mga tungkulin ng mga ito; at
c. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga halaman na matatagpuan sa kapaligiran.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Bahagi ng Halaman
Sanggunian: Science 3 (LM) pahina 81-83
Kagamitan: Powerpoint presentation, mga larawan at mga tunay na halaman

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
a. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga Grade 3! Magandang umaga din po!

2. Pagdarasal Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong


Tumayo ang lahat at tayo ay panibagong pagkakataon upang kami ay matuto.
mananalangin. Gawaran mo kami ng isang bukas na isip upang
maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na makatutulong sa amin
sa pagtatagumpay sa buhay na ito. Amen.

Magkaroon muna tayo ng pampasigla.


Sabay-sabay nating awitin ang Kung Umawit at sumayaw ang mga bata
Ikaw ay Masaya.

Maraming salamat. Bago kayo maupo


ay paki-ayos at paki-check muna ang
ilalim ng inyong upuan kung may mga
kalat.
3. Pagtatala ng mga lumiban at hindi
lumiban
Mayroon bang lumiban sa araw na ito? Wala po.

Mahusay!
b. Balik Aral
Natatandaan ninyo pa ba ang ating huling Opo.
aralin?
(Magpakita ng iba’t ibang larawan)

Maaari niyo bang sabihin sa akin kung anong Opo.


hayop ang aking ipapakita.

Ibon

Magaling!

Kalabaw

Mahusay!
Aso
Magaling!

Baboy

Magaling!

Manok po.

Mahusay! Mahalaga ba ang mga hayop sa ating Opo.


paligid?

Bakit? Mahalaga po ang mga ito dahil sa kanila po natin


nakukuha ang ating pangunahing pangangailangan
Tama! Malaki ang naitutulong ng mga hayop sa tulad ng pagkain.
atin. Tulad ng mga baboy, manok, isda at iba pa na
maari nating kainin.
c. Pagganyak

Magpakita ng iba’t ibang larawan ng hardin.

Ano ang napansin niyo sa mga larawan na ito? Garden po


Mahusay!

Ano-ano naman ang makikita natin sa garden? iba’t ibang halaman po.
Tama!

Ano ang nakita ninyong pagkakatulad ng mga Dahon po.


halamang ito? May ugat po
May bunga din po, saka po bulaklak
Magaling!
d. Paglalahad
Bumuo tayo ng tatlong pangkat. Bumilang nga 1, 2,3
hanggang tatlo hanggang makarating sa dulo.

Tumayo ang lahat ng number 1 at mag sama-


sama. Gayun din sa mga bilang 2 at 3.

Mayroon akong iba’t ibang ng halaman. Bawat (Gawin 1)


pangkat ay kailangan obserbahan ang iba’t
ibang bahagi ng halaman na mapupunta sa
kanila.
Itala ang mga obserbasyon at mga bahagi ng
halaman na makikita.

Tapos na ba?
Opo.
Mahusay! Maaari ninyo ng idikit sa ating board
ang ang inyong talaan.

e. Pagtatalakay
Bago tayo tumungo sa mga bahagi ng halaman, Ang halaman ay isang malaking grupo ng mga
alamin muna natin kung ano ba ang halaman. nilikhang may buhay. Binubuo ito ng iba’t ibang
Pakibasa nga ng sabay-sabay. miyembro tulad ng mga puno, baging, damo at lumot.

Salamat!
Ang halaman pala ay isang malaking grupo at
mayroon itong buhay. Tulad nating mga tao
ang halaman ay may iba’t iba ring bahagi.
Ngayon ay aalamin natin kung ano-ano ba ang
iba’t ibang bahagi ng halaman at kung ano-ano
ang gamit nito.

Batay sa inyong obserbasyon magbigay nga ng Dahon po.


bahagi ng halaman.

Magaling! Tama! Ang dahoon ay isang bahagi


ng halaman. Ano naman kaya ang gamit ng
dahon?
Ito ang importanteng bahagi ng halaman sapagkat ito
Pakibasa nga ang gamit ng dahon. ang gumagawa ng pagkain ng halaman. Ang dahon ay
mayroong berdeng pigment na tinatawag na
Mahusay! Ang dahon pala ay isang chlorophyll.
importanteng bahagi ng halaman sapagkat ito
ang gumagawa ng pagkain ng halaman.

Pakituro nga kung alin dito kung alin ang (Ituturo ng mga bata)
dahon.

Magaling, ito ay may kulay berdeng pigment na Chlorophyll.


tinatawag nating chlorophyll.
Paki-ulit nga po.

Mahusay! Ang chlorophyll ay ginagamit upang


makakuha ng enerhiya mula sa araw at
ginagamit upang makagawa ng kanyang
pagkain.

Maliban sa dahon ano pa kayang bahagi ng Bunga.


halaman ang inyong nakikita?

Magaling! Ano naman kaya nag gamit ng Ito ang produkto ng halaman na may binhi o buto sa
bunga. Pakibasa nga po. loob upang itanim muli at maging isang ganap na
bagong halaman. Ito rin ang parte ng halaman na
Very Good! Ang bunga po pala ay ang produkto nagsisilbing pagkain ng mga hayop at tao.
na ng ating halaman. Mahilig ba kayong kumain
ng mga bunga ng halaman? Opo.

Mahusay! Ano pang bahagi ng halaman ang Sanga.


inyong nakikita?

Very Good! Ang sanga ay isang ring bahagi ng


halaman. Ano naman kaya ang gamit nito. Ito ang bahagi na nagpapatibay sa pagtayo ng halaman.
Pakibasa nga po ang gamit ng sanga. Ito rin ang nagdadala ng tubig at mineral mula sa ugat
patungo sa iba’t ibang bahagi ng halaman.
Salamat, mahusay! Ang sanga pala ang
nagpapatibay sa ating halaman. Alin kaya dito
ang sanga. (Ituturo ng mga bata)

Ito, tama! Ito ang sanga, ito ang bahagi na


nagpapatibay sa pagtayo ng halaman. Ito rin
ang nagdadala ng tubig at mineral na galing sa
lupa.
Mayroon na tayong dahoon, mayroon na
tayong bunga at mayroon na tayong sanga. Bulaklak.
Ano pa kaya ang bahagi ng halaman ang ating
makikita?

Tama! Mayroon din itong bulaklak. Kung


inyong titingnan an gating halaman ay Ito ay bahagi ng halaman na pinagmumulan ng bunga at
mayroong bulaklak. Ano ng aba ang gamit ng buto na nagging panibagong halaman. Ito rin ang
bulaklak? pinakamakulay na bahagi ng halaman kaya naaakit ang
Pakibasa nga po. iba’t ibang uri ng hayop at insekto.

Salamat. Tama! Ang bulaklak ang


pinagmumulan ng bunga at buto. Ito ang
simula ng pagakaroon ng bunga ng ating
halaman. Ito din ang pinaka makulay na bahagi
kung kaya’t madalas siyang lapitan ng mga
paru-paro at bubuyog.

Panghuli, pinakamahalagang bahagi ng ating Ugat.


halaman ngunit hindi natin ito nakikita ngayon
dahil ito ay nakalubog sa lupa. Ano kaya iyon.

Tama! Mahusay! Ito ay ang ugat. Pakibasa nga Ito ang bahagi ng halaman na kumakapit sa lupa. Ito
po. ang sumisipsip o humihigop ng tubig at mineral o
sustansya sa lupa.
Tama. Ang ugat daw po pala. Ang
pinakamahalagang bahagi ng ating halaman
sapagkat ito ang kumakapit sa lupa at
sumisipsip ng mga mineral upang mabuhay ang Opo.
ating halaman. Nakakita na po ba kayo ng
ugat?

Mahusay! Alam ba ninyo ang kahalagahan ng Opo, nagbibigay po ang halaman ng mga pagkain.
halaman?

Tama, magaling! Hindi lamang pagkain ang


maaari nating makuha sa mga halaman. Maaari
din tayong makakuha ng materyales sa
paggawa ng ating mga damit. At ang
pinakamahalagang dahilan ay sa kanila tayo
nakakakuha ng oxygen. Ang oxygen po ay ang
dahilan kung bakit tayo nabubuhay. Kung
kaya’t napakahala huwag nating sisirain bagkus
ay alagaan at paramihin natin ang mga
halaman sa ating kapaligiran.

Naiintindihan ba ang ating aralin sa araw na Opo.


ito?

f. Paglalahat
Ano-ano na nga ang mga bahagi ng halaman? Ugat, dahon, sanga, bunga at ugat po.
Magaling!
g. Paglalapat
Pangkatin sa tatlo ang klase at magbigay ng 3
uri ng Gawain.

Handa na ba kayo? Opo.

Bigyan nga ako ng tatlong bagsak kung handa (Clap, Clap, Clap)
na.

Pangkat 1- Pagtambalin ang mga larawan ng


bahagi ng halaman na nasa hanay A sa mga
pangalan nito sa hanay B.

Pangkat 2- Isulat ang mga bahagi ng halaman


sa loob ng kahon

Pangkat 3- Tutukuyin ang bahagi ng halaman


na inilalarawan ng bawat pangungusap. Piliin
ang tamang sagot sa kahon.

Tapos na baa ng lahat? Opo.

Mahusay. Bigyan nga ng ang galing clap ang 1,2,3-1,2,3 ang Galing! Galing!
bawat isa.

Lubos ng nauunawaan ang aralin? Opo


IV. PAGTATAYA

Para sa ating pag sasanay kuhanin ang inyong


kwaderno at dito isulat ang inyong sagot.

Handan a ba? Opo.


Maaari ng magsagot

Panuto: Tutukuyin ang bahagi ng halaman na


inilalarawan ng bawat pangungusap. Piliin ang titik
ng tamang sagot.

1. Ito ang produkto ng halaman na may binhi o


buto sa loob upang itanim muli at maging isang
ganap na bagong halaman.

a. Bunga b. Ugat c. sanga

2. Ito ang bahagi na nagpapatibay sa pagtayo ng


halaman.

a. Sanga b. Bulaklak c. Ugat

3. Ito ang bahagi ng halaman na kumakapit sa


lupa.

a. Ugat b. Sanga c. Bunga

4. Ito ang importanteng bahagi ng halaman


sapagkat ito ang gumagawa ng pagkain ng
halaman.

a. Sanga b. Dahon c. Ugat

5. Ito ay bahagi ng halaman na pinagmumulan ng


bunga at buto na nagging panibagong halaman.

a. Bulaklak b. Dahon c. Sanga

Tapos na ba mga bata? Opo.


Itaas nga ang kamay ng mga tapos na.

Maaari ng magpalit na ng mga kwaderno sa (Pagwawasto)


kanilang katabi. Mag check na tayo

Sino ang naka 5? (magtataas ng kaamay ang mga bata)

Sino ang naka 4? (magtataas ng kaamay ang mga bata)

Magagaling 4 ang ating pinakamababa

V. TAKDANG ARALIN
Sa isang malinis na bond paper gumuhit o
magpinta ng halaman at ilagay ang mga bahagi
nito.

You might also like