You are on page 1of 16

4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Ikatlong Markahan-Unang Linggo

1|P ahi na
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN – Ika-apat na Baitang
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Ikatlong Markahan-Unang Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Kasanayang Pagkatuto

Manunulat: Arnel M. Bermejo Jr.


Editor: Josephine N. Sales
Tagaguhit: Arnel M. Bermejo Jr.
Tagalapat: Arnel M. Bermejo Jr.
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Jay D. Morados
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Schools Division of Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagtatanim ng Halamang
Ornamental

Panimula

Likas sa ating mga Pilipino ang pagtatanim ng halaman


sapagkat ito ang pangunahing pamumuhay sa ating bansa. Ang
pagtatanim ng halamang ornamental ay isa sa mga pang araw-
araw na gawain ng mag-anak at sa pamayanan. Binibigyan nito
ng kulay ang mga bakuran ng ating mga tahanan at paligid ng
ating pamayanan. Katulad ng mga puno, ang mga halamang ito
ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng masagana at
preskong hangin. Nililinis nito ang maruming hangin sanhi ng
polusyon. Nakakawili, nakalilibang at nakakawala din ito ng
pagod lalong lalo na sa mga taong subsob sa kanilang mga
trabaho sa araw-araw. Makakatustos din ito ng pang araw-araw
na gastusin ng pamilya kung ito ay magiging gawaing
pangkabuhayan.
Sa GLAK (Guided Learning Activity Kit) na ito ay
matututunan mo ang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng
halamang ornamental.

1|P ahi na
Kasanayang Pampagkatuto

Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa


pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang gawain. EPP4AG-0a-1

Mga Layunin

Pagkatatapos ng gawaing pampagkatuto, inaasahan na:


1. natatalakay ang kaalaman sa pagtatanim ng halamang
ornamental;
2. naiisa-isa ang mga kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental;
3. napapahalagahan ang mga kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng halamang ornamental

Balik Aral

Panuto: Ilagay sa tamang grupo ang mga sumusunod na mga


halaman.
1. Palmera 4. Fortune Plant
2. Kalabasa 5. Bromeliad
3. Ampalaya

Halamang Gulay Halamang Ornamental

2|P ahina
Pagtalakay sa Paksa

Basahin ang kwento. Sagutin ang pamatnubay na tanong sa


papel.

Bagong Simula sa Likod ng Pandemya


Isinulat ni: Arnel M. Bermejo Jr.

Si Yhel ay mahilig sa iba’t ibang uri ng halaman. Gandang


ganda ito sa mga hardin na puno ng mga halamang makukulay.
Tuwang-tuwa siya sa mga hardin na nakikita niya sa paaralan,
sa simbahan at sa kanilang kapitbahay. Pangarap din niyang
magkaroon ng sariling hardin sa kanilang bakuran ngunit abala
ang kanyang magulang sa kani-kanilang trabaho.
Isang araw, isang pandemya ang dumating sa kanilang
lugar na nagpabago sa pang-araw-araw na gawain ng
pamayanan. Inanunsyo ng pamahalaan na manatili lamang sa
tahanan, hanggang sa pansamantalang natigil ang trabaho ng
kanyang mga magulang. Hinikayat ni Yhel ang mga ito na
magtanim ng mga halamang namumulaklak sa kanilang
bakuran. Humingi si Yhel sa kanyang mga kaibigan ng mga buto
at sanga na maari nyang maidagdag sa pagtatanim. Bumili din
ang kanyang mga magulang sa malapit na bilihan ng mga
ornamental plants.
Inihanda na ng ama ni Yhel ang kanyang gagamitin sa
paggawa ng kahong punlaan. Pinagtagpi-tagpi nito ang mga
kahoy upang makabuo ng isang parisukat na lagayan. Nilagyan
na ito ni Yhel ng lupa at binasa ng kaunti at kinalat ang mga
buto ng butobutones sa kahong punlaan. Tinakpan at itinago ito
hanggang lumabas ang unang sibol. Pagkalipas ng apat na araw,
nagsimula nang sumibol ang mga buto. Unti-unti niyang
inilantad sa araw ang kanyang kahong punlaan. Pagkalipas ng
mga ilang araw, may nabuo ng tatlong dahon ang kanyang tanim
3|P ahi na
at inilipat niya ito sa kamang taniman na may pag-iingat sa ugat
nito.
Pati ang mga sanga ay sinubukan ni Yhel na patubuin sa
mga malalaking paso bago inilipat sa kamang taniman. Ngayon
ang bakuran nila Yhel ay mayroon nang munting hardin na
matatawag na kahit saan ka lumingon may makikita kang sari-
saring halaman.
Pamatnubay na tanong:
1. Ano ang kinahihiligan ni Yhel?
2. Ano ang nagging dahilan upang matupad ang pangarap na
hardin ni Yhel?
3. Sino ang tumulong kay Yhel sa pagtatanim?
4. Base sa kwento ano ang dalawang paraan na ginamit ng
pamilya ni Yhel sa pagtatanim?

Talakayin Natin!

Ang Halamang Ornamental ay halimbawa ng


halamang pandekorasyon sa Pilipinas. Ito ay mga tanim na
ginagamit na palamuti sa mga tahanan, sa paaralan, sa
restawran, sa simbahan, sa parke at sa mga lansangan.

Halimbawa:

PALMERA PLANTS

4|P ahina
FORTUNE PLANTS

SAN FRANCISCO PLANTS

BROMELIAD PLANTS

SNAKE PLANTS

5|P ahi na
Ang halamang ornamental ay may paraan ng pagtatanim at
pagpapatubo, isa na rito ang tuwirang paraan. Ang itinatanim sa
mga halamang ornamental ay nagmumula sa sanga at buto.

Ang tuwirang pagtatanim ay isang paraan ng pagtatanim na


kung saan diretso na sa taniman ang pagtatanim, maaaring
sanga o buto ang itatanim.

Mga halamang ornamental na sanga ang itinatanim:


San Francisco Cactus Snake Plant
Bromeliad Fortune plant

Mga halamang ornamental na buto ang itinatanim:


Palmera

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo:

1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.


2. Lagyan ng patpat, tali o panukat upang maging gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 buto o paglalagay ng sangang itatanim.
5. Takpan ng manipis na lupa sa bawat butas na may
tanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

Kahalagahan ng Pagtatanim ng
Halamang Ornamental

1. Naiiwasan ang polusyon


2. Nagbibigay ng sariwang hangin
3. Napagkakakitaan
4. Nakapagpapaganda ng kapaligiran

6|P ahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang mga


sumusunod na pangungusap.

________1. Ang halamang ornamental ay nangangailangan ng


sapat na atensyon at pag-aalaga.
________2. Maaaring kumita ang isang pamilya sa pagtatanim ng
halamang ornamental.
________3. Ang puno ng mangga ay isa sa mga halimbawa ng
halamang ornamental.
________4. Napapaganda ng mga halamang ornamental ang mga
parke, bahay at mga gusali.
________5. Nakapagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak ang mga
halamang ornamental.
________6. Ang mga halamang ornamental ay dagdag trabaho na
ngpapahirap sa mag-anak.
________7. Ang mga halamang ornamental ay nakakatulong sa
pagsugpo sa polusyon.
________8. Ang halamang ornamental ay likas na libangan ng
maraming Pilipino.
________9. Napapalamig at napapaberde ng halamang
ornamentalang kapaligiran.
________10. Kusang tumutubo ang mga itinanim na halamang
ornamental.

7|P ahi na
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng tsek √ ang patlang, kung ito ay halamang
ornamental at ekis × naman kung hindi.

__________1. Palmera __________6. Niyog


__________2. Bromeliad __________7. San Francisco
__________3. Santol __________8. Snake Plant
__________4. Sitaw __________9. Mangga
__________5. Fortune Plant __________10. Sigarilyas

Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Pumili at magtanim ng limang halamang ornamental sa


inyong tahanan. Sundin ang tamang proseso ng pagtatanim.
Obserbahan ito gamit ang pagkuha ng larawan o video, kung
wala namang gadget ay itala na lamang ito (narrative report).

Rubriks sa Pagtatanim

CRITERIA OO HINDI
1. Sumunod sa tamang proseso ng
pagtatanim.
2. Gumamit ng tamang kasangkapan sa
pagtatanim.
3. Malinis at maayos ang pagtatanim.
4. Dnidiligan ang mga halamang itinanim.
5. Nabuhay ang mga itinanim na halamang
ornamental.

8|P ahina
Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang nilalahad. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay halamang ornamental maliban sa isa.


a. San Francisco c. Palmera
b. Kamatis d. Cactus
2. Si Jessica ay nais magtanim ng Bougainvillea. Anong bahagi
ng bougainvillea ang gagamitin niya?
a. buto b. ugat c. dahon d. sanga
3. Alin sa mga sumusunod ang maaring gamitin para sa mga
halamang nais patubuin?
a. pasong malalapad c. kahon na yari sa kahoy
b. kama ng lupa d. lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga bahagi ng halaman ang maaaring gamitin sa
pagpapatubo ng tanim.
a. buto b. sanga c. tangkay d. lahat ng nabanggit
5. Gusto ni Jose na ilipat ang kanyang mga tanim na halamang
ornamental. Alin sa sumusunod ang mas mainam na
paglilipatan?
a. sa timba c. sa paso
b. sa baso d. sa palanggana
6. Si Abdul ay nais magtanim ng Gumamela. Anong bahagi ng
Fortune plant ang gagamitin ni Abdul?
a. buto b. ugat c. dahon d. sanga
7. Ano ang maitutulong ng pagtatanim ng halamang ornamental?
a. Nagdudulot ng maruming paligid
b. Nakapagbibigay ng maruming hangin
c. Nakasusugpo ng polusyon
d. Nakapagdudulot ng pagbaha
8. Ano ang nararapat gawin sa halamang ornamental?
a. Huwag alagaan c. ilagay kung saan -saan
b. Diligan araw-araw d. pabayaan na lamang

9|P ahi na
9. Ano ang hindi dapat mapinsala sa paglilipat ng punlaan sa
taniman?
a. dahon b. sanga c. bunga d. ugat
10. Alin sa mga sumusunod na halaman ang ornamental?
a. Niyog c. Kalabasa
b. Sitaw d. San Francisco

Pangwakas

Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang diwa ng


pangungusap.
ornamental hangin

mapagkakakitaan

polusyon kapaligiran

1. Ang pagtatanim ng halamang ______________ ay


nakakatulong sa pagbibigay ng sariwang hangin.

2. Ang mga halamang ornamental ay nagbibigay ng sariwang


________________.
3. Hindi lamang nagbibigay ng kulay sa tahanan ang mga
halaman, maaari din nating itong _________________ upang
may maitustos sa ating mga kailangan.

4. Naiiwasan natin ang _______________ dahil sa mga


halamang ornamental.

5. Ang halamang ornamental ay nakatutulong sa


pagpapaganda ng __________________.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

“K To 12 Basic Education Curriculum/Department of


Education.”Deped.Gov.Ph,2020.https://www.
deped.gov.ph/k-to-12-basice-ducation-
curriculum

Updates, News, Teaching Materials, Reading Articles,


and Be Contributor. 2020. “Most Essential
Learning Competencies (MELC) KG to Grade
12SY2020-2021”.DepEdClick.https://www
.depedclick.com/2020/05/mostessential-
learning competencies.html

https://outoftownblog.com/10-easiest-indoor-plants-that-
anyone-can-grow/

https://www.google.com/search?q=palmera+plant&source

https://www.google.com/search?q=san+francisco+plant&tbm

https://www.google.com/search?q=bromeliads+plant&tbm

https://www.google.com/search?q=snake+plant&tbm

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Balik-Aral:
Pang-isahang Pagsasanay Halamang Gulay Halamang
Ornamental
Pang-unawa sa Sitwasyon Kalabasa Bromeliad
(Magkakaiba ang inaasahang sagot sa Ampalaya Fortune plant
mga mag-aaral) Bilangin ang kanilang Palmera
puntos batay sa rubriks)
Pagsusulit:
Pinatnubayang Pagsasanay 1
1. b
2. d Tama o Mali
3. d 1. Tama 6. Mali
4. d 2. Tama 7. Tama
5. c 3. Mali 8. Tama
6. d 4. Tama 9. Tama
7. c 5. Tama 10. Tama
8. b
9. d Pinatnubayang Pagsasanay 2
10. d
Tsek o Ekis
Pangwakas: 1. √ 6. x
2. √ 7. √
1. ornamental 3. x 8. √
2. hangin 4. x 9. x
3. mapagkakakitaan 5. √ 10. √
4. polusyon
5. kapaligiran
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng
Zambales ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na
nakapag-ambag ng tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad,
pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng Ikalawang
Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay
sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga
pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng pinatnubayang
kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng
mga manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at
kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang
pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring
pangwika, at mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at
bumuo sa lahat ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at katugunan sa mga
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang
patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang
gugugulin sa paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na
magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat
asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga
punongguro, sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng
mga Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa
kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat
ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang
tagapagdaloy sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang
patnubay at gabay upang maisagawa ang mga gawain at upang
patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral na maging
responsableng indibidwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa
mapanghamong panahon ay lubos na makamit ang sama-samang
pagpupunyagi at matibay na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-
aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala

13 | P a h i n a
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like