You are on page 1of 11

4

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
Ikatlong Markahan
Agriculture Modyul 6
Wastong Pag-aani at
Pagsasapamilihan ng
Halamang Ornamental
Week 6

0
Alamin
Malalaman natin sa modyul na ito ang mga tamang paraan ng pag-aani at
pagsasapamilihan sa mga halamang ornamental. Dapat ding alamin ang mga
halamang madaling ipagbili.Ang mga halamang ornamental lalo na yung mga
namumulaklak ay maaaring ipagbili kung ang mga ito ay may bulaklak
na.Maaaring mabili ang mga halamang may bulaklak sapagkat ito ay
mapang-akit sa mga mata ng mga tao.

Ang modyul na ito ay tungkol sa:


● Aralin 6 – Pag-aani at Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental

Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga halamang
ornamental,
2. natutukoy ang wastong paraan nang pagtatanim at pag-aani ng halamang
ornamental, at
3. nabibigyang halaga ang pagtatanim ng halamang ornamental.

Subukin:
Pangalan:__________________________ Baitang at Seksiyon: _____
Asignatura: EPP 4 (Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Subukin Petsa:___________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ito sa inyong sagutang papel.
1. Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay nakatutulong sa pamilya at
pamayanan maliban sa isa.
A. Dagdag kita sa pamilya.
B. Nagsisilbing libangan ng pamilya.
C. Nakakapagod sa katawan ng mag-anak.
D. Nagbibigay ng presko at sariwang hangin.

1
2.Alin sa mga kagamitan ang nakakatulong sa pagtatanim o pagbubungkal
ng lupa sa paligid ng halaman?
A. Dulos B. Pala C. Pisi D. Regadera
3.Anong katangian ang nararapat para sa isang nagtitinda ng halaman
upang maging maunlad at kumita ito?
A. Ipagwalang bahala ang paninda
B.Hindi kumikibo kapag may bumibili.
C.Masamang pakikitungo sa mga mamimili.
D.Magalang na pakikipag-usap sa mga mamimili.
4.Alin dito ang halamang dahon?
A. Gumamela B. Mirasol C. Rosas D. San Francisco
5.Ang sumusunod ay mga halamang namumulaklak maliban sa isa.
A. Gumamela B. Mirasol C. Rosas D. San Francisco
6. Alin sa sumusunod ang mainam na lupa para sa halamang ornamental?
A. Mabato B. Mabuhangin C. Malagkit D. Matatabang lupa
7.Ano ang palatandaan na maaaring ipagbili ang halamang di
namumulaklak? Kung_____.
A. ito’y may tatlong dahon na.
B. ang dahon nito’y nagkulay dilaw na.
C. nag-iba na ang kulay ng dahon nito.
D. malalago at magaganda ang mga dahon nito.
8.Ang tamang pagkuha ng halamang namumulaklak ay___
A.Kung namumukadkad na ang lahat.
B.Kung may nakitang maliit na bulaklak.
C.Kung hindi pa nagsimulang namumulaklak.
D.Kung malapit nang bumuka at bumukadkad.
9.Paano mapatagal ang kasariwaan ng mga bulaklak?
A. Ilagay kahit saan.
B. Ilagay sa isang kahon.
C. Ilagay sa loob ng bahay.
D. Ilagay sa timba na may malinis na tubig.
10.Ano ang tamang oras sa pag-aani nang halamang ornamental?
A. Hapon B. Madaling- araw C. Tanghali D. Umaga

2
Balikan

Pangalan:___________________________ Baitang at Seksiyon: ___________


Asignatura: EPP 4 ( Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Balikan Petsa:___________

Panuto: Tingnan ang larawan na nasa ibaba. Piliin ang titik ng larawang
nakakatulong sa pagtatanim ng halamang ornamental.

A B C D E F
https://tinyurl.com/y6g6oap

Tuklasin

Pagmasdang mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

https://tinyurl.com/y6nj9o4f

3
1. Ano ang nakita ninyo sa larawan?
2. Anong uri ng halaman ang dinidiligan?
3. Ano-ano kaya ang mga palatandaan na ang mga halamang ornamental ay
maaari nang anihin?

Sa pagtatayo ng taniman o narseri ng ornamental kailangan isaalang-alang


ang mga sumusunod:
1. Uri ng lupa na pagtataniman- Kailangan ang lupa ay loam soil upang
tumubo at lumusog ang mga pananim.
2. Lugar na pagtataniman- Pumili ng isang lugar na angkop sa mga
halamang ornamental.
3. Ang laki ng taniman- Ang katamtamang laki ng halaman upang
mapamahalaan itong mabuti.
4. Mga kagamitang panustos- Dapat bigyan ng pansin din ang sapat na
panustos ng abono, kemikal na pamatay ng peste tulad ng mga kulisap
at mga gamot sa pagpuksa ng mga mikrobyo tulad ng bakterya at
fungus na sanhi ng sakit ng mga halaman.

Suriin

Talaan ng Pagtatanim at Pag-aani ng halamang ornamental.

Pangalan ng Petsa ng Pagtatanim Petsa ng Pag-aani


Halaman

Halamang
namumulaklak

● Rosas -January 6-8 -February 11-12


● Gumamela -December 7-10 -March
-November 14-16 -February11-13
● Mirasol

4
Halamang Dahon

● Polyscias -November - March

● San -November 27-30 -March


Francisco

-March
● Five Fingers -November 20-24

Halamang
Palumpong

● Golden -December 23-26 -February


duranta

-December -February
● Adelfa

Mga Palatandaan na titingnan kung maaari nang ipagbili ang mga


halamang ornamental na namumulaklak at di-namumulaklak

1. Ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda ang mga dahon.


2. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang
bumuka at bumukadkad.
3. Tinatanggal ang halamang dahon at tinatali sa isang malilim na lugar.
4. Ilalagay sa timba na may tubig upang tumagal ang kanilang
kasariwaan.
5. Ang mga orchids mula sa Davao ay inilalagay sa kahon upang
mapanatiling sariwa at hindi malagas ang mga bulaklak.

5
Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na
pagtitinda

1. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid


nito upang makahikayat na mas maraming mamimili. Maglaan ng
basurahan kung saan itatapon ang mga kalat.

2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan.


Nakahikayat na maraming mamimili ang maaliwalas at maliwanag
na tindahan.

3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng


mga ito.

4. Mag-iingat sa pagkukuwenta at pagbibigay ng sukli upang hindi ito


lumabis o magkulang.

5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay-pantay sa lahat ng


mamimili.

6. Sikaping magdulot ng pinakamataas na uri ng paninda sa


pinakamababang halaga.

Mga mabuting naidudulot sa pagtatanim ng halamang


ornamental:
1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.
2. Naiiwasan ang polusyon.
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin.
4. Napagkakakitaan.
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran.

6
Pagyamanin

Pangalan:____________________________ Baitang at Seksiyon: ______


Asignatura: EPP 4 (Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Pagyamanin Petsa:___________

Bumisita sa iba’t ibang halamanan. Magmasid at magtala ng mga


pagkakaiba ng halaga o presyo ng ornamental na halaman. Magtanong sa
naghahalaman kung bakit magkakaiba ang presyo ng halaman.

Halaga/
Presyo

Mga Halamang 1 dosena 1 bugkos/ 1 tangkay


Nakapaso
Ornamental tali

1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip

Ang pagtatanim ng halamang ornamental ay isang kawili-wili at nakalilibang


na gawain.Maraming kapakinabangan ang nakukuha rito na makakatulong
sa pamilya at pamayanan.
Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinatay sa kanilang
laki, uri, at haba ng pag-aalaga.Ipinagbibili ang halamang ornamental nang

7
nakapaso o nakaplastik at minsan sanga o tangkay.Mahalaga ang kaalaman
sa pagtutuos upang malaman kung kumikita o nalulugi ang paghahalaman

Isagawa

Pangalan:___________________________ Baitang at Seksiyon: ________


Asignatura: EPP 4 (Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Isagawa Petsa:___________

A. Gumupit ng limang paborito mong larawan at idikit ito sa bondpaper o


sa isang malinis na papel. Kung wala kayong larawang magupit, gumuhit
ka na lang ng limang halamang ornamental sa isang malinis na papel.

Tayahin

Pangalan:_____________________________ Baitang at Seksiyon: ________


Asignatura: EPP 4 (Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Tayahin Petsa:___________
8
I.Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental gaya ng sumusunod. Alin kaya ang HINDI kabilang sa
grupo?
A. Napagkakakitaan C. Nagpapaganda ng kapaligiran
B. Nagbibigay ng liwanag D. Naglilinis ng maruming hangin
2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. Nagpapaunlad sa pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.
C. Nagsilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.
D. Lahat ng mga sagot sa itaas.
3. Ano ang mainam na lupa para pagtataniman ng mga halaman?
A. Banlik na lupa B. Luwad C. Mabuhangin D. Maputik
4. Sa pagtatayo ng taniman o narseri ng ornamental, kailangang
isaalang-alang ang sumusunod maliban sa isa. Alin kaya dito?
A. Business permit C. Lugar na pagtataniman
B. Ang laki ng taniman D. Uri ng lupa na pagtataniman

5. Alin ang kabilang dito sa halamang namumulaklak?


A. Aloe vera B. Palmera C. Rosas D. San Francisco
6. Ano ang palatandaan na maaaring ipagbili ang halamang di-
namumulaklak?
A. Kung ito’y may tatlong dahon na.
B. Kung ang dahon nito’y nagkulay dilaw na.
C. Kung nag-iba na ang kulay ng dahon nito.
D. Malalago at magaganda ang mga dahon nito
7.Ilang buwan pwede ng anihin ang adelfa?
A. Isang buwan C. Anim na buwan
B. Walong buwan D. Dalawang buwan
8.Alin dito ang katangian ng isang mahusay na tindera?
A. Mahina ang loob.
B. Pabayaang nagkalat ang mga paninda.
C. Sariling kapakanan lamang ang iniisip.
D.Matapat at mahusay na pakikitungo sa mga tao.
9. Saan nababatay ang halaga o presyo ng halamang ornamental?
A. Sa panahon o klima.
B. Sa katangian ng costumer
9
C. Sa kondisyon ng kapitbahay
D. Sa kanilang laki,uri at haba ng pag-aalaga
10. Ang sangang pipiliin upang mapatubo muli ang panibagong halaman
ay dapat na________.
A. Mura B. Magulang C. Walang ugat D. Bagong usbong

Karagdagang Gawain

Pangalan:____________________________ Baitang at Seksiyon: ______


Asignatura: EPP 4 ( Agrikultura) Bilang ng Modyul : 6
Gawain:Karagdagang Gawain Petsa:___________

Gumawa ng isang poster na nagpapakita kung paano maiiwasan ang


sakuna habang nagtatanim o naghahalaman. Gumamit ng isang malinis na
papel..

Susi sa Pagwawasto

-Magkakaiba ang sagot/outputs


Karagdagang Gawain:

-Maaaring magkakaiba ang sagot


Isagawa:
Maaaring magkakaiba ang sagot
Pagyamanin:

A, B, C, F
Balikan:
Sanggunian
Aklat

Teresita B. Doblon, Ma. Shirley A. Macawile, Ernesto R. Abletes, Judy R.


Rondina , K-12 Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4, Kagamitan
ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2015
10

You might also like