You are on page 1of 12

4

EPP(Agriculture)
Wastong Paraan sa Paghahanda at
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
(Lesson 1 | Week 8)

Contextualized Learning Resource

Name: ______________________________
Grade and Section: ____________________

Republic of the Philippines | Department of Education


SCHOOLS DIVISION OF BAGO CITY
1|P ahi na
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Bago City

TLE/EPP-AGRICULTURE 4 LEARNING PACKET

Kwarter 0 Linggo 8, Aralin 1

I. LAYUNIN:

• 1.8 Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng


mga halamang ornamental
• Competency Code: EPP4AG-0f-10

II. PAKSANG ARALIN:

PAKSA: Pag-aani at Pagsasapamilihan ng mga Halamang Ornamental

III. NILALAMAN:

Ang pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental ay isang


gawaing dapat alam ng mga mag-aaral. Dapat malaman kung kalian
maaari nang ipagbili ang halamang ornamental. Iba’t iba ang mga
pagkakakilanlan sa mga halamang maaari nang ipagbili. Kaya sa araling
ito, inaasahang magkakaroon ka ng magandang ideya sa
pagsasapamilihan.

Ang plano ng gawain ay isang mabuting gabay sa paggawa upang


makatiyak na magiging matagumpay ang gawain.

Sa paghahalaman, kailangan marunong din magkwenta o magtuos


ang naghahalaman.

2|P ahi na
IV. PANIMULANG GAWAIN:

PANUTO: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung anong uri
ng halaman ang mga ito. Isulat ang O kung ang halaman ay ornamental,
isulat naman ang G kung ito ay halamang gulay.

1. _____________ 2. _____________ 3. _____________

www.google.com www.google.com www.google.com

4. _____________ 5. _____________ 6. _____________

www.google.com www.google.com www.google.com

V. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

1. Mayroon ba kayong inaalagaang halamang ornamental sa bahay?


______________________________________________________
2. Ano ano ang mga halamang ito?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
3. Nasubukan mo na bang ipagbili ang ilan sa mga halamang ito?

______________________________________________________

3|P ahi na
B. PAGLALAHAD

Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani at sa


pagsasapamilihan sa mga halamang ornamental. Dapat ding alamin ang
mga halamang madaling maipagbili.

Ang mga halamang ornamental lalo na yung mga namumulaklak ay


maaaring ipagbili kung ang mga ito ay may bulaklak na. Maaaring mabili
ang mga halamang may bulaklak sapagkat ito ay mapang-akit sa mga mata
ng mga tao.

C. PAGTATALAKAY

Pag-aani ng Halamang Ornamental

Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namunulaklak at di-


namumulaklak, may mga palatandaan na titingnan kung ito ay maari nang
ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay matataas, malalago at magaganda ang
mga dahon. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit
nang bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali sa
isang malilim na lugar. Ang paglalagay sa mga timba na may tubig na
malinis ay nagpapatagal ng kanilang kasariwaan. Ang mga orchids mula sa
Davao ay inilalagay sa kahon upang mapanatiling sariwa at hindi malagas
ang mga bulaklak. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay sa narseri
ayon sa pangangailangan ng sikat ng araw. May mga halamang ornamental
na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na
nasisikatan ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi
nangangailangan ay inilalagay naman sa medyo malilim na lugar (partial
shade).

Nasa ibaba ang halimbawa ng talaan ng pagtatanim at pag-aani ng


halamang ornamental.

4|P ahi na
Pangalan ng Halaman Petsa ng Pagtatanim Petsa ng Pag-aani

A. Halamang Namumulaklak

Rosas January 6 – 8 February 11 – 12

Gumamela December 7 – 10 March

Mirasol November 14 – 16 February 11 – 13

B. Halamang Dahon

Santan October 20 – 24 January

San Francisco November 27 – 30 March

Pako November 20 – 24 March

C. Halamang Palumpon

Palmera December 23 – 26 February

Adelfa February June

Sampaguita December February

Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental

Sa pagsasapamilihan o pagtitinda ng mga halamang ornamental ay


isang sining. Isa itong pakikipagsapalaran na nangangailangan ng lakas ng
loob at maging maganda ang pananaw sa gawain.

Hindi sa lahat ng oras ay maganda ang takbo ng negosyo. Ang


ganitong pangyayari ay maaaring maganap kung ang nagpapatakbo ng
tindahan ay 1. kulang ang kaalaman tungkol sa wastong pagpapatakbo; 2.
mahina ang loob; 3. sariling kapakanan lamang ang iniisip; 4. mainipan at
ang nais ay mabilisang pag-unlad; at higit sa lahat ay walang pagpaplanong
ginawa.

5|P ahi na
Plano sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental

Upang umunlad ang negosyo sa pagtitinda ng halamang ornamental,


kailangan may plano ang proyekto. Narito ang halimbawa ng plano sa
pagbebenta ng mga halamang ornamental:

I. Mga Layunin
1. Nasusunod ang mga wastong paraan ng pagbebenta
2. Naipapakita ang kasiyahan sa pagbebenta
3. Nakapagbebenta ng halamang ornamental

II. Titulo ng Gawain – Pagbebenta ng Halamang Ornamental


Mga Kagamitan:
- mga halaman
- presyo ng mga halaman
- lalagyan ng mga halaman
- mga iba pang kagamitan

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
1. Pagpili kung saang lugar magbebenta
2. Paghahanda ng mga kagamitan
3. Pagbubukud-bukurin ang mga magkakauri
B. Paghahanda ng mga Paninda
1. Paglilinis ng mga paninda
2. Pagtatala
3. Iba pang Gawain ayon sa pangangailangan

Payak na Talaan ng Puhunan, Ginastos at Kita/Tubo

Sa talaan ng puhunan at ginastos, dito malalaman ng isang


nagnenegosyo kung saan siya kumikita o nalulugi. Narito ang payak na
talaan ng puhunan, ginastos at kita/tubo.

6|P ahi na
Talaan ng Gastusin

Halaga ng pananim 1, 000.00

Halaga ng pataba, pamatay kulisap


at peste 500.00

Bayad sa serbisyo o paglilingkod 500.00

Iba pang gastusin 200.00

Kabuuan Php 2, 200.00

Halaga ng Pinagbilhan

Piraso x halaga Kabuuan ng


Halaman
bawat paso Pinagbilhan

Rosas 5 paso x 300.00 1, 500.00

Palmera 5 paso x 280.00 1, 400.00

Santan 5 paso x 100.00 500.00

Golden Orlando 5 paso x 100.00 500.00

Kabuuan Php 3, 900.00

Halaga ng Pinagbilhan 3, 900.00

Halaga ng Gastusin - 2, 200.00

Kita o Tubo Php 1, 700.00

D. PAGSASANAY

Gawain A

PANUTO: Sagutan ang sumusunod na tanong.

7|P ahi na
1. Ano ano ang mga palatandaan na ang mga halamang ornamental ay
maaari nang anihin?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Ano ang wastong paraan ng pag-aani? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
3. Bakit kailangang anihin?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
4. Ano ano ang mga halamang ornamental mabili sa araw ng mga puso?
Bakit?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Gawain B

PANUTO: Gumawa ng talaan ng mga halamang ornamental sa


inyong ginawang landscape garden na maaari nang ipagbili. Kumpletuhin
ang talaan sa ibaba.

Mga Halamang Halaga ng


Dami ng Halaman
Ornamental Pagbebenta

1.

8|P ahi na
2.

3.

4.

5.

E. PAGSASANIB

Sa pag-aani at pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental,


mahalagang may sapat na talion, kasanayan, tiyaga, pang-unawa,
pagtitimpi ang nagbebenta upang hindi malugi ang negosyo. Mainam na
marunong ang naghahalaman kung kalian maaari nang anihin ang
halaman. Kailangang may plano rin ng proyekto bago umpisahan ang
pagbebenta. Ang karagdagang kaalaman ay makatutulong upang
magtagumpay sa pagsasapamilihan ng halamang ornamental.

F. PAGLALAHAT

▪ Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinabatay sa


kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.
▪ Ipinagbibili ang halamang ornamental nang nakapaso o nakaplastik
at minsan sanga o tangkay.
▪ Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang malaman kung kumikita
o nalulugi ang paghahalaman.

VI. PAGTATAYA

PANUTO: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pahayag. Punan


ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang ____________________ ng mga halamang ornamental ay


ibinabatay sa kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.
2. Ipinagbibili ang halamang ornamental nang ___________ o
9|P ahi na
nakaplastik at minsan sanga o tangkay.
3. Mahalaga ang kaalaman sa _______________ upang malaman kung
kumikita o nalulugi ang paghahalaman.
4. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang
________________________________.
5. Ang paglalagay sa mga timba na may tubig na malinis ay
nagpapatagal ng kanilang ______________________.

VII. PANGWAKAS NA GAWAIN

PANUTO: Gumawa ng talaan ng puhunan, ginastos at kita/tubo.


Gamitin ang mga datos sa ibaba.

A. Halaga ng Halaman

3 pasong daisy x 250.00 = _________________

6 pasong anthurium x 200.00 = _________________

2 pasong aglaonema x 1, 200.00 = _________________

3 pasong monstera x 1, 500.00 = _________________

Kabuuang presyo ng halaman = _________________

B. Halaga ng Pataba, Pamatay Kulisap at Peste


2 boteng Osmocote Plus x 350 = _________________
3 paketeng M-35 Dithane x 250 = _________________
5 paketeng Neem Gold x 50 = _________________
Kabuuang Halaga = _________________

C. Miscellaneous Expenses
Bayad sa serbisyo o paglilingkod = 500.00

Iba pang gastusin = 500.00

10 | P a h i n a
Talaan ng Gastusin

Halaga ng pananim _____________________

Halaga ng pataba, pamatay kulisap


at peste
_____________________
Bayad sa serbisyo o paglilingkod
_____________________
Iba pang gastusin
_____________________
Kabuuan
_____________________

Halaga ng Pinagbilhan

Kabuuan ng
Halaman Piraso at Presyo
Pinagbilhan

Daisy ____ x 400.00 _______________

Anthurium ____ x 350.00 _______________

Aglaonema ____ x 1, 500.00 _______________

Monstera ____ x 2, 000.00 _______________

Kabuuang Halaga ng
Pinagbilhan
_______________

Halaga ng Pinagbilhan __________________

Halaga ng Gastusin __________________

Kita o Tubo __________________

11 | P a h i n a
VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:

PANUTO: Gumawa ng talaan ng pagtatanim at pag-aani ng mga


halamang ornamental na matatagpuan sa inyong halamanan. Gamitin ang
talaan sa ibaba.

Pangalan ng Halaman Petsa ng Pagtatanim Petsa ng Pag-aani

A. Halamang Namumulaklak

B. Halamang Dahon

C. Halamang Palumpon

12 | P a h i n a

You might also like