You are on page 1of 20

4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
MODULE 8(Agriculture- Week 8)


Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4
Unang Markahan-Ikawalong Linggo

Agrikultura
Alamin

A Learning module in EPP-Agriculture for Grade 4 Learners is an active module


designed to meet the needs of the learners. It is anchored on a holistic approach
in developing the basic learning competencies in TLE of the K-12 Most Essential
Learning Competencies (MELCs).
The MELCs shall serve as the primary reference of all schools, Schools Division
Offices (SDO) and Regional Offices (ROs) in determining and implementing
learning delivery approaches that are suited to the local context and diversity of
learners, while adapting to the challenges posed by COVID 19. Basic Education
Learning Continuity Plan (LCP) ( The new normal of basic education under the
COVID 19 threat. This ADM Alternative Delivery Mode is one of learning delivery
approaches of LCP.

Ang Ika-walong Linggo - Unang Markahan ng EPP 4 - Agriculture,


ay naglalaman ng isang (1) aralin. EPP4AG-0f-10

2.1 Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga halamang


Ornamental. (EPP4AG-0f-10)
Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang makapakitang aral sa mga
wastong paraan sa pag-aalaga ng mga tanim at maisasagawa ang wastong pag-
aani at pagsasapamilihan ng mga produkto. Hinihikayat din ang mag-aaral sa
pag-sagot sa mga katanungan sa Pagtataya.

Balikan
I. Iguhit sa espasyo ang mga kagamitan sa paghahalaman.
Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungusap at (M) naman kung mali ito.
___ 1. Maaring gumamit ng lata ng gatas at bubutasan ko ito at gagawing
pandilig kapag walang regadera na magamit.
___ 2. Ang dulos ay angkop gamiting pangbungkal ng lupa sa paligid ng halaman.
___ 3. Ang regadera ay ginagamit pangbungkal ng halaman.
___ 4. Ang asarol ay ginagamit pandukal sa lupa.
___ 5. Ang piko naman ay ginagamit upang hukayin at durugin ang lupa.

Tuklasin

2.1 Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga


halamang ornamental.

Pagsasanay Blg. 1
Manonood ng isang video tungkol sa wastong pag-aani/ pagsasapamilihan ng
mga halamang ornamental.

Suriin

Talakayin ang napanood na video sa paraan sa wastong pag-aani/


pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental.
Gawing gabay sa pagtatalakay ang sumusunod na mga katanungan.
1. Ano-ano ang mga palatandaan o anong panahon maaari ng anihin ang mga
halamang ornamental?
2. Ano-ano kaya ang tamang paraan sa pag –aani nito?
3. Ano-ano ang mga palatandaan na ang mga halamang ornamental ay maaari ng
anihin?
4. Bakit kailangang anihin?

PAG-AANI AT PAGSASAPAMILIHAN NG HALAMANG ORNAMENTAL


Ang pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental ay isang gawaing dapat
alam ng mga mag-aaral. Dapat malaman kung kalian maaari ng ipagbili ang
halamang ornamental. Iba’t iba ang mga pagkakakilanlan sa mga halamang maaari
ng ipagbili. Kaya sa araling ito, inaasahang magkakaroon ka ng magandang ideya
sa pagsasapamilihan.
Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-aani sa pagsasapamilihan
sa mga halamng ornamental. Dapat ding alamin ang mga halamang madaling
maipagbili.
Pamamaraan sa wastong pag-ani:
1. Tiyakin na walang ligaw na halaman gaya ng mga damo na tutubo sa kamang
taniman.
2. Kapag malaki-laki na ang mga punla bungkalin nang marahan ang paligid ng
halaman upang makahinga ang mga ugat nito at lumaki agad.
3. Maaari ng ipagbili ang mga halamang ornamental kung ito ay namumulaklak na.

Mga Pamantayan sa Pagsasapamilihan


• Alamin ang mga halamang madaling maipagbili.
• Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay ibinatay sa
kanilang laki, uri, at haba ng pag-aalaga.
• Ipinagbibili ang halamang ornamental nang nakapaso o nakaplastic at
minsan naisatangkay.
• Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang malaman kung kumikita
o nalulugi ang paghahalaman.

Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:

A. Gawin ang mga sumusunod. Bumisita sa iba’t ibang halamanan. Magmasid at


magtala ng mga pagkakaiba ng halaga o presyo ng ornamental na halaman.
Magtanong sa naghahalaman kung bakit magkakaiba ang mga presyo ng halaman.

Mga Halaga / Presyo


Halamang
Ornamental Nakapaso 1 dosena 1 bugkos / tali 1 tangkay

1.

2.

3.

4.

5.
Pagyamanin 1
B. Isulat sa sagutang papel ang titik T kung tama ang ipinahihiwatig ng
pangungusap at M kung mali ang pangungusap.
_____ 1. Ang pag-aani ng halamang ornamental ay ayon sa panahon ng mga
selebrasyon.
_____ 2. Kailangan malusog na ang halaman bago anihin.
_____ 3. Ilagay lamang kung saan-saan ang inaning halaman.
_____ 4. Dapat ay mayroong tamang sukat sa pagpuputol sa mga halamang
ornamental.
_____ 5. Mas maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang mga ito.

Suriin
2.1 Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga
halamang ornamental.

Plano sa Pagbebenta ng Halamang Ornamental


Sa bawat Gawain, kailangan ang masusing pagpaplano ng mga ito.
Nararapat na nakatala ang mga layunin, kagamitan at tiyak na mga hakbang upang
maging gabay sa paggawa kung ito’y masusunod nang wasto. Ito ay upang
makatiyak na magiging matagumpay ang proyekto at gawain.
Ang plano ng Gawain ay isang mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak
na magiging matagumpay ang gawain.
Gumuwa ng isang payak na plano ng proyekto gamit ang nasa itaas na hakbang.

Mga Gawain sa Tindahan


Pagtitinda— isang sining na ngangailangn ng sapat na talino, kasanayan, tiyaga,
pag-unawa at pagtitimpi sa mga mamimili at higit sa lahat sapat na
kaalaman ng mga bilihin o produktong nais ipagbili.

- isang pakikipagsaplaran na nangangailangan ng lakas ng loob sa


mga suliraning maaring harapin.
- nangangailangan ng kaaya-ayang pag uugali at kawilihan. Ipanatag
ang loob at maging maganda ang pananaw sa gawain.
Dahil sa hindi inaasahang pagkalugi o pagbagsak ng negosyo , ang ganitong
pangyayari ay maaring maganap kung ang nagpapatakbo ay:
1. kulang ang kaalaman tungkol sa wastong pagpapatakbo.
2. mahina ang loob.
3. sariling kapakanan lamang ang iniisip .
4. mainipin at ang nais ay mabilis ang pag-unlad .
5. walang pagpaplanong ginawa.

Mga gawaing pangtindahan na dapat gawin upang maging maayos at


matagumpay ang pagtitinda:

1. Linising mabuti ang loob at labas ng tindahan. Walisan ang paligid nito upang
makahikayat ng mas maraming mamimili. Maglaan ng basurahan kung saan
itatapon ang mga kalat.
2. Panatilihing may sapat na liwanag at bentilasyon ang tindahan. Nakahihikayat ng
maraming mamimili ang maliwalas at maliwanag na tindahan.
3. Markahan ang mga paninda upang matiyak kaagad ang presyo ng mga ito.
4. Mag-ingat sa pagkukwenta at pagbibigay ng sukli upang hindi ito lumabis o
magkulang.
5. Makitungo nang mahusay, matapat, at pantay-pantay sa lahat ng mamimili.
6. Sikaping magdulot ng pinakamataas na uri ng paninda sa pinakamababang
halaga.

Wastong Paraan sa Pagtitinda


1. Panatilihing malusog ang pangangatawan at malinis na pananamit upang
magampanan nang maayos ang mga tungkulin sa tindahan.
2. Salubungin nang maayos ang mga mamimili. Ang pagbati tulad ng ―Magandang
umaga po. Maari po ba kayong matulungan?‖, ay nakakatulong upang
magkaroon ng mabuting pakikitungo ang tindera sa mga mamimili.
3. Ganyakin ang mamimili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang
impormasyon tungkol sa paninda. Kung kinakailangan, ipaliwanag kung paano
ito pangangalagaan.
4. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili. Kausapin sila nang
nakangiti at may masayang mukha. Laging pasalamatan ang mga mamimili
upang bumalik silang muli.
5. Magpamalas ng karapatan sa pagtinda. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
upang maiwasan ang maling pagsusukli. Ilagay sa ayos ang pagpepresyo ng mga
paninda upang maiwasan ang pagkalugi o labis na pagpapatubo. Maging
matapat sa pagbibilang, paghahambing, at pagsusukat ng mga panindang
ipinagbibili.
Pagyamanin 2

A. Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod sa pamamagitan ng paglala-


gay ng titik T kung tama ang sinasabi at M kung mali.

_______ 1. Mainam na isipin sa pagpaplano kung saan, kalian, at paano maibebenta


ang mga produkto.
_______ 2. Kailangang nasusunod ang mga hakbang sa ginagawang plano.

_______ 3. Kailangan magbenta ng magbenta habang may bumibili.


_______ 4. Nararapat na isaalang-alang ang panahon kung kailan maaaring magbenta
ng mga produkto.
_______ 5. Dapat isama sa pagpaplano ang kagamitang gagamitin.

B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa palagay mo kailangan bang magplano sa pagbebenta ng hala


mang ornamental? Bakit?

________________________________________________

________________________________________________
________________________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat isalang-alang sa pagpaplano?


________________________________________________

________________________________________________
________________________________________________
Suriin 3
2.1 Naisasagawa ang wastong pag-aani/pagsasapamilihan ng mga
halamang ornamental.

May dalawang paraan ng pagbebenta ng mga halamang ornamental. Ito ay ang


pakyawan kung saan ang halaman ay binibili ng maramihan. Ang isa naman ay
tuwirang pagbibili sa tingiang paraan. Ang mga halaman ay binibili ng paisa-isa ng
namimili. Ang tuwirang pagbibili ang karaniwang ginagamit ng mga maliit na
naghahalaman.
Sa pagtitinda o pagbebenta ng mga halamang ornamental ay may mga gabay na
dapat sundin maging malakihan o maliitan ang gagawing pagbebenta. Dapat
magbayad ng kaukulang buwis at kumuha ng lisensiya o pahintulot sa pagtitinda.
Kailangan ding panatilihin ang kalinisan sa lugar na pinagtitindahan.
Mahusay na Pagbebenta ng Halamang Ornamental
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di-
namumulaklak, may mga palatandaan na titingnan kung ito ay maaari nang ipagbili.
Kadalasan, ang mga ito ay mataas, malalago at magaganda ang mga dahon. Ang
tamang pagkuha ng mga bulaklak ay kung ito ay malapit nang bumuka at
bumukadkad. Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali sa isang malilim na lugar. Ang
paglalagay sa mga timba na may tubig na malinis ay nagpapatanggal ng kanilang
kasariwaan.
Ang mga orchids mula sa Davao ay inilalagay sa kahon upang mapanatiling sariwa
at hindi malagas ang mga bulaklak. Ang mga halamang ornamental ay hinahanay sa
narseri ayon sa pangangailangan ng sikat ng araw. May mga halamang ornamental
na nangangailangan ng sikat ng araw kaya ito ay inilalagay sa lugar na nasisikatan
ng araw. Samantalang ang mga halamang hindi nangangailangan ay inilalagay
naman sa medyo malilim na lugar (partial shade).
Maayos na Pagtitinda
Mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na nagtitinda:
1. Sikaping maging malinis at maayos upang maipakitang maganda ang mga
paninda.
2. Maging mapagpasensya sa pakikitungo sa iba’t ibang uri ng mamimili. Kung
maraming hinahanap at tinatanong ang mga mamimili, dapat na maging
matiyaga at mapamaraan ang nagtitinda sa pagtugon sa kanilang mga
pangangailangan.
3. Maging magiliw at masayahin sa pakikipag– usap at paglilingkod sa mga mamimili
sa lahat ng oras upang sila’y mawili sa pagtangkilik sa iyong tindahan. Ang
magaling na nagtitinda ay marunong bumati at magpasalamat sa mamimili
marami man o kaunti ang kaniyang binili.
4. Tiyakin na maayos ang pagkukuwenta at pagsusukli. Kapag nagbibigay ng resibo,
ilagay ang tamang dami at halaga ng panindang binili.
Pagsasaayos ng mga Paninda
1. Paghahalayhay ng Paninda
Madaling maakit ang mga mamimili kapag maayos at wasto ang pagkakalantad ng
mga paninda. May mga gabay na dapat sundin sa pangkalahatang kaayusan ng mga
paninda ng hinahanap ng mamimili. Madali rin ang pagtitinda kapag isasaayos nang
pantay-pantay at madaling basahin ang mga presyo ng mga paninda upang hindi
mag-aksaya ng oras sa pagtatanong. Kailangan ding makasining, makulay at
makatawag-pansin ang pamamaraan ng pag-aayos nang sa ganoon ay maganyak
ang mga mamimili sa inyong tindahan.
2. Pagmamarka ng Paninda
Kapag tayo’y namimili sa tindahan, nais nating malaman kaagad ang presyo ng
panindang nais natin, kaya mahalaga ang pagmamarka ng mga paninda. Ang
dalawang paraan ng pagmamarka ay maaaring isulat sa isang kapirasong karton o
papel ang presyo na ikinakabit sa paninda nang nakatali, nakabitin o nakadikit. Ang
tuwirang pagmamarka ay pagsusulat ng presyo sa mismong paninda. Ang mga
katangian ng wasto at maayos na pagmamarka ay malinaw, tama ang presyo, at
malinis tingnan.
3. Pagkuwenta ng Paninda
Upang malaman ang ilalagay na presyo sa bawat paninda, kailangan kuwentahing
mabuti ang nararapat na halaga upang hindi malugi. Narito ang pormula sa
pagkukuwenta ang halaga ng isang paninda na maaring sundin.
A. Pesos ……………….Puhunan

X ……………….15% idagdag sa puhunan

Presyong pantinda
Halimbawa:
Santan = 4.00 pesos puhunan
X .15

2000

400
.6000 o .60

4.00 pesos
+.60

4.60 pesos presyong paninda pantinda


B. Kuwentahin ang halaga ng paninda na ginagamit ang sumusunod na
pormula:
Pesos ……... Puhunan
X 15% ……. idagdag sa puhunan

Presyong pantinda = puhunan + 15%

Puhunan Presyong Pantinda


1. 5.00 pesos

2. 10.50 pesos

3. 15.00 pesos

4. 18.50 pesos
5. 25.00 pesos

C. Pormula sa Pagkuha Kabuuang Tubo


Pinagbilhan — Puhunan = Kabuuang Tubo

Halimbawa:
1,203.40 ………………. Halaga ng pinagbilhan

- 1,041.50 ……………… Puhunan

161.90 ……………... Kabuuang tubo

Pormula sa Netong Tubo

Kabuuang tubo — Mga gastos = Netong Tubo


Halimbawa:

161.90 ……………. Kabuuang Tubo


- 5.00 …………… (pasahe, pambalot)

156.90 …………... Netong tubo


D. Gamitin ang mga sumusunod na pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo at
netong tubo.
Pinagbilhan — Puhunan = Kabuuang tubo
Kabuuang tubo — Mga gastos = Netong tubo

Pinagbilhan Puhunan Kabuuang Tubo Mga gastos Netong Tubo


(Php) (Php) (Php) (Php)
1. 860.00 720.00 4.00

2. 550.00 415.00 8.00

3. 995.00 785.00 5.00

4. 775.00 490.00 10.00

5. 678.00 512.00 4.50

Paninda Dami Puhunan Kabuuang Halaga ng Dami ng Puhunan Kabuuang Dami


ng isa Puhunan Paninda napagbili na halaga ng
(bawat Naipagbibili ng natira
isa) Naipagbili

Santan 10 Php10.25 Php102.50 Php11.80 8 82.00


paso
Rose 20 Php5.75 Php115.00 Php6.60 15 86.25
paso
Palmera 10 Php16.00 Php160.00 Php18.90 10 160.00
paso
Fern 15 Php16.50 Php165.00 Php19.00 8 132.00
paso
Sampagui- 15 Php38.75 Php44.60 Php44.60 15 581.25
ta paso
Kabuuan Php1,123.75 Php1,041
.50
4. Pag-iimbentaryo ng mga Paninda
Ang isang mahalagang gawain ng isang may-ari ng tindahan ay ang
pagimbentaryo. Ito ay ang pagtatala ng mga pinamili, naipagbili, at natirang paninda.
Dito malalaman kung kumita o nalugi ang itinayong tingiang tindahan. Mahalaga ang
pag-iimbentaryo sapagkat dito mababatid kung maayos ang pamamahala ng isang
tindahan. Bukod sa malalaman ang tiyak na tinubo at natitira pang paninda,
matutukoy rin kung ano-anong paninda ang mabilis maubos.
Ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagiging maunlad ang ibang
namamahala ng tingiang tindahan ay ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa
pagiimbentaryo. Kung hindi nag-iimbentaryo ang isang may-ari ng tindahan,hindi
niya malalaman kung siya ay nawawalan ng paninda at hindi masusukat o
makukuwenta kung magkano ang kaniyang kinikita. Higit na kailangan ito lalong-lalo
na ng mga may-ari ng tindahan na nangungupahan lamang ng mga tauhan.
Mahalaga sa namamahala ng isang tingiang tindahan ang pag-iimbentaryo na
maaring gawin minsan sa isang buwan kung nais malaman ang kinita. Ito’y
nakatutulong upang maging batayan kung nais palakasin o dagdagan pa ang mga
paninda. Mayroon pormula sa pagkukuwenta ng kabuuang tubo. Gamitin ang
pormulang ito sa pagiimbentaryo.

Pagyamanin 3
A. Lagyan ng M kung tama ang pangungusap at T kung mali ito.

_______ 1. Mayroon tayong dalawang paraan ng pagbebenta, tingian, at pakyawan.

_______ 2. Kailangang aakit-akit ang mga paninda mo.

_______ 3. Ang nagtitinda ay marunong makisama sa mga mamimili.

_______ 4. Dapat isa alang-alang ang panahon, mga okasyon, at lugar na


pagtitindahan .

_______ 5. Ang nagtitinda ay may kaukulang tungkulin tulad ng pagkuha ng lisensiya


o magbayad ng kaukulang buwis.

B. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Bakit kailangan isaalang alang ang lugar at panahon sa pagtitinda ng


halamang ornamental? (5 puntos)

2. Ano-ano ang mga dapat isa alang alang, mga paraan at mga alituntunin
ng pagbebenta ng isang produkto? (5 puntos)
Isaisip
Bilang pagbubuod, sagutin ang sumusunod na mga katanungan tungkol sa
mga aralin na naitalakay.
1. Ano-ano ang mga masistemang pamamaraan sa pagbebenta ng mga
halaman ornamental? Nararapat ba itong sundin?

2. Ano –ano ang mga paraan sa pag-aayos ng mga paninda?

3. Bakit kailangang sundin ang mga paraan sa pagbebenta ng mga


halaman ornamental?

Isagawa
Pumunta sa isang tindahan ng mga halamang ornamental at itanong sa
may-ari ang mga sumusunod:
A. Saan nakuha ang mga halamang ornamental?

Pumili ng isang halamang ornamental itanong ang sumusunod:


B. Magkano ang kuha or bili ng halamang ornamental na ito?
C. Magkano nya pinagbibili ang halamang ornamental?

D. Kuwentahin ang puhunan at ang tubo batay sa mga nakuhang


impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng wastong pamamaraan sa
pagkuwenta nito.

Tayahin
A. Isulat sa patlang ang paraan ng paglalagay ng abono sa mga halaman.
Piliin ang sagot mula sa kahon.

Pag-iimbentaryo ng paninda Tingian

Pakyawan Halamang Ornamental


Tiyak na mga hakbang

__________ 1. Pagtatala ng mga pinamili, naipagbili at natirang paninda.


__________ 2. Ito ay pagbili ng maramihan.
__________ 3. Ito ay pagbili ng kaunti.
__________ 4. Ito ay pinagbibili na namumulaklak dahil nakakaakit ito ng mga
mamimili.
__________ 5. Mga gabay ito upang matiyak na maisakatuparan ang mga
plano.

B. Sagutin ang tanong gamit ang sariling mga salita batay sa mga natutunan.
(5 puntos)

Bakit mahalaga sa mga nagtitinda ang pag-iimbentaryo?

Karagdagang Gawain
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano-ano ang mga hakbang sa pag-aani ng halamang ornamental?

2. Bakit kailangang may gabay sa pagbebenta ng mga halamang ornamental?

3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbebenta ng halamang or


namental?
References

Pamamaraan sa wastong pag-ani


https://www.google.com/search?
q=pag+aani+ng+halamang+ornamental&tbm=isch&ved=2ahUKEwjbjPWk4ZvqAhUJWpQKHXJJC14Q2cCegQIA
BAA&oq=pag+aani+ng+halamang+ornamental&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQBxAeMgQIABAYUO
eoSljnqEpgzqpKaABwAHgAgAFfiAFfkgEBMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ifbzXpukJY
m00QTykq3wBQ&bih=657&biw=1366#imgrc=cHUHcowUXvSk5M

https://www.google.com/search?
q=pag+aani+ng+halamang+ornamental&tbm=isch&ved=2ahUKEwjbjPWk4ZvqAhUJWpQKHXJJC14Q2cCegQIA
BAA&oq=pag+aani+ng+halamang+ornamental&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQBxAeMgQIABAYUO
eoSljnqEpgzqpKaABwAHgAgAFfiAFfkgEBMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=ifbzXpukJY
m00QTykq3wBQ&bih=657&biw=1366#imgrc=p_bV_GwIRYJagM

Image Sources
Page URL
18 http://clipart-library.com/clipart/1445509.htm
18 http://www.clker.com/cliparts/a/

18 http://clipart-library.com/clipart/kc8nxkEMi.htm
18 http://clipart-library.com/clipart/259801.htm
18 http://clipart-library.com/clipart/25303.htm

You might also like