You are on page 1of 15

EDUKASYONG PANTAHANAN

AT PANGKABUHAYAN 5
QUARTER 1 – WEEK 2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa patlang
ang titik ng
tamang sagot.
_____ 1. Isang indibidwal na nagsasagawa ng isang negosyo.
a. entrepreneur b. marketer c. producer d. trader
_____ 2. Paano ibinebenta ang natatanging produkto?
a. Hinahayaang hindi masuri ng inspektor ng kalusugan ang paninda.
b. Pagsuway sa pamantayang pangkalusugan ang mga nagtitinda.
c. Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda.
d. Hinahayaang walang mga takip ang pinaglalagyan ng paninda.
_____ 3. Paano masasabing natatanging paninda ang iyong produkto?
a. Kapag ito ay binabalik-balikan ng mga mamimili.
b. Kapag kilala ito sa inyong lugar.
c. Masarap at malinis ang pagkakagawa o pagkakaluto.
d. Lahat ng nabanggit.
_____ 4. Ang mga sumusunod ay pamamaraan ng pagbebenta ng puto
at
bibingka, alin ang hindi naangkop?
a. Ipinagbibili ng per bilao o per piraso.
b. Inilalagay sa isang tray per kilo.
c. Inilalagay sa malinis na bilao na may takip.
d. Ibinibenta ng palako o sa pwesto.
____ 5. Ang sumusuri sa mga paninda at
pinaglulutuan nito.
a. Inspektor ng Pulisya
b. Inspektor ng Lupa
c. Inspektor ng Kalusugan
d. Inspektor ng Sasakyan
Ano-anong mga negosyo ang maaaring mapagkakitaan sa
tahanan at pamayanan. Kilalanin ang mga larawan .
Ang Baguio ay kilala sa tawag na “Summer Capital of the Philippines”, dahil sa
malamig na klima, magagandang pasyalan tulad ng Burham Park, Botanical
Garden, The Mansion, iba’t ibang kultura at hindi mawawala ang masasarap na
pagkain. Bago umuwi, hindi nakakalimutan ang pagbili sa Baguio Public
Market ng mga bagong pitas na gulay tulad Red Cabbage at local na Blueberry.
Hindi kumpleto ang trip mo sa Baguio kung wala kang dalang Strawberry, na
sikat dito. Matatagpuan ang taniman sa La Trinidad, Benguet.

Paano nga ba ibinebenta o masisigurong mabibili ang mga natatanging


produkto katulad ng strawberry, ube jam at peanut brittle? Basahin ang mga
paalala upang masigurado na maibebenta ang mga natatanging paninda.
A. Pamamahala ng mga Produkto

1. Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda.


2. Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto.
3. Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang hindi malugi.
B. Pag-iingat sa Ipinagbibiling Produkto

1. Malinis at maayos ang pagkaluto.


2. Malinis at may takip ang pinaglalagyan.
3. Nasuri ng Inspektor ng Kalusugan ang pinaglulutuan at mga
paninda.
4. Nakasusunod sa pamantayang pangkalusugan ang mga tindero at
tindera.
Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Paraan ng
Pagbebenta ng Produkto
Naririto ang ilan sa mga natatanging paninda sa ating
bansa na tinatangkilik at binabalik-balikan maging ng
mga turista.
Isulat sa patlang ang salitang tama kung ang isinasaad sa pangungusap ay wasto at mali
kung hindi wasto.

_______ 1. Panatilihing may mataas na kalidad ang natatanging


produktong ibebenta.
_______2. Ipresenta ang mga paninda nang maayos maaaring isahan o maramihan
_______ 3. Hinahayaang hindi masuri ng Inspektor ng Kalusugan ang
paninda at pinaglulutuan nito.
_______ 4. Sinusuway ng mga tindero ang mga pamantayang pangkalusugan.
_______ 5. Palaging alamin ang mga pangkasalukayang presyo o halaga
upang hindi malugi
Mahalagang maunawaan at matandaan ang mga pamamaraan at pamantayan
sa pagbebenta ng natatanging paninda upang matiyak na magiging patok ito
sa mga mamimili. Kapag sinabing patok, ang iyong paninda ay babalik-
balikan at tatangkilikin ng mga kostumer. Makasisiguro rin na magkakaroon
ng kita at hindi malulugi ang iyong negosyo.
1. Ano-ano ang mga panindang nasa talaan?
2. Paano ipinipresenta ang mga panindang ito?
3. Paano ipinagbibili ang mga ito?
4. Magkano mabibili ang bawat isa ng natatanging paninda?
5. Kung ikaw ang tindero o tindera ng mga natatanging paninda, paano
mo
ibebenta ang mga ito? Anong pamamaraan ang iyong gagawin upang
masiguro
mong mabibili at mauubos ito

You might also like