You are on page 1of 8

Ang mga Taong Nangangailangan

ng Angkop na Produkto at Serbisyo

Subukin Natin

Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad sa bawat


pangungusap.

1. Ang sari-sari store ay isang negosyong


nag-aalok ng produkto.

2. Nagbibigay ng gupit sa lalaki ang vulcanizing shop.


3. Ang resort ay isang uri ng negosyong
pantahanan at pampamayanan.

4. Ang pagtatayo ng karinderya ay


kailanman hindi maituturing na
negosyo sa tahanan.

5. Ang Home Carpentry ay ang


pagkukumpuni ng mga sirang kable ng
mga gamit sa bahay.

1
Aralin Natin

Magaling ka bang manghula? Kaya mo bang hulaan kung sino ang


tinutukoy sa sumusunod na talata?

Ordinaryong tao lamang ako, may mga pangangailangang materyal sa


buhay. Hanap ko’y serbisyo at produkto na makasasagot sa aking
pangangailangan. Kapag iyong matugunan, ikaw ay pasasalamatan
magpakailanman.
Sino ako?

Photo Credits: Sheryl Ann Fandialan

Nasagot mo ba? Kung kostumer ang sagot mo, tama ka! Ikaw ay isang
kostumer din, hindi ba? Bilang isang kostumer o konsyumer, ano ang mga
inaasahan mo sa isang produkto o serbisyo? Ito ay ilan lamang sa mga tanong
na mabigyan ng kasagutan matapos mong mapag aralan ang aralin na ito.

Konsyumer, sino ka?


Ang konsyumer o mamimili ay tumutukoy sa mga taong bumibili at
gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan. Ang mga produkto at serbisyo
na mula sa mga enterpreneur ay siyang nakapagbibigay ng malaking
kaginhawaan sa mga kustomer nito. Pabago-bago rin ang ginawang
estratehiya ng mga negosyante sa pagbebenta ng kanilang produkto at
serbisyong iniaalok sa bawat mamamayang nangangailangan at
tumatangkilik nito. Bilang isang matalinong konsyumer kailangang alamin
ang mga produkto at nagbibigay serbisyo na may mataas na kalidad upang
maipagpapatuloy ang matiwasay na pang-araw-araw na pamumuhay.

2
Tingnan at pag-aaral ang tsart. Kilalanin natin ang mga
konsyumer o kustomer na nangangailangan nang angkop na produkto
at serbisyo.

Mga Taong Kilangang Produkto Kailangang Serbisyo


nangangailangan/
konsyumer
sanggol bitamina, paggagamot ng
gatas,lampin o Pediatrician o doktor para
diaper,bitamina,mak sa kalusugan
ukulay na laruan,
malambot na
higaan,at damit
pambata
masustansiyang Paggagamot ng
pagkain,bitamina,da Obstetrician o doktor
mit pambuntis,sapin para sa kalusugan
sa paa, at malambot
na upuan at higaan

buntis
bitamina,gamot Doktor para sa
,masustan-siyang kalusugan,
pagkain,malinis na tagapangalaga /nars
damit, maayos na
tirahan, maayos na
paglilibangan

Matanda
Gamot,bitamina,ma- doktor,
sustansiyang tagapangalaga/nars
pagkain,maayos na
tirahan

may sakit

3
bitamina,kagamitang Tagapagturo ng sayaw,
panlaro,kasuotang sports o coach
panlaro,masustan-
siyang pagkain, damit
na malinis, malinis na
tirahan, gadget gamit
sa paaralan,
makabuluhang aklat,
maayos na
palibangan
teenager

Mula sa halimbawa na nailahad sa itaas masasabi natin na ang bawat


tao ay may kani-kaniyang pangangailangan na angkop sa kanilang edad,
kalagayan, kalusugan, hanapbuhay o gawain at kasarian upang
makapamuhay ng matiwasay sa araw-araw.

Mga Katangian ng Isang Mamimili

Bilang isang mamimili, dapat natin isaisip ang mga natatanging


katangiang nararapat na taglayin ng bawat isa sa atin tulad ng sumusunod:

a. Mapanuri- ito ay ang masusing namimili sa mga pagpipiliang produkto


at serbisyo.Tiyakin lagi na tinitingnan ng mabuti ang mga sangkap,
presyo at kalidad ng inaalok na produkto.
b. May Alternatibo- ibig sabihin nito ay marunong tayong humanap ng
panghaliling produkto na makatutugon din sa pangangailangan.
c. Hindi Nagpapadaya- Kailangan ay laging alerto at laging handa ang
mamimili.
d. Makatwiran- Pagsasaalang-alang ng presyo at kalidad ng isang bagay.
Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili ng produkto.
e. Sumusunod sa Badyet- Hindi nagpapadala sa popularidad ng isang
produkto. Marunong manimbang kong ito bang produkto o serbisyo ay
talagang kailanganin.
f. Hindi nagpapanic buying -Kung bibili ng mga produkto dapat bilhin
lang ang kakailanganin upang hindi masira at magbigay daan sa ibang
mamimili.
g. Hindi nagpapadala sa anunsyo- ang kalidad dapat ang tinitingnan
hindi ang kagandahan ng pag-aanusyo. Huwag padadala sa endorser,
sino man ito.

4
Mga Karapatan ng Konsyumer o Mamimili

Isaisip ang mga iba’t ibang karapatan ng isang konsyumer at laging


tandaan ang mga sumusunod:

❖ Karapatan sa pagpili- meron tayong kasabihan sa ingles na “The


costumer is always right”. Karapatan sa tamang impormasyon-
pagbigay ng wastong kaalaman sa tamang impormasyon.
❖ Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan-
pagkakamit ng pangunahing kalakal sa mura at maayos na kalidad.
❖ Karapatan na magtamo ng kaligtasan- Karapatan ng mga mamimili na
mabigyan ng katiyakang ligtas ang binibiling produkto. Makikita ito sa
pamamagitan ng mga logo sa mga binebentang produkto na
nangangahulugang dumaan sa tamang pagsusuri ng DTI (Department
of Trade) at masisigurong ligtas itong gamitin.
❖ Karapantang dinggin- Ang mga konsyumer ay kailangang makatiyak sa
kanyang kapakanan patungkol sa paggawa at pagpapatupad ng
anumang patakaran ng pamahalaan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng
public hearing o pampublikong pagdinig upang pakinggan ang mga
opinion at mungkahi ng publiko.
❖ Karapatan sa kapabayaan at kapinsalaan- Ang mamimili ay mayroon
ding karapatan na bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na
mula sa produkto na binili kahit ito man ay sa pagkakamali, kapabayaan
o may masamang hangarin.

Mga Batas Na Nagbibigay Proteksiyon Sa Mamimili

Mahalagang malaman ng isang batang katulad mo ang iba’t ibang batas


nagbibigay proteksiyon ng isang mamimili:

➢ Consumer Act of the Philippines- Ito ay ang Republic Act 7394,


kilalang batas na nangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili.
➢ Revised Penal Code- pagbabawal sa panggagaya ng tatak, at
itsura ng isang produkto.
➢ Civil Code of the Philippines- pananagutan ng prodyuser na
panatilihin ang kaligtasan ng mamimili.
➢ Batas sa Price Tag- dapat maglagay ng tag sa mga bilihin.

Alam Mo Ba?
Yaman ng isang bansa ang tao. Sapagkat ito ang tagapangalaga sa lahat
ng likas yaman na biyaya ng maykapal ito man ay may buhay o wala. Marami
ang pangangailangan ng isang tao upang magkaroon ng maginhawa,

5
matiwasay at masayang pamumuhay. Sakatunayan, mayroong iba’t ibang
produkto at serbisyong naimbento at talagang tinangkilik ng nakararami at
naging matagumpay na negosyo. Kilalanin natin ang ilan sa mga taong
tumutugon sa pangangailangan ng bawat mamamayang Pilipino sa araw-
araw.

Mga Halimbawa ng Taong Nagbibigay Produkto


Magsasaka Nagsasaka ng mga pagkain gaya ng palay, mga gulay,
prutas at iba pa.

Nanghuhuli ng mga pagkaing dagat tulad ng hipon,


Mangingisda pusit at iba pa.

Gumagawa ng mga produktong gawa sa harina gaya


Panadero ng tinapay, keyk at iba pa.

Nagmimina ng yamang mineral tulad ng ginto, pilak,


Minero bronse at iba pa upang gawing alahas, palamuti at
materyales sa paggawa ng bahay at iba pang gusali.

Larawan ng iba pang halimbawa ng mga taong nagbibigay produkto.

Photo Credits: Sheryl Ann Fandialan Photo Credits: Sheryl Ann Fandialan Photo Credits: Sheryl Ann Fandialan
pagbababuyan sari-sari store pagbebenta ng durian

Mga Halimbawa ng Tao na Nagbibigay ng Serbisyo

Manikurista taong naglilinis ng kuko sa kamay at paa.

Karpintero tagagawa at tagakumpuni ng bahay o gusali.

Nars tagapangalaga sa may sakit.


Barbero taga gupit ng buhok.

6
Larawan ng iba pang halimbawa ng mga taong nagbibigay serbisyo:
Photo Credits: Sheryl Ann Fandialan

pulis guro dentista

Gawin Natin

A. Tukuyin kung sino ang taong nagangailangan ng produkto at serbisyo


sa mga sumusunod na sitwasyon. Pumili ng titik ng wastong sagot at
isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. “Matibay, murang lapis at magandang papel” sinong mamimili ako?
a. Pasyente c. sanggol
b. mag-aaral d. guro

2. “Masustansiyang pagkain, gatas, bitamina at malinis na boteng


pinagdedehan” ako ay si?
a. mag-aaral c. sanggol
b. guro d. pasyente

3. “Matibay na kasangkapang panlinis ng paaralan aking sandigan upang


ang kalinisan ay makamtan” sino ako?
a. dyanitor c. sanggol
b. mag-aaral d. guro

4. Sino sa mga konsyumer ang tinutukoy nito, “Sapat na gamit panturo


sa paaralan”?
a. Doctor c. guro
b. sanggol d. principal

5. “Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital”.


a. pasyente c. sanggol
b. magsasaka d. nars
7
B. Paghambingin ang hanay A at B. Pagtapatin ang magkatugma. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

A B
1 Vulcanizing Shop a. Pag-ayos ng bahay
2 Home Carpentry b. Pag-ayos ng gulong
3 Tahian ni Aling Josefa c. Pag-ayos ng sirang gamit
sa bahay
4 School Bus Services d. Pananahi ng damit
5 Electrical shop e. Pagsundo at paghatid ng
mga bata sa eskuwelahan

Sanayin Natin

A. Suriin ang sitwasyon at tukuyin kung sino ang taong nangangailangan


ng produkto at serbisyo. Pumili sa loob ng kahon ng salitang angkop
para sa iyong sagot. Isulat ito sa patlang.

Dyanitor Guro Mangingisda Arkitekto Magsasaka

1. Inihahanda ang plano ng bahay, gusali at disenyo ng


konstruksyon.
2. Matibay na kasangkapang panlinis ng opisina.
3. Sapat na patubig, makenarya at mga binhing itatanim.
4. Matibay na sasakyang pandagat, lambat at makabagong
paraan sa panghuli ng isda.
5. Sapat na gamit panturo sa paaralan.

You might also like