You are on page 1of 8

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools


SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
P
P
PAMAMAHALA NG TINGIANG
TINDAHAN

5
Department of Education
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.
GRADE V

PAMAMAHALA NG TINGIANG TINDAHAN

ALAMIN MO

Hi! Tingnan mong mabuti ang larawang ito. Ano ang masasabi
mo? May karanasan ka na ba sa ganitong gawain?

Alam mo, sa modyul na ito, matutukoy mo ang mga gawaing


kaugnay sa pamamahala ng tingiang tindahan. Mahalagang malaman
mo ito. Maaaring isang araw, ikaw na ang may-ari nito.

PAGBALIK-ARALAN MO

Bago mo ipagpatuloy ito, isulat mo muna sa iyong kuwadernong


sagutan ang mga kahalagahan ng ng tingiang tindahan at ang
magiging epekto nito sa mga tao sa pamayanan.

Ang galing mo!

1
PAG-ARALAN MO

Ngayon ay handa ka na sa bago mong aralin. Basahin at


unawain mo ito.

Mga Gawaing Kaugnay sa Pamamahala ng Tingiang Tindahan

Ang pangangasiwa ng tingiang tindahan ay maituturing na isang marangal na


gawain at hanapbuhay. Kailangang malaman ng isang nagbabalak magtayo ng
tingiang tindahan ang mga gawaing kaugnay sa pamamahala nito. Dito nakasalalay
ang ikauunlad ng tingiang tindahan.

1. Paglilinis ng Tindahan

Dapat linising mabuti ang loob at labas ng tindahan para maging


kaayaaya sa mga mamimili.

2. Pamimili ng mga Paninda

Magkaroon ng listahan ng mga bibilhing mga paninda upang makatipid


sa oras, pera at lakas.

3. Pagsusuri ng mga Paninda

Isa-isahin ang mga talaan ng pinamili. Tingnan kung naroong lahat


ang iyong pinamili, walang depekto at tama ang dami. Lagyan ng etiketa o
“tag price” ang mga paninda.

4. Pag-aayos ng mga Paninda

Dapat ayusin ang mga paninda ayon sa uri at laki ng mga ito.
Tandaan mo na malaki ang epekto ng magandang kaayusan ng iyong mga
paninda sa loob ng tindahan tulad ng:

2
a. Magbibigay ito ng kaluwagan at kaginhawahan sa mga suki.
b. Magbibigay ito sa tindahan ng magandang kaanyuang kaakit-akit
pagmasdan.
c. Magsisilbi itong mabisang anunsiyo sa mga paninda.
d. Makatutulong ito upang mabilis na mabili ang mga panindang matutumal o
panindang di mabili.
e. Maraming mamimili ang maaakit na mamili sa tindahan.

5. Pagtitinda

Dapat isabuhay ang lahat ng mga magagandang kaugalian ng isang


mahusay na tindera sa pagtitinda upang umunlad ang iyong tingiang
tindahan.

6. Pag-iimbentaryo

Dapat imbentaryuhin ang mga paninda. Ito’y isang mahalagang


gawain upang mapamahalaan nang maayos ang tindahan. Maaari itong
gawin nang araw-araw, linggu-linggo o buwanan. Makikita sa imbentaryo
kung alin ang mga panindang dapat damihan at kung alin sa mga ito ang
dapat bawasan.

7. Pangangalaga sa mga Kagamitan, Kasangkapan at Paninda sa Tindahan

Di ba makabuluhan ang mga kaalamang ito para sa iyo? Masuwerte ka!

SUBUKIN MO

Ngayon, natamo mo na ang mga kaalaman at kasanayan sa mga


gawaing kaugnay sa pamamahala ng tingiang tindahan. Subukin
mong sagutin ang sumusunod na tanong.

Tukuyin ang mga gawaing kaugnay sa pamamahala ng tingiang tindahan.

Bakit dapat gawin ang mga ito?

Isulat sa kuwadernong sagutan ang iyong kasagutan.

3
TANDAAN MO

May mga kaugnay na gawain na dapat matutuhan,


pagsanayan at sundin kaugnay sa pamamahala ng
tingiang tindahan.

ISAPUSO MO

Sa modyul na ito, anong magandang aral ang napulot mo?

Dapat akong maging malinis sa aking tindahan at maging


masipag sa mga gawain dito upang ako ay magtagumpay,
umunlad at makatulong sa aking kapwa.

GAWIN MO

Ikaw ay may-ari ng isang tingiang tindahan. Upang maging


maayos at matagumpay ang iyong pamamahala, anu-anong
kaugnay na gawain ang dapat mong bigyan ng pansin?

Ipahayag ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga kawikaan.


Isulat ito sa iyong kuwadernong sagutan.

4
PAGTATAYA

Basahin mo ang mga pangungusap o tanong tungkol sa mga


gawaing kaugnay sa pamamahala ng tindahan. Piliin ang
tamang titik ng tamang sagot. Isulat sa iyong kuwadernong
sagutan.
1. Alin sa mga sumusunod na gawain sa pamamahala ng tindahan ang
magbibigay ng damdaming kaginhawaan sa mga mamimili?

a. Pag-aayos ng mga paninda


b. Pag-iimbentaryo ng mga paninda
c. Paglalagay ng “tag price” o etiketa sa mga paninda
d. Pagpapanatiling malinis ang loob at labas ng tindahan

2. Bakit dapat may “tag price” ang mga bilihin ng mga mamimili sa tindahan?
Upang makatipid sa ______.

a. oras c. lakas
b. pera d. oras, pera at lakas

3. Ano ang tawag sa gawaing ito? Paghahambing ng mga panindang binili at


talaan ng pinamili upang malaman kung may nawawalang panindang binili.

a. pagtitinda c. pagsusuri
b. pag-iimbentaryo d. pamimili

4. Anong gawain ang tawag sa pagsasalansan ng mga paninda sa istante ayon


sa uri?

a. pagbibili
b. pagsusuri
c. pag-iimbentaryo
d. pag-aayos ng mga paninda

5
5. Ano ang tawag sa gawain na ang layunin ay malaman kung anong mga
paninda ang mabili, kung alin ang matumal at kung magkano ang halaga ng
paninda?

a. pagsusuri
b. pag-iimbentaryo
c. pagbibili
d. pagtitinda

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo na
ngayong simulan ang susunod na modyul.

You might also like