You are on page 1of 3

Reviewer TLE 6 (2nd Quarter)

Pangalan: _______________________________________________________________
I. Basahing mabuti at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang patlang.

_____ 1. Kilala bilang isang recreational activity at marami ang may kakayahan nito.
A. Gardening B. Landscaping C. Drawing
_____ 2. Nais ni Joren na ayusin at pagandahin ang kanilang hardin upang maging mas kaakit-akit itong tignan. Ano ang
tawag sa kanyang gagawin?
A. Hand making B. Gardening C. Landscaping
_____ 3. Sa paghahanda ng lupang pagtataniman, alin sa mga sumusunod ang mga dapat isaalang-alang?
A. Uri ng lupang pagtataniman
B. Lugar na nasisikatan ng kaunting araw
C. Lokasyon ng pagtataniman na matubig
_____ 4. Upang hindi kaagad masira ang inaning gulay ni Maria, ano ang dapat niyang gawin?
A. Ibenta kaagad ito sa murang halaga
B. Pumili ng wastong lalagyan para sa produkto
C. Ipautang na lang ito
_____ 5. Nag-ani si Teddy ng mga malalambot at madaling mapisang bunga, upang hindi ito kaagad mapisa o
di kaya masira saan niya dapat ito ilagay?
A. sa gitna B. sa ibabaw C. sa ilalim
_____ 6. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?
A. dagdag na gastos lamang ito
B. ito ay dagdag na gawain
C. ito ay nakakalibang at dagdag na kita
_____ 7. Nagtitinda si Oscar ng mga gulay na hindi pa kilala ng karamihan. Ano ang pwede niyang gawin upang ito ay
makilala ng mga mamimili?
A. Ipabalita sa TV B. Lagyan ng label C. Gumawa ng anunsyo
_____ 8. Ito ay halagang pambayad sa isang tiyak na dami at uri ng isang kalakal o paglilingkod.
A. Produkto B. Pamahalaan C. Presyo
_____ 9. Ano ang dapat isaalang alang kapag tayo ay nagtitinda sa palengke ng mga inahing gulay?
A. Mga salik sa pagtatakda ng presyo
B. Talaan ng kita
C. Tubo
_____ 10. Ang pag-aalaga ng hayop ay dapat pagtuunan ng sapat na panahon at oras upang maging matagumpay. Alin
sa mga sumusunod ang hindi kabilang.
A. Karagdagang kita B. Karagdagang pagod C. karagdagang pagkain
_____ 11. Nakapagbibigay ng karagdagang kaalaman ang pag-aalaga ng hayop at naktutulong din ito sa pag-unlad ng
ating ________ ng bansa.
A. Kultura B. Edukasyon C. Economiya
_____ 12. Ang pagpapakain ng alagang hayop ay kinakailangang _______ para hindi ito masayang o maaksaya.
A. Paunti-unti B. Sobra C. Kulang
II. Basahin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang TAMA o Mali sa wastong pag-aayos, pagprepresyo, at
pagsasapamilihan ng mga produkto.
_____ 13. Ingatan ang pagdadala ng mga produkto sa pamilihan.
_____ 14. Lagyan ng presyong umiiral sa pamilihan o ayon sa pamahalaan.
_____ 15. Nakatutulong ang paglalagay ng magulong etiketa sa mga produktong hindi pa kilala sa pamilihan.
_____ 16. Kaakit-akit dapat ang lalagyan para sa mga produkto.
_____ 17. Ang kalinisan ng mga produkto ay mahalaga. Dapat punasan at tanggalin ang mga nakakapit na dumi.
_____ 18. Ang pagprepresyo ay dapat naayon sa nakakarami sa pamilihan.
_____ 19. Ang presyo ay hindi dapat taasan kung ito ay kinakailangan ng karamihan.
_____ 20. Ang pagprepresyo ay batay sa presyong itinakda ng pamilihan.
_____ 21. Kailangang iwasan ang madalas na paghawak ng produkto para hindi ito malamog.
_____ 22. Dapat maayos ang pagsalansan ng mga produkto para mapanatili ang kalidad ng mga ito.
_____ 23. Kailangang lagyan ng pangalan o wastong etiketa ang mga produkto.
_____ 24. Ang kaing ang tamang lalagyan ng suha ayon sa laki at pagkahinog nito.
_____ 25. Kahit anong lalagyan ang pwedeng gamitin para sa mga produkto.
III. Basahing mabuti at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang patlang.

_____ 26. Bakit kailangang piliin ang pararamihing alagang hayop?


A. Upang maibenta at pagkakitaan B. Upang gawing kasiyahan sa loob ng tahanan
_____ 27. Kung ikaw ang mag-aalaga ng hayop, ano ang tamang pangangalaga ang gagawin mo?
A. Ilayo ang kulungan dahil mabaho B. Alagaan at mahalin tulad ng pagmamahal sa kaibigan
_____ 28. May alagang hayop si Sofia. Kaibigan ang turing niya dito. Tahol ng tahol ito kapag may ibang tao o may
panganib. Ano ang alaga ni Sofia?
A. Aso B. Manok
_____ 29. Alin sa mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng pararamihing alagang hayop?
A. Mabilis lumaki at madaling dumami B. Nanganganak lamang ng isang beses
_____ 30. Nag-aalaga ng hayop si Arnel. Alin sa mga sumusunod ang hindi niya isasama sa wastong pamamaraan ng
pag-aalaga ng hayop?
A. May nararapat na gamot B. masikip na kulungan
IV. Lagyan ng bilang 1 – 5 ang mga sumusunod.
A. Mga Paraan sa Pag-aayos ng mga Inahing Produkto
_____ Kailangang iwasan ang madalas na paghawak sa produkto para hindi ito malamog
_____ Kailangang maayos ang pagsalansan ng mga produkto para mapanatili ang kalidad ng mga ito
_____ Kailangang lagyan ng pangalan o wastong etiketa ang mga produkto
_____ Ang paglalagyan ng produkto ay batay sa tamang timbang at bilang
_____ Pumili ng wastong lalagyan para sa mga produkto
B. Mga Alituntunin sa Pagprepresyo at Pagbebenta ng mga Produkto
_____Ang pagprepresyo ay batay sa presyong nanggagaling sa pamahalaan at gayon din sa pamilihan
_____Ang pagprepresyon ay dapat nakatakda sa nakararami sa pamilihan
_____Kailangan ang eksaktong timbang o bilang sa pag-iimpake
_____Kailangan ang pagsusuri ng pamahalaan bago ito lagyan ng angkop na presyo
_____Hindi maaaring masyadong mahal o mura ang presyo ng produkto
C. Ang Wastong Pagsasapamilihan ng mga Produkto
_____ Pumili ng kaakit-akit na lalagyan para sa mga produkto
_____ Maglagay ng maayos na label lalong lalo na sa mga produktong hindi pa kilala sa pamilihan
_____ Ang kalinisan ng mga produkto ay mahalaga
_____ Lagyan ng presyong umiral sa pamilihan o ayon sa pamahalaan
_____ Ingatan ang pagdadala ng mga produkto sa pamilihan
D. Mga panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop
_____ Ibaon sa ang mga patay na hayop
_____ Paliguan ang mga hayop
_____ Lagyan ng disinfectant o pamatay ng mikrobyo ang gamit o mga kagamitan ng mga hayop
_____ Pabakunahan ang mga hayop para maiwasan ang sakit
_____ Laging linisin ang kulungan ng mga hayop
E. Pagtutuos at Pagkukuwenta ng mga Pinamili
_____ Sumahin buwan-buwan ang lahat ng kita
_____ Sumahin ang pang araw-araw na ginastos
_____ Kunin ang kinita
_____ Ibawas ang mga ginastos sa kabuuang kinita
_____ Ilista ang mga gastos sap ag-aalaga ng hayop

You might also like