You are on page 1of 3

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


SCHOOL YEAR 2020-2021

ARALING PANLIPUNAN 9

I. WRITTEN WORKS
I. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
kahalagahan ng Ekonomiks at MALI naman kung hindi.

1. Nakakatulong ang kaalaman sa ekonomiya upang maipaliwanag kung bakit nangyayari ang mga
pagbabago sa buhay ng tao.
2. Hindi tumatatak sa isip at puso ang pagtangkilik sa sariling mga produkto at serbisyo ng bansa.
3. Mas nagiging realistic at praktikal ka sa buhay.
4. Naipagtatanggol ang karapatan ng bilang mamimili. Sa kaniyang indibidwal na kakayahan
napapanatili ang lebel ng demand upang mapanatili ang lebel ng presyo.
5. Umuunlad ang iyong kaisipang kritikal.
II. Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na sikat na mga pilosopo na nagbigay ambag sa agham na ekonomiks.
1-5. 6-10.

11-15.

II. PERFORMANCE TASK


Panuto: Humanap ng mga bagay o pagkain sa loob ng inyong tahanan na inyong tinatangkilik at ilagay ang
Dahilan (salik ng pagkonsumo) kung bakit ito ang madalas ninyong bilhin at anong uri ng anunsyo ang
nakaapekto upang ito ay inyong bilhin. Ito ay inyong piktyuran. (3bagay o pagkain).

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman- 15 puntos
Ilustrasyon- 10 puntos

III. SUMMATIVE TEST


MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO
I. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B.

HANAY A HANAY B
1. Anunsyo a. Mas tinatangkilik ang mga produkto na buhat sa sariling lalawigan.
2. Kaisipang Kolonyal b. Maglilimita o makakdaragdag sa pagkonsumo ng mga produkto
3. Presyo c. Tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga produktong banyaga
4. Relihiyonalismo d. malaking epekto ang mga tradisyon at paniniwala ng mga Pilipino sa
kanilang pagkosumo
5. Kultura e. pamamaraan upang hikayatin ang mga konsyumer na tangkilikin ang
isang produkto.
6. Brand f. Ang tatak ng isang produktong kilala na o matagal nang
pinagkakatiwalaan ng mga mamimili.
7. Testimonials g. binabayaran ang kilalang tao tulad ng mga artista, pulitiko at sikat na
manlalaro upang magendorso ng isang produkto.
8. Banwagon h. Ipinapakita rito ang mga negatibong bagay na maaring mangyari kung
hindi tatangkilikin ang produktong ipinakikita sa anunsyo.
9. Scary i. Ang pagbibigay ng regalo ay likas sa maraming tao.
10. Okasyon j. Ipinakikita sa anunsyong ito na marami nang taong gumagamit at
nagtitiwala sa produkto upang makahikayat ang iba na tangkilikin na rin
ang produkto.

II. Panuto: Gamit ang Php. 200 ito ay inyong pagkakasyahin upang makagawa ng isang masarap na ulam.
Maaaring gumamit ng pie graph o graphic organizer na nagpapakita ng mga salik ng produksyon na
inyong kinakailangan upang makagawa nito at ipaliwanag. (ilagay ang presyo). 11-30.

KARAPATAN NG MAMIMILI
III. Panuto: Isulat ang salitang KARAPATAN kung ang mga sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa
karapatan ng mamimili at HK kung hindi.
31. May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan,
edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
32. Dapat mabigyan ang mga konsyumer ng sapat na dami ng pagpipiliang produktong mabibili sa abot-
kayang halaga.
33. May karapatang mabigyan ng kompensasyon sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng
paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin.
34. Pagtiyak sa tamang labeling at packaging.
35. Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang konsyumer na matamo ang kaalaman na kinakailangan
upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.

IV. Panuto: Kompletuhin ang bawat patlang upag makabuo ng isang paksa.
36. Ang _______ tumutukoy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.
37. Ang REPUBLIC ACT 7394 o ________ of the Philippines 1992 Magbigay ng impormasyon at
edukasyon Pakikilahok sa pagbabalangkas ng patakaran.
38. Karapatan magkaroon ng isang _______ paligid.
39. Tiyakin ang kalidad at kaligtasan ng ______, gamot, cosmetic at pamamaraan ng pagmomonitor ng
anunsyo.
40. Pagtiyak sa tamang _______at packaging.

V. Panuto: Gumawa ng maikling sanaysay na nagpapaliwanag sa mga sumusunod na paksa.

41-45. Proteksyon laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan Laban sa mapanlinlang at hindi patas na
pamamaraan.

46-50. Tiyakin ang kalidad at kaligtasan ng pagkain, gamot, cosmetic at pamamaraan ng pagmomonitor
ng anunsyo.

Pamantayan ng Pagmamarka:
Nilalaman/Pagpapaliwanag- 3puntos
Kaangkupan- 2puntos
___________________
5PUNTOS

Inihanda ni: Iniwasto ni: Ipinagtibay ni:


Bb. Racel Anne D. Verzosa, LPT Gng. Valentina Villa Gng. Margaret T. Bueno, MAEd
Guro sa Hekasi/AP Punong Guro sa JHS President & School Directress

You might also like