You are on page 1of 26

GOOD

AFTERNOON
Ano ang Epiko?
Ang epiko (epic) ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay
sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
laban sa kaniyang mga katunggali. Ito ay karaniwang
naglalaman ng hindi kapanipaniwalang pangyayari tulad ng
pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga tauhan. Tinatalakay din
dito ang mga sinaunang paniniwala, kaugaliaan at mga
huwaran ng mamayan kung saan nagmula ang akda.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “epos”
na nangangahulugang “awit”. Ito ay hinango rin
sa salitang “epikos” na ibig sabihin naman ay
“Dakilang Likha”.
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko
kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o
humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento
nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o
isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at
makabuo ng isa pang bukod na kwento.
Mga Elemento ng Epiko
Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa
isang epiko:

 Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari.


Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay ng
isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit
na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
 Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang
salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay ng
direktang kahulugan.
Halimbawa:
Balat sibuyas – mahiyain
mapaglubid ng buhangin – sinungaling
 Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng
pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na
sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig,
lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing
pantig.
• Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras
kung saan naganap ang mga pangyayari.
Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian
at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito
upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay,
paksa, at tauhan ng kwento.
• Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng
buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang
mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang
mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking
kapangyarihan.
• Tugma – Ang tugma ay laging
matatagpuan sa huling pantig ng bawat
taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng
mga pantig sa dulo ng salita.
Mga Katangian ng Epiko
Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa
mambabasa upang mas madaling mabatid na ang akdang
kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa ibaba
ang ilan sa mahahalagang katangian na dapat makikita sa
isang akda o kwento:
• Umiikot ang kwento sa mapanganib na
pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng nabanggit sa itaas,
ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan sa mga makapangyarihang nilalang.
• May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan.
Karaniwang dinadagdagan ng “epithet” ang mga pangalan ng
tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet ay
pang-uri na naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty
Achilles mula sa akda ni Homer.
• Naglalaman ng mahahabang kawikaan na
galing sa mga tauhan.
• Pagkakaroon ng supernatural na mga
pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang mga
kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng
pakikisalamuha ng diyos sa mga tao. Naglalaman din
ito ng mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari.
• Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga
mortal na tao. Sa pakikisalamuha ng mga diyos sa mga tao, laging
pinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin ng
mga tao.
• May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga
mamayan. Ang epiko ay ginawa upang maging inspirasyon ng
mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani sa uri ng
panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng pagiging
matapang at pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan
upang tularan sila ng mga tao.
• Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa
rin sa mga katangian ng epiko ang pagkakaroon ng
matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang
isip ng mga mambabasa sa kung ano ba talaga ang
ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda.
Sinauna at Makabagong Epiko
Ang mga tao noon ay mahihilig sa mahahaba, malalalim na mga
pananalita. Kaya ang mga Sinaunang Epiko ng mga Pilipino ay
mas nararapat na tawaging ethno-epic. Ito ay dahil ang nilalaman
nito ay ang bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng
bawat rehiyon at tribo. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o
kaya naman ay grupo ng mga tao na katulad ng isang chorus, na
tumatakbo ng maraming araw at oras.
Ang Makabagong Epiko ay kadalasang napapalawig ito sa ibang
anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika,
nobela, palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo. Ang
mga tema ng kabayanihan ay nagiging simboliko, ginagamitan ng
mga teknolohiya, at maging ang wika ay kaayon ngayon. Ngunit
ang mga tema ay gaya pa din ng kuwento ng kadakilaan ng
kabayanihan.
Ano ang Pakinabang ng Epiko?
Marami pa din ang nawiwiling basahin ito at gawing
inspirasyon sa nakaraan. May mga taimtim na tao na
nais makuha ang kasaysayan ng isang lugar, kung
kaya isinasama ang mga epiko sa pagpapakilala sa
isang bansa.
Ang Epiko ay isang ebidensya na talagang nais ng
mga tao na maging malaya at madamdamin.
Bagaman ang ilan dito sa halimbawang Epiko ay may
hindi kapani-paniwalang mga ideya, makikita mo ito sa
lawak ng imahinasyon at kalagayan ng lipunana
ngayon. Makukumbinsi ka nga sa patiunang mga
kaisipan ng nagsulat nito. Kaya magbasa na!
Mga Halimbawa ng Epiko:
1. Biag Ni Lam-ang - mula sa Epikong Ilokano, Ito ang pinakasikat
na epiko ng Luzon at masasabing epikong Kristyano dahil sa
paggamit ng mga terminong pang-Kristyanismo.
2. Bantugan- mula sa Epikong Mindanao. Si Bantugan ay isang
mandirigma sa kahariang Bumbaran. Maraming digmaan na ang
kaniyang naipanalo. Siya ay naging sagisag ng kagitingan at lakas
ng loob.
• Labaw Donggon
• Alunsina (Ina)
• Anggoy Ginbitinan (Unang asawa)
• Anggoy Doroonon (Pangalawang asawa)
• Nagmalitung Yawa Sinagmaling Diwata
(Pangatlong asawa)
• Buyong Saragnayan (Diyos ng kadiliman o nakalaban ni
Labaw)
• Malitong Yawa Sinagmaling Diwata (Ninais niyang
makuha)
• Asu Mangga (Anak ni Anggoy Ginbitinan)
• Abyang Baranugon (Anak ni Anggoy Doronoon)
• Humadapnon

You might also like