You are on page 1of 4

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

Junior High School Department


Taong Panuruan 2020-2021

MODYUL SA FILIPINO 7
Week 28: April 26 - 30, 2021
I. Pinakamahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
• Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan
• Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may akda sa bisa
ng binasang bahagi ng akda
II. Aralin
• Anaporik at Kataporik
III. Talakayan
Sa pagpapahayag ay may dalawang paraang ginagamit upang mapag-ugnay ang
pangungusap. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapatungkol reperensiya.
May dalawang uri ang pag-uugnay na ito. Ito ay ang anaphora o sulyap na pabalik
at katapora o sulyap na pagsulong.

Ang anaporik o sulyap na pabalik ay ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang
salita.

Halimbawa:
Ang matatanda sa pamilya ay dapat nating pahalagahan. Utang natin sa ating
magulang, lolo o lola ang ating mga buhay at kinabukasan. Sila ang kumalinga sa atin
noong mga bata pa tayo. Suklian natin ang kabutihan nila sa atin.
Samantalang ang Kataporik o sulyap na pasulong ay ang reperensiya na
binabanggit sa dakong hulihan na nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Halimbawa:
Sila ay aking iginagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ang tunay na
matatalino lalo na pagdating sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya ko natutuhan ang
maraming bagay. Sila ang mga lolo at lola ko na aking iniidolo.
Anapora o anaporik na panandang pangngalan—kapag nasa unahan ang tinutukoy
at nasa hulihan ang naglalarawan sa tinutukoy.
Halimbawa:
1. Masaya si Lito. Lagi siyang may kalaro at laging masaya.
2. Maganda si Maria. Marami siyang manliligaw.
3. Masipag at maalalahanin si Rita kaya marami ang nanghihinayang sa kanyang
pagkawala.
4. Nandoon si Rico nang mangyari ang barilan. Siya ang “star witness” ng krimeng
naganap kahapon.
5. Maraming salamat Aling Tina. Napakabuti mo talaga!
Katapora o kataporik na panandang pangngalan – kung nasa hulihan ang tinutukoy
at nasa unahan ang naglalarawan sa tinutukoy.
Halimbawa:
1. Ito ay puno ng mga halaman at mga magagandang bulaklak. Napakalaki ng gubat.
2. Totoo bang namatay ang kanyang ina? Nakakaawa naman ni Mia, napakabata pa
niya’t nawalan na nang ina.
3. Maraming salamat po sa pagtanggap po ninyo sa amin. Napakabuti po ninyo Mang
Ben at Aling Tina.
4. Minsan lang siyang nagsasalita. Ika nga ng iba, matinding trauma ang nararanasan ni
Mina dahil sa aksidente.
5. Nakatanggap nanaman siya ng parangal. Napakagaling talaga ni Kris.

TRANSKODING
Maraming manunulat ng batayang aklat ang gumagamit ng tsart, grap, mapa,
larawan at iba pang grapikong representasyon upang mapa linaw ang kanilang ideya.
Malawakang paggamit ng biswal na kagamitan ito hindi lamang sa loob ng paaralan
,kundi maging sa pamayanan. kayat ang kaalaman dito ay lubhang kailangan upang
makisangkot sa mga kaganapan sa lipunan. Iba’t ibang grapikong kagamitan ay
magagamit sa iba’t ibang akademikong larangan: ang timeline sa kasaysayan: diagram
sa agham, partikular sa biyolohiya: tsart at grap sa matematika.
Transkoding ang tawag sa paglalarawan ng naghahambing ng katinig (quantity) at
kalidad (quality) oh nagpapakita ng mga pagbabago batay sa panahon at lawak.
Narito ang mga hakbang sa pag bibigay-kahulugan :
1. Basahin ang pamagat ito ang nagsasabi kung ano ang layunin ng materyales at
nagbibigay ng paliwanag kung ano ang pangunahing kaisipan nito.
2. Pag-aralan ang mga legend.
3. Basahin ang mga impormasyon sa gilid at ibaba ng materyales. ito ang tutulong
sa iyo upang maunawaan ang mga inilalahad ng bilang o kung ano ang mga
pinaghahambing.
4. Tiyakin kung ano ang layunin mo sa pagbasa ng materyales.
5. Basahin ang materyales ayon sa layunin.

Mga uri ng ilustrsyon


1. Figyurs- ilustrasyon nagpapakita sa pagkakaugnay ng bawat item halaga at
kalakaran. kabilang dito ang tsart grap at iba pang kauri.
Mga Uri ng Pigura
1. Pie o Circle graph- ang graph na nagpapakita ng
datos ay iyong pabilog ang rehiyong sikular ay
nahahati sa bilang ng sektor na tulad ng isang
hugis pie upang ipakita ang bahagi ng datos.
Ang pie o circle grap ay nagpapakita kung
paano ang mga bahagi ay kaugnay sa kabuuan
at ng kabuuan sa mga bahagi nito ang sukat ng
bawat sektor ay nagpapakita ng bahagdan ng
kabuuan na ipinapakita ng mga bahagi.

2. Grap ng putol putol na linya (broken line grap)-


ang graph na nagpapakita ng mga datos sa
pamamagitan ng mga tuldok (point) na
pinagdugtong ng linya (line segment) upang
grap magmukhang putol-putol sa linya (broken
line).

3. Histogram- isang espesyal na uri ng bar graph


na nagpapakita ng frequency ng mga datos na
isinaayos sa magkakatulad na interval . ang
mga interval ay sumasakop sa lahat ng
posibleng Value ng datos, samakatuwid, walang
puwang sa pagitan ng mga bar ng graph.

4. Bar graph- ito ay maaring horizontal or vertical .


gayundin8 magkakaibang grupo ang maaaring
ipakita gamit ang mga bar na may iba’t ibang
kulay o bar na may magkakaiba ibang hulwaran
o pattern .halimbawa, sa bar graph sa ibaba ang
mga bar mqgk akatulad ng lapad(equal interval)
at gumamit ng magkaibang kulay upang ipakita
ang magkaiba ng taon.
5. Pictograph- ang grap na ang mga datos ay
ipinakikita sa isang talahanayan gamit ang mga
larawan at simbolo. ang pictograph ay
nagpapakita ng mga datos ay pamamagitan ng
mga larawan at simbolo.

6. Tsart ng organisasyon- nagpapakita ng


pagkakaugnay on sa estruktura ng isang
organisasyon.

7. Mapa- representasyon ng isang lugar taglay ang


iba't ibang impormasyon tulad ng sukat
populasyon, kabisera,lokal na pamahalaan at
iba pa.

8. Dayagram- illustrasyon nagpapakita ng


pagkakaugnayan ng bawat aytem tulad ng
sukat,timbang, lapad, temperatura, bahagi at
iba pa.

You might also like