You are on page 1of 8

RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER

Primary Grade School Department


SY 2020-2021

MODYUL SA
ARALING
PANLIPUNAN 3
WEEK 28 (APRIL 26 - 30, 2021)

Pangalan: ___________________________________________

Pangkat at Baitang: ___________________________________

Inihanda ni:

Bb. AIZEL NOVA F. ARANEZ


Guro sa Araling Panlipunan 03

Iniwasto ni:

GNG. MARY GRACE A. DACUMOS


PS/PGS Punong-guro

Pinagtibay ni:

GNG. MARGARET T. BUENO,MAEd


Pangulo at Tagapamahala ng Paaralan

1
RICH GOLDEN SHOWER MONTESSORI CENTER
Primary Grade School Department
SY: 2020-2021
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 3
Week 28: April 26 - 30, 2021
I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
 Napahahalagahan ang iba’t ibang pangkat ng tao sa lalawigan at rehiyon
II. Paksa:
 Mga Pangkat-Etniko sa Pilipinas
III. Talakayan
Alam mo ba?
Sa aralin na ito, matutukoy at mailalarawan ang mga katangian ng mga pangkat ng tao
sa mga lalawigan ng ating rehiyon.
Sa iba’t ibang panig ng ating bansa naninirahan ang mga pangkat ng tao. Nakikilala ang
bawat pangkat sa kanilang mga pagkakakilanlan. Ang grupo o pangkat ng mga taong sama –
samang naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura, tradisyon, at paraan ng
pamumuhay ay tinatawag na pangkat – etniko.
Mayroon silang mga katangian na kakaiba sa ibang pangkat, sila at ang kanilang
natatanging pagkakakilanlan ay itinuring na mahalagang bahagi sa kabuuan ng kultrurang
Filipino.
Maraming dalubhasa ang nag-aaral tungkol sa mga unang taong nakarating at nanirahan
sa kapuluan. Ang bawat is ay may kani-kanyang nabuong paniniwala batay sa natuklasan nila
sap ag-aaral.
Ayon sa pananaliksik na ginawa ng iba, may mga tao na sa kapuluan bago pa marating
ang mga negrito sa pilipinas

MGA UNANG TAONG NANIRAHAN SA PILIPINAS

Ang mga Negrito.


 Sa “migration theory”, ang unang dumating na
mga tao sa Pilipinas ay ang mga Negrito.
Tinatawag din silang Atis o Actas. Naglakbay sila
sa mga lupaing tulay mula sa kalupaang Asya
nang may 25,000 taon na ang nakalilipas. Noong
panahog iyon, ang ating bansa ay nakakabit sa
Asya sa pamamagitan ng mga tulay na lupain na
sa kalaunan ay lumubog sa ilalim ng karagatan.
 Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang
ang taas nila sa limang talampakan. Tinagurian
silang "negritos" dahil sa kanilang maiitim na
balat, maikli at kulot na kulot na mga buhok,
makapal na mga labi at pangong ilong. Halos wala
silang damit. Wala silang pamahalaan, walang
kasulatan, at walang permanenteng tahanan.
Naglilibot sila sa kagubatan at nabubuhay sa
pamamagitan ng pangangaso gamit ang pana,
pangingisda, at pagkuha ng mga ligaw na mga
halaman at mga prutas.
 Tinaguruan silang mga “nomad” o mga taong
walang pirmihang tirahan at palipat-lipat sa iba’t
ibang pook upang humanap ng ikabubuhay.

Ang mga Indonesian.


 Sa “migration theory”, ang mga Indonesian ay
ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas
sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may
mga 5,000 taon na ang nakalipas. Sila’y
naglayag sa mga bangka mula sa Timog Asya.
Napaalis ang mga Negrito tungo sa mga bundok
at ang mga Indonesian ang nanirahan sa

2
kapatagan.
 Unang pangkat - Nagmula ang mga unang
Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang
kanilang balat, balingkinitan ang katawan,
makitid ang hugis ng mukha may malapad na
noo, may kalaliman ang mata ngunit matangos
ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang
kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito.
Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa
lupa o nasa tuktok ng mga puno. Marunong
silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto
nila ang kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang
ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng
Caraballo.
 Pangalawang pangkat - Kaiba ang pangalawang
pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang
kanilang balat, malapad ang mukha, makapal
ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong,
bilugan ang mga mata at malaki ang mga
katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-
Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay
ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang
pamumuhay kaysa naunang pangkat.
Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-
hagdang Palayan ng Banawe.
 Higit na maunlad ang mga Indonesians kaysa sa
mga Negrito. Mayroon silang mga permanenteng
tahanan. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto
ng kanilang mga pagkain. Nabubuhay sila sa
pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at
maliit na sakahan. Pinipinturahan nila ang
kanilang katawan ng mga makukulay na
larawan.
 Ngayon, ang minoryong tribong Indonesian ay
matatagpuan sa liblib na bahagi n gating bansa.
Ang mga ito ay ang mga Apayao, mga Gaddang,
mga Ibang, at mga Kalinga ng Hilagang Luzon;
mga Tagbanuas ng Palawan; at Bagobo, mga
Manobo, mga Mandaya, mga Bukidnon, mga
Tiruray, at mga Subanon ng Mindanao.

Ang mga Malay


 Sa “migration theory”, ang mga Malay ay
dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga
2,000 taon na ang nakalipas. Dumating din sila
sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Timog
Silangang Asya. Katamtaman ang kanilang taas,
kayumanggi ang balat, maitim ang mata, pango
ang ilong at may tuwid at maitim na buhok.
Napaalis nila ang mga Indonesian tungo sa
kagubatan at nanirahan sila sa kapatagan.
 Ang mga Malay ay higit na maunlad kaysa sa
mga Indonesian. Nanirahan sila sa higit na
malaking mga pamayanan. May pamahalaan
sila, kasulatan, musika, mga sining at mga
agham. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng
agrikultura, pangingisda, pagmimina, at
pangangalakal.
 May mga alamat na naglalarawan sa pagdating
ng mga Malay. Ang salaysay na ito sa Panay ay
tinaguriang “Maragtas.” Isinasalaysay dito kung

3
paano ang unang sampung datung Malay na
umalis sa Borneo ay dumating sa Panay. Binili
nila ang mga lupain ng mga Negrito at nanirahan
sa ibang mga pulo. Si Datu Puti ang namumuno
sa mga datung Malay at si Marikudo naman ang
namuno sa mga Atis. Ang alamat na ito ay
ipinagdiriwang sa tanyag na pista at sayaw na
“Ati-Atihan.”
 Ang mga Pilipino ngayon ay galing sa Malay o
lahing kayumanggi. Kaya, mayroong mga Malay
na Muslim sa Mindanao, Jolo, at Palawan.
Mayroon ding mga Kristiyanong Malay sa buong
bansa. Mayroon ding mga tribung Malay gaya ng
mga Igorot, mga Ifugao, mga Bontok, at mga
Tinggian sa Luzon.

Ang pangkat etniko ay grupo ng mga tao na may mga pagkakatulad o


pagkakahawig sa kultura, lengguwahe, tradisyon, at paniniwala. Ang perlas ng
silangan, hindi lang mayaman sa likas na yaman kundi mayabong din ang kultura,
at malaking bahagi nito ang pangkat etniko sa Pilipinas.

ALAM MO BA?
May dalawang uri ng pangkat etniko sa Pilipinas io ay ang PANGKAT-
ETNIKONG MAYORA at ang isa ay PANGKAT – ETNIKONG MINORYA
KULTURA.

PANGKAT-ETNIKONG
MAYORA

ANG MGA TAGA-LUZON


 Karamihan sa mga naninirahan sa mga
rehiyong matatagpuan sa gitna hanggang
silangang bahagi sa isla ng Luzon ay mga
taong nabibilang sa isang malaking pangkat
na tinatawag na Tagalog.
 Ang tagalog ay nagmula sa salitang “taga-
ilog” na ang ibig sabihin ay nakatira sa
baybaying ilog.
 Ang mga Tagalog ang isa sa pinakamalaking
pangkat – etniko sa bansa dahil sa lawak ng
distribuson nila sa buong bansa.
 Karamihan ay nakatira sa NCR, Gitnang
Luzon, CALABARZON, MIMAROPA
 TAGALOG – wika, pinakamaraming
gumagamit kaya naging basehan ng
Pambansang wika
TAGALOG  Ang mga Tagalog ay biniyayaan ng
mayamang lupa at dagat kaya naman ang
pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka
at pangingisda.
 Lubos nilang pinahahalagahan at binibigyang-
pansin ang edukasyon, pamahalaan, at
pagbubuklod-buklod pamilya. Mahilig din ang
mga Tagalog sa mga pagtitipon o pagdiriwang
gaya ng mga kasal, binyag, kaarawan, at
pista.

 Ang mga Ilokano naman ay naninirahan

4
sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na
ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng
Rehiyon ng Cagayan.
 Kilala ang mga Ilokano sa pagiging
masinop, masipag, at madiskarte dahil
ang mga likas na yaman sa kanilang lugar
ay minsa’y hindi sapat sa kanilang
pangangailangan. Ang pangkat etniko sa
ILOKANO Pilipinas na ito ay may matibay na
pagkakaisa at sinisikap mapanatili ang
katutubong kultura.

 Naninirahan ang mga Kapampangan sa


Pampanga at ilang bahagi ng Gitnang Luzon.
 Kilala sila bilang mahusay sa pagluluto kaya
naman tinagurian ang kanilang probinsiya
bilang “Culinary Capital of the Philippines.”
Lubos pinahahalagahan ng mga
Kapampangan ang pagiging malapit nila sa
isa’t isa
KAPAMPANGAN  Kilala na masarap magluto
 KAPAMPANGAN – wika , ikapito sa
pinakagamitin

 Ang mga Bikolano naman ay matatagpuan sa


Rehiyon ng Bicol.
 Kilala ang mga Bikolano bilang relihiyoso at
mahinahon. Maging sa kanilang paraan ng
pagluluto, lalo na sa paggamit ng gata at
maraming sili, ay sikat din sila.
 Kilala sa pagkahilig sa pagkaing may gata at
maanghang
BIKOLANO  BICOLANO – wika, panlima sa
pinakagamiting wika
 Pangasinense Matatagpuan ang
'PANGASINENSE' pangkat Etniko ay sa may
Hilagang Kanluran malapit sa dagat ng Luzon.
 Kagaya ng mga Kapampangan, isa sila sa
malalaking pangkat-etniko na may higit na
tiwala sa sarili, palaayos, masarap magluto,
mahilig sa handaan.

PANGASINENSE
ANG MGA TAGA-VISAYA

5
 Kilala sila sa pagiging mahinahon at
malumanay
 Kung ang usapan lang naman ay mga
malalambing na tao, ang pangkat ng Ilonggo
ang nangunguna riyan. Sila ay naninirahan sa
Iloilo, Panay, Guimaras, at Negros. Kilala sila
sa malambing na pagsasalita,
pagkamahinahon, at magiliw na pagtanggap
sa bisita.
 ILONGGO o HILIGAYNON – wika, pang-apat
sa pinakagamitin
ILONGGO
 Tinatawag ding Sugbuanon o Sugbuhanon
 Ang mga Cebuano ay naninirahan sa Cebu at
maraming lalawigan sa Mindanao.
 Kilala sila sa kanilang pagkamalikhain,
mahinahon, at malumanay. Tanyag sa kanila
ang mga sikat na pista sa Cebu gaya ng
Sinulog, at ang kanilang lechon.
 CEBUANO o BISAYA – wika, pangalawa sa
pinakagamitin, karaniwang ginagamit sa
CEBUANO Visayas at Mindanao

 Matatagpuan ang mga Waray sa Samar at


Leyte. Kilala ang mga pangkat etniko sa
Pilipinas na ito bilang matatapang at walang
inuurungan, pero mapagmahal sa kanilang
mga pamilya.

WARAY

IV. Mga Gawain (Ibalik ang pahinang ito para sa pagwawasto ng iyong guro.)

Gawain 1. Panuto: Piliin sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa linya.(note:
maaring maulit ang sagot.)

A. Negrito D. Tagalog G. Bikolano J. Cebuano


B. Malay E. Ilokano H. Pangasinense K. Waray
C. Indonesian F. Kapampangan I.Ilonggo L. Muslim
________________1. Sino ang unang dumating na mga tao sa Pilipinas?

________________2. Sila ay kilala bilang matatapang at walang inuurungan na etniko.


________________3. Kilala sila sa kanilang pagkamalikhain, mahinahon, at malumanay.
________________4. Kilala sila sa malambing na pagsasalita, pagkamahinahon, at magiliw na
pagtanggap sa bisita.
________________5. Isa sila sa malalaking pangkat-etniko na may higit na tiwala sa sarili,
palaayos, masarap magluto, mahilig sa handaan.
________________6. Kilala sa pagkahilig sa pagkaing may gata at maanghang.
________________7. Isa sa pinakamalaking pangkat – etniko sa bansa dahil sa lawak ng
distribuson nila sa buong bansa.

6
________________8. Sila ang mga unang dayuhang dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng
dagat.
________________9. Sila ay dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga 2,000 taon na ang
nakalipas.
________________10. Kilala sila sa pagiging masinop, masipag, at madiskarte.
________________11. Kilala ang mga Bikolano bilang relihiyoso at mahinahon.
________________12. Pinakamaraming gumagamit kaya naging basehan ng Pambansang
wika.
________________13. Sila ay tinaguriang bilang “Culinary Capital of the Philippines.”
________________14. Tanyag sa kanila ang mga sikat na pista sa Cebu gaya ng Sinulog, at
ang kanilang lechon.
________________15. Sila ay tinatawag din silang Atis o Actas.

Gawain 2. Panuto: Gumuhit ng 😀 kung ang pangugusap ay nagsasaad ng tama at ☹️naman


kung ang pangugusap ay nagsasaag ng mali.

________________1. Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao.

________________2. Tinagurian silang "negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at


kulot na kulot na mga buhok, makapal na mga labi at pangong ilong.

________________3. Matatagpuan ang mga Waray sa Samar at Leyte.

________________4. Ang mga Ilonggo at naninirahan sa Iloilo, Panay, Guimaras, at Negros.

________________5. Naninirahan ang mga Kapampangan sa Pampanga at ilang bahagi ng


Gitnang Luzon.

________________6. Ang mga Ilokano naman ay naninirahan sa malaking bahagi ng Luzon


kabilang na ang Rehiyon ng Ilocos at ilang bahagi ng Rehiyon ng Cagayan.

________________7. Kilala ang mga waray sa pagiging masinop, masipag, at madiskarte dahil
ang mga likas na yaman sa kanilang lugar ay minsa’y hindi sapat sa kanilang pangangailangan.

________________8. Ang mga Tagalog ay biniyayaan ng mayamang lupa at dagat kaya


naman ang pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka at pangingisda.

________________9. Ang mga Malay ay tinagutiang mga “nomad” o mga taong walang
pirmihang tirahan at palipat-lipat sa iba’t ibang pook upang humanap ng ikabubuhay.

________________10. Ang mga Indonesian ang nanirahan sa kapatagan.

________________11. Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya.

________________12. Ang tagalog ay nagmula sa salitang “taga-ilog” na ang ibig sabihin ay


nakatira sa baybaying ilog.

________________13. Ang mga Bikolano ay kilala bilang “Culinary Capital of the


Philippines.” 

________________14. Ang Cebo ay tanyag sa kanila sikat na pista sa Cebu gaya ng Sinulog,
at ang kanilang lechon.

________________15. Ang mga Waray ay kilala ang mga pangkat etniko sa Pilipinas na ito
bilang matatapang at walang inuurungan, pero mapagmahal sa kanilang mga pamilya.

7
V. Pagtataya

Panuto: Gumuhit ng isang bagay/pagkain na sikat sa gusto mong etniko.

You might also like