You are on page 1of 13

kulturang

Katutubo

Ipinasa ni: Rachelle M. Villalobos


Petsa: Agosto 7,2019
II.KATUTUBONG PANGKAT ETNIKO
Pangkat Etniko sa Luzon
•Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo.
Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang
tangkad.May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng
Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa
mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.Sa kasalukuyan, sinauna pang
alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang
natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga
kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.Ang mga Alangan o
Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang tipong Negrito. Sa mga kasukalan
ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang kanilang pangunahing pagkain.

•Ifugao
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa litang ipugo na
ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.Ang tipikal na pamayanan ng
mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng
ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may
titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang
mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.Sila ang gumawa ng Rice
Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Ang mga Igorot ay isang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan sila sa Cordillera, sa isla
ng Luzon, sa hilaga ng bansa. Mayroong anim na lalawigan sa Cordillera Administrative
Region (CAR): ang Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province. Nag-iisang
lungsod sa CAR ang lungsod ng Baguio. May anim na etnolinggwistikong grupo sa parte ng
mga pook na tinitirhan ng mga Igorot: ang Bontoc, Ibaloi, Ifugao, Isneg (o Apayao), Kalinga,
at Kankanaey. Ang mga Igorot ay kilala sa kanilang pagiging masipag, matatag, at tapat sa
kanilang pinagmulan. Mga ugaling hindi basta basta hinahayaang makuha ng iba ang
kanilang mga namana o nakuhang mga kayamanan. Mahalaga sa kanila ang lupa, sapagkat
ito ang pangunahing ikinabubuhay nila. Ang isang patunay nito ang Hagdan-hagdang
Palayan ng Banawe na matatagpuan sa isang tribu sa Ifugao.
•Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa
makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting
alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay tinatawag na ballong o
kalon.Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong, isang
kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa isa't isa.

•Itawis
Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay
nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala
rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis
sa isang pamayanan kasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din
ay Itawis.Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop, pangangaso,
pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.

•Kankana-ey
Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan
ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay
matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union
at malalapit na probinsiya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang
bahagi ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang ipinagkaiba ang
dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma ngunit marami ang pinagka-iba sa
kanilang kultura at paniniwala.Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay ng mga Kankana-
ey. Nagsasaka sila sa pamamagitan ng kaingin. Pangunahing pinagkukunan ng kanilang
kabuhayan ang pangangaso at pangingisda. Hinuhuli nila ang usa at baboy ramo sa
pamamagitan ng aso at lambat.Kadalasan ang kadangyan o baknang na tradisyunal na
aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan. Naniniwala
sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang
ama ang puno rito. Siya ang inaasahang magbibigay ng lahat ng kabuhayan ng pamilya.

•Ilongot
Nangangahulugan na "mula sa gubat" ang pangalang Ilongot, ang pangkat na matatagpuan
sa kagubatan ng Isabela at Nueva Vizcaya. Kung minsan, tinatawag din silang Ilongotes o
Ibilao. Mahilig silang gumamit ng pana na kanilang natutuhan sa mga

Negrito. Nagsasaka ng palay, tabako, saging, kamote at gulay ang mga Ilonggo Nanghuhuli
rin sila ng baboy-ramo, usa at ibon sa gubat. Kanilang ipinagpapalit ng tela, kutsilyo at asin
ang mga produktong ito sa mga nasa kapatagan.Sumasamba sa maraming diyos ang mga
Ilongot. Bukod dito, sinasamba rin nila ang araw, kaluluwa ng mga namatay at iba pang
kaluluwa kalikasan.Ang mga katangian ng isang ilonggo ay malumanay at malambing.

•Ibaloy
Ang mga Ibaloy ay matatagpuan sa mga munisipalidad ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay,
La Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba sa timog-silangan ng Benguet. Kasama sa wika ng mga
Ibaloy ang ilang salitang Ilokano at Pangasinense.Ang mga Ibaloy ay kayumanggi, mababa
at may matipunong pangangatawan. Nakatira ang mga Ibaloy sa mga mabundok at
mabatong lugar. Gawa sa kogon o nipa ang karaniwang bahay ng mga Ibaloy. May pintuan
itong nakaharap sa hilaga o silangan at walang bintana. Marami silang kasanayan para sa
pag-aangkop sa kapaligiran tulad ng hagdang-hagdang taniman sa gilid ng bundok at
pagpapatubig sa mga ito sa tulong ng mga tubong kawayan.

Pangkat Etniko sa Visayas


•Ilonggo

Ang mga Ilonggos ay puro sa Western Visayas Region, partikular sa Panay Island (Iloilo,
Capiz, atbp.) At Negros Occidental. Natagpuan din sila sa ilang mga lugar ng Mindanao. Ang
salitang "Ilonggo" ay karaniwang tumutukoy sa isang tao, na ang wika ay Hiligaynon. Ang
salitang Hiligaynon ay nagmula sa Yligueynes, na nangangahulugang "mga tao ng
baybayin."Ang populasyon ng Ilonggo ay karamihan sa mga Katoliko, ngunit ang mga dating
paganong tradisyon ay gayunpaman inilalapat, kung minsan ay sinamahan ng Kristiyanismo.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang pagsasanay sa pagligo ng isang rebulto ng Santo
Nino (Bata Jesus) para sa kabutihang-palad o magdala ng ulan.Ang mga Ilonggos ay may
mabuting reputasyon ng pagiging mapagmahal, palakaibigan, at masaya.

•Waray
Ang mga Waray ay Bisayang grupong etniko sa Pilipinas. Matatagpuan ang karamihan sa
kanila sa Silangang Kabisayaan na kabilang ang Samar, Hilagang Samar, at Silangang Samar,
habang bumubuo ng signipikong populasyon sa Leyte at Sorsogon. Ang pangunahing
hanapbuhay nila ay ang pagsasaka, pangingisda, paggawa ng banig at iba't ibang
kagamitan yari sa abaka, kahoy, at niyog.

•Cebuano
(Cebuano: Sugbuanon), ay isang pangkat etnikong mula sa Kabisayaan na pangunahing
matatagpuan sa pulo ng Cebu at bumubuo sa ikalawang pinakamalaking pangkat lingwistiko
sa Pilipinas.

Pangkat Etniko sa Mindanao

•Iranun
Ang Iranun ay isang etniko group na native sa Mindanao , sa Pilipinas, at ang kanlurang
baybayin ng Sabah , Malaysia ( kung saan sila ay matatagpuan sa 25 mga nayon sa paligid
ng Kota Belud at Lahad Datu distrito ; din sa Kudat at Likas , Kota Kinabalu ).Para sa mga
siglo , ang mga Iranun ay orihinal na mula sa Kasultanan ng Maguindanao , sa timog
Mindanao , ang Iranun colonies ay kumalat sa buong Mindanao , ang Sulu Archipelago at sa
hilaga at silangang baybayin ng Borneo . Karamihan sa Iranun ay mga Muslim . Ang kanilang
wika ay bahagi ng Austronesian pamilya , at pinaka malapit na nauugnay sa Maranao.

•Maranao
Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao – Lanao del Sur, Lanao del Norte,
Lungsod ng Marawi at Lungsod ng Iligan. "Lawa" ang kahulugan ng salitang "ranao" kung
saan hinango ang kanilang pangalan.Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong
bughaw na Maranao. Sa malalaking bahay sila nakatira na may malalawak na pasilyo ngunit
walang silid. Tanging ang mga dugong bughaw lamang ang pinapayagang manumit ng kulay
ginto. Kadalasang makikita ang mga karaniwang Maranao na may dalang nakatiklop na
banig pandanus. Kanila itong ginagamit sa sahig ng tahanan at sa mga moske.

•T'boli
Sa Cotabato matatagpuan ang mga T'boli. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng
mga prutas sa kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang
pagsasaka. Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng
abaka.Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o nagsisilbing
tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga kababaihan ang
kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng pulot-pukyutan sa mukha,
nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya at binurdahang
damit.Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang marami
ang lalaking T'boli.

•Tausug
Kinikilala sa katapangan at kahusayan sa pakikidigma ang mga Tausug. Hindi sila kailanman
umuurong sa anumang labanan sapagkat para sa kanila, ang karuwagan ay batik sa
karangalan ng pamilya. Likas na mapagbigay at palakaibigan ang mga Tausug. Nalinang ang
ugaling ito sa kanilang pakikipag-ugnayan at pakikipagkalakalan sa mga tao sa Timog-
silangang Asya.May pagkakaiba ang mga Tausug na nasa mga burol na tinawag na tao
giniba at nasa mga dalampasigan na tinawag na tao higad. Mangingisda ang mga nakatira
sa malapit sa dagat at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas
ang nasa may dalampasigan na kanilang ipinagpapalit ng seda, tanso at bakal sa mga taga-
Borneo at Sabah. Kanila ring ipinagpapalit ang mga ito ng pagkain sa mga magsasaka. Ang
kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu.

•Badjao
Ang pangkat na Badjao ay naninirahan sa Sulu, sa mga bayan ng Maubu, Bus-bus, Tanjung,
Pata, Tapul, Lugus, Bangas, Parang, Maimbung, Karungdung at Talipaw. Tinatawag din silang
Luaan, Lutaos, Bajau, Orang Laut, Samal Pal'u at Pala'u. Samal ang kanilang wika.Kahawig
ng mga Samal ang kanilang kultura. May haka-hakang sila at ang mga Samal ay isang
pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng pinensulang Malaya.Nakatira sila sa

mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 2–13 miyembro ang maaaring
tumira sa bangkang-bahay.

•Subanen
Ang mga Subanen ay matatagpuan sa mga kabundukan ng Zamboanga del Norte at
Zamboanga del Sur. Kayumanggi sila at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila sa
iisang ninuno lamang sila nagmula.

•Cuyunon
Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo sa gitna ng
Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de
Jesus, isa sa mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga Cuyunon ay may
dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang
paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang
pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.

•Bagobo
Matatagpuan ang mga Bagobo sa mga baybayin ng golpo ng Davao. Maputi sila, may
matipunong pangangatawan at malapad na mukha. Kulay-mais ang kanilang buhok na may
natural na kulot. Itim ang kanilang mga mata na may bahagyang pagkasingkit. Sadyang
inahit nang halos guhit na lamang ang kilay ng mga Bagobo. Makapal ang kanilang labi at
bilugan ang baba.Ang mga Bagobo ang unang pangkat na nadatnan ng mga Espanyol sa
Mindanao. Noong panahong iyon, nagkakalakalan na ang iba't ibang tribu ng Bagobo.
Pangunahing ikinabubuhay nila ang pagsasaka dahil na rin malapit ang kanilang panahanan
sa pinagkukunan ng tubig. Pinagsasalit-salit nilang itanim ang palay at mais. Walang
malinaw na pagkakaiba ang mga gawain ng babae at lalaking Bagobo. Kapwa naghihimay
ng hibla ng abaka ang babae at lalaki gayundin ang paghabi ng basket.

•Yakan
Nagtatanim sila ng palay, niyog, kamoteng kahoy, lansones at mais. May sistema ng
pagpapalitan sa pagsasaka ng Yakan. Nagagawa sa maikling panahon ang pag-aararo dahil
pinagtutulung-tulungan ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan ito. Punong- puno ng
mga tradisyunal na paniniwalaat kaugalian ang kanilang mga gawain sa pagsasaka.

I.KATUTUBONG KASUOTAN
•Lumad ang tawag sa kasuotan ng mga taga bagobo.
•Bahag ang kasuotan ng mga lalaking Ifugao tapis naman sa mga kababaehan.

•Malong ang tawag sa kasuotan ng mga Tausug.


III.KATUTUBONG PAGKAIN
•Tinagtag
Ang “tinatag” ay katutubong pagkain ng mga Maguindanao. Ito ay karaniwang inihahanda para sa
mga okasyon tulad ng mga pistang muslim ng ‘eid al fitr” na syang katapusan ng ramadan “maulidin
nabi” na kaarawan na “propetang muhamad”. Ang tinagtag ay maaring tumagal ng ilang buwan
nang hindi nasisira.

•Lechon Buwaya
Ito ay sikat dahil ito ay kakaiba. Nabibili ito sa Davao Crocodile Park. Sabi daw nila, ito ay lasang
manok. Imbes na mansanas ang nilalagay sa bibig katulad ng Lechon baboy, buko ang nilalagay sa
Lechon Buwaya.

•Durian
Sabi daw nila ang Durian "tastes like heaven but smells like hell". Hindi makukumpleto ang pagpunta
mo sa Davao kung hindi mo ito matitikman. Ang prutas na ito ay sikat dahil ito ay may kakaibang
masarap na lasa. Ito rin ay masustansya.

•Kinilaw
Ang Kinilaw ay maaaring ang pinakalumang kilalang paraan ng pagluluto na ginamit ng mga
sinaunang tao sa Pilipinas. Ngayon, ang ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao ay gumagamit pa rin
ng mga prutas na tulad ng tabon-tabon at dungon; ginagayat, pinipiga at binababad ang gitna ng
prutas sa tubig at pagkatapos ay lilinisin ang isda sa pinagbabarang tubig bago ito ihalo sa iba pang
mga sangkap, isang proseso na sinasabi ng ilan na lalong nagpapasarap sa kinilaw.

•Pinakbet
Ang pinakbet o pakbet ay isang pagkaing Pilipino na may laman ng baboy o baka at gulay.
Karaniwang pinakukuluan ang mga sangkap nito at sinasahugan ng bagoong bilang pampalasa.

•Fried Pijanga
Ang Fried Pijanga ay isang tuyong isda at isa ito sa mga espesyal na pagkain sa Surigao dahil ito'y
pinangsikapan ng mga agraryong rural.

•Sayongsong
Isa sa mga sikat na pagkain sa Surigao at ito'y isang kakanin na nakabalot sa dahon ng saging. Ito'y
kasingkulay ng puto. Ito'y gawa sa malagkit na kanin, asukal, calamansi, mani at gata ng niyog.

•Pastil
Ang Pastil ay kanin na nilagyan ng ginisang meat flakes ng manok o isda na tinawag na ‘kagikit’, at
ibinalot sa dahon ng saging.

•Tinola
Ito'y nilagang isda o karneng baka o manok o baboy na may panahog na sibuyas,
tanglad(lemongrass), luy-a(ginger), maari ding may kamatis o sampalok, talbos ng kangkong o talbos
ng kamote(sweet potato) o maaring petsay o chinese cabbage, at mas masarap at masustansiya kung
ang halo ay dahon ng malunggay. Ang tinola ay karaniwan para naming mga Bisaya sa Mindanao.

•Law-oy
Ito'y halos kapareho ng pagluluto ng tinula ngunit and pangunahing mga sahog ay ang ibat ibang uri
ng mga preskong gulay, madahon man o maprutas na mga gulay. Katulad ng tinula, ang law-oy ay
karaniwang ulam para naming mga Bisaya sa Mindanao

•Inon-on o inon-onan
ito'y maaring isda o karne na niluluto ng suka, bawang, luy-a at sibuyas. Karaniwan ng mga Bisaya.

•Bikol Express
Ang Bikol Express o Sinilihan sa tubong katawagan.Karaniwan sa lutuing Bikolano ang paggamit ng
buko o niyog, gata, at sili, partikular na ang siling labuyo. Halimbawa ng mga lutuin sa Bikol ang laing
na tinimplahan ng bagoong. Ang laing sa Bikol ay may karne o hipon at mga gulay na binabalot sa
dahon ng gabi o taro, na pinakukuluan sa gata na nagiging malapot na sarsa.

•BAGNET
Ito ay kilala sa lokal na pangalan na chicharon. Ito ay isa sa mga kilalang pagkain ng Pilipinas na
matatagpuan sa Ilocos. Ito ay karaniwang isinasawsaw sa suka, bagoong at bawang.

IV.KATUTUBONG WIKA
Ang katutubong wika (kilala rin bilang inang wika, unang wika, arteryal na wika, o L1) ay ang
wika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan.[1] Batayan para sa
pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.

•Filipino
Ang pangunahing wika sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog kasunod ng iba
pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.

•Tagalog
Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng
kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng
Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON).
Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin
sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.

•Ilokano
Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon.
Gamit sa Rehiyon 1 at 2.

•Panggasinan

Gamit sa lalawigan ng Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.

•Kapampangan
angunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon.

•Bikolano
angunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon.

•Sebwano
Tinatawag ding Bisaya. Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at
malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng
bansa.
•Hiligaynon

Tinatawag ding Ilonggo. Gamit sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros.

•Waray-Waray
Gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar at Leyte.

V.KATUTUBONG LITERATURA
 Awiting Bayan
tulang inaawit na nagpapahayagng damdamin, kaugalian, karanasan,pananampalataya,
gawain o hanapbuhay ng mgataong naninirahan sa isang pook

 Bugtong
isang masining na paglalarawan ngisang bagay na nais tukuyin. Ito ay ginagamitbilang
pang-aliw sa mga pagtitipon. May sukat otugma.

 Salawikain
Isinasaad sa maiiksing pangungusap subalit ito ay makahulugan at makabuluhan

 Alamat

nagsasalaysay tungkol sapinagsimulan ng mga bagay-bagay. 


 Mito
kuwento tungkol sa mga Diyos o Diyosa

 Epiko
mahabang tula na inaawit o binibigkas.Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari
atkabayanihan ng isang mamamayan.

 Kasabihan
nagbibigay patnubay sa atingpang-araw-araw na pamumuhay
 Bulong
paghingi ng pasintabi sa mga dinakikitang espirito gaya ng mga lamang lupatulad ng
duwende.

 Palaisipan
tulad ng bugtong, nagpapatalasdin ng isipan ngunit hindi ito nakataludtod,walang sukat o
tugma at nakasulat saanyong pakuwento.

 Sawikain
salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay nghindi tuwirang
kahulugan

You might also like