You are on page 1of 4

ANG MGA LUMAD SA MINDANAO

______________________________________________________________________
Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahan ;

1. Natutukoy ang iilang mga pangkat-etniko sa Mindanao.


2. Nailalarawan ang pagkakakilanlan ng mga pangka-etniko sa Mindanao
3. Natatalakay ang mga kultura ng ilang mga pangkat sa Mindanao.

a. Katangian
b. Pagpapakasal at Pag-aasawa
c. Panganganak
d. Mga Paniniwala at Pamahiin
e. Kaugailian

4. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng bawat pangkat sa Mindanao.

___________________________________________________________

BALANGKAS NG PAKSA

Aralin 3 – Ang Mga Lumad sa Mindanao

1.1. Ang Mga B’laan

1.2. Ang Mandaya : Wika at Kultura ng Sangab, Caraga, Davao Oriental

1.3. Kaamulan Festival : Isang Taunang Selebrasyon sa Probinsiya ng


Bukidnon

1.4. Ang mga Mansaka

1.5. Ang mga Mamanwa


ANG MGA LUMAD NG MINDANAO
.1. ANG MGA B’LAAN
( ni Nelia Orpiano- Du mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Sakop ng unang pangkat ng mga Indonesian ang mga B’laan. Ang Indonesian
ay ang unang dumating at naninirahan sa bansa mga 5000 0 6000 taon na ang
nakalipas. Ang pangkat nila ang gumamit ng Bangka bilang transportasyon papuntang
Pilipinas.

Sinasabing, ang nagbunsod sa pag-iwan ng mga B’laan sa kanilang mga


minanang lupain ay ang pagdating ng mga Kristiyano. Dahil dito, inangkin ng mga
nandarayuhang pamilya ang kanila lupa. Kung kaya, itinigil na ang pagkakaingin ng
karamihan sa mga B’laan.

3.2. ANG MANDAYA: WIKA AT KULTURA NG SANGAB, CARAGA,


DAVAO ORIENTAL
( nina Raymund M.Pasion, Marilyn C. Arbes, Julieta C. Cbreco, Firuz
M.Dalandangan mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang salitang Mandaya ay nagmula sa salitang “man” (tao) at “daya” (itaas


na bahagi ng ilog). Kung kaya, sa Ingles, ang tawag sa kanila “Inhabitants of the
Uplands.

Karaniwang naninirahan ang mga Mandaya sa bulubunduking bahagi ng


Katimugang Mindanao sa Davao del Norte, Compostela Valley province, Agusan del
Sur, at Davao Oriental. Ang may pinakamaraming populasyon ng mga Mandaya ay
nasa Davao Oriental.

Lubos na napapanatili ng mga Mandaya ang kanilang kasuotan pati ang


paghabi nito na tinatawag nilang dagmay, isang telang hinabi na mula sa abaka.

3.3. KAAMULAN FESTIVAL : ISANG TAUNANG SELEBRASYON SA


PROBINSIYA NG BUKIDNON
( nina Nenita Rebecca Y. Casten, Shandra G. Dimaudtang, Nelia O. Du at Julie Ann Asari-
Orobia mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Ang Bukidnon ay kilala bilang Pineapple Capital of the World. Maraming mga
turistang mula pa sa malalayong lugar at karatig lugar ang naeengganyo sa malamig na lugar
na ito. Ang probinsiya ay hindi nakararanas ng malakas na bagyo sapagkat ito ay
napalilibutan ng matatarik na bundok.

Ang probinsiya ng Bukidnon ay binubuo ng 95% Pilipino at 5% naman ay mga


Britanya, Amerikano, Indonessyo, Tsino at Koreano. Ang pangunahing wikang kanilang
ginagamit ay Sebuano. Bukod dito, may iba ring wika ang ginagamit ng ibang tribo na
naninirahan sa probinsya; Bisaya, Hiligaynon at Binukid.

Ang Kaamulan Festival ay maituturing na kaisa-isang piyestang etniko ng Pilipinas na


kasabay rin sa araw ng pagkatatag ng Bukidnon noong 1917 at inaantabayanan ng lahat.

 Ang mga Kultural na Grupong Kasapi sa Kaamulan Festival

Ang mga Manobo – ang mga taong Bukidnon ay nabibilang sa orihinal na proto-
Philippine stock.

Ang terminong Higaonon ay nagngahulugang “people of the wilderness”. Ang


kanilang tirahan ay hindi lamang sa probinsya ng Bukidnon kundi pati na rin sa lugar ng
Agusan del Sur at sa Misamis Oriental.

Ang Matigsalug ay isa ring grupo ng Bukidnon na sa Lambak ng Tigwa-Salug, San


Fernando makikita. Ang Matigsalug ay nangangahulugang “mga tao sa Ilog ng Salug”.

Ang tribong Talaandig ay isa sa mga nagpapatuloy at nagpepreserba ng katutubong


kaugalian ng mga Matigsalug.

3.4. ANG MGA MANSAKA


( ni Marilyn C. Arbes mula sa aklat na Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan)

Matatagpuan sa Rehiyon IX partikular sa mga probinsya ng Davao del Norte at


Compostela Valley ang mga Mansaka na maituturing ding grupong etniko. Sa salitang “man”
o tao na ang kahulugan ay una at saka na ang ibig sabihin ay umakyat ang pinaghanguan ng
salitang Mansaka. Sila ang binansagang “the first people to ascend to the mountain or go
upstream o mga unang tao na umakyat sa bundok. Ang unang taong Mansaka ay tinatawag
na Tipamud. Bagamat ang mga Mansaka ay may malaking bahagi ng ancestral domain sa
lugar ng comval Province at Davao del Norte, hindi sila maituturing na subgroup o subtribe
ng tribong Mandaya.
3.5. ANG MGA MAMANWA
( ni Nenita Rebecca Y. Casten mula sa aklat na Wika at Kultura sa
Mapayapang Lipunan)

Ang salitang Aeta, Ayta (Ata), Ate at Ita ay nagmula sa salitang-ugat na


“It” na ang ibig sabihin ay “maiitim” sa Tagalog at “itumon” naman sa
Cebuano.

Mga taong bundok at maiitim ang mga Mamanwa. Sila ay pandak, kulot
ang buhok at sarat ang ilong na may mga matang maiitim. Tinatawag na
Mamanwa ang mga Aeta sa Mindanao na naninirahan sa bahaging hilagang
silangan ng mga probinsya ng Surigao at Agusan. Ang ibig sabihin ng salitang
Mamanwa ay “first forest dwellers” na mula sa salitang man (first) at banwa
(forest). Ang mga Aeta ay kilala sa tawag na kongking dahil sa kanilang buhok
na kulot. Ang salitang ito ay mula sa salitang “conquista” na
nangangahulugang, “the conquered ones”. Gumagamit sila ng kanilang
diyalekto kapag nakikipag-usap sila sa kapwa Mamanwa subalit, sila ay
nagsasalita rin ng wika ng mga taga ibang bayan.

You might also like