You are on page 1of 11

Taong Tabon

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Nangangailangan ang artikulo o seksyon na ito


ng pagwawasto sa balarila, istilo, pagkakaisa, tono o
baybay.
Maaari kang makatulong sa pamamagitan ng pagbabago
nito ngayon. (Agosto 2009)

Ang Homo sapiens ay nahukay sa kweba ng tabon sa Palawan noong 1962,


mga 22, 000 taon na ang nakakaraan. Ito ay isang fossilized na bungo. Nahukay ito
kasama ng mga gamit nila. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho nang ating
pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. Mataas
ang noo na hindi gaanong matambok. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli
na ang baba. Maunlad sila sa kagamitan tulad ng lanseta. Ang homo sapiens ay
tinatawag din na "nakatatandang marunong na tao" dahil marunong na silang mag-isip
at alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid.

Mga Negrito
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Negrito)

Isang makabagong larawan ng isang batang babaeng Ita, isang Negrito.


Isang lumang larawan ng isang batang babaeng Negrito. Kuha noong 1901.

Ang mga Negrito sa Pilipinas, ayon kay H. Otley Beyer, ang sinasabing unang
pangkat na dumating sa kapuluan ng Pilipinas noong mga may 20,000 na taon
na ang nakararaan. Diumano, pinaniniwalaang ring nanggaling sila sa Borneo at
naglakad at tumawid sa pamamagitan ng mga tulay na lupa para marating
ang Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanaw. Bagaman isa ito sa mga
pinaniniwalaan, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring may iba pang
nauna kesa mga Negrito. Kabilang sa mga pinakamatandang katibayan ang tao
sa Tabon, kung kaya't may mga naniniwalang hindi mga Negrito ang naunang
taong namuhay sa Pilipinas. Ngunit hindi pa rin natitiyak kung kailan talaga
dumating ang mga Negrito sa kapuluan. Isa sa mga dating sapantaha ang
naglalahad na nakarating sa Pilipinas ang Negrito noong huling panahon ng tag-
ginaw (mga 30,000 taon hanggang 18,000 taon sa nakaraan), kung kailan
bumabaw ang mga karagatan kaya't nakalakad ang mga tao sa lupang lumitaw
mula Biyetnam, Indonesya at Malaysia. Ito ang sinapantaha sapagkat
pinaniniwalaang hindi marunong ang mga Negrito sa larangan ng pamamangka
at paglalakbay sa mga katubigan, partikular na sa mga karagatan, bagaman may
mga ginawang paghahambing sa pagitan ng mga Negrito at ng
mga aboriheno ng Bagong Gineyaat Melanesya.[1] Sapagkat marunong gumamit
ng palakol at askarol (batong pinatulis) ang mga tinutukoy na aboriheno, at may
kaalaman din sa pamamangka, nagkaroon ng mga katanungan kung naging
marunong din sa ganitong mga gawain ang mga Negrito. Subalit nagkaroon ng
mga suliranin sa paghanap ng mga sinauna nilang kagamitang yari sa mgabato
o mga katulad mula sa mga kasukalan ng mga kagubatan. Nalalaman lamang na
may gawi silang nomadiko o palabuy-laboy, pagala-gala, at palipat-lipat ng mga
pook, wala silang permanenteng tirahan, kahit man mga libingan ng mga
namatay na kauri.[1]

Mga nilalaman
[itago]

• 1 Pinagmulan ng salita
• 2 Paglalarawan
• 3 Kayariang henetika

• 4 Mga sanggunian

[baguhin]Pinagmulan ng salita
Hinango ang salitang Negrito mula sa Kastilang negro, at nangangahulugang
"maliit na taong maitim", na tumutukoy sa kanilang maliit na pangangatawan.
Ginamit ito ng unang mga eksplorador na Europeano na sinapantahang
nanggagaling ang mga Negrito mula sa Aprika. Kung minsan, tinataguriang
mga pigmi (mula sa salitang pygmy ng Ingles, na nagkukumpolsa kanila sa mga
mamamayang may katulad na kayariang pangkatawan sa Gitnang Aprika. Gayon
din, minsan ding ginagamit ang salitang Negrito sa mga pigming Aprikano.
[2]
Kung minsan pa rin, ginagamit din ang salitang Negroid para tukuyin ang mga
pangkat na ito, partikular na sa kanilang panlabas na kaanyuhang pisikal, katulad
ng buhok at kulay ng balat. Ayon kay James J.Y. Liu, isang propesor na
panitikang hambingan (literaturang komparatibo), tumutukoy ang terminong Intsik
na Kun-lun (Tsinong tradisyunal: 崑崙) sa mga Negrito.[3]
Tumutukoy din ang katawagang Negrito sa ilang mga pangkat etnikong nasa
mga hiwa-hiwalay na mga bahagi ng Timog-Silangang Asya.[4]Kabilang sa
kanilang pangkasalukuyang populasyon ang
mga Aeta, Agta, Ayta, Ati, Dumagat at mga may 25 iba pang mga tribo
saPilipinas; maging sa mga Semang tangway ng Malay, sa mamamayang
Mani ng Taylandiya at 12 mga tribong Andamanes ng Kapuluang
Andaman ng Indiya.

[baguhin]Paglalarawan

Bagaman may duda kung marunong mamangka ang mga sinaunang Negrito, narito ang isang
larawang nagpapakita ng mga Negritong nasakay sa isang bangka. Lumabas ang larawang ito
sa aklat ni Alden March noong 1899.[5]

Isa pang larawan ng pangkat ng mga Negrito mula sa aklat ni Alden March.

Maliliit lamang ang mga Negrito sa Pilipinas. May mga Negritong umaabot
lamang ang taas sa apat na talampakan. Maitim ang kanilang balat, pango ang
mga ilong, makakapal ang mga labi at kulot na kulot ang maiitim na mga buhok.
Bagaman walang katibayan kung ano ang mga pinakasinaunang kagamitan at
kasangkapan ng mga sinaunang mga Negrito sa Pilipinas, kabilang sa mga
kamakailang gamit ng mga pangkasulukuyang Negrito ang
[1]
mga sumpit, busog, pana, at mga kagamitang gawa sa bato.
Sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang kapangkatan ng mga Negrito.
Nilalarawang wala silang tunay na tribo, kundi mayroon silang mga pagsasama-
samang kaangkanan lamang. Kabilang sa mga ito ang mga Aeta ng Sambales,
Kagayan at Isabela, ang mga Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang
mga Baluga, ang mga Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanaw.
Tinawag na Negros ang pook na Negros sapagkat napakarami ng bilang ng mga
Negrito doon noong kapanahunan ng pagsapit ng mga Kastila sa Pilipinas.
Tinawag namang Panay ang pook na Panay dahil sa katawagan ng mga Negrito
sa isang halaman, ang aninipay.[1]
Bagaman pagalagala ang karamihan sa mga Negrito, mayroon ding tumigil sa
mga yungib at sa gilid ng mga bundok, ang dahilan kung bakit tinawag din silang
mga taong-bundok. Mayroon namang mga gumamit ng mga pansamantalang
tahanang yari sa mga sanga at dahon ng mgapunongkahoy. Palipat-lipat sila ng
tirahan upang humanap ng mga makakain. Nangangalap sila ng
mga prutas, halamang-ugat, at anumang halamang maaaring kainin. Umasa rin
sila sa kanilang kapaligiran kung kaya't nangisda at nangaso sila.[1]
Sa sari-saring mga pook sa Pilipinas, iba't iba ang naging mga katawagan para
sa mg Negrito. Kabilang na nga rito ang mga katagurian sa Luzon
na Aeta, Ita, Dumagat, Agta, Abian, Baluga,Remontado, at Pugot sa Luzon.
Partikular sa Gitnang Luzon, ang pagtawag sa kanila bilang mgaAeta, Ita,
at Baluga. Sa Siyera Madre kilala sila bilang Dumagat, Agta, Remontado,
at Pugot. Sa pulo ng Panay, mas kilala sila bilang mga Ati, ang pinagmulan ng
pagdiriwang na Ati-Atihan. Sa Gitnang Kabisayaan, kilala sila sa
katawagang Ata, samantalang Mamanwa naman sa Samar atLeyte. Mayroon
ding mga Negrito sa Mindanaw, partikular na sa mga lalawigan
ng Surigaw at Hilagang Dabaw. Sa Surigao, kilala sila bilang ang
mga Mamanwa, at Ata naman sa Hilagang Dabaw. Magkakaiba ang mga gawi
ng bawat pangkatin ng mga Negrito: nilalarawang mapupusok ang mga Aeta
ng Kagayan at Isabela; "kimi, maraming mga bulaklak sa katawan, at patagu-
tago" ang mga Batak sa Palawan. Tinatayang maaaring magkakahiwalay at
magkakaiba ang panahon ng pagdating nila sa Pilipias, at "daan-daan o libu-
libong taon ang pagitan" ang pagitan ng mga kapanahunang ito.[1]

[baguhin]Kayariang henetika
May pinasasuhang pangkaraniwang katangiang pangkatawan ang mga Negrito
at ang mga populasyon ng pigming Aprikano, kasama ang pagkakaroon ng
mababang taas at maitim na balat, subalit hindi pa rin natitiyak ang pinagmulan
at ruta ng kanilang migrasyon patungong Asya. Malayo ang kanilang mga
katangiang panghenetika mula sa mga Aprikano at nagpapakitang nagsangan ng
maaga mula sa mgaAsyano, isang pagpapahiwatig na maaaring mga kamag-
anak sila ng mga mamamayang naglakbay palabas ng Aprika, o kaya sila ang
mga supling na inapo o hinlog ng isa sa mga populasyong tagapagtatag ng
mga makabagong tao.[6] Bagaman, noong 1899, nilarawan sila ni Alden March na
"walang dudang nagmula sila sa mga liping Aprikano" at bilang mga aborihen ng
Pilipinas na may higit sa 600,000 ang bilang noong mga panahong iyon.[7]
Indones
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga Indones[1] ang tinatayang sumunod na pangkat na nakarating
sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bangkang inuka sa kahoy na tinatawag
na balangay.

[baguhin]Paglalarawan

[baguhin]Unang pangkat
Nagmula sila sa Timog-silangang Asya. Mapuputi sila at balingkinitan ang
pangangatawan, matangkad kaysa sa mga negrito, makitid ang mukha, malapad
ang noo, malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Dumating sila sa
Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na nakakalipas. Mas maganda at
makabago ang kanilang kalinangan at pamumuhay. Ang kanilang mga pabilog
na bahay ay yari sa kahoy at may bubong na yari sa damo o talahib. Ang mga
bahay nila ay nakatayo sa lupa o di kaya'y nakahukay sa lupa na may isang
metro ang lalim. Ang iba naman ay nasa tuktok na punungkahoy ang bahay.
Namuhay sila sa pamamagitan ng pamamana, pangingisda at pagkakaingin.
Binubungkal nila ang lupa at nagtatanim ng tugi at milet. Niluluto nila ang
kanilang mga pagkain. Ang kanilang kagamitan tulad ng pinggan ay yari sa
dahon. Sila ang mga unang pangkat ng mga Indones. Pinaniniwalaang ninuno
sila ng mga Ilongot ng Sierra Madre at ng Caraballo.
[baguhin]Ikalawang pangkat
Ang pangalawang pangkat ng mga Indones na dumagsa sa Pilipinas ay
maitim, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang
ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang pangangatawan. Sila ay galing sa
tangway ng Indo-Tsina at naninirahan sa mga baybayin ng Luzon. Higit na mas
maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa sa mga naunang dumating sa
pilipinas.
Ang sumunod na pangkat na nakarating sa Pilipinas ay ang mga taong
nangngaling sa Gitnang Asya, may kulang-kulang isang libong taon na ang
nakalilipas. Yari sa tanso ang kanilang mga kagamitan at pinaniniwalaang
marunong din silang gumamit ng patubig sa kanilang pagsasaka. Natatanim sila
ng palay, gabi, ube at iba't ibang uri ng halamang makakain.

[baguhin]Terminolohiya

Sa kasaysayan ng Pilipinas, Indones ang katawagan sa mga mamamayan ng


Sinaunang Indonesya na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas. Ngunit sa
makabagong panahon, tumuturing ang Indon (sa Ingles) o Indones sa literal na
salin, sa pinaikling Indonesyan (Indonesian, tawag sa mamamayan o sa wika ng
kasalukuyang Indonesya) o Indonesya (Indonesia, ang bansa). Mas
minamarapat ng mga makabagong mamamayan at ng pamahalaan ng
Indonesya na tawagin silang Indonesyano, Indonesyan o Indonesian, sa halip
na Indon o Indones, isang sinaunang katawagan na itinuturing ngayon, kung
hindi gagamiting pangkasaysayan, na nakakainsulto sa kanila, katulad ng ginawa
nilang reklamo sa Malaysia noong Mayo 2007.[2] Ngunit ayon sa
talahulugang Tagalog-English Dictionary ni Leo James English, Indones (lalaki)
atIndonesa ang katawagan ng mga Indonesyano sa wikang Tagalog.[3]

Malay (pangkat etniko)


Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Malay)
Tumuturo dito ang Malayo at Melayu/ Para sa wika, tingnan ang Wikang
Malay. Para sa iba pang gamit, tingnan ang Malay (paglilinaw).
Ang mga Malay (Malay: Melayu) ay isang pangkat etniko na pangunahing
naninirahan sa Malaysia, Indonesia, Thailand, Singapore, atBrunei.
Sa Singapore, menoridad ang mga Malay dahilang karamihan ng kanyang
pamayanan ay binubuo ng mga mandarayuhang Tsino at Timog Asyano na
dumating kamakailan at mga inapo nito. Gayundin, kahit hindi teknikal na
bahagi ng kapuluan ng Malaya, ang katimugang bahagi ng Thailand – ang
rehiyong Pattani – ay pinamamayanan din ng mga Malay. Ito ang mga inapo
ng mandarayuhan mula sa karatig ng kapuluan ng Malaya na nang lumaon
ay nagpundar sa kaharian ng Pattani, isa sa maraming sultanang
musulmano na itinatag noong panahon ng pagpapalawak ng Islam sa Timog
Silangang Asya.
Kapatid na wika ng mga Malay ang mga
grupong Polines at Mikrones ng Gitnang Pasipiko bilang kasapi ng malawak
na pamilyangAustrones ng mga wika. Ang mga ebidensya ay
nagpapahiwatig rin na ang mga Polines at Mikrones ay maaring nagmula –
sa isang dako – sa mga ninunong mandaragat na nagmula sa palibot na
lahing Malay kasama ang mga Melanes. Maitim ang buhok ng mga Malay.
Ang kanilang balat ay kayumangging mura hanggang kayumangging
kaligatan.

Ugat ng katagang Malay


Ayon sa kasaysayan ng Jambi, ang salitang Melayu o Malayu (kung saan
nanggaling ang Malaya o Malay sa Tagalog) ay mula sa isang ilogna may
pangalang Sungai Melayu malapit sa Sungai Batang Hari ng kasalukuyang
bayan ng Muara Jambi, lalawigang Jambi ng Sumatra, Indonesia. Ang
nagpundar ng Malacca Parameswara ay isang prinsipe ng Palembang na pag-
aari ng isang bansang tinatawag na Malayu noong siglo 7. Malinaw na itinala ito
ni Yi Jing (635-713) sa kanyang talaarawang aklat na mayroong bansang may
pangalang 'Ma-La-Yu'. Ayon sa mga arkeolohikong pananaliksik ng Jambi,
maraming mga kasangkapan pang-arkitektura noong sinaunang Melayu ang
natagpuan kasama ang mga ebidensya nito. Sa matandang wikang
Tamil ng India, 'Kanlurang Bundok' ang ibig sabihin ng Malaya.
Ang salitang "Malay" sa Ingles ay galing mula sa salitang Olandes na "Maleiër"
na nagmula naman sa na “Melayu” ng salitang Malay. Ayon sa isang hinuang
popular, ang salitang Melayu ay nangangahulugan ng "dumayo" o "lumayo", na
maaring pakahulugan sa mapaglakbay na lipi sa rehiyong ito.

[baguhin]Pagkakasapi

Sa bronse ni Malvina Hoffman, dalawang lalaki ang naghahanda ng kanilang


panabong habang nanunuod ang isang batang lalaki kumakain ng prutas.
Naninimbang ang isang babaeng may dalang prutas sa kanyang uluhan. Field
Museum of Natural History, Chicago
Ang katagang Malay ay tumutukoy sa etnikong grupo na naninirahan sa tangway
Malay (na kasama ang pinakatimog na bahagi ng Thailand na tinatawag
na Pattani at Satun) at silangang Sumatra gayundin ang ang daigdiging kultural
na lumalagom sa malaking bahagi ng kapuluan. Sa Malaysia at Brunei,
mayoridad ang etnikong Malay, at isang malaking menoridad sa Singapore at
Indonesia. Nagsasalita sila ng iba’t-ibang dialekto ng wikang Malay. Ang dialekto
ng tangway ang saligang wika ng mga Malay ng Malaysia at Singapore. Ang
dialektong Riau naman ng silangang Sumatra ang pambansang wikang
Indones (Bahasa Indonesia) sa buong Indonesia. Ang etnikong Malay ang
nangingibabaw (ngunit hindi lahat ay Muslim) sa Brunei, Singapore, timoging
Thailand, Indonesia at Malaysia. Sa Malaysia, ang karamihan ng populasyon ay
etnikong Malay kasama ng ibang menoridad tulad ng timoging Tsino (e.g.
Hokkien at mga Cantones), timoging Indio (ang karamihan ay mga
Tamil at Malayali) gayundin ang mga Eurasyano.
Nasala ang impluwensya ng kulturang Malay sa buong kapuluan tulad ng
monarkong estado, relihiyon (Hinduismo/Budismo noong unang milenyo
AD, Islam noong ikalawang milenyo) at ang wikang Malay. Ang
makapangyarihang kaharian ng Srivijaya ang nag-isa sa iba't-ibang grupong
etniko sa timog silangang Asya bilang isang pinag-isang daigdiging kultural sa
halos isang milenyo. Noong panahong iyon nangyari ang malawak na paghiram
ng mga salita at konsepto sa Sanskrit na nagpadali sa paglinang ng Malay bilang
isang wika. Malay ang pinaka rehiyonal na lingua franca at ang mga wikang
creolo mula sa Malay ang ginagamit sa mga punduhang kalakalan sa Indonesia.
[baguhin]Artikulo 160 ng Saligang Batas ng Malaysia
Nagtatakda ang Artikulo 160 ng sari’t saring mga katawagang gamit sa Saligang
Batas. Mahalaga ang impakt nito sa Islam sa Malaysia at sa mga Malay dahil sa
pagtakda nito sa ilalim ng sugnay 2 sa kung sino ang isang Malay. Naging
mabisa ito pagkatapos ng Agosto 31,1957 (“Merdeka Day” o “Araw ng
Kalayaan”) sa Kanlurang Malaysia, at naging mabisa rin ito
sa Singapore at Silangang Malaysia nung nakipagsanib sila
sa Malaya noong 1963. Hindi na mabisa ang artikulo sa Singapore, buhat ng
paghayag nito ng kalayaan mula sa Malaysia noong 1965; naaapektuhan nito
gayunman ang legal na katayuan ng mga Malay na Singaporean pag
pumapasok sila ng Malaysia.
[baguhin]Depinisyon ng isang Malay
Itinatakda ng artikulo ang isang Malay bilang isang mamamayang Malaysian na
pinanganak sa isang mamamayang Malaysian na nagpahayag ng kaniyang
pagka-Muslim, Malay ang kinagawiang wika, may kaugaliang Malay, at nakatira
sa Malaysia o Singapore. Ang kalabasan nito ay na ang sinumang mamamayan
na Malay na umalis sa Islam ay hindi na itinuturing na Malay ayon sa batas.
Dahil dito, ang mga tanging karapatang Bumiputra na ibinibigay sa mga Malay sa
ilalim ng Artikulo 153 ng Saligang Batas, ang Bagong Patakarang Pang-
ekonomiya, atbp., ay binabawi sa mga iyong nag-palit-pananampalataya.
Gayundin, ang sinumang di-Malay na Malaysian na magpasampalataya sa Islam
ay maaaring hilingin ang mga tanging karapatang Bumiputra, kung maabot niya
ang iba pang mga kondisyon. Ipinapahayag sa isang aklat-pampaaralan na
tumatalima sa silabus sa Araling Malaysian ng pamahalaan na: “This explains
the fact that when a non-Malay embraces Islam, he is said to masuk
Melayu (become a Malay). That person is automatically assumed to be fluent in
the Malay language and to be living like a Malay as a result of his close
association with the Malays.” [1]

Relihiyon
Sa pananampalataya, karamihan ng mga Malay ay naging Musulmana mula sa
Hinduismo, Budismo at animismo noong unang bahagi ng siglo 15; sila ay
naimpluwensiyahan na mga mandaragat na Arabe, Tsino at Muslim mula sa
India noong Ginintuang Panahong Islamika. Ang Musulmana ang dominanteng
grupo ng relihiyon ngayon ng mga Malay ng Indonesia, Malaysia, Brunei at
Singapore. Ang kanilang pagiging Muslim mula Hinduismo at Budhismong
Theravada ay nagsimula noong mga taong 1400 na malaking
naimpluwensyahan ng desisyon ng maharlikang korte ng Malaka. Karamihan ng
Malay ng Thailand, Timog Aprika, Sri Lanka at Suriname ay mga Muslim din
bilang inapo ng mga nabinyagang mga Muslim ng Malaysia, Indonesia, atbp.

[baguhin]Ang makalumang konsepto ng “rasang


Malay”
Noong taong 1775 sa kanyang disertasyon sa pagkapantas na may pamagat
na De generi humani varietate nativa (Sa likas na uri ng sangkatauhan), nag-ulat
ng apat na pangunahing lahi sa pagamit ng kulay ng balat ang antropologong
si Johann Friedrich Blumenbach. Kasama rito ang Caucasiano (puti), Etiope
(itim), Amerikano (pula), at ang Monggol (dilaw).
Nang dumating ang 1795, nagdagdag si Blumenbach ng isa pang lahi na
tinatawag na Malay na sinasabing sub-kategorya ng lahing Monggol. Kasama sa
lahing Malay ang mga taong may "kulay kayumanggi na may balat na mapusyaw
na katulad ng kamagong hanggang sa kulay ng madilim na clavo de comer o
kulay kapeng kastanyas." Pinalawak ni Blumenbach ang katagang "Malay"
kasama ang mga naninirahan sa Marianas, Pilipinas, Maluku, Sunda gayundin
ang mga naninirahan sa mga pulo ng Pasipiko tulad ng mga taga-Tahiti.
Kanyang ipinalagay sa natanggap niyang bungo ng isang taga-Tahiti ang
nawawalang karugtong na nagpapakita ng transisyon sa pagitan ng
"pangunahing" lahi, ang Caucasiano, at ng "pinanggalingang" lahi, ang lahing
itim.
Mula kay Blumenbach, maraming nagpabulang mga antropologo sa hinua ng
limang lahi dahil sa malaking komplikasyon sa pag-uuri ng lahi.
Ang katagang ito ay ginagamit bilang isang pagkilala sa isang lahi sa malawak o
tiyak na kaisipan.
Halimbawa sa Pilipinas, maraming mga Pilipino ang nagsasabi na ang katagang
"Malay" ay mga katutubong namamayan sa bansang ito gayundin ang ang
namamayan sa karatig bansa ng Malaysia at Indonesia. Ang maling kaisipang ito
ay mula, sa isang dako, kay H. Otley Beyer, isang antropologong Amerikano sa
Pilipinas na nagmungkahi na ang mga Pilipino ay mga Malay na dumayo mula sa
Malaysia at Indonesia. Ang kaisipang ito ay pinalawig ng mga Pilipinong
manunulat sa kasaysayan at na kasalukuyan pa ring itinuturo sa mga paaralan
sa Pilipinas. Alalaumbaga, ang kasalukuyang konsensus ng mga
kontemporaryong antropologo, arkeologo, at lingguwista ay nagmumungkahi ng
kabaliktaran nito; kasama rito ay mga iskolar sa larangan ng pag-aaral ng
Austrones tulad nina Peter Bellwood, Robert Blust, Malcolm Ross, Andrew
Pawley, at Lawrence Reid.
Sa ibang salita, mas diberso ang mga Pilipino kaysa mga Malaysian. Kung sa
Malaysia ang tanging pangkat etnikong Awstronesyo lamang ay ang mga Malay,
sa Pilipinas naman ay nagraramihan sila: mga Bisaya, mga Tagalog, mga
Ilokano, mga Moro, mga Bikolano, mga Kapampangan, mga Panggasinan, at
marami pang ibang maliliit na pangkat tulang ng mga Ifugao, atbp.
[baguhin]Ang daigdig ng “rasang Malay”
Sa gamit ng mga rasyalista, na mga pinagmulan din ng konsepto ng mga rasang
“puti”, “itim”, “dilaw”, at “pula”, ang katagang "Malay" ay tumutukoy sa lahat ng
magkakaugnay na grupo na naninirahan sa kapuluang Malay (hindi kasama ang
matatandang katutubo nito). Kasama rito ang
mga Aceh, Minangkabau, Batak at Mandailing na naninirahan sa Sumatra, Java;
at Sunda sa Java; mga Banjar, Iban, Kadazan atMelanau sa Borneo;
mga Bugi at Toraja ng Sulawesi; ang mga pangunahing etnikong grupo sa
Pilipinas tulad ng mga Tagalog, Ilocano atIfugao ng Luzon, mga Bisaya sa gitna
ng Pilipinas, ang mga Maguindanao, Tausug at Bajau ng Mindanao at ng
kapuluang Sulu; at mga mamayan ng Silangang Timor (hindi kasama ang
matandang katutubong Papuano.)
Sa tiyak na kaisipan, ang katagang Malay ay tumutukoy rin sa isang grupo na
taal sa silangang bahagi ng Sumatra na dumayo sa Tangway Malay at sa
Kapuluang Riau nitong mga nakaraang libong taon. Minsan, ngunit madalang,
ang grupong ito ay tinatawag na “Malay Riau” upang ipakita bilang isang hiwalay
na grupo.
Ang katagang Melayu (taong Malay sa wikang Malay) sa Konstitusyong Federal
ng Malaysia ay tumutukoy sa isang taong nanampalataya sa Islam at kulturang
Malay, nagsasalita ng wikang Malay, at may ninunong Malay. Gayunman, hindi
lahat ng Malay ay naging Musulmano(Islamo).
Ang iba pang grupo na isinasama bilang mga Malay, ngunit naninirahan sa labas
ng kapuluan ng Malay, ay ang mga Cham ng Cambodia atVietnam at
mga Utsul na naninirahan sa pulo ng Hainan. Ang mga inapo ng mga Malay ay
matatagpuan ngayon sa Sri Lanka, Timog Aprika(ang Cape Malays)
at Madagascar. Sa Madagascar, Merina ang tawag sa kanila at isa sa
pangunahing etnikong grupo sa bansang ito.
Sa Suriname, na isang maliit na bansa sa Caribe sa hilagang-silangang pasigan
ng Timog Amerika, ay may malaking bilang ng mga Malay na mga inapo ng
manggawang Javanes na nandayuhan nitong mga kamakailan.
[baguhin]Mga wika ng “rasang Malay”
Kasapi ang mga wikang Malay ng pamilya ng wikang Malayo-Polines na isa sa
maraming sanga sa loob ng pamilya ng wikang Austrones. Kasama ng malaking
pamilya ng mga wikang ito ang lahat ng katutubong wika ng mga Malay sa
buong kapuluang Malay kasama rito ang Indones, Bahasa Malaysia, Tagalog at
lahat ng katutubong wika ng Pilipinas, Tetum (Silangang Timorese), at
ang wikang Malagasy ng Madagascar.
Ang malalayong kasapi ng malaking pamilya ng mga wika na nasa sangang
Polines ay ang mga wikang ginagamit ng mga Polines tulad
ngSamoan, Hawaiian, Rapanui at Maori ng New Zealand.
[baguhin]Relihyon ng “rasang Malay”
Ang mga imaheng ginto ni Garuda, ang sarimanok sa tuktok ng Vishnu, ay
nasumpungan sa Palawan sa Pilipinas. Isang gintong may pigurang diyosa ng
Hindu-Malay na 4 libra at 1 piyeng taas ang ngayon ay nanahan sa Field
Museum ay natuklasan pulo ng Mindanao sa Pilipinas noong 1917. Dahilang
ipinagbabawal sa Islam ang mga imahen at rebulto, nagpapakita na ang mga
rebultong ito umiinog na sa Mindanao bago pa man dumating ang Islam.
Maraming mga Malay ng Mindanao ay Muslim din ngunit sinasabing ika-23 at
huling grupo ng alon ng madarahuyuhan na dumating sa Pilipinas mula sa
katimugan.
Sa Pilipinas bunga ng pagsakop ng mga Kastila nang mahigit tatlong siglo, ang
Islam ay hindi nangingibabaw. Karamihan ng kasalukuangPilipino (alin man ang
sub-grupong Malay) ay Kristiyano na karamihan ay Katoliko Romano.
Gayunman, may malaking bilang ng Pilipino sa timoging pulo ng Mindanao at
kapuluang Sulu ay Muslim ang nakibaka sa pananakop ng Espanya at
magpasahanggang ngayon ay nakikibaka sa pamahalaang Pilipino.
Katulad ng mga Malay ng Pilipinas, ang Malay ng Silangang Timor ay mga
Kristiyano rin bunga mga pananakop ng kolonisador naPortugues. Ang dalawang
bansang ito ay mayoridad ng Kristiyano sa Dulong Silangang Asya.
Hinduismo ang nangingibabaw na relihiyon sa pulo ng Bali. Ang mga maliliit na
pulo sa kapuluan ng Malaya na nakaiwas sa pagkalat ng Islam at sa pagsikat ng
Kristiyanismo sa pamamagitan ng pananakop ng mga Europeo ay naniniwala sa
animismo. Mayroon ding nanampalataya kay Buddha.

You might also like