You are on page 1of 32

MAGANDANG HAPON

Week 30: May 10 - 14, 2021


I. Pinakamahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
• Nagagamit ang iba’t ibang mga uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng sariling karanasan
• Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng
pag-aaral ng Ibong Adarna

II. Aralin
• Mga uri ng pangungusap
• Ibong Adarna
Ano ang Pangungusap?
Ang Pangungusap ay grupo ng
pinagsama-samang mga salita ay may
mensahe o diwa. Ito ay may simuno
(subject) at panaguri (predicate).
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Pasalaysay o Paturol. Ito ay naglalarawan o nagku-kwento tungkol
sa isa o mga pangngalan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
• Ang luto ni nanay ay masarap.
• Malapit ang simbahan sa bahay namin.
• Marami ang manonood ng pelikula.
• Ang ibon ay lumilipad.
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Patanong. Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay.
Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
• Sino ang kumuha ang pagkain sa mesa?
• Malayo ba ang palengke dito?
• Ilan kayo ang papunta sa bahay?
• Umuulan ba sa labas?
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Pautos o Pakiusap. Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang
tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o
salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa:
• Pakiligpit ng kalat sa sahig.
• Pakisara ng pinto.
• Kunin mo ang salamin ko sa kwarto.
Mga Uri ng Pangungusap at mga
Halimbawa
Padamdam. Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o
nagpapakita ng damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam
(!).
Halimbawa:
• Naku! Nahulog ang mga itlog.
• Takbo!
• Sa wakas! Natapos din.
MGA TAUHAN SA
IBONG ADARNA
Don Pedro - Siya ang panganay
na anak ni Haring Fernando. Sa
tatlo, siya ang pinakamacho ang
katawan at kaiman ang
postura.Tinaksilan niya ang
kanyang kapatid dahil sa
selos.Magiging asawa niya rin si
Princesa Leonora.
Don Diego - Siya ang
pangalawang anak ni Don
Fernando at Donya Valeriana. Sa
tatlo, siya ang pinakatahamik.
Lagi siyang sumusunod sa mga
utos ni Don Pedro.Magiging
asawa niya rin si Princesa Juana.
Don Juan - Siya ang bunsong anak ni
Haring Fernando. Sa tatlo, siya ang
pinakamahal ni Don Fernando dahil siya
ay puno ng kabaitan. Mahal na mahal
rin ni Don Juan ang mga kapatid
niya.Siya din ang nakahuli sa Ibong
Adarna.Magiging asawa niya naman si
Princesa Maria Blanca.
Haring Fernando - Siya ang hari ng
Berbanya. Asawa siya ni Reyna
Valeriana.Mayroon siyang tatlong
anak,sina Don Juan,Don Pedro at
Don Diego.Siya ang nagkasakit dahil
sa kanyang masamang
panaginip.Ang tanging lunas lamang
sa kanyang sakit ay ang awit ng
Ibong Adarna.
Reyna Valeriana - Si Donya
Valeriana ay ang asawa ni Don
Fernando.Siya ang reyna ng
Berbanya.Anak niya sila Don
Juan,Don Diego at Don Pedro.
Kinala ng ibang tao na siya ay
mabait at maganda.
Ibong Adarna -
Ito ang tanging ibon na
nagpagaling sa sakit ni Don
Fernando.Siya ay dumadapo sa
Piedras Platas na nasa Bundok
Tabor.Itinuturing niyang si Don
Juan ang nag mamayari sa kanya.
Princesa Leonora
Siya ang kapatid nina Princesa
Maria Blanca at Princesa
Juana.Nakatira sa loob ng
mahiwagang balon.At sa huli,siya
din ang nagging asawa ni Don
Pedro.
Princesa Maria Blanca
Siya ay isang magandang princesa sa
Reyno De Los Cristales. Gumagamit siya
ng puting majika. Siya ang tinukoy ng
Ibong Adarna kay Don Juan.Nagiibigan
silang dalawa ni Don Juan. Ama niya si
Haring Salermo.Naging asawa niya rin si
Don Juan.
Princesa Juana
Siya ang unang natagpuan sa
mahiwagang balon ni Don
Juan.Siya ang unang mahal ni
Don Juan.Niligtas din siya ni Don
Juan mula sa Higante.
Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria Blanca.
Gumagamit siya ng itim na
mahika.Siya ang hari ng Reyno De
Los Cristales.Siya ang tumututol sa
pag-iibigan ng kanyang anak na si
Maria Blanca at ni Don Juan.
Haring Salermo
Siya ang tumulong kay Don Juan
papunta sa Piedras
Platas.Binigyan siya ni Don Juan
ng pagkain.
Manggagamot
Siya ay nanggamot kay Don Fernando.
Sinabi niya na ang Ibong Adarna ang
gamot sa sakit niya.Siya ang tanging
nakabatid sa sakit ni Haring
Fernando.
Week 32: May 24 - 28, 2021
I. Pinakamahahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
• Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
II. Aralin
• Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,Bugtong at
Palaisipan
Tulang Panudyo, Tugmang
de Gulong,Bugtong at
Palaisipan
Ang tula ay maituturing na pinakamatandang sining sa
kulturang Pilipino.Dito nagsimula ang iba pang mga sining tulad
ng awit, sayaw, at dula. Batay sa kasaysayan, ang mga unang
Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng kanilang
kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiaayos sa isang
maanyong paraan kaya kinakikitaan ng sukat at tugma.
Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno.
Ayon kay Alejandro Abadilla,”Bawat kibot ng kanilang bibig
ay may ibig sabihin at katuturan.” Marahil ito ang dahilan
kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula tulad ng
tulang panudyo,tugmang de gulong at palaisipan
1. Tula/Awiting Panudyo-ito ay isang uri ng akdang patula na
kadalasan ay may layunin
na manukso o mang-uyam.
Halimbawa:
 Bata Batuta
 Nagsuot sa lungga
 Hinabol ng Palaka
2. Tugmang de-gulong- ito ay mga paalala o babala na kalimitang
makikita sa pampublikong sasakyan.Sa pamamagitan nito ay
malayang naipaparating ang mensaheng may kinalaman sa
pagbibiyahe ng pasahero. Karamihan ng mga uri ng tugmang ito ay
binuo ni Dr.Paquito Badayos.
Halimbawa:
 “ Basta driver sweet Lover”
 “God knows hudas not pay”
 “Aanhin pa ang gasoline kung dyip ko ay sira na”
3. Bugtong at Palaisipan-layunin nitong pukawin o pasiglahin
ang kaisipan ng mga taong nagkatipon-tipon sa iisang
lugar.Isa ito sa paboritong pampalipas oras ng ating mga
ninuno.
Halimbawa:
 Paano ka tatawa na hindi nakikita ang iyong ngipin?
( Sagot:tatakpan ang kanyang bibig)
Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na
sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. Ito ay isa sa mga
itinuturing na katalinuhan o karunungang-bayan noong unang
panahon. Ito ay isang paraan ng pagpukaw sa isipan ng tao.
Halimbawa:
1. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano
nakuha ang bola nang ‘di man lang nagalaw ang sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.
2. May isang prinsesa sa tore ay nakatira.
Balita sa kaharian, pambihirang ganda.
Bawal tumingala upang siya’y makita.
Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang
prinsesa
Ang bugtong ay walang iba kundi ang pagbibigay ng isang
bahagya o suhestibong larawan sa pamamagitan ng pagbanggit
sa isang kilalakang bagay na nagsisilbing pantukoy at panghalip
din sa isang lihim o di-hayag na tao o bagay. Halimbawa:
1. Balabal n gaming hari, Kulay ay sari-sari
2. Bituing marikit Sa gabing madilim
Punong tirahan ng Ibong Adarna
Saan daw dapat pumunta si Don Juan upang
hanaping ang Ibong Adarna?

Ano ang dapat gawin ni Don Juan upang mahuli


niya ang Ibong Adarna?

You might also like