Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
(Pre-Finals Reviewer)
Korido
- May walong (8) pantig sa bawat taludtod
- Sadyang para basahin, hindi awitin
- Kapag inaawit, mabilis ang himig (allegro) dahil maikli ang mga taludtod
- Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural tulad ng pagpatag ng
bundok, pag-iibang anyo at iba pa.
- Ang popular na halimbawa nito ay ang Ibong Adarna
Awit
- May labindalawang pantig sa bawat taludtod
- Sadyang para awitin sa mga pagtitipon
- Ang himig ay mabagal na tinatawag na andate
- Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit
na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari
- Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
- Ang popular na halimbawa nito ay ang Florante at Laura.
Ibong Adarna
- Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita
Bundok Tabor.
- Ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa
pamamagitan ng magandang tinig nito.
Haring Fernando
Reyna Valeriana
- Siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro at Don
Diego.
Don Pedro
Don Diego
- Siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay
tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa
kanilang amang may malubhang karamdaman.
Don Juan
- Siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
- Siya ang prinsipeng nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor.
Donya Maria
Haring Salermo
Donya Leonora
Donya Juana
Donya Isabel
Donya Juana
Ang Ermitanyo
Ermitanyong Uugod-ugod
- Ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas
matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
Arsobispo
- Ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora.
Lobo
- Ang alaga ni Donya Leonora na siyang gumamot kay Don Juan sa Kaharian ng
Armenya.
Ang Higante
Ang Serpyente
- Malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora.
Hindi siya nagdala ng kabayo, inihanda niya ang sarili sa daranasing hirap sa paglalakbay.
Habang naglalakbay ay humingi ng gabay si Don Juan sa Mahal na Birhen. May natagpuan
siyang matandang ketongin na halos gumapang na sa damo. Humingi ito sa kaniya ng limos na
pagkain. Isang tinapay na lamang ang natitira sa kaniya, hindi pa niya alam kung saan ang
sadyang pakay at gaano pa katagal maglalakbay. Magkagayunman, ibinigay niya ang tinapay
sa ketongin. Nagalak ang matanda sa kabutihan ni Don Juan kaya nang malaman niya ang
pakay nito, tinuruan niya ang don sa dapat gawin. Kabilin-bilinan ng matanda na huwag maakit
sa gandang taglay ng mahiwagang puno, bagkus ay pumunta siya sa bahay sa ibaba ng
bundok, naroon ang ermitanyong makatutulong at magtuturo sa kaniya kung paano mahuli
ang Ibong Adarna. Sumapit ang pagdating ng mahiwagang ibon. Inihanda ni Don Juan ang sarili.
Umawit at nagpalit ng kulay ang ibon. Sa bawat pag-awit ay hinihiwa ni Don Juan ng labaha ang
kaniyang palad at pinapatakan ng dayap ang sugat upang mapaglabanan ang antok. Pitong
awit, pitong palit ng kulay, pitong sugat sa palad. Hindi nakatulog ang don kaya nang
magbawas ang ibon, naiwasan niya ang patak ng dumi nito. Nang mahimbing na ang ibon,
gamit ang gintong sintas ay itinali niya ito. Inutusan siya ng ermitanyo na punuin ng tubig ang
banga at ibuhos ito sa mga batong nasa ilalim ng Piedras Platas. Nagbalik sa dating anyo sina
Don Pedro at Don Diego, labis ang katuwaan ng tatlo. Nagpaalam na ang magkakapatid,
nagbilin ang ermitanyo na wala sanang maglilo sa kanila. Habang pabalik sa Berbanya,
nagpahuli ng lakad si Don Pedro at kinausap si Don Diego. Ayon sa kaniya ay malaking kabiguan
iyon sa kanilang dalawa at tagumpay naman para kay Don Juan. Nagmanukala siya na patayin
ang bunsong kapatid at akuing sila ang nakahuli sa ibon. Hindi man sang-ayon si Don Diego, ‘di
niya magawang salungatin si Don Pedro. Ngunit hindi rin niya maatim na paslangin ang bunsong
kapatid. Naisip na lang ni Don Pedro na saktan at lumpuhin si Don Juan, iwan ito at silang
dalawa ay uuwi sa kaharian bitbit ang Adarna. Pikit-mata itong sinang-ayunan ni Don Diego.
Nagtagumpay ang dalawa sa kanilang balak. Iniuwi nila ang ibon at sinabi sa ama na sila ang
nakahuli rito. Ang ibong lunas sa karamdaman ay nawalan ganda, anumang pilit ay ayaw
umawit, hinihintay niya ang totoong nagmamay- ari sa kaniya. Sa kabilang banda, si Don Juan
ay nag-iisa, maga at bugbog ang buong katawan. Tumawag siya sa Diyos at sa halip na
humiling para sa kaniyang kaligtasan ay kagalingan pa rin ng ama ang kaniyang idinasal. May
isang matandang dumating at dumulog kay Don Juan. Parang isang panaginip, biglang nawala
ang mga sugat at sakit ng katawan, nagbalik ang kaniyang lakas at sigla. Nagpasalamat at
nagpaalam na siya sa matandang kumalinga sa kaniya. Nagmamadaling bumalik ng Berbanya
si Don Juan, umaasang madaratnan pang buhay ang amang hari. Pagsapit sa kaharian ay
biglang namayagpag ang Adarna at nagsimulang umawit. Ang laman ng kaniyang awit ay
salaysay ng lahat ng paghihirap na dinanas ni Don Juan pati na ang pagtataksil ng dalawang
kapatid. Walang ano-ano’y gumaling ang hari, nilapitan ang Adarna at si Don Juan, pagkatapos
ay bumaling kina Don Pedro at Don Diego na namumutla sa takot. Ipinatawag ng hari lahat ng
kagawad at ipinataw ang parusa sa dalawa.
Mula sa kaharian, ibinaba ng Agila si Don Juan sa banyo ng mga prinsesa na kung saan
naliligo ang magkakapatid sa ganap na alas kwatro ng madaling araw. Samantalang si Haring
Salermo, ang hari ng Reyno de Los Cristales ay nagigising naman ng ala-singko ng madaling
araw. Bago umalis ang Agila ay pinagbilinan si Don Juan na magkubli sa halamanan upang hindi
mamalayan ni Prinsesa Maria Blanca.
Dumating ang tatlong prinsesa na nasa anyong kalapating busilak ang kaputian.
Nabighani si Don Juan nang tumambad sa
kanyang paningin ang kagandahan ni Prinsesa Maria Blanca. Habang siya ay naliligo ay itinago
ng prinsipe ang damit ng prinsesa kaya nang ito’y umahon, gayon na lamang ang
galit nito. Subalit nang dahil sa taos-pusong paghingi ng tawad ni Don Juan ay humupa ang galit
ng prinsesa.
Unang kahilingan, binigyan si Don Juan ng trigo na itatanim mula sa bundok na kanyang
papatagin na kailangan sa araw ding iyon ay mamunga at maani na gagawing tinapay upang
maging almusal niya.
Ikatlong utos nais ng hari na makalanghap ng sariwang hangin kaya’t pinausog niya ang
bundok upang maitapat sa bintana ng kanyang silid
Sa ika-anim na Utos, Naalala ng hari ang nahulog na singsing kayat bilang kapalit ng
kanyang buhay, kailangang maibalik ito.
Di man lubos ang kasiyahan ni Haring Salermo dahil sa husay at hanga sa pagtupad sa
lahat ng utos, ibinigay pa rin niya ang huling utos kay Don Juan at ito ay ang paamuin ang
mailap na alagang kabayo
Nalaman ni Donya Maria ang balak ng ama at niyaya niyang magtanan si Don Juan.
Ipinakuha ni Donya Maria ang ikapitong kabayo sa kabalyarista sapagkat iyon ay napakabilis
tumakbo ngunit sa pagmamadali ni Don Juan ay ikawalong kabayo ang nakuha niya. Hinabol
sila ni Haring Salermo at dahil sa ikapitong kabayo ang sinasakyan ng Hari ay kamuntik na
silang abutan niyon.
Hindi sila inabutan ng hari sa tulong ng mahika blangka ni Donya Maria. Isinumpa ng hari
si Donya Maria na malilimutan siya ni Don Juan. Namatay sa sama ng loob ang hari
Sina Don Juan at Donya Maria ay nakarating sa kaharian ng Berbanya. Iniwan ni Don
Juan si Donya Maria sa labas ng palasyo sapagkat ibig niyang salubungin iyon ng isang
marangal na pagsalubong na nababagay sa isang prinsesa. Pinagbilinan ni Donya Maria si Don
Juan na huwag lalapit kahit kaninong babae at makalilimutan siya ng prinsipe. Nang dumating si
Don Juan sa palasyo ay nilapitan siya ni Donya Leonora at nakalimutan ni Don Juan si Donya
Maria.
Itinakda ang kasal ng dalawa. Nalaman ni Donya Maria ang idaraos na kasal kaya’t
humiling siya sa kanyang singsing ng kasuotan ng isang Emperatris, karosang ginto, mga
kutsero at mga kabayo. Dumalo siya sa kasal kaya’t ipinatigil na pansamantala ang pagkakasal
kina Don Juan at Donya Leonora nang siya ay dumating bilang paggalang sa isang Emperatris.
Sinabi ni Donya Maria na ibig niyang handugan ng isang palabas ang mga ikakasal.
Ibinuhos niya ang lamang tubig ng prasko at noon lamang siya nakilala ni Don Juan.
Niyakap ng prinsipe si Donya Maria at sinabi sa kanyang amang hari na si Donya Maria ang
kanyang pakakasalan. Hindi pumayag si Donya Leonora. Ang pasya ng hari at ng Arsobispo ay
si Donya Leonora ang dapat pakasalan sapagkat siya ang unang kasintahan ngunit si Don Juan
ang nagpumilit na si Donya Maria ang kanyang pakakasalan sapagkat siya niyang iniibig.
Pinayuhan ng hari si Donya Leonora na pakasal kay Don Pedro at sumang-ayon naman ang
prinsesa.
Sabay na ikinasal sina Don Juan at Donya Maria, Don Pedro at Donya Leonora. Nang
matapos ang kasal ay ipapatong sana ng Haring Fernando ang korona kay Don Juan ngunit
pinigil siya ni Donya Maria at sinabing siya man ay may kaharian at kay Don Pedro na iputong
ang korona. Si Don Pedro ang naging hari ng Berbanya at si Donya Leonora ang reyna. Umuwi
na sa Reyno de los Cristales sina Don Juan at Donya Maria at sila naman ang naging hari at
reyna ng naturang kaharian. Naging mabuti sila sa pamumuno sa kanilang nasasakupan at
namuhay sila nang maligaya.
Made by: John Gabriel Cabauatan (7D) & Samantha Lay-at (7E)
Proofread & Revised by: Jairich Arciaga (7D)