You are on page 1of 2

IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 7
SEMI-FINAL EXAM
2018-2019

I. Panuto : Basahin at unawain ang bawat katanungan at piliin sa loob ng panaklong ang tamang
sagot at kahunan ito.
1. Ang “ Ibong Adarna “ ay napapabilang sa genreng (nobela, dula , korido, awit ).
2. Si Don Fernando at Donya Valeriana ay hari at reyna ng ( Albanya , Berbanya, Espanya, Gresya).
3. Nagkasakit si haring Fernando . Ano ang tanging lunas nito ?
( mga ugat ng kahoy, awit ng ibong Adarna, dayap na hinog, wala sa nabanggit )
4. Ang tatlong magkakapatid na anak ni Don Fernando at Donya Valeriana ay sina
( Juana-Leonora-Isabel, Isabel-Maria-Juana, Pedro-Diego-Juan, lahat na nabanggit)
5. Nagbabawas ang ibong Adarna , dahil ugali niya ito tuwing_____.
(bago kumain , bago lumipad , bago matulog , bago magpahinga )
6. Ang ibong Adarna ayon sa Ermitanyo ay umuuwi sa tinitirhang puno sa
( umaga , tanghali , hating gabi, madaling araw )
7. Ang ipinabaon ng Ermitanyo kay Don Juan sa pagharap nito at paghuli sa Ibong Adarna
( labaha-sinegwelas-kurbata, itak –dayap- panyo, labaha-dayap-sintas, labaha-tinapat-tubig )
8. Isinalaysay ni Donya Maria na ang bawat matalo ng ama niya ay magiging
( unggoy , maya , puno , bato )
9. Nalaman na ng lahat ang kasamaang ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa pagsasalaysay ni
( Don Fernando , Don Juan , Reyna Valeriana , Prinsesa Leonora )
10. Ang Prinsesang nakatuluyan ni Don Juan ay si _____.
( Prinsesa Juana , Prinsesa Isabel, Prinsesa Leonora , Prinsesa Maria)
11. Ang tubig na muntik nang lumunod sa Berbanya ay dala ni
( Prinsesa Leonora, Donya Maria, Haring Fernando, Don Juan )
12. Simbolo ng pagiging hari ay ang korona at ( sinturon, kabayo, setro, bota ).
13. Isinalaysay ni Prinsesa Leonora na ang pintong daanan ng kanilang bahay ay isang
( hagdan, balon, bintana , bubong ).
14. Isinalaysay ng Negrita na sa pagsama ni Prinsesa Maria kay Don Juan , ang dalaga ay
( ipinasundo, isinumpa , ipinahanap , ipinbitay ) ng ama.
15. Nakasalalay sa boteng hawak ni Prinsesa Maria ang buhay at kamatayan ng
( gwardiya , kabukiran , reyna , kaharian ).
16. Ipinahayag ni Juan na si Prinsesa Maria ay kanyang ( kakaibiganin, lalayuan, pakakasalan,
itakwil).
17. Ang larong itinanghal ng imperatris ay ( bayad, regalo , pautang , kawanggawa ).
18. Kinuha ni Donya Maria ang maliit na Negrito at Negrita sa isang ( lata, bote, kahon, aparador).
19. Mukhang maliit na reyna ang Negrita na hawak ang isang ( manyika, latigo, bandera, bulaklak).
20. Pinasimulan ng Negrito at Negrita ang pagtatanghal sa pamamagitan ng
( pagkanta , pagsasalita , pag-iyak , pagsayaw )
21. Itinanong ng Negrita sa Negrito kung kilala nito si ( Reynang Valeriana, Prinsesa Leonora, Haring
Fernando , Donya Maria ).
22. Nang hindi maalala ng Negrito kung sino si Donya Maria , nilatigong Negrita na ikinangiwi naman
ni ( Prinsesa Leonora , Reyna Valeriana, Haring Fernando, Don Juan ) sa sakit.
23. Hindi sana nangyari ang pagkawala ng Ibong Adarna kung hindi sumobra sa
( pagtatanong, pagtitiis , pagtitiwala, pagbabantay ) sa mga kapatid si Don Juan.
24. Dumating si Don Juan sa Reyno delos Crystal nang (umaga, medaling araw).
25. Ipinakalat ni haring Salermo kay Don Juan isang salop na (palay, mais, trigo).

II. Panuto : Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari mula sa “ Ibong
Adarna” . Isulat ang titik lamang . ( 26-35)
A. Ang mag-anak na Don Fernando at Donya Valeriana ay may tatlong anak sa kahariang Berbanya.
B. Pinayuhan si Don Juan ng ermitanyo upang makuha ang ibong Adarna.
C. Ang panaginip ni Haring Fernando ay ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
D. Nakarating si Don Juan sa Bundok Tabor na kung saan naninirahan ang ibon sa Piedras Platas.
E. Binugbog ni Don Pedro at Don Diego ang bunsong kapatid.
F. Dumating ang dalawang kapatid na dala ang ibong Adarna sa Berbanya.
G. Ayaw kumanta ng ibon pagdating sa kaharian dahil hinanap nito si Don Juan.
H. Pagdating o pag-uwi ni Don Juan sa kaharian agad umawit ang ibon.
I. Ang pitong awit ng ibon ang siyang nakapagbigay lunas ng may sakit na hari.
J. Nagkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang pamilyang Don Fernando at Donya Valeriana

III. Panuto : Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag. Piliin sa kahon ang sagot.

1. Ang _______ ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng karaniwang


ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
2. Ang korido ay may ____ pantig.
3. Ang korido ay sadyang para _____ hindi para _______.
4. Ang korido ay may himig ______ o _______ dahil maikli lamang ang mga taludtod nito.
5. Ang mga tauhan nito ay may kapangyarihang __________ o kakayahang magsagawa ng
kababalaghan.
6. Ang _____ at ______ ay dala ng mga kastila buhat sa _______.
7. Ang awit ay may _________ pantig.
8. Si Jose De la Cruz ay tinatawag ding ____________.

Awit Europa Supernatural awitin Labindalawang

mabilis Korido allegro sabihin walong Huseng Tigasin

tulang romansa mabagal Huseng Sisiw

IV. Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot kung ano ang ibig sabihin ng salitang nasa loob ng
kahon.

1. Hindi nakaligtas sa kutya ng mga kalaro ang pilyong bata.(parusa,gantimpala,palo)


2. Kulang sa kaligayahan ang taong may lumbay. (kaaway, problema, lungkot)
3. Mahirap makitungo sa mga lilong kasama dahil baka ipahamak ka nila.(basagulero, madaldal,
taksil)
4. Doktor ang nakatalos sa kanyang karamdaman sa bato.(nakagaling,nakaalam,nakapagsabi)
5. Pangalan ng haring ito ay mabunying Haring Fernando.(kagalang-galang,modelo,mahinahon)
6. Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana.(nililiyag,asawa,minamahal)

Good Luck & God Bless!!!


_Ma’am Mikay _


You might also like