Professional Documents
Culture Documents
Ang buong pamagat ng koridong ito ay “Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng
Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania”.
Ito ay nagmula sa di tiyak na bansa sa kontinente ng Europa kung kaya’t hindi rin tiyak ang orihinal na may
akda nito. Naging sikat lamang ang Ibong Adarna ng isalin ito sa katutubong wika. Paglaon ay itinampok na
rin ito sa entablado tulad ng komedya o moro-moro.
May ilan-ilan na nagsasabi na si Jose dela Cruz ang kumatha ng akda. Siya ay mas kilala sa tawag na
Huseng Sisiw, isang makatang naging guro ni Balagtas sa pagtula, ang may akda ng Florante at Laura.
Mahabang panahon ang aming ginugol sa paggawa ng buod na ito kaya naman umaasa kami na
makakatulong sa inyo ang aming bersyon ng Ibong Adarna buod ng bawat kabanata.
Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan.
Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa
kanila ay magmamana ng trono.
Talasalitaan:
Tanyag – sikat
Sagana – mayaman
Malimit – madalas
Supling – anak
Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa. Isang medikong paham ang
nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang
sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.
Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging lunas para sa sakit
ng Hari.
Talasalitaan:
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na paghihintay sa pagdating ng
ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon.
Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng
makapito ring ulit.
Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi na ito at walang
anu-ano’y natapat ito sa natutulog na prinsipe at sa isang iglap ay naging isang bato.
Talasalitaan:
Lunas – gamot
Natunton – narating
Nakaidlip – nakatulog
Kinapamihasnan – nakasanayan
Iglap – pikitmata, sandali
Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe. Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit
walang ibang ibon ang naaakit dito. Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang
ibon ngunit dahil sa lambing ng pag awit nito, ay agad ding nakatulog.
Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo.
Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.
Talasalitaan:
Pagkabigo – pagkatalo
Nasilayan – nakita
Inatasan – inutusan
Naglakbay – naglakad, lumibot
Lambing – karinyo, lamyos, suyo o alo na ipinahahayag sa pamamagitan ng mahinhing salita o kilos
Nasaksihan – nakita
Puntod – nitso; libingan ng patay
Ibong Adarna Buod Kabanata 5: Paglalakbay ni Don Juan
(Saknong 110 – 140)
Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari ang mawalay
sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan ang bunsong anak sa
paglalakbay nito.
Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor
at may baong limang tinapay. Isang beses sa isang buwan lang siya kumakain.
Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang marilag na
nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas.
Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita siyang
ermitanyong sugatan.
Talasalitaan:
Paglalakbay – paglalakad
Pagkalipas – pagkatapos
Bendisyunan – basbasan
Magtanan – umalis ng walang paalam
Binabagtas – nilalakad
Sambit – sabi
Marilag – maganda
Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda.
Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong umaawit
habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit.
Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi
makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng
mahiwagang ibon.
Talasalitaan:
Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit kasabay ng
pagpapalit ng kulay ng balahibo nito.
Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog. Upang maiwasan na
maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap.
Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at
nakabuka ang malabay na pakpak nito.
Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala ito sa dampa ng ermitanyo.
Talasalitaan:
Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli at
agad hinagkan ang bunsong kapatid.
Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din nitong
niyakap si Don Juan.
Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit.
Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.
Talasalitaan:
Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at pinahid ito sa palad ni Don Juan
at agad itong gumaling.
Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang pag alis. Habang binabagtas ang daanan pauwi
ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na
si Don Pedro ng masama laban sa kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan.
Nung una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay
bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Talasalitaan:
Labis itong nanibugho sa pagkawala ng kanyang bunso at ninais nalang mamatay. Ang ibong adarna naman
ay pumangit at ayaw nang kumanta dahil taksil ang nag uwi sa kanya.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Umaasa ang
ibong adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari ang kataksilang ginawa
ng magkapatid.
Talasalitaan:
Kasakiman – katangian ng tao kung saan gusto niyang siya lang ang nagmamay-ari ng lahat
Tangay – dala
Hinagkan – hinalikan
Nanibugho – nalungkot
Taksil – traydor
Ibong Adarna Buod Kabanata 11: Panaghoy ni Don Juan (Saknong
276 – 318)
Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na prinsipe. Namamaga ang kanyang buong katawan, may
pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw.
Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa mahal na birhen na nawa ay humaba pa ang buhay at
gumaling ang kanyang amang may sakit.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe. Handa naman niyang ibigay
ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig.
Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa labis na
pananabik.
Talasalitaan:
Panaghoy – paghihinagpis
Kahabag-habag – kaawa-awa
Nagtaksil – nagtraydor
Sinariwa – inalala
Pananabik – pagkagalak
Agad na naglaho ang mga sugat nito na parang mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo
at hinagkan ito.
Nais sanang gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya, ito’y isang uri
ng pagkakawanggawa.
Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang Hari at agad naman itong
sumunod.
Talasalitaan:
Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan agad ng Hari ang anak.
Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang lahat ng nangyari kay Don
Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng dalawang prinsipe kay Don Juan.
Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong katotohanan. Walang anu-ano’y biglang
tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon ang dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si
Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon.
Agad namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa. Bumalik ang sigla
ng kaharian dahil sa paggaling ng Hari.
Talasalitaan:
Nasindak – nagulat
Hinagkan – hinalikan
Namukhaan – nakilala
Pagtataksil – pagtatraydor
Natuklasan – nalaman
Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling nagbalak ng masama si Don
Pedro at Don Diego laban kay Don Juan.
Nagdalawang-isip si Don Diego na sumang-ayon sa plano ngunit sa huli’y pumayag din ito. Nakaidlip si
Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan na ng dalawa ang ibon.
Talasalitaan:
Nawili – natuwa
Pangamba – takot
Dalawin ng antok – makaramdam ng antok
Nagbalak – nagplano
Nakaidlip – nakatulog
Ibong Adarna Buod Kabanata 15: Ang Muling Pag-alis ni Don
Juan (Saknong 429 – 442)
Madaling araw palang ay nagpasya nang tumakas si Don Juan dahil batid niyang magagalit ang kanyang
ama kapag natuklasan nitong nakawala ang ibong adarna.
Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at Don Diego lang ang humarap sa
Hari.
Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na
naniwala ang Hari sa kanila.
Sinambit nina Don Pedro at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don Juan upang maparusahan.
Naglakbay sila sa bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y narating din nila ang
kabundukan ng Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.
Talasalitaan:
Nagpasya – nagdesisyon
Batid – alam
Natuklasan – nalaman
Sinambit – sinabi
Taksil – traydor
Naklakbay – naglakad
Sa bundok na ito nanirahan at nagtago si Don Juan sa takot na maparusahan ng kanyang amang hari dahil sa
nagawang kasalanan.
Nahihiya nang humarap si Don Diego kay Don Juan dahil sa pagtataksil na ginawa ng dalawa dito.
Bagama’t di sumang-ayon si Don Diego nung una sa plano ni Don Pedro na manirahan sa gubat kasama si
Don Juan, nagtagumpay parin ito sa pagsulsol na mapapayag si Don Diego sa plano.
Tinanggap naman ni Don Juan ang dalawang kapatid na makasamang manirahan sa bundok dahil mahal
niya ang mga ito.
Masayang namuhay ang tatlo sa Armenya habang nakatira sa isang magarang bahay na gawa sa kahoy.
Isang araw, napagkasunduan ng tatlo na tuklasin ang hiwaga ng kabundukan ng Armenya.
Talasalitaan:
Sagana – mayaman
Pagtataksil – pagtatraydor
Sumang-ayon – pagpayag
Pagsulsol – pag-udyok, paghikayat, pagpapayag
Magara – maganda, kaaya-aya
Tuklasin – alamin
Ibong Adarna Buod Kabanata 17: Ang Balon sa Armenya
(Saknong 480 – 503)
May natuklasang balon ang tatlong prinsipe, gawa ito sa marmol at gintong may mga ukit na natatabunan na
ng lumot.
Nagdesisyong bumaba si Don Pedro gamit ang lubid na naroon ngunit tatlong dipa lang ang naabot nito
dahil sa sobrang takot sa dilim. Sunod na sumubok si Don Diego ngunit ganun din ang kinalabasan.
Si Don Juan lang ang nakatagal sa ilalim ng balon at hindi pa ito bumabalik. Hinawa ang nararamdaman ni
Don Pedro habang si Don Diego naman ay pag-aalala dahil hindi pa umaahon ang kapatid mula sa balon.
Talasalitaan:
Nakita rin niya ang isang magandang dalaga na si Donya Juana. Namangha ang dalaga dahil narating ni Don
Juan ang lugar na iyon.
Lumuhod ang prinsipe sa harap ng dalaga upang magpakilala. Humingi rin ito ng paumanhin dahil sa
mapangahas na pagpunta sa lugar.
Inamin ni Don Juan na may nararamdaman siyang pag-ibig sa dalaga. Hindi naman siya nabigo dahil ganun
din ang nadarama nito para sa prinsipe.
Talasalitaan:
Tumambad – lumantad
Namangha – nagulat
Paumanhin – tawad
Mapangahas – matapang
Nabigo – palpak
Ibong Adarna Buod Kabanata 19: Bantay na Higante (Saknong 531
– 568)
Sinabi ni Donya Juana na may higante na nagbabantay sa hardin. Dumating ang higante dahil sa may
naamoy siyang tao.
Nung makita ng higante si Don Juan ay laking tuwa nito dahil hindi na niya kinakailangang mamundok
dahil mayroon na siyang makakain.
Nagalit si Don Juan at kinalaban ang higante gamit ang kanyang matulis na espada. Natalo ni Don Juan ang
higante.
Hiniling ni Donya Juana na iligtas din ang kanyang kapatid na si Donya Leonora dahil ayaw nitong lumisan
ng mag-isa.
Binalaan niya si Don Juan na mag-ingat dahil mas mabagsik ang bantay ni Prinsesa Leonora walang iba
kundi ang serpyentend may pitong ulo. Mahirap itong makalaban dahil kahit na tagpasin ang ulo nito ay
muling tutubo at mabubuhay.
Matatagpuan si Prinsesa Leonora sa di kalayuang palasyo. Ito ang palasyong may malaking hagdanang
ginto.
Talasalitaan:
Lumisan – umalis
Mabagsik – mabangis
Serpyente – ahas
Tagpasin – pinutol
Matatagpuan – makikita
Nagalit ang prinsesa at itinanong kung sino siya. Pinalayas ni Prinsesa Leonora si Don Juan sa lugar na iyon
dahil alam niyang malapit nang dumating ang serpyente.
Nagtapat ng nararamdaman si Don Juan kay Prinsesa Leonora dahil dito ay nakalimutan nya na hinihintay
pala siya ni Donya Juana sa labas.
Nangangamba ang prinsesa at baka mapako ang pangako ng Prinsipe sa kanya. Naramdaman nila ang
malakas na pagyanig ng lupa.
Talasalitaan:
Nakadungaw – nakasilip
Nahumaling – nabighani, nahulog
Serpyente – ahas
Nagtapat – umamin
Nangangamba – takot, kaba
Pagyanig – pag-galaw
Tinagpas ng Prinsipe ang ulo ng tampalasang serpyente ngunit agad itong tumubo. Nakaramdam ng pagal
ang prinsipe kung kaya’t siya’y nanalangin.
Agad namang bumalik ang lakas ng prinsipe. Nagtagal ng tatlong oras ang laban. Inihagis ni Prinsesa
Leonora ang balsamo kay Don Juan upang ihasik sa natagpas na ulo ng serpyente upang hindi na ito muling
tumubo.
Nagapi ng Prinsipe ang serpyente. Inilabas ng balon ni Don Juan ang dalawang prinsesa. Natuklasan ni Don
Pedro at Don Diego ang pagpapakabayani ni Don Juan sa dalawang prinsesa at sumidhi nanaman ang buhi
ni Don Pedro dahil sa inggit lalo pa’t nabighani ito sa ganda ni Prinsesa Leonora.
Talasalitaan:
Serpyente – ahas
Lingkisin – puluputan
Tinagpas – pinutol
Tampalasan – pasaway
Pagal – pagod
Balsamo – langis na ginagamit sa paghihilot
Ihasik – ikalat
Nagapi – natalo
Sumidhi – lumakas, tumindi
Hindi man sumang-ayon ang prinsesa, binalikan pa rin ni Don Juan ang singsing. Habang bumababa ng
balon ang prinsipe biglang pinutol ni Don Pedro ang pisi kung kaya’t nahulog ito.
Labis na nanlumo ang prinsesa sa kataksilang ginawa ni Don Pedro. Nang makabalik ang dalawa sa
Berbanya itinanong ng Hari kung nasaan ang bunsong anak ngunit pinabulaanan nila na hindi daw nila
nahanap si Don Juan.
Sa halip ay nakapagligtas sila ng dalawang dilag mula sa higante at serpyente.
Hiniling ni Don Pedro na ikasal sila agad-agad ngunit sinabi ni Prinsesa Leonora na hindi siya maaaring
ipakasal pagkaraan ng pitong taon dahil siya ay may panata.
Talasalitaan:
Kataksilan – katrayduran
Pisi – lubid
Nanlumo – nanghina
Pinabulaanan – nilinlang, nagsinungaling
Dilag – magandang babae
Serpyente – ahas
Panata – taimtim na pangako
Ipinahid niya ito sa katawan ni Don Juan at agad nanumbalik ang lakas. Niyakap ni Don Juan ang lobo.
Nagpatuloy na sila sa palasyo upang kunin ang singsing ni Prinsesa Leonora.
Sa tulong ng lobo ay madaling nakaahon si Don Juan sa balon. Habang pauwi ng Berbanya ay nakaramdam
ng pagod si Don Juan, kaya nagpahinga muna siya sa isang mayabong na punongkahoy.
Talasalitaan:
Engkantada – uri ng nilalang na may angking kakayahan na iba sa ordinaryong tao o hayop
Nilinlang – niloko
Nanumbalik – bumalik
Nakaahon – nakaakyat
Mayabong – malago
Sinabihan siya ng ibong adarna na magtungo sa Reyno De Los Cristales, ang kaharian na matatagpuan sa
dakong silangan.
Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at matalinong hari at may tatlong magagandang dilag na
supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at Maria Blanca.
Dapat niyang pillin si Prinsesa Maria Blanca dahil walang kaparis ang ganda nito. Habang ang umaasang si
Prinsesa Leonora ay patuloy na tumatangis sa pagkawala ni Don Juan.
Talasalitaan:
Isinalaysay – ikinuwento
Magtungo – magpunta
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Dilag – magandang babae
Supling – anak
Kaparis – katulad
Tumatangis – umiiyak
Inabutan din siya ng pulot-pukyutan at bumbong. Inutusan ng matanda si Don Juan na pumunta sa ikapitong
bundok at hanapin ang isang ermitanyo.
Iniabot ng matanda ang isang maliit na baro at sabihin daw na galing ito sa isang matanda.
Talasalitaan:
Pagtuklas – pag-alam
Naglalakbay – naglalakad
Bukbukin – bulok
Pulot-pukyutan – pulot na ginawa ng mga pukyutan (bees), honey
Bumbong – silindrikong sisidlan
Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao
Baro – damit
Nagngingitngit sa galit si Don Pedro dahil si Don Juan pa rin ang laman ng puso ni Prinsesa Leonora.
Nagdaan pa ang limang buwan na paglalakbay at natapos na ang pitong ulit na paghihirap ni Don Juan bago
tuluyang nakarating sa dampa ng ermitanyo na sinasabi ng matanda.
Talasalitaan:
Pagtangis – pag-iyak
Nagdurusa – naghihirap
Nagngingitngit – sobrang galit
Dampa – mas kilala sa tawag ngayon na bahay kubo
Ermitanyo – taong nnaninirahan ng hiwalay sa tao
Iniabot ni Don Juan ang barong nagmula sa matandang tumulong sa kaniya. Nabatid ng ermitanyo ang
pakay ng prinsipe.
Ngunit sa loob ng limang daang taon ng paninirahan ay hindi pa rin nito batid ang Reyno delos Cristales.
Pinatunog ng ermitanyo ang kampana at nagdatingan ang mga hayop sa Armenya subalit wala pa ring
nakakaalam kung nasaan ang reyno.
Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo na ihatid ito sa bahay ng kapatid ng
ermitanyo. Nakita ni Don Juan ang isa pang ermitanyo na may mahabang balbas na sayad sa lupa.
Nagalit ang ermitanyo dahil binulabog ito. Inabot ni Don Juan ang ipinadalang baro ng pinanggalingan nito.
Nalaman din ng ermitanyo ang balak ng prinsipe. Ngunit sa walong daang taon ng paninirahan nito ay di rin
niya batid kung nasaan ang hinahanap na kaharian.
Pinatunog din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon, ngunit wala din sa mga ito ang minsang nang
nakarating sa nasabing kaharian.
Talasalitaan:
Humingi ito ng tawad at sinabing nanggaling pa siya sa malayong lugar. Na kahit mabilis na ang kanyang
paglipad ay hindi parin umabot ito.
Sinabi ng ibon na siya ay nagtungo sa Reyno delos Cristales. Ikinuwento ng agila kung gaano karikit ang
kahariang gustong puntahan ni Don Juan.
Inutusan ng ermitanyo ang ang agila na dalhin doon si Don Juan. Sinabi ng agila na ang paglalakbay ay
aabutin ng mahigit isang buwan ng paglipad bago makarating sa banyo ni Maria blanca.
Ipinasama din ng ermitanyo ang laksa-laksang ibon upang may tagadala ng mga gamit at pagkain ni Don
Juan.
Talasalitaan:
Bilin – utos
Nagtungo – nagpunta
Karikit – kaganda
Paglalakbay – paglalakad/paglipad
Laksa-laksa – marami
Lumapag ang agila sa banyo ni Maria Blanca. Pinagkubli ng agila si Don Juan sa halaman upang hindi ito
makita.
Naaninag nila ang tatlong magagandang dilag. Ngunit mas umangat ang mala-diyosang kagandahan ni
Maria Blanca kung kaya’t nabihag agad ang puso ni Don Juan.
Naghubad si Prinsesa Maria Blanca at lumusong na sa tubig. Sinamantala ni Don Juan ang pagligo ni Maria
Blanca at agad kinuha ang saplot at hinalik-halikan nito.
Nagalit ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang saplot at nagbanta na papatayin niya ang sinuman kumuha
nito.
Talasalitaan:
Dahil sa amo ng prinsipe ay humupa ang galit ng prinsesa. Agad na nagkaibigan ang dalawa.
Ipinakilala ni Don Juan ang sarili habang si Maria Blanca naman ay agad na binalaan ang prinsipe na tuso at
matalino ang ama niyang si Haring Salermo.
Dagdag pa niya, ang sinumang nabigo sa pagsubok ng kanyang ama sa mga nanliligaw ay nagiging bato.
Agad na inihanda ni Don Juan ang sarili.
Talasalitaan:
Lapastangan – walang-hiya
Saplot – damit
Inilantad – ipinakita
Humupa – kumalma, tumigil
Tuso – mapanlinlang, pamanlamang
Pinatuloy ng hari si Don Juan ngunit magalang na tumanggi ito at naghintay ng ipag-uutos.
Inutos ng hari kay Don Juan na itanim ang isang salop ng trigo na kakaani palang at dapat ito ay mamunga
kinabukasan upang may maihain sa almusal.
Tuwang-tuwa ang hari dahil mayroon na naman siyang mabibiktima. Malungkot na tumungo si Don Juan sa
prinsesa at sinabing hindi niya magagawa ang pagsubok.
Inutos ni Maria Blanca na magpahinga at matulog nalamang si Don Juan dahil siya ang gagawa ng
pagsubok.
Gumamit si Maria Blanca ng mahika kung kaya’t agad na tumubo ang trigo at namunga. Ipinaluto niya ito
sa mga intsik at kinaumagaha’y ipinahain sa hari.
Talasalitaan:
Batid – alam
Pakay – balak, plano
Salop – takal
Trigo – uri ng bigas na ginagamit sa pag gawa ng harina
Ipinahain – ipinahanda
Ikinalat ito ng hari sa karagatan at nais niyang ipahuli kay Don Juan bilang isang pagsubok. Kailangan ay
makita ng hari kinaumagahan ang prasko na kumpleto ang nasa loob upang makaligtas sa kamatayan.
Malungkot na namang lumapit si Don Juan kay Maria Blanca dahil sa pangambang hindi niya mahanap
lahat ang labindalawang negrito dahil sa lawak ng karagatan.
Inutos muli ni Maria Blanca kay Don Juan na siya’y pumayapa dahil siya na ang bahala. Pinagdala niya ng
ilaw si Don Juan at nagtungo sila parehas sa dagat pagsapit ng ikaapat ng madaling araw.
Iniutos niya sa mga negrito na bumalik sa prasko kung hindi ay matitikman nila ang galit ni Maria Blanca.
Nagmadaling umahon ang mga negrito at agad na bumalik sa loob ng prasko.
Kinaumagahan ay dinatnan ng hari sa lamesa ang praskong may labindalawang negrito. Naiinis ang hari
dahil hindi niya mapatay-patay si Don Juan.
Talasalitaan:
Prasko – bote
Pangamba – takot, kaba
Pumayapa – mapanatag, itahimik ang loob
Nagtungo – nagpunta
Pagsapit – pagdating
Dapat ay magawa niya ito bago sumapit ang kinaumagahan. Muling lumapit si Don Juan kay Maria Blanca
na malungkot.
Pinawi ng prinsesa nag kalungkutan at sinabing siya na ang bahalang gumawa ng pagsubok. Nagtungo ang
prinsesa sa bundok.
Gamit ang napakalakas na hangin, pinalakad nito ang bundok malapit sa palasyo. Papasikat na ang araw ng
buksan ni Haring Salermo ang durungawan nito.
Talasalitaan:
Durungawan – bintana
Makalangahap – makaamoy, makalasap
Sumapit – dumating
Pinawi – tinanggal
Nagtungo – nagpunta
Ibong Adarna Buod Kabanata 34: Paglipat ng Bundok sa Gitna ng
Karagatan (Saknong 1123 – 1179)
Iniutos ni Haring Salermo na itabon ang bundok sa gitna ng karagatan at tayuan ito ng kastilyo.
Ipinagkaloob kay Don Juan ang mga kasangkapang gagamitin sa pagbuo ng kastilyo gaya ng palataw at
bareta, piko, kalaykay, maso, at kutsara.
Muling nagkita sina Maria Blanca at Don Juan. Inutos ni Maria Blanca na magpahinga na lang muli ito dahil
siya na ang bahala sa pinag-uutos ng ama.
Pinaandar niya ang bundok patungo sa gitna ng dagat at ito ay naging isang muog. Muling inutos ng hari na
alisin ang kastilyo at ibalik ang lahat sa dati.
Talasalitaan:
Pumalaot si Don Juan at Maria Blanca sa gitna ng karagatan. Inutos ni Maria Blanca na tadtarin siya ng
pinung-pino at ihulog sa tubig upang maging isang isda.
Kailangan ingatan ni Don Juan na walang tumalsik na piraso ng kanyang katawan dahil hindi na ito
maibabalik kapag nabuo na ang prinsesa.
Habang sumisisid ang prinsesa ay nakatulog si Don Juan. Kaya walang kumukuha ng singsing pag nalitaw
ang prinsesa.
Sinubukan ulit nilang gawin ito dahil sa sunud-sunod na kapabayaan ni Juan. Tinadtad niyang muli si Maria
Blanca ngunit dahil sa pagmamadali ay tumalsik ang dulo ng daliri nito.
Nakuha na ang singsing ngunit nagkulang ang dulo ng hintuturo nito. Bilin ng prinsesa na tandaan iyon
bilang palatandaan ng kanyang pagkakakilanlan.
Kinaumagahan ay namangha ang hari dahil nakita niya ang singsing sa ilalim ng unan.
Talasalitaan:
Pumalaot – lumusong
Tadtarin – hiwain
Tumalsik – tumapon, lumipad o napaalis mula sa isang lugar o pwesto
Pagkakakilanlan – katangian ng isang tao para maging iba sa iba, palatandaan
Namangha – nagulat
Batid ni Maria Blanca na ang kabayong iyon ay ang kanyang ama. Tinuruan ni Maria Blanca si Don Juan ng
mga paraan ng pagpapaamo ng kabayo.
Nagawa ni Don Juan ang lahat ng sinabi Maria Blanca at nagtagumpay itong paamuhin ang kabayo.
Nakaratay ang hari kaya si Don Juan nalang ang papapasukin sa palasyo.
Maaari nang makapasok sa loob ng palasyo si Don Juan dahil sa wakas ay natapos na ang panganib na
nagbabadya dito.
Talasalitaan:
Mayroong tatlong silid na kung saan nandoon ang tatlong prinsesa at ang mga hintuturo lamang nito ang
nakalabas.
Nilagpasan ni Don Juan ang una’t pangalawang silid. Pinili niya ang ikatlong silid dahil sa palatandaan niya
ang naputol na hintuturo ni Maria Blanca.
Nagulat ang hari ng napili ni Don Juan ang bunso nitong anak. Walang itong nagawa kundi pasamahin ang
bunsong anak sa prinsipe subalit ito ay may ibang binabalak.
May kautusang nagsasad na ipapadala sa Inglatera si Don Juan upang mapangasawa ang bunsong kapatid ng
hari.
Nagbanta si Haring Salermo na papatayin niya si Don Juan kung lalabagin ang kautusang ito. Nalaman ni
Maria Blanca ang lihim na plano ng ama kung kaya’t nagpasiya silang tumakas ni Don Juan.
Talasalitaan:
Wala ng panahon upang magtalo ang dalawa dahil kinakailangan na nilang tumakas. Ginamit ni Maria
Blanca ang kaniyang mahika ng mapansin na hinahabol siya ng hari.
Naghulog siya ng ng mga karayom na agad naging bakal na tinik. Hindi makalabas si Haring Salermo dahil
sa tinik na nakaharang. Dalawang araw niyang hinawan ang mga ito upang ipagpatuloy ang paghabol sa
dalawa.
Muling ginamit ni Maria Blanca ang kanyang mahika. Inilaglag ng prinsesa ang kanyang sabon at naging
bundok ang magandang daan.
Humanap ng ibang daan ang hari para tuluyan na itong mahuli. Ngunit sa huling pagkakataon ay ginamit na
naman ni Mari Blanca ang kaniyang mahika. Inihulog ng prinsesa ang dala niyang kohe upang maging
isang karagatan ang tuyong lupa.
Hindi na naabutan ng hari ang dalawa ngunit isinumpa ng hari ang kanyang anak. Isinumpa niyang
makakalimot at magtataksil si Don Juan sa oras na makarating ito ng Berbanya.
Nagkasakit ang hari dahil sa matinding sama ng loob at tuluyan ng namatay. Sa pagkahaba-haba ng nilakbay
ay nakarating din ang dalawa sa kaharian ng Berbanya.
Talasalitaan:
Dumating ang prinsipe sa Berbanya at labis iyong ikinatuwa ng hari ngunit siya namang ikinagalit ni Don
Pedro.
Nagalit ang hari sa nalamang kataksilang ginawa ni Don Pedro kaya hinayaan na lamang ng Hari si Prinsesa
Leonora kung sino ang pipiliin niya sa dalawa.
Talasalitaan:
Engrande – magarbo
Tinutulan – pinigilan
Batid – alam
Kataksilan – katrayduran
Si Maria Blanca naman ay labis na nanibugho sa pagtataksil na ginawa ni Don Juan. Kaya umisip ito ng
paraan kung papaano bawiin si Don Juan.
Naisip ni Maria Blanca na magpanggap biglang isang emperatris sa kasal at sumakay sa gintong karosa na
tangan ng labindalawang kabayo.
Talasalitaan:
Pagtataksil – pagtatraydor
Nakatakda – dapat na mangyari, walang makakapigil
Itakwil – paalisin
Nanibugho – nagalit
Emperatris – babaeng emperador o namamahala sa isang imperyo
Karosa – karwahe
Tangan – dala-dala
Ibong Adarna Buod Kabanata 41: Ang Pagbawi kay Don Juan
(Saknong 1450 – 1472)
Binigyan ng parangal ang paparating na emperatris sa pamamagitan ng pagpapatugtog ng musiko at
sandaling pinahinto ang kasal.
Labis na nanibugho si Maria Blanca dahil nakatuon lang ang pansin ni Don Juan kay Prinsesa Leonora.
Hiniling ni Maria Blanca sa kanyang singsing na bigyan siya ng isang prasko na may tubig. Lumitaw ang
prasko na may nakasilid na dalawang maliliit na ita.
Talasalitaan:
Hinahampas ng negrita ang pamalong hawak sa negrito sa tuwing hindi maalala ang mga pangyayari kina
Maria Blanca at Don Juan.
Isinalaysay ng palabas ang lahat ng pagsubok na kinaharap nilang dalawa. Simula sa pagtatanim at
pagpapamunga ng trigo hanggang sa pagpili ni Don Juan sa tatlong hintuturo ng mga prinsesa.
Pinapalo ng negrita ang asawang negrito sa tuwing hindi maalala ang salaysay ngunit si Don Juan ang
nasasaktan.
Talasalitaan:
Ngunit hindi nanghinawa ang prinsesa. Pinaalala niyang muli ang ginawa nilang pagtakas kay Haring
Salermo simula sa paghulog ng karayom na naging tinik hanggang sa pagtataksil ng prinsipe sa kanya.
Subalit kahit ang mga ito ay limot na ni Don Juan. Wala na talaga ang pag-asa na maalala ni Don Juan si
Maria Blanca kaya ipinatigil na niya ang palabas.
Naglahong parang bula ang dalawang ita. Hinagkan ni Maria Blanca ang prasko at bumulong. Babasagin na
niya ang prasko upang gunawin ang buong kaharian.
Talasalitaan:
Magunita – maalaala
Nanghinawa – napagod, sumuko
Pagtakas – pag-alis ng walang paalam
Pagtataksil – pagtatraydor
Naglaho – nawala
Hinagkan – hinalikan
Prasko – bote
Gunawin – sirain
Nalaman din ng hari ang buong katotohanan mula sa pagtira ng tatlong prinsipe sa Armenya hanggang sa
pagsubok na ginawa ni Haring Salermo kay Don Juan.
Naguguluhan ang Hari kung sino ang dapat piliin ni Don Juan kaya isinangguni niya ito sa isang arsobispo.
Ayon sa kanya ang piliin daw ni Don Juan ang mas nauna niyang inibig na si Prinsesa Leonora kung
kaya’t labis ang pagkagalit ni Maria Blanca.
Binasag ni Maria Blanca ang prasko at bumaha sa buong kaharian. Nakiusap si Don Juan na ihinto na ang
pagbaha at ipinangako kay Maria Blanca na siya nalang ang iibigin nito.
Humingi ng tawad si Don Juan kay Prinsesa Leonora at ipinakiusap na tanggapin ang pag-ibig na laan ni
Don Pedro. Noon din ang hiniling ni Don Juan na ikasal na sila ni Maria Blanca.
Talasalitaan:
Hangad sana ni Don Fernando na ipasa ang korona kay Don Juan upang maging susunod na hari. Ngunit
iminungkahi ni Maria Blanca na kay Don Pedro nalang ibigay ang korona dahil paghaharian na ni Don Juan
ang Reyno delos Cristales.
Isinalin ng Arsobispo ang korona kay Don Pedro bilng hari at Prinsesa Leonora bilang reyna ng Berbanya.
Pagkatapos ng kasal ay muling bumalik sina Don Juan at Maria Blanca sa Reyno delos Cristales.
Talasalitaan:
Namayapa si Haring Salermo at ang mga kapatid ni Maria Blanca. Naabutan na payapa ang Reyno sa
kanilang pagbabalik.
Malugod na tinanggap ng kaharian si Maria Blanca bilang bagong reyna. Nagkaraon ng piging kasama ang
panalangin para sa namayapang ama at mga kapatid ni Maria Blanca.
Nagdiwang ang Reyno delos Cristales dahil sa bagong hari at reyna nila. Walang patid na musika at pista sa
loob ng siyam na araw.
Walang sinuman ang naghirap sa kaharian dahil sa matapat na pamamalakad ng hari’t reyna. Lalo pang mas
naging maunlad ang Reyno delso Cristales.
Talasalitaan:
Namayapa – namatay
Malugod – masaya
Piging – pista
Patid – tigil
Pamamalakad – pagpapatakbo
Maunlad – sagana
Kung ang buod ng Ibong Adarna na ito ay naging kapaki-pakinabang sa iyo, mangyaring ibahagi ito sa
iyong mga kaklase at kaibigan.