You are on page 1of 1

Filipino VI

 Awit - Ang tawag sa salaysay na may lalabindalawang pantig na may mga taludtod tungkol sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran, ngunit makatotohanan ang mga tauhan at walang sangkap na
kababalaghan.
o Adante o Banayad – ang himig na ginagamit sa pag-sasalaysay ng awit.
 Korido - Isang salaysay na may wawaluhing pantig na may taludtod hinggil sa pakikipag-ibigan at
pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
o Allegro o Mabilis – ang himig na ginagamit sa pag-sasalaysay ng korido.

 Gng. Pura Casterence - respetadong propesor ng literature na nagsabing maaring nang galing sa
Scala Celi (sinulat ng isang paring Dominikano) ang kuwento ng Ibong Adarna.

Ibong Adarna
Banghay:
Tungkol ito sa isang haring may-sakit na nangangailangan ng tubig ng buhay upang gumaling. Naglakbay-
dagat ang kanyang tatlong anak. Sa tatlong ito, ang bunso ang siyang mabait at magalang. Siya rin ang
nakakuha ng lunas sa loob ng isang palasyo sapagkat tinulungan ito ng isang matanda.

Dumaan ito sa maraming pagsubok sa pagkuha ng tubig ng buhay gaya ng makamandag na ahas, mga
dalagang nakaaakit, mga kawal na nagbabantay. Sa huli, napangasawa ng prinsipe ang prinsesa ng
palasyo.

Mga Mahahalagang Tauhan sa Kuwento:


 Ibong Adarna - Ang makapang-yarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa
Bundok Tabor. Tanging ang magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa mahiwagang
sakit ni Haring Fernando ng Kahariang Berbanya.
 Haring Fernando - Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang
karamdaman.
 Reyna Valeriana - Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego.
o Don Pedro - Ang panganay na anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang
umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
o Don Diego - Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya naman ang
sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang Ibong Adarna.
o Don Juan - Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang,
at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at
nakapagligtas sa kanyang dalawang kapatid.
 Matandang sugatan o Leproso - Ang mahiwagang matandang leproso o ketongin na humihingi ng
tulong at ng huling tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok Tabor. Siya rin ang nagsabi ng
mga bagay na dapat gawin ni Don Juan sa pagdating sa Bundok Tabor.
 Higante - Mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana. Nakatakas lamang si
Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan.
 Ermitanyo - Ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong
kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna.
 Matandang Lalaking uugod-ugod - Ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati
nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
 Donya Juana - Ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay
sa prinsesa na kinakailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.
 Donya Leonora - Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente.
Nang makilala siya ni Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga.
o Lobo - Ang alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya’y mahulog sa balon
dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kanyang baywang.
o Serpiyente - Isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora.
Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya
Leonora.
 Donya Maria Blanca - Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan
ang dalagang ito. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binate upang
malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni
Don Juan ang nagkatuluyan.
 Haring Salermo - Ang ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na
kinakailangang malagpasan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga.

You might also like