You are on page 1of 10

Auhan ng

Ibong Adarna
Ibong Adarna
@adarna

Ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng


Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor. Tanging ang
magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa
mahiwagang sakit ng hari ng Kahariang Berbanya.
Haring Fernando
@fernando

Ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon


ng malubhang karamdaman. Ama nina Don Pedro, Don
Diego at Don Juan.
Reyna Valeriana
@valeriana

Ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan, Don


Pedro, at Don Diego.
Don Pedro
@pedro

ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang
hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor.
Don Diego
@diego

Ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya
naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang
hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang
amang may malubhang karamdaman.
Don Juan
@juan

Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Makisig, matapang, at may mabuting kalooban.
Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok
Tabor at nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid.
Donya Leonora
@leonora

Ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag ng


isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay nahulog
din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga.
Donya Maria Blanca
@maria

Ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming taglay


na kapangyarihan. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don
Juan ay tinulungan niya ito upang malagpasan ang mga
pagsubok ng hari.
Haring Salermo
@salermo

Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming


pagsubok na kinakailangang malagpasan ni Don Juan
upang mahingi ang kamay ng dalaga.

You might also like