You are on page 1of 8

School: Balete Relocation Site Elementary School Grade Level IV

Teacher: Rose Ann R. Castillo Learning Area FILIPINO

GRADES 1 to 12 Date/ Martes , Setyembre 12, 2023 Unang


Quarter
DAILY LESSON Time: Markahan
LOG/PLAN

I. LAYUNIN
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at
A. Pamantayang
napakalawak ang talasalitaan.
Pangnilalaman
Nakabubuo ng sariling diksiyunaryo ng mga bagong salita mula sa mga
B. Pamantayan sa Pagganap binasa; naisasadula ang mga maaaring mangyari sa nabasang teksto.

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng


C. Mga Kasanayan sa nakalarawang balangkas.
Pagkatuto (F6PB-Ib-g-5.1) (PB)

D. Pinakamahalagang Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng


Kasanayan sa Pagkatuto balangkas
(MELC)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang
kasanayan sa pagkatuto o
MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)

Pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng


II. NILALAMAN
nakalawang balangkas at mga pamatnubay na mga tanong

III. KAGAMITAN PANTURO


K to 12 Basic Education Curriculum,Filipino,May 2016 pah. 118-119
A. Mga Sanggunian K to 12 MELC, G6 Q1, pah.127
PIVOT 4A BOW, pah. 56
a. Mga Pahina sa Gabay ng MELC Filipino G6 Q1,PIVOT BOW R4QUBE, K to 12 Basic Education
Guro Curriculum, pah. 118-119
Kagamitan ng Guro sa Filipino 6, pah. 20-31,Unang Markahan, Ikalawang
Linggo

b. Mga Pahina sa PIVOT 4A, Filipino 6, Unang Markahan, pah. 19-21


Kagamitang Pangmag- Pinagyamang Pluma; Wika at Pagbasa sa Elementarya 6,
aaral pah.21-22
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 6, pah. 26-41,
Unang Markahan, Ikalawang Linggo

Landas ng Pagbasa, pahina 122-128


c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B.Listahan ng mga Circle map, larawan na nakapowerpoint, audio ng kuwento/korido, internet
Kagamitang Panturo access at google meet access
Para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Ang Ibong Adarna
Pakikipagpalihan https://enm. Wikipedia.org.wiki

Ang Lobo at Ubas


https://m.pinoyedition.com
https://mga kuwentong tagalong.blogspot.com

Ang Kalabasa an gang Duhat


Ang Dalawang Magtrotroso At ang Engkantada
https://pinoycollection.com/maikling-kwento
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Magbalik Aral Muna Tayo

 Sa circle map sa unahan. Magbigay kayo ng mga halimbawa ng


salitang hiram. Gamitin ang mga ito sa pangungusap.

B. Pagpapaunlad  Pagbabaybay ng mga salita


Baybayin ang mga salita sa loob ng hawla na ipapakita ng guro sa
screen.

panaginip palasyo

Kaharian panganay

hawla
Pagpapayaman ng Talasalitaan

Piliin mula sa mga banga ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit
sa pangungusap.

Mabait hindi kinikilala ang may mabuting


ginawang kabutihan kalooban
sa kanya

masamang asal malungkot na malungkot

1. Ang mga taong may maitim na budhi ay laging nagbabalak ng


kasamaan para sa kapwa.

2.May butihing –loob talaga si Don Juan dahil hindi pa rin siya
nagalit sa dalawang kapatid.

3. Halos madurog ang puso ng ibong Adarna sa pagkaawa kay


Don Juan na binugbog at iginapos nina Don Pedro at Do
Diego

4. Ang mga taong may ginintuang puso ay lagging gumagawa ng


kabutihan sa kapwa.

5 Sina Don Pedro at Don Diego ay walang utang na loob at


ginantihan pa ng kasamaan ang ginawang pagliligtas sa kanila ni Don
Juan.

Pagganyak

AKTIBITI
Pag-Usapan Natin-Picture Ko!

 Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan


Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?
Nakikilala ba ninyo ang mga pangyayaring nasa larawan?

 Pagsunod-sunodin ang mga larawan batay sa pangyayari.


C. Pakikipagpalihan

Pagganyak na Tanong

Bakit nagalit ang hari sa dalawang anak at hinatulang mapiit at bawiin


ang lahat ng karapatan?
Paglalahad ng Konsepto

“Basahin at Unawain Natin”

“Ang Ibong Adarna”


Ni: Jose de la Cruz
Sa isang malayong kaharian ay namumuhay ang mag-asawang hari at
reyna at ang kanilang tatlong anak na prinsipe: si Don Pedro, ang
panganay;Si Don Diego, ang pangalawa; at si Don Juan, ang bunso.

Isang gabi, napanaginipan ng hari na ang kaniyang bunsong si Don


Juan ay pinatay ng dalawang masasamang tao. Ang panaginip na ito ay
labis na ikinabagabag at ikinalungkot ng hari. Bunga nito, hindi siya
makakain hanggang sa siya ay magkasakit at maratay.
Hindi matukoy ng naunang mga manggagamot na tumingin sa hari
kung ano ang sakit nito. Sa kabutihang palad, nakatagpo sila ng isang
manggagamot na batid kung ano ang karamdaman ng hari.

Sinabi nitong ang tanging lunas sa karamdaman ng hari ay ang awit ng


ibong Adarna.
Ayon sa nasabing manggagamot, ang ibong Adarna ay nakatira sa
Bundok ng Tabor, pitong bundok ang layo sa kaharian. Lubhang
mapanganib ang pumunta sa Bundok ng Tabor.
Inutusan ng hari ang panganay niyang anak na si Don Pedro na hanapin
at hulihin ang ibong Adarna. Sumunod naman si Don Pedro. Bagi niya
narrating ang Bundok ng Tabor, kinailangan niyang tumawid sa ilog na
malalim at mabilis ang agos. May isang matandang humingi ng tulong kay
Don Pedro upang makatawid. Ngunit nagalit si Don Pedro at itinulak pa ang
matanda.

Nang makatawid si Don Pedro at kakain nan g baon niyang pagkain,


naroroong muli ang matanda at humihingi ng pagkain. Nagalit muli si Don
Pedro at hin rin nagbigay sa matanda.
Nagpahinga si Don Pedro sa lilim ng isang puno na may pinilak na
dahon. Dumating ang ibong Adarna. Pitong ulit itong umawit at sa bawat
pag-awit ay nagbabago ito ng kulay.Nakatulog si Don Pedro. Nang dumumi
ang ibong Adarna, napatakan ng dumi si Don Pedro at agad itong naging
bato.

Sumunod na naghanap sa ibong Adarna si Don Diego. Nakita rin niya


ang matanda. Humingi rin ito sa kaniya ng tulong at pagkain ngunit ito’y
hindi niya tinulungan. At tulad din ni Don Pedro, nakatulog siya sa awit ng
ibong Adarna, napatakan ng dumi nito, at naging bato.
Nang hindi nakabalik ang mga kapatid niya, hiniling ni Don Juan sa ama
na pahintulutan siyang hanapin ang mahiwagang ibon, pati na rin ang
dalawang kapatid.

Sa kaniyang paglalakbay, nakita rin ni Don Juan ang matanda na


nagpipilit na tumawid sa ilog. Kaniya itong pinasan at itinawid. Hinatian niya
ito ng kaunting pagkaing baon niyaIpinagbilin ng matanda kay Don Juan na
roon tumuloy sa bahay ng ermitanyo.

Ang ermintanyong ito raw ang magtuturo sa kaniya ng dapat gawin


upang mahuli ang ibong Adarna. Narating ni Don Juan ang bahay ng
ermitanyo. Pinagbaon ng ermintanyo si Don Juan ng labaha at dayap at
sinabing tuwing await ang ibon, ay hihiwain ni Don Juan ang braso niya at
pipigaan ng dayap upang hindi siya makatulog. Ibinigay rin ng matanda ang
gintong sintas na ipantahi sa ibon.
Sinunod ni Don Juan ang lahat ng bilin ng ermitanyo. Nahuli niya ang
ibon. Dinala niya ito sa ermitanyo at inilagay ito ng huli sa hawla.
Pagkatapos, sa utos parin ng ermitanyo,sumalok siya ng tubig gamit ang
banga at ibinuhos ito sa dalawang bato sa ilalim ng punong dinadapuan ng
ibong Adarna. Laking gulat niya pagkat iyon pala ay sina Don Pedro at Don
Diego.

Natuwa ang magkakapatid at maiuuwi na nila ang ibong Adarna.


Subalit malaking inggit kay Don Juan ang nagingibabaw sa puso nina Don
Pedro at Don Diego na kapuwa maiitim ang budhi,pagkat si Don Juan ang
nakahuli ng ibong Adarna. Kaya’t isang gabi sa kanilang
paglalakbaypauwi,kanilang binugbog at iginapos si Don Juan at iniuwi ang
ibon.

Sinabi nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang ama at ina na sila ang
nakahuli sa ibong Adarna at hindi nakita si Don Juan..Pilit na pinaawit ang
ibon ngunit ayaw umawit nito at naging pangit pa ang anyo nito. Sinabi ng
hari na marahil ay hindi iton ang tunay na ibong Adarna pagkat hindi nito
katul;ad ang ibon na sinasabi ng manggagamot na ubod ng ganda at kay
tamis kung umawit at nakagagaling ng sakit.

Samantala, tinulungan ng isang matanda si Don Juan. Ginamot nito


ang kaniyang mga sugat at himalang nanumbalik ang kaniyang lakas.
Nagmamadaling bumalik sa palasyo si Don Juan. Biglang nagbago
ang anyo ng ibonng Adarna. Muling gumanda ang balahibo nito at
nagsimula na itong umawit, Isinalaysay nito sa kaniyang awit ang lahat ng
pangyayari,kabilang na kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego.
Sa kanilang bunsong kapatid. Sinabi ng ibon na halos madurog ang puso
nito dahil sa kalupitang dinanas ni Don Juan.

Galit nag alit ang hari sa dalawang anak at hinayulan niya ang mga ito
na mapiit at bawian ng mga karapatan. Subalit namagitan ssi Don Juan.
Dahil sa likas na mapagpatawad at may butuhing loob, siya pa ang
humiling sa ama na patawarin na ang dalawang kapatid. Siya raw naman
ay buhay at malakas. Sinunod ng ama ang hiling ng kaniyang bunso.
Pinabalik nito sina Don Pedro at Don Diego
sa palasyo.

Gumaling ang hari sa kaniyang karamdaman. Mula noon ay nanatili na


ang ibong Adarna sa palsyo. Ang araw-araw nitong pag-awit ay naghatid
ng ligaya at kapayapaan sa lahat.

Analisis
Pag aanalisa sa narinig na kuwento/kurido.

Ibibigay ng mga mag-aaral ang pangunahing kaisipan at mga


sumusuportang mga detalye sa kuwento gamit ang balangkas na nasa
ibaba.

.
C. Paglalapat Panuto: Basahin ang kuwento at pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa
tulong ng nakalarawang bal-angkas. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
Si Marang Mapangarapin
Si Mara ay isang magandang dalaga sa bayan ng Lucena. Masipag,
masayahin at matalino rin siya. Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang
dalaga, kaya lang sobra siyang mapangarapin. Umaga o tanghali man ay
nangangarap siya, lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa
tawag na Marang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Mara bagkus pa ay
ikinatuwa niya ang bansag na binigay sa kanya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata mula sa bayan ng Sariaya.
Isang dosenang manok, tuwang-tuwa si Mara! Inalagaan niyang mabuti
ang alagang bigay sa kanya ng nag-iisang manliligaw niya.
Pamagat Una
Ikalawa
Ikatlo
Ikaapat
Ikalima

Paglalahat sa Aralin
D. Paglalahat
Paano maisasagawa ang mapanuring na pagbasa upang malaman
at maunawaan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento?

TANDAAN NATIN
Ang paggawa ng balangkas ay mahalagang matukoy ang
pangunahing
kaisipan ng may akda at ang mga detalyeng sumusuporta rito para sa
paggawa ng isang balangkas.
May iba’t ibang uri ng balangkas tulad ng balangkas na papaksa,
paparirala at papangungusap.
Ang papaksang balangkas ay ang pangunahing kaisipan at ang
sumusuportang mga detalye ang nakalahad nang papaksa.
Ang papaksang balangkas ay maaaring gawing papangungusap
na balangkas.
D. Paglalapat
Ano ang aking natutunan sa aralin?
Ano ang hindi pa gaanong malinaw sa akin?
Ano pa ang nais kong malaman tungkol sa aralin?
Pangunahing Kaisipan: Ang Ibong Adarna
E. Pagtataya Mga Sumusuportang Detalye:

1. ___Sinunod ni Don Juan ang payo ng ermitaryo at nahuli


niya ang ibong Adarna at nailigtas ang dalawang
kapatid.
2. ___Kailangang hanapin ang ibong Adarna na siyang lunas
sa sakit ng hari.
3. ___ Hinanap din ni Don Diego ang ibon at siya’y naging
bato rin.
4. ___ Naglakbay ng pitong bundok si Don Pedro upang
hulihin ang ibong Adarna, ngunit siya’y napatakan ng
dumi ng ibon at naging bato.
5. ___ Gumaling ang sakit ng hari at naging payapa at
maligayang muli ang kaharian.
6. ___ Dumating si Don Juan sa palasyo. Biglang umawit ang
ibong Adarna at sinabi ang buong pangyayari, kaya’t
galit nag alit ang hari at hinatulang ipatapon sa
kulungan ang dalawang prinsipe.
7. ___ Hiniling ni Don Juan sa ama na patawarin sina Don
Pedro at Don Diego.
8. ___ Binugbog at iginapos si Don Juan ng kaniyang
dalawang kapatid at iniuwi ng mga ito ang ibong
Adarna, ngunit ayaw nitong umawit.

V. Takdang Aralin Maghanap ng isang kuwento sa mga batayang aklat, Pagsunod-sunudin


ang mga pangyayari sa pamamagitan ng paggawa ng balangkas.

Naunawaan ko na
VI. Pagninilay ________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Nabatid ko na
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

________________________________________________________

You might also like