You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

IKA 09 NG HUNYO 2023

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng akda
b. Nakikilala ang tauhan sa akda batay sa katangiang ipinamalas ng tauhan
(F7PB-IVg-h-23)

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Ibong Adarna “Pakikipagsapalaran ni Don Juan

“Matiba’y ang paniwala di hamak


magpakababa, pag matapat ka sa
nasa umaamo ang biyaya.”

SANGGUNIAN
Competency Based Curriculum, Pluma 7. pahina 283-286
KAGAMITAN
Larawan, Kagamitang Biswal, Laptop, Pangkulay at Kartolina

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
a. Panalangin (Video)
b. Pagtsek ng atendans (by the class beadle)
c. Pagseset ng Classroom at IATF Rules para sa umiiral na pandemya

B. BALIK- ARAL
Mayroon akong inihandang mga larawan dito, at inyong pagsunod-sunurin ang bawat
pangyayari at ipaliwanag ang bawat isa.

(For those students who are nearsighted, please transfer sa unahang upuan so that you can see the
visual aid.) (Balhin kamo sa prente nga lingkuranan if diri mo kakalaro.)

 Naging matagumpay ba ang dalawang prinsipe sa kanilang paglalakbay?


 Nakuha ba nila ang kanilang pakay?

C. PAGGANYAK
Lahat ng tatawagin ko ay pumunta rito sa harapan. Kunin ninyo ang mga korona at
suotin ninyo. Bumuo kayo ng apat na grupo batay sa kulay ng koronang nakuha.
Pumalakpak kayo na parang mga prinsipe at prinsesa kapag nabuo na ninyo ang inyong
grupo.
 Pagpaparinig sa awiting pinamagatang “Ugoy ng Duyan”

 Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mensahe ng awitin?


 Ano ang inyong nararamdaman matapos ninyo mapakinggan ang kanta?
 Ano naman ang kaya mong gawin bilang isang anak para sa iyong magulang?
 Ano ang mga bagay na nagawa muna para sa iyong magulang?
(Sa mga tapos ng sumagot bigyan naman natin ng pagkakataon ang hindi pa naka sagot na kasapi sa
inyong grupo upang bawat isa ay makakatangap ng premyo.)
D. PAGLALAHAD
1. GAWAIN
 Pagpapanood sa mga mag-aaral hinggil sa bahagi ng ibong
adarna”Pakikipagsapalaran ni Don Juan”
 Pagpapabasa sa mga piling saknong na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ni
Don Juan

2. PAGSUSURI
 Inutusan ba ng hari si Don Juan upang maglakbay?
 Bakit hindi siya inutusan?
 Ano ngayon ang ginawa ni Don Juan ng hindi siya inutusan ng hari?
 Pumayag ba ang hari?
 Ano ang hinigi ni Don Juan sa kanyang ama?

3. PAGHAHALAW
 Gumamit ba ng kabayo si Don Juan sa kanyang paglalakbay? Bakit hindi siya
nagdala?
 Ano naman ang ginagawa ni Don Juan bago siya kumain?
 Ilarawan nga ang matandang sugatan.
 Sa palagay ninyo anong magandang katangian ni Don Juan ang Nakita natin sa
kanyang ginawa?
 Katulad nina Don Pedro at Don Diego, namangha rin ba si Don Juan sa puno ng
Piedras Platas?
 Anong magandang katangian ng isang tao ang makikita sa saknong na binasa?

4. PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:
Bawat grupo ay may kani-kaniyang gawain na angkop sa inyong mabisang
pagkatuto. Ilabas ang inyong mga pangkulay at kartolina. Gawin ito sa loob ng
tatlong minuto. Kapag tumunog na ang bomba ibig sabihin ay tapos na nag inyong
takdang oras at maghanda para ibahagi ito sa klase. Inaasahan ko na ang bawat
grupo ay matatapos at may maipapakitang output ng gawaing naitalaga sa bawat
grupo. Narito ang rubriks sa inyong gagawin.

KRAYTIRYA PUNTOS
PAGKAMALIKHAIN 5
KAANGKUPAN SA PAKSA 5
NILALAMAN 10
KABUUAN 20

Unang Grupo: Gumuhit ng isang simbolo sa bawat tauhan sa katangiang ipinamalas


nito sa aralin (Don Pedro, Don Diego, at Don Juan) at ilagay kung bakit ninyo napili
ang simbolo.
TAUHAN SIMBOLO DAHILAN
Don Pedro
Don Diego
Don Juan

Ikalawang Grupo: Gumawa ng akrostik sa akronim na PAG-IBIG na ipinamalas ni Don


Juan para sa kanyang ama.
P
A
G
I
B
I
G
Ikatlong Grupo: Paghambingin ang paglalakbay ng tatlong magkakapatid sa
pamamagitan ng Venn Diagram.

Ikaapat na Grupo: Magbigay ng kabutihan at di kabutihang dulot ng inggit gamit ang


fishbone map.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Kilalanin ang tauhan sa akda batay sa katangiang ipinamalas ng tauhan at
Tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng akda. Isulat sa isang buong
papel.

1. Sino ang unang prinsipe na inutusan ni Haring Fernando na hulihin ang Ibong
Adarna?
2. Ilang buwan nilakbay ni Don Pedro at Don Diego ang bundok na pinaglalagian ng
ibong Adarna?
3. Anong pangalan ng punong kahoy ang pinagdadapuan ng Ibong Adarna? Ilarwan ang
puno.
4. Sa matagal na di pagdating nina Don Pedro at Don Diego, ano ang naging damdamin
ni Don Juan? Bakit?
5. Bakit ganoon nalamang ang pagtutol ng hari sa pagsunod ni Don Juan sa mga
kapatid?

V. TAKDANG ARALIN
Sakripisyo at Tagumpay
 May kaugnayan ba ang dalawang salita?

(Maaaring mag tanong sa magulang, guro, kapitbahay, mga trabahante, at iba pa)

You might also like